Lumaktaw sa pangunahing content

...higante...


"there is a giant within you" -- Dr. Normita Villa

matagal na din ang panahon ang nakakalipas ng aking maging propesor si Dr. Villa...siguro mahigit sa limang taon na din...noong mga panahong iyon isa syang bise-presidente ng aming unibersidad kung kaya naging abala sya sa ilang mga bagay... ang totoo nyan hindi niya kami tinuruan... oo tama! hindi nya kami tinuruan ngunit sa lahat ng mga propesor at mga duktor na nagbahagi ng kaalaman, kay Dr. Villa kami maraming natutuhan... weird?

"mathematics of investment" ang nakatokang disiplina na dapat ibabahagi sa amin ni Dr. Villa... ngunit umpisa pa lamang ng klase sinabi nya na hindi sya magtuturo...ang sabi nya magiging gabay lamang namin sya upang gisinging ang natutulog na higante sa aking pagkatao...sa aming pagkatao..."higante sa aking pagkatao?" ... napapangiti talaga ako sa mga sinabi nya...noon pa man isa na pala akong Jinjuruuki (*alam mo ito kung fan ka ni naruto*)... hindi ko nga lang kung ilang tails meron ang bijuu na nasa loob ng aking katawan...ahahaha... pero ang totoo nyan hindi iyon ang tinutukoy ng aming propesor.... kundi ang aming itinatagong galing na matagal ng nakahimlay sa aming pagkatao...galing na hindi mo aakalaing kayang-kaya mo... bilang mag-aaral sa kursong "BS Mathematics" , pinatunayan ni Dr. Villa na kaya naming matuto na hindi umaasa sa kanya...

....ayon sa kanya, ang mga aklat ay nagbibigay ng kaalaman ngunit hindi ng karunungan kagaya ng mga sa pantas... maaari ngang matuto ka sa mga aklat ngunit ang tunay na dunong ay nasa ating pagkatao noon pa man...naghihintay lamang magising sa takdang panahon at pagkakataon kung saan handa itong tanggapin ng iyong katawan, puso at isipan... tunay ngang isa lamang akong "ordinary student"...pangkaraniwang mag-aaral na uhaw sa kaalaman... ngunit darating din ang pagkakataon sa isang pagbabago, ang pagiging "extraordinary student"... paano? ano nga lang ba ang kulang sa "ordinary student" para maging "extraordinary student"? di ba "extra" lang... extra effort, extra focus, extra time, extra tiyaga, extra pagsisikap... mga maliliit na bagay at pagkakataon na maaari mong idagdag sa iyong ordinaryong gawi...at sapat ang mga iyon upang maging "extraordinary" ...

...may halaga ang mga maliliit na pagsisikap...lalo na kung ito ay mula sa puso at may pinag-aalayan...







Mga Komento

  1. Mathematics of Investment - nakakalito.. mabusisi... kelangan ng matinding analysis... kelangan ng focus... kelangang isa-puso upang maging mas madali ang lahat...

    tama ang professor mo... kailangan ng extra power...

    lahat ay may angking talino na noon pa man, nasa tao un kung lilinangin nya ito at ididiscover sa sarili nya o kung hahayaan nyang matulog ang talinong ito sa kukote nya...

    TumugonBurahin
  2. tama nga!
    ung phrase sa unahan, yun din ang sinabi sa amin nung time na grumadweyt kami sa kolehiyo:D

    TumugonBurahin
  3. Corrected by,kya dapt para makuha ang lhat ng yan kelangan my extra baon din hehehe..

    TumugonBurahin
  4. Ayos! 'Extra' lang pala ang kailangan...

    TumugonBurahin
  5. @A-Z-E-L
    yup yup..tama... pero meron lang tlagang mga taong sadyang late bloomer...kala nila wala silang galing pero...naghihitay lng iyon na magising... ;)

    @batang narS
    hindi kaya siya din ang nagsabi sa inyo nyan... ahek... ;)

    @SEAQUEST
    ahahaha...tama ka jan..extra baon para mas lalong sumipag... ahahah... ;)

    @geek
    point nga...dapat i-graph... hahaha

    @Doc RJ
    tama dok..extra lng... :)

    TumugonBurahin
  6. ang galing ng prof mu. haha.. magamit ngang shout out sa friendster yung sinabi nya, haha.. :) yung sakin kaya ilang buntot? haha.. meron din kaya akong higante? hahaha..

    kelangan ko na siguro mag sipag. kelangan ko ng mga extra, extra baon, extra gimik, at kung anu ano pa..

    i miss you supie.. haha :) nainspire ako dong sa post nimo! hahaha :))

    TumugonBurahin
  7. sapul na sapul parekoy!

    isang malaking katotohanan yan!
    tama si propesor...
    narinig ko na rin yata yan nuong nag-aaral pa ako pero ngayun ko lang din naalala..

    yun pala ang sikreto ng pagiging super?
    extra. isama mo na rin yung extra rice! extra tulog... extra baon..atbp.

