Lumaktaw sa pangunahing content

...super G turning super [B]usy...

akala mo nakalimutan na kita... akala mo hindi na kita naalala... akala mo pinabayaan na kita...akala mo hindi kita na miss... akala mo...akala mo lang yun...

akala mo busy ako...totoo busy talaga ako... pero hindi sapat ang ang mga pagkakataong iyon upang iyong palitan ang aking pangalang Super G bilang si Super Busy...dahil sa mga saglit na iyon, hindi kita nakalimutan...totoo, superhero man akong ituring, minsan ako'y napapagod din...

pero...nandito pa din ako...hindi nawala...hindi nagbago.... alam kong matagal na din ang panahon ang nakakalipas ng huli mong marinig ang mga kwento ko...marinig ang kwentong minsan inakala mong walang kabuluhan...ngunit hindi iyon mga kwentong walang halaga, nasa iyong pag-intindi ang tunay na halaga n'yon...

ako'y nandito ng muli...muling dadalawin ang mga ka-blogs na inakala nilang sila'y aking kinalimutan... nandito na akong muli... ang superherong utak gulaman kung ituring ngunit super hero ang dating...

***ka-ekekang drama lang ang inyong nabasa...kung baga dramatic return... aheheheh...



Mga Komento

  1. welcome bask Super G...

    kakatakot naman ung kamay... parang risen from the dead.

    TumugonBurahin
  2. welcome back!!!

    naging ganyan ba talaga kakulubot yung kamay mo?

    natanong ko lang?
    heheheheh....

    TumugonBurahin
  3. @superjaid
    ahehehe..salamat...wooot... ;)

    @LordCM
    ahehehe...uu pabalik-balik lng parang..toootoot... aheks... :)

    @AZEL
    ahehehe...prang ganun siguro..tagal eh...aheks...

    @jen
    mejo lng nmn..tuyot na... ahahaha

    TumugonBurahin
  4. You're back.. ganyan ba talaga ka-busy ang mga superhero these days?..

    Ako rin naman, busy, kakahanap ng lovelife.. lolz

    Cheers!

    TumugonBurahin
  5. @ACRYLIQUE
    thanks...acrylique... makulay ka talaga... :)

    @geek
    thank you...i love your posts and videos but nose bleed ako dun ah... ahehehe... lolz...:D

    @dylan
    uu busy tlaga eh...maraming nag-aarkila ng superhero eh... ahahaha.. lovelife ba kamo? gusto mo din bang mag-arkila.... ahahahah... :D

    TumugonBurahin
  6. welcome back parekoy.

    madaming nawawala nitong nakaraang buwan at linggo(isa ka yata sa mga yun!)

    pero alam ko babalik at babalik din sila.

    bisyo na 'toooo..lols

    TumugonBurahin
  7. kakabalik mo lang pala uli e. haha. kala ko ako lng MIA :P

    TumugonBurahin
  8. @Kosa
    salamat parekoy...:)

    @Kaye
    ahehehe..uu nga hiatus...welcome back danda... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...