Lumaktaw sa pangunahing content

....langit, lupa, impyerno....

"langit, lupa, impyerno... saksak puso tulo ang dugo... im... impyerno"...

...pamilyar ka ba sa mga katagang yan?..oo tama....isa yan sa mga paborito mong laro noon...napakasarap balikan ang panahong hindi pa uso ang batang chubby... ito yung mga panahon na hindi pa uso ang tao... este ito ung panahon na hindi pa uso ang mga gadgets gaya ng celphone, computers, PSP, Wii, iphone, ipod, ipad... ito yung panahon na betamax at malalaking plaka pa lang ang bida...panahon na bago pa mauso ang VHS, panahon pa ito ng cassette tape...wala pang CD...wala pang DVD...hindi pa din siguro naiimbento ang salitang pangrobot na may numero tulad ng mp4, mp3, ps2, nokia 3210, 5210, 8210..uten..bibiten-biten... ito pa yung panahon na aliw na aliw kang naliligo sa ulan, naliligo na walang saplot habang kumakalembang si uten... kasabay din nyon ang pagpapalobo ng sipon na kung minsan ay mas trip mong gawin yoyo...singhot sabay punas na may naiiwang marka sa pisngi na minsan ay may kasama pang ulam.... :)

pero ano nga ba ang motibo ko sa pag-buo ng akdang ito?...para ba mandiri ka sa mga gawi mo noon?... para ba ba malaman mo na ganun kamiserable ang panahon na walang teknolohiya?...para ba malaman mo na lumalaki na ang problema sa katabaan ng mga kabataan? ...pero hindi... ang motibo lang ng akdang ito ay upang mapagnilay-nilayan ang buhay sa langit, lupa at impyerno.... ayan napag-tripan na kita..masaya na ako...ahahaha...

tanong...saan nga ba masarap mabuhay, sa langit? sa lupa? o sa impyerno?

sigurado ako halos lahat sa atin...aba'y langit ang pipiliin... maliban na lang siguro kung wala ito sa katuruan ng ating relihiyon...

anu nga ba ang meron sa buhay sa langit? aba malay ko..hindi pa din kaya ako nakarating dun...at lalo naman sa impyerno...kaya ang susunod na kwentuhan ay batay sa haka-haka ko lamang...

ang sabi nila...ang tao daw kapag napunta sa langit ay magiging anghel...mawawala na ang lungkot..mawawala ang hirap..wala ng dusa...at kaakibat nun ay mawawala na din ang atraksyon sa isa't isa... at bilang isang anghel...wala na din ang kasarian... hindi na uso ang lalaki, babae, bading at tomboy... hindi ka basta-basta matutuwa sa langit dahil magagalak ka na... ang pagmamahal ay magiging natural na gawi lamang...dahil puno na ng pag-ibig ang paligid...lahat positibo..lahat perpekto...

sa impyerno... hindi mawawala ang kasarian...nandun pa din iyon...nandun pa din ang atraksyoon...nandun pa din ang pagnanasa... ngunit hindi ka pwedeng makaramdam ng ligaya...bawal ang saya... tanging negatibong emosyon lang pwede... hindi ka pwedeng makaramdam ng langit sa lugar ito..impyerno na nga eh...impyerno...

sa lupa...sa mundong kinatatayuan mo...ikaw ang pipili ng buhay mo...gawin mong langit...o gawin mong impyerno.... pwede mo din gawin ito sa iba...gawing langit ang buhay nila...o impyerno sa kaharian mo... sa lupa, ayuz lang ang hindi perpekto...ayuz lang din ang hindi masyadong mabuti...ayuz lang din ang hindi masyadong masama... kung baga, sakto lang...

sa lahat ng babasa nito, kung sakaling mauna ka sa akin...i-text mo ako tungkol sa buhay sa kabilang-buhay (kung naniniwala ka nga sa kabilang-buhay)...para sa susunod mailarawan ko ang bagay-bagay batay sa iyong patunay... :D

Mga Komento

  1. Hmm.. Hindi nako magkokomento tungkol dun sa kung saan masarap mabuhay. Basta safe.. hehe.

    Magkokomento ako dun sa laro. Namiss ko rin yun. Kapanahunan ko ata yun eh. Harhar.. Wala pang dvd or vcd.. usong-uso pa noon ang betamax at cassette tapes. Sa compputer naman, MS-DOS lang yata noon. Ala pang windows.. Hay...

    Ang sarap lang balikan ang panahong yun. That time kasi, wala pang masyadong problema. =)

    Dumaan, nagbasa at nagkomento. Gandang gabi. =)

    TumugonBurahin
  2. sa totoo lang wala naman talagang makkapagsabi kung san napupunta ang tao once na mamatay siya. ako, i personally think na hindi na importante sakin yun. kase para saken mas importante ung panahon na inilagi ko dito sa mundo. kung anu ang nagawa ko, kung ano ang naabot.. naiisip ko na kung talagang may kalalagyan ako matapos akong mamatay, kung paano ka nabuhay sa mundo.. yun ang magsisilbing batayan kung san ka mapupunta after life mo, so mas importanteng paghusayan mo ang pamumuhay mo dito sa mundo..

    TumugonBurahin
  3. sabi nila, every good deeds na ginagawa mo, it creates a step towards heaven, pag bad deeds, erase ang step to heaven. So ang sabi, dapat mas madami ang good sa bad para atlist, pataas ang byahe at hindi pababa. :D

    TumugonBurahin
  4. namiss ko na maglaro ng langit lupa. hanggang 1st year h.s lang ako naglalaro nun. hehehe. may nabasa din pala ako na maraming tao ang naniniwalang may impyerno pero konti lang ang naniniwala na sa impyerno sila mapupunta. hehehehe

    TumugonBurahin
  5. Nice post ha.
    nakakamulat ng mata
    totoong sa lupa choice choice lang yan kung gagawin mong heaven or hell ang buhay mo :]
    Keep up the nice posts!

    TumugonBurahin
  6. @Leah
    ahehehe...that time din kasi exciting talaga ang buhay..khit simple lng...khit walng teknolohiya... hindi ganun kakomplikado ang mga bagay-bagay...pero salamat din sa teknolohiya dahil kung wala yun...walang kwentuhan na ganito.... ;)

    @YanaH
    uu nga eh..walng nakakaalam, wala pang nagtetext sa akin eh...pero kung may magtext sana hindi nmn ako matakot...ahahaha... :)

    pero minsan magtatanong ka lng din..pati kung ang buhay pla ay totally random lang...hayss...ang laki ng problema ko...ahahaha...

    @khantotantra
    yup..sabi nila...do good and be good...

    @Bino
    ahehehe...uu naglalaro din kmi nyan kaso pag ako na ang taya, umaayaw na ako... ahahhaha... pero sigurado din ako na yung mga hindi naniniwala na sa impyerno sila mapupunta yun yung madalas gumawa ng masama...ang lakas ng loob eh...ahahaha... :)

    @Renz
    ahehehe..salamat sa pagbisita...choice choice lng yan... :)

    TumugonBurahin
  7. ai! gusto ko tong blog mo!!! ASTEG PARE!!! Apir!!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...