    TumugonBurahin
  8. @kox
    aheks....meron ka din nyan for sure...mga jinjuruuki tayo... ahehehe...bakit may extra gimik, extra baon pwede pa.... ahahaha...

    aheks...mejo busy busy lang ako...pero balik balik nmn ako... ;)

    @Kosa
    maganda yan kosa..extra rice... ahahaha... nagutom ata ako...kain muna... aheks... ;)

    TumugonBurahin
  9. sana nakasalamuha ko din yang prof mo.. ang daming tama dun sa mga sinabi mo eh, kelangan pa talaga ng mga ordinary students ang mga "extra" na yan.. lalo na yung exta effort

    TumugonBurahin
  10. Wow! GUsto ko ng mga ganyang propesor.. Nakaka encourage sila..
    And speaking of NAruto, nakakita ako ng NAruto Manga books dito, sale! £1 lang isa. Hindi ko lang alam kung ilang chapter yun sa isang libro pero ang kapal.. Nyahahaha! Gusto ko ngang gawing collection kaso hindi naman kumpleto. Shippuden hanap ko.

    Going back to Dr. Villa... Bihira lang mga ganyang teacher, yung pinaparelaize sa'yo yung totoong kakayahan mo. Sana dumami katulad nya at ng ilang nakilala ko na tulad nya.

    They know how to sharpen people's potentials and abilities.

    TumugonBurahin
  11. Tama. I am a giant now. And getting bigger. :)

    TumugonBurahin
  12. @kheed
    yup yup...tama... pero magkagayunman at kahit hindi mo sya nakasalamuha...nasa atin pa rin kung pano natin gawin ang mga "extra" na yan...galingan na lgn natin...ayt!.... ;)

    @dylan dimaubusan
    ahehehe...uu nga bihira lang yun mga ganun mga teacher... pero sa totoo lang, bawat prof dun may mga trademark na sinasabi...lahat encouraging...pero yung sinabi ni Dr. Villa ang the best...

    sana meron din sa pinas nyan...bibilin ko yan...pwede din bilhin mo pra pag-uwi mo yan na lng pasalubong mo sa akin....nyahahaha... :)

    @ACRYLIQUE
    huwaw! nag-cheriffer ka no? :D

    TumugonBurahin
  13. "there is a giant within you"

    sinabi rin sakin yun eh.
    di ko lang matandaan kung sino, kailan at saan.

    TumugonBurahin
  14. naniniwala akong lahat ng nilalang ay may innate talents. gaano man ito kaliit o kalaki, may significance ito sa ating buhay, sadyang ibinigay nung nasa Itaas with purpose. kulang lang talaga tyo sa tiyaga at paniniwala sa sarili para i-explore ito. tama ka na kailangan nating magbaon palagi ng "extra" :)

    TumugonBurahin
  15. ay eyeloveit.. unang punta ko plng dito pero naelib ako hehe.. ang cool ng prof mo pwedeng pwedeng ipang shoutout sa fs ung sinabi niya.

    TumugonBurahin
  16. wow..sana lahat ng prof katulad ni Dr. Villa..ang galing!speechless ako,thumbs up!^_^

    TumugonBurahin
  17. ang sarap ngang isipin naging guro lalo at masaya sa klase..
    Ako ay isa ng muslim dahil sa kagustuhan kong maging asawa ang dalawang blogger na kilala mo. Nakapagsulat pa ako ng tula para sa kanilang dalawa at iyon ang new post ko..hope u read it..

    TumugonBurahin
  18. @jeszieBoy
    ahehehe...naku...parang inde cheriffer need mo...need mo ng memo plus...aheks..juks... baka sya din nagsabi sau nun... :)

    @enjoy
    yeah...yeah...extra baon o baon ng extra?...pareho na lgn siguro.. :D

    @ELAY
    aha...baka ikaw naman si ellah ni Mr Fu ng Energy... ahehehe...wag mo paduduguin ilong ko ha?...aheks... :D

    @superjaid
    aheks...uu the best yun...kung sa reliability nya magturo..at sa mga credentials nya mas lalong ma-speechless ka... :D

    @Arvin U. de la Peña
    may ganun..ahehehe...muslim talaga..inde ako pwede dun..yari ako sa grasya ko...isa lng din nmn ang gusto ko..sya lng... ;)

    TumugonBurahin
  19. Huhuhuh. Ayaw ko ng math.. Pero gusto ko ng pera... hehehe.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...