Lumaktaw sa pangunahing content

..walong palakaibigang adik...

warning: medyo mahaba po ang entry na ito....magkagayunman...pakibasa naman po..parang awa nyo na... aheks...

inyo pong ipagpaumanhin ang hindi ko masyadong paglilibot sa inyong mga blogs...sobrang naging busy po ako sa trabaho at sa mga ilang bagay at gawain na dapat kong gampanan para sa aming kinabukasan...babawi po ako susunod... ^_^

ito na po ang "walong palakaibigang adik"...

~~~***~~~
The 8 Tag
simple lamang po ang tag/award na ito..kailangan lamang maglista ng mga 8 bagay katulad ng ginawa ko po sa baba... hindi po ako ang orihinal na may gawa nito...ito po ay mula kay Kaye ng RandomWAMH Thoughts...salamat po...ngunit sa kasamaang palad, wala pong ginawang logo para dito...kaya pinakialaman at pinangunahan ko na...

8 Things I'm Looking Forward To:
  1. ...syempre anu pa nga ba ang una? ang makasama ang grasya...
  2. ...wedding...wag po mag-alala grasya, mag-iipon na po ako...
  3. ...babies! ...kaya grasya umuwi ka na... ahahahaha...
  4. ...summer outing...saan kaya yun?
  5. ...salary increase...sir parang awa nyo na!
  6. ..google payout...naka-quota na ako...may pang-tuition na aking stupident....ahehehe...
  7. ... birthday ko...Mayo na eh...pwede nyo na akong batiin, pero wag lang kalimutan ang gifts...
  8. ...makapaghanap ng sidekick nila SuperG at WonderG...at tatawagin ko syang Super Sapaw...saan ko kaya sya makikita.... ahehehe...

8 Things I Did Yesterday.
  1. ...nag-computer...
  2. ...nag-blog hop, nagbasa lang pero hindi nakigulo o nagkomento...
  3. ...nag-update ng mga episodes sa narutomaxx.net
  4. ... kumain ng sobrang dami...
  5. ...pinaganda ang aking desktop...nilagyan ng window blinds at marami pang-pabagal ng computer...ahahahaha...di bale ng mabagal...maganda naman tignan..ahahaha...
  6. ...tumawag kay Grasya...sa wakas nauna din akong tumawag, lagi nya kasi akong nuunahan...
  7. ...nagtext kay grasya gamit ang libreng text ng wadja.com
  8. ...umuwi sa bahay nanuod ng "may bukas pa" at na-inspire kay Santino...^_^

8 Things I Wish I Could Do.
  1. ...lumipad papunta sa dubai...
  2. ...mabawasan ang labis na pagiging mapagmahal sa pagkain...
  3. ... bumalik muli sa paaralan at mag-aral muli...
  4. ... makagawa ng libro na masasabi kong akin...
  5. ...makalikha ng isang bagong disiplina sa matematika na wala pang nakakaisip kundi ako lamang..
  6. ...matutuhan ang kagebunshin ni naruto..
  7. ...mahulaan ang mga numerong mananalo sa lotto...
  8. ...matulungan si pareng Obama sa problema sa Amerika...:D

8 Shows I Watch
  1. Slumdog Millionnaire...maganda ito....nandito ang realidad ng buhay...
  2. The Number 23...malupit din ang kwento nito...kwento ito ng taong pinag-hinalaan ang number 23.
  3. X-Men Origins: Wolverine... hindi ko alam kung matutuwa kayo sa movie na ito...mukha kasing minadali ang pagkakagawa o hindi pa yata ito tapos...kita-kita pa kasi ang mga harness na ginamit..pati yung mga computer graphics hindi pa ganun kaayos...super fake ang effects nito...
  4. ppssstt.... este..T2...maganda din ito..astig ang mga effects..pati ang story...isama ko na din ang mga artista na hindi mo inaakala na kasama sila... ahehehe...^_^
  5. Friday the 13th...as usual patayan ito...mahusay talaga si Jason buhay pa din... ahehehe...
  6. Saw V...buhay pa din si Jigsaw...at meron na syang apprentice...sama tayo sa kanyang mga paniniwala...ahahaha...
  7. Naruto Shippuuden Movie 2: Kizuna (Bonds).. bagong labas pa ito..wala pa syang subtitle...kawawa naman ako hindi ko sya naintindihan...
  8. Wanted: Pamilya Banal... the best..ahehehe..ibang klase talaga si FPJ...ahehehe...

8 People I Tag.
  1. LordCM of Dungeon
  2. Dylan of Bottomless Coffee
  3. Tsariba of lipad kuto, lipad
  4. Enjoy of Life Is A Piece Of Keyk
  5. Deth of MindDeth
  6. Kosa of Trip Ni Kosa
  7. Kox of kornchops
  8. Amor of DarkRoom
ayun natapos din...mejo dumugo ilong ko kakaisip...ahehehe..
~~~***~~~

