Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Nobyembre, 2010

EASY $5 GIVEAWAY

dahil po sa isang kahilingan ng kaibigan... may promo pong hatid ang ating ka-blog na si Mary ng Real FairyTales ... wooot... Paano? Pindot lang po kayo dito: CLICK HERE

Philippine Grand Lotto 6/55

maaga akong nagising kanina matapos ang masarap na panaginip ng aking pagyaman upang tignan ang mga kombinasyon ng mga nanalong numero sa lottoo...sa website ng PSCO (http://www.pcso.gov.ph/) ang mga nagwaging numero para sa Philippine Grand Lotto 6/55 ( 11/15/2010) ay 43-13-29-44-04-20 na may kaakibat na premyong tumataginting na Php 456,404,688.00 lang naman.  Oo, tama! halos kalahating bilyon na yan ngunit sa kasamaang palad hindi ako nagwagi.  Ngunit magandang balita na din siguro ito sa karamihan dahil wala pang nakakasungkit nyan at may pagkakataon pa din ako para sa susunod bola nito. bakit nga ba mahirap manalo sa 6/55 lotto na yan? sa katunayan inakala ko na makakatulong ang aking dibdibang pag-aaral ng matematika upang malaman ang tamang kombinasyon ng numero... pero nalungkot lang din ako... ang lotto ay batay sa prinisipyo ng random numbers, permutations at probability...alam nyo ba na ang 6/55 lotto ay mayroon mahigit sa dalawang bilyong kombinasyon... sa katuna...

[NEWS] Manny Pacquiao Won over Antonio Margarito

Yeah! And the WINNER is Manny Pacquiao! Congratulations! May nadagdag na naman pong muli sa titulo ni Manny Pacquiao (52-3-2, 38 KOs) ng kanyang muling mapanalunan ang Super Welterweight Belt sa Cowboys Stadium in Dallas, Texas. Si Pacquiao ay muling nanalo ng kanyang ika-walong titulo (WBC junior middleweight) sa madugong pakikipagbakbakan kay Margarito (38-7, 27 KOs) sa loob ng labing dalawang round. Sa simula ng round, nagpakitang gilas agad si Pacquiao laban sa mas malaking si Margarito na kung saan ay 17 pounds na mas mabigat bago ang laban. Ang dalawang mandirigma ay nagpakawala ng malalakas na suntok sa ikalawang round. Sa ikatlong round, nakalamang na mas di-hamak si Pacman at nagpatuloy iyon hanggang sa ika-apat na round at patuloy na nagpakawala ng malilinis na suntok sa mukha ni Margarito. At muli, ang ika-apat na round ay para kay Pacman na kung saan pinaputok nya ang kanang bahagi ng mata ni Margarito. Sa kabilang banda, may magagandang birada si Margarito sa ika-anim na ...

Manny "Pacman" Pacquiao Vs Antonio Margarito

[LATEST UPDATE] And the WINNER is Manny Pacquiao! Congratulations! November 14, 2010 sa Pilipinas, November 13, 2010 sa Amerika... ito na ang araw ng sagupaan ng dalawang mandirigma para sa kategoryang super welterweight...sino ang magwawagi?...sino ang hahalik sa lona? My forecast?...  if Pacquiao will be able to maintain his speed, strong and multiple punches along with excellent stamina, and footwork...ummmhhhh, I guess the fight will end by a knockout before Round 3.....but who knows? Anyway, despite of the david-vs-goliath in the tale of the tape, this gonna be an interesting fight... Goodluck Pacman! Manny "Pacman" Pacquiao Weightclass: Welterweight Age: 31 Record: 51-3-2, 38 KOs Height: 5'6" Reach: 67 Trainers: Freddie Roach Antonio Margarito Weightclass: Welterweight Age: 32 Record: 38-6, 1 NC, 27 KOs Height: 5'11" Reach: 73 Managers: Francisco Espinoza, Sergio Diaz Jr. Trainers: Robert Garcia &amp...

...tanong lang...

....langit, lupa, impyerno....

"langit, lupa, impyerno... saksak puso tulo ang dugo... im... impyerno"... ...pamilyar ka ba sa mga katagang yan?..oo tama....isa yan sa mga paborito mong laro noon...napakasarap balikan ang panahong hindi pa uso ang batang chubby... ito yung mga panahon na hindi pa uso ang tao... este ito ung panahon na hindi pa uso ang mga gadgets gaya ng celphone, computers, PSP, Wii, iphone, ipod, ipad... ito yung panahon na betamax at malalaking plaka pa lang ang bida...panahon na bago pa mauso ang VHS, panahon pa ito ng cassette tape...wala pang CD...wala pang DVD...hindi pa din siguro naiimbento ang salitang pangrobot na may numero tulad ng mp4, mp3, ps2, nokia 3210, 5210, 8210..uten..bibiten-biten... ito pa yung panahon na aliw na aliw kang naliligo sa ulan, naliligo na walang saplot habang kumakalembang si uten... kasabay din nyon ang pagpapalobo ng sipon na kung minsan ay mas trip mong gawin yoyo...singhot sabay punas na may naiiwang marka sa pisngi na minsan ay may kasama pang ula...

...All Saint's Day, All Soul's Day...

[repost] ...isa sa mga pinakamahalagang araw para sa mga katolikong Pilipino ang panahon ng Undas na kung saan ay muling ginugunita ang pagpanaw ng ating mga mga mahal sa buhay... paggunita na hindi nangangahulugan ng kalungkutan, paggunita na hindi din nangangahulugan ng kasiyahan..kundi isa itong paggunita ng ating pagmamahal sa mga yumao... likas sa mga Pilipino ang pagiging makapamilya at makapuso na kahit ilang taon, dekada o siglo man ang lumipas ay hindi pa rin nalilimutan ang pag-alaala at paggunita sa mga pumanaw na kamag-anak... tuwing kailan nga ba ang tamang araw ng paggunita ng mga yumao? sa ika-uno ba ng Nobyembre? o dapat ba sa ikalawa ng Nobyembre? tayong mga Pinoy ay nakaugalian na ang pagdalaw sa puntod ng mga yumao sa unang araw ng Nobyembre...ang iba naman, ika-tatlumpu pa lang ng Oktubre ay nasa sementeryo na..ang iba naman dalawang araw pa lang bago pa man ang unang araw ng Nobyembre ay dumalaw na din...hindi naman ako salungat sa mga nakagawiang ito dahil nani...