Lumaktaw sa pangunahing content

...mapalad ka!... ikaw, ako, tayo!...

gaano ka katatag? ...katatag sa pagharap ng mga pagsubok sa buhay?

..totoong minsan nakakaramdam tayo ng panghihina...pagdurog ng ating mga puso...minsan gusto na nating sumuko...sisihin ang mundo dahil sa paghihirap ng kinasadlakan mo... nakakalungkot isipin na dumadating tayo sa punto na hinahanap natin ang mga kakulangan sa atin buhay... at nakakaligtaan ang simple ngunit mahahalagang bagay na ipinagkaloob ng ating Dakilang Lumikha... nang makita ko ang video na ito...nahiya ako sa aking sarili... ang dami ko pala talagang dapat ipagpasalamat sa halip na pagsuko sa mga problemang pinagdaraanan....




p.s. : patulog na po ako..nanayt sa lahat...sa mga matutulog na din, wag po kaligtaan ang padarasal bago matulog (*bilin ito ng grasya*), wag kaligtaan magpasalamat kay Bro sa mga simpleng bagay na pinagkaloob Niya ...Good Night!

Mga Komento

  1. waaahhh.. ako din ang daming dapat ipag pasalamat. mabuti na lang di tau naging ganun, maswerte pa din tayo.

    TumugonBurahin
  2. napakaswerte talaga natin..dapat tayong magpakatatag sa mga pagsubok sa buhay natin kung kaya ng iba kaya rin natin..Ü

    TumugonBurahin
  3. isa syang malaking inspirasyon.
    sapul ang puso ko parekoy...pramis!
    nice.

    TumugonBurahin
  4. kuya honestly thanks for sharing this... naiyak akoh graveh... juz a simple task of standing up that we can do in juz a matter of seconds w/out even thinking about it and we juz do it automatically.. while him.. this simple task is something he has to try very hard... that sometimes he even have to try so many times so he could stand up... but for all of us all the times it's a skill that we juz taken of granted... wala lang narealized koh lang 'un.. i'm definitely amazed by his courage...itz also amazing and so inspiring for all of us that he use his situation to make a difference.. and to make us realized about so many things like he did to me... ... he could have had just stayed home and feel upset and sorry about himself... but he chose to go out there... let the world see him... make people smile and at the same times... inspired them... salamat for sharing this.. *hugz* kuyah... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  5. Minsan kase nakikita lang natin kung ano yung mga kulang saten, and yet we fail to see kung ano o kung gaano kahalaga yung mga bagay na matagal na nating tinataglay.

    Salamat sa pagse-share nito Super G.
    sa munting paraang mong ito ay madami kang mabubuksang damdamin at isipan.

    hehehe..
    at matino ang comment ko ohh..
    =))

    TumugonBurahin
  6. i first saw this video from our area manager..touching talaga..

    such an inspiration..

    anyhows, i miss u superg!

    bawal na ang ym sa opis..naputulan na rin ng intarnets sa bahay..

    at sarap sarap maglakwatsa every now and then..

    sana u remember me pa din..

    weeee...

    TumugonBurahin
  7. @kox
    yup....OA pla tayo sa blessings...ahehehe... ;)

    @♥superjaid♥
    yup...sobrang lucky tlaga tayo... :)

    @Kosa
    ahehheheh....sapul ba? bang!... :)

    @Dhianz
    walang anuman Dhianz...ako din eh mejo na-guilty...haayss... :)

    @EǝʞsuǝJ
    uu nga sobrang tino...weeepeee...ahehehe....ako din me teary eyes...:D

    @vanvan
    aheks...adik mu... ahahaha...syempre bat nmn kita makakalimutan....salamat muli sa pagdaan...:)

    TumugonBurahin
  8. Always strong dapat. Tayo rin ang talo kapag nagpalamon tayo sa kahinaan. :)

    TumugonBurahin
  9. naiyak ang gulay weh.. O_O
    we're so blessed. i was so touch when he said the lines "if i fall and didn't get up 100x, i will still try to get up 100x"

    very nice... :)

    TumugonBurahin
  10. Napakagandang inspirasyon.. Isa itong hamon sa bawat isa sa atin, lalo na sa ating mga kababayang lubog sa kahirapan na tila wala ng pag-asa dahil sa ang gobyerno mismo ang nagnanakaw sa kanilang mga karapatan at mga pangarap...

    TumugonBurahin
  11. @ACRYLIQUE
    yup yup...dapat kahinaan ang lamunn natin...ahehehe...:D

    @patola
    yeah... :)

    @Goryo Dimagiba
    ummmm...parang may bitterness sa government ito....ahehehe...ayuz yan parekoy...suportahan kita jan....ahehehhe... :D

    TumugonBurahin
  12. Minsan kasi ang tao ang nakikita lang yung mahirap pero yung magaganda kapag enjoi na nakakalimutan ng magpasalamat pero pag nagdurusa san ka halos manisisi n kung bakit na cia ang napili nito, lahat ng bagay sa buhay may dahilan kung mbakit nangyayari ito lahat ng bagay sa buhay fair niang binibigay nasasabi ko ito dahil base sa experience ko wal akong bagay na hiniling na di nia pinagkaloob kaya ang pasasalamat ang isang bagay na di palaging kakalimutan sa buhay...Godbless

    TumugonBurahin
  13. indeed true! yan ang sabi ng grasya...wag kalimutan ang magpasalamat..kahit simpleng bagay...mahalaga na ipagpasalamat sa iyong.... ang simpleng paggising sa umaga ay isa ng napakagandang regalo mula sa Maylikha... ;)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...