Blogger Friendship Award 2009

Ang award pong ito ay mula kay Rhodey ng Kape at Yosi...salamat parekoy...
  1. Place the logo / banner on your blog.
  2. Add a link to the blog who gave the award.
  3. Nominate at least 7 other blogs. (It says at least! If you've got more friends, go ahead)
  4. Add links to the blogs that you have nominated.
  5. Let them know by leaving a message (shout) on their blogs.
at sa kadahilanang pwede pa lang sumobra sa pagbibigaya...ipapasa ko ito sa lahat ng nasa blogroll ko...kunin nyo po ito, parang awa nyo na...wag nyo na pong hintayin na ilista ko kayo lahat dito... juks... ahehehe...hindi po ito compulsory ha...kung trip nyo kuha lang ng kuha...salamat.. :)

~~~***~~~
ang tag award na ito ay mula kay parekoy LordCM of Dungeon ...maraming salamat parekoy...katulad ng naipangako ko...weekend ko na ito gagawin...at dahil weekend na...eto na sya...yahooo...

wala naman consequence ang award na ito..maliban sa pagiging adik... gusto ko sna itong i-award sa inyong lahat... pero para maiba naman ang takbo...itatago ko muna ito at hindi ipapasa..bleeehh... pero kung gusto mong kunin..bahala ka...wala naman itong sumpa.. ahehehe... ^_^


[Edit]: at dahil nagtatanong si mommy kaye sa itsura ng aking desktop...ito na po sya... tayo na pong mahalina sa alindog ni Jang Nara.. ahehehe....ganda... ^_^





Mga Komento

  1. Huhmn... Bakit kaya '8'? Swerte ba ang bilang na ito?

    Talagang nanonood ka pala ng mga pelikula, Supergulaman.

    TumugonBurahin
  2. uunga bkit 8 parang otso otso hehehe....

    salamat pala sa award na blogger friendship award kinuha ko na habang mainit pa hehehe...

    ave a good weekend super g!!!
    regards to ur wifey hehe

    ^_^

    TumugonBurahin
  3. ahik....otso otso...

    makakasama mo rin si grasya....

    TumugonBurahin
  4. parekoy!

    FYI,
    yung x-men origins:wolverine... sad to say, rough copy pa lang yan na napanood natin which is nanakaw daw sa U.S. and naipalabas... ganda sana kaso nga kita mo yung pagkakagawa, para ng nawala tuloy yung excitement ano??

    pero malamang, di na yan mapalabas kac nga nawala yung originals and nasa market na agad...

    TumugonBurahin
  5. Putek!!!Pinahirapan mo ako dun ah...tapos na :D...

    Salamat pre at meron na nman akong bagong entry lolzz

    TumugonBurahin
  6. ako din SuperG tapos na...ayan ah hindi ako natulog hangga't di ko nagagawa yung tag mo perstaym ko ma-tag e...hehehe.

    TumugonBurahin
  7. i started to hear wedding bells... hehehehe!

    congrats sa mga awards SuperG...

    TumugonBurahin
  8. @RJ
    wow dok...musta na? kelan ka balik?
    ahehehe...ayan makakapag-ikot na ako...yahoo... ;)

    @♥ K.i.i.k.a.Y ♥
    ahehehe..ang totoo nyan hindi ko din alam bakit 8 yan... ahehehe...weepeee...salamat po sa pagkuha ng award.. ;)

    @poging (ilo)CANO
    uu nga parekoy...wish ko na tlaga yan... :)

    @an_indecent_mind
    ahehehe...nag-leak kasi agad...ayan tuloy...ahehehe...

    @Lord CM
    ahehehe..salamat parekoy...ayan makaka-ikot na ako uli.... :)

    @huwaw..salamat po ng madami...ahehehe..pasyal ako mamaya... ;)

    @A-Z-E-L
    salamat ng madami..sana nga... weepeee... (*xcited*)...^_^

    TumugonBurahin
  9. ayyy..sad naman ako kay wolverine, parang ayaw ko na syang panoorin..hmmnnnn

    kaya siguro 8, dahil idol nya si bayani agbayani..tayo ay mag otso otso.otso otso..otso otso nahh..hehehhehe

    nakkkssss...happy family na yan ahhhh...sige sige,,,mag-ipon ng marami..kasi invited buong blogosperyo..hehehhe

    TumugonBurahin
  10. Nyak!

    TAG NA NAMAN!!!

    Mga adik tong mga 'to woh!!!
    Pero mukhang kwela naman.. ahahaha!

    Fave number ko ang 8.. infinity daw kasi ang meaning ng munber na to.. nasabi ko na ata 'to sa'yo..

    TumugonBurahin
