maaga akong nagising kanina matapos ang masarap na panaginip ng aking pagyaman upang tignan ang mga kombinasyon ng mga nanalong numero sa lottoo...sa website ng PSCO (http://www.pcso.gov.ph/) ang mga nagwaging numero para sa Philippine Grand Lotto 6/55 (11/15/2010) ay 43-13-29-44-04-20 na may kaakibat na premyong tumataginting na Php 456,404,688.00 lang naman. Oo, tama! halos kalahating bilyon na yan ngunit sa kasamaang palad hindi ako nagwagi. Ngunit magandang balita na din siguro ito sa karamihan dahil wala pang nakakasungkit nyan at may pagkakataon pa din ako para sa susunod bola nito.
bakit nga ba mahirap manalo sa 6/55 lotto na yan? sa katunayan inakala ko na makakatulong ang aking dibdibang pag-aaral ng matematika upang malaman ang tamang kombinasyon ng numero... pero nalungkot lang din ako...
ang lotto ay batay sa prinisipyo ng random numbers, permutations at probability...alam nyo ba na ang 6/55 lotto ay mayroon mahigit sa dalawang bilyong kombinasyon... sa katunayan meron syang 20,872,566,000 combinations...panu ko yun ginawa? ganito yun:
sa 55 na numero pipili tayo ng anim di ba? ang mga numerong ito ay hindi na mauulit... ibig sabihin ang pagpipilian natin numero sa unang bola ay 55..sa pangalawang bola ay 54, pangatlo ay 53, pang-apat ay 52, panglima ay 51 at pang-anim ay 50.. nangangahulugan laman na ang total combinations ay 55x54x53x52x51x50 = 20,872,566,000... nangangahulugan din na ikaw ay may chance na manalo sa probabilidan na 1/20,872,566,000 o 0.0000000000479097778. Oha! may chance pa din at least hindi zero...pero hindi pa din dyan nagtatapos ang ating kalbaryo dahil kailangan pa din nating i-konsider ang bilang ng mananaya nito... :)
pero kahit anung hirap ng pagtama dito...tataya pa din ako!
[Edit] oooppsss...salamat kay Ginoong Juanito Mercado sa kanyang puna sa kakulangan ng computation na ito...at dahil dun mas tumaas ng di-hamak ang aking tsantsa sa pagtama sa lotto... Sa kanyang pagtatama nakaligtaan ko din ang bilang ng kombinasyon ng mga numerong nagpapareho... halimbawa, ang kombinasyong 2, 32, 34, 45, 51, 55 ay pareho din sa 51, 2, 34, 55, 45, 32.... at sa kadahilang meron 6! (or 6 factorial) or 720 unique permutations sa bawat anim na numero, hahatiin natin ang final computation na 20,872,566,000 sa 720... sa makatuwid magiging 20,872,566,000/720 = 28,989,675 combination na lang na may probabilidan na pagtama na 3.449504 × 10^-8 o 0.00000003449504 o 0.000003449504%....

hehehe isa din ako sa mga pumipila dyan, isa sa mga umaasa, at isa rin sa mga nananaginip... hahaha san ka ba tumataya nang makapunta din hakhakhak
TumugonBurahinnapakaliit ng probability para tumama sa lotto pero tumataya pa rin ako hehehe. malay mo, swertehin din!
TumugonBurahinmay bago uli akong post parekoy. hehehehe
permutation pala siya akala ko combination... hehehe!!! thanks for sharing!!! tataya din ako, at least may chance para manalo... hehehe!!!
TumugonBurahinkainlan po ba ang next draw?
TumugonBurahinNext draw?..every monday, wednesday at saturday po yan.. .:)
TumugonBurahintaya ka na!! ikaw na lang ang hinihintay na tumaya! :D
TumugonBurahinTataya na talaga ako hehe :)Pihadong mahaba ang pila.
TumugonBurahinang tunay na may mgandang layunin lamang sa pera ang mananalo kung matyambahan man ng taong nais lang ay yumaman agad itong babawiin ng panginoon.. :)
TumugonBurahintsk2
TumugonBurahinpwedi mo ba ma share ung mga ginawang combination mo? share your knowledge naman bossing..
TumugonBurahin