Lumaktaw sa pangunahing content

...Cory Aquino dies...

...sa aking pagbabalik, public service po muna tayo... ang ating magiting na dating pangulong Corazon Aquino ay sumakabilang buhay na kaninang madaling araw ng Sabado sa ganap na 3:18am sa Makati Medical Center. Ang nasabing ulat ay kinompirama mismo ng kanyang anak na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III.

...si Gng. Aquino ay namatay sa edad na pitumpu't anim (76 years old) ...mula sa komplikasyon ng colon cancer, ang nasabing Gng ay pumanaw sa cardio respiratory arrest... sa paglisan ng dating pangulong Corazon Aquino hindi pa rin matatawaran ang kanyang mga nagawa sa bayan...hindi lamang pamumuno sa Edsa People Power noong 1986 kundi sa pagiging mabuting pangulo sa mga nakalipas na panahon...




Reference: Balita mula sa BBC News

Mga Komento

  1. Nagbabalik din ako dito lolzz

    Nawala na naman ang isang taong minsang nagbigay ng kalayaan sa Pinas...Sila nga ba ang dapat na mawala?

    TumugonBurahin
  2. nakakalungkot,pero ang mga bagay nangyayari ng may rason..

    TumugonBurahin
  3. "Eternal rest grant unto her, O Lord, and let perpetual light shine upon her."

    Condolences to Filipino people...

    TumugonBurahin
  4. May she rest in peace, tapos na ang misyon na sa ating mundo...

    TumugonBurahin
  5. RIP Lola Cory@!

    :) salamat!

    TumugonBurahin
  6. Mahirap kalimutan ang isang Cory Aquino,lalo't marami ring kabutihang nagawa sating bayan, saken personally...malaki ang naitulong nya ng pumanaw ang aking ama.

    minsan....diba dimo maiiwasan maitanong sayong sarili na....BAKIT KUNG SINO PA ANG MABUTI SYA PA ANG NAUUNA? marami naman dyan diba????he!he!

    TumugonBurahin
  7. nagbalik akow muna hahaha, haayz parekoyness condolence nalang sa family aquino, sadyang ganyan talaga ang buhay,minsan buhay tayow minsan mamamaalam na. Pero yung pinakamahalagang bagay na iniwan satin ni tita cory eh yung dasal para sa isat isa at dasal para sa ating bansa.

    TumugonBurahin
  8. sg!musta?napakatagal kong di nakadalaw dito..pacencia naman po..

    TumugonBurahin
  9. A true woman of substance. She united the Filipinos until her death (IMO). Thanks for sharing your life.

    TumugonBurahin
  10. No one will ever forget her... I did not witness everything she did but it's enough to know that we are free today because of her. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...