  11. ayun oh! at na-tag na naman pala ako ng adik, este ng friendly superhero ng bayan. o sya, sya... kunin ko na ang tag mo (kung gusto mo nga gawin ko pang 10 eh.. toinks!) at pati na rin ang iyong friendship award. pero itatago ko din muna at nangangamote pa ang kukote ko sa paggawa ng entry ngayon. hehehe!

    napanood mo na pala ang wolverine... ngaun pa lang kasi showing dito yun eh. yan tuloy, parang ayoko nang panoorin at baka masayang lang ang bayad ko. mahal pa naman sine dito. :D

    uy, pede ba pagpunta mo sa dubai, padalhan mo ko ng buhangin dito? di pa ko nakakakita ng buhangin sa disyerto eh. nu ba yun? ahaha!

    HAPPIE BIRTHDAY SUPERG!

    yipeee! una na kong bumati. walang May pero nag-greet na ko. excited! wohoo! :D

    TumugonBurahin
  12. @Jez
    aheks...sna sana...pero kung papautangin mo ako..ayuz na ayuz yun...juks... ahahaha...

    @greiz ^-^
    huwaw! gustong gusto ko tlaga ang name mo... aheks...kapareho ng aking grasya...muntik na kayo magkapareho kung kung panu isulat ang name..sa kanya kasi... "ghreiz"...i lab it... :)

    @Dylan Dimaubusan
    ahehehe...ayuz nmn yan 8 na yan... aheks...ako din gusto ko ng 8 close kasi sya sa 7...:D

    balik na itong blog na ito sa regular programming...ahehehe... :)

    @ENJOY
    huwaw! salamnat sa pagkuha.... aheks...cge papadalhan kita pagnakapunta na ako dun...weepeeee...

    ibang klase ikaw ang kauna-unahang bumati sa akin... salamat... weeepeee... :)

    TumugonBurahin
  13. parekoy... busy busy ba?
    lols pareo tayu ahhhh...

    pero dahil adik-adik pa ko, hindi ako makatiis na hindi pumasyal dito sa kinakukutaan mo..lols

    walong walo-walo ahhh
    astig...

    awwww.. kasali pala ako sa mga na-tag mo.. sige papasadahan ko to mamaya.. o baka bukas na... basta papasadahan ko to..lols

    kitakits

    TumugonBurahin
  14. oh, patingin naman ng screenshot ng desktop mo :D

    TumugonBurahin
  15. Ahahaha!

    Ang dami mo ngang pampabagal ng desktop.. Ganyan din yung sa laptop dito. may mga gadgets pa..nyaha! Hang sexy nun ah!

    PAti award ang dami!!!

    Wag naman sanang putaktehin ang blog mo ng puro tag at award..

    TumugonBurahin
  16. OO pare kagagawan mo ang lahat ng iyan..dahil syo pinagiisip mo mga tao..hehehehe!

    TumugonBurahin
  17. ahahaha, ang lulupit naman ng 8 things you wish you could do.. kung ako si ginie in the bottle, pinagbigyan ko na ung number 1.. lols..

    swerte tlga ang number 8.. sabi na nga ba eh..

    TumugonBurahin
  18. @KOSA
    aheks...uu nga kosa eh..mejo busy.. pero ayuz na ayuz pa din..cge parekoy..salamat... :)

    @kAyE
    aheks...mommy kaye..ito n po sya...weepee...

    @Bino
    ahehehe...maganda nga di ba..kaso mabagal naman... ahahaha...

    @Dylan
    uu seksi nga yan si jang nara...gusto ko din yun mukha nya...macute... aheks...

    aheks...balik regular programming nmn na ako... aheks...pero ang next entry ko ay iniisip ko pa din hanggang ngayon...ahahaha... ;)

    @Crisiboy
    ahehehe...ayuz lang yan...ako din nag-isip eh... ahahaha...

    @Aisa
    weepeee...ito pla si inlab na izza...aheks...sana nga pagbigayn ako ni genie... pero baka sa hirap ng mga hiling ko...mapilitan na lang syng bumalik sa bote... ahahaha...

    TumugonBurahin
  19. OMG! ako ba yung nasa desktop mo?!?!? nyahaha! jowk! ang ganda naman niya para maging ako. sing-seksi ko pwede pa! ahahaha!

    shete! adik nga yata ako... hikhikhik!

    TumugonBurahin
  20. @enjoy
    ahehehe...uu nga mejo sing seksi mo sya...kaso nawala na sa page mo yung pose mo na prang ganyan... ahehehe...

    the best yan si jang nara...pero mas the best pa din ang Grasya ko sa lahat.... :)

    TumugonBurahin
  21. ay. naks. love mo talaga si ako. eheks. buti naman nipakita mo desktop mo. bat nakatalikod? sana nakahubad. wahahaha! desktop ko mukang tae. puro puti. hahaha! eto: wahmaholic.com.

    :D

    TumugonBurahin
  22. waaaaah... ganda ng desktop mo.. pwede ko bang ipost ito sa blog entry kong ito?? ..
    Meet My Desktop

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k...