Lumaktaw sa pangunahing content

[NEWS] Manny Pacquiao Won over Antonio Margarito

Yeah! And the WINNER is Manny Pacquiao! Congratulations!

May nadagdag na naman pong muli sa titulo ni Manny Pacquiao (52-3-2, 38 KOs) ng kanyang muling mapanalunan ang Super Welterweight Belt sa Cowboys Stadium in Dallas, Texas. Si Pacquiao ay muling nanalo ng kanyang ika-walong titulo (WBC junior middleweight) sa madugong pakikipagbakbakan kay Margarito (38-7, 27 KOs) sa loob ng labing dalawang round. Sa simula ng round, nagpakitang gilas agad si Pacquiao laban sa mas malaking si Margarito na kung saan ay 17 pounds na mas mabigat bago ang laban. Ang dalawang mandirigma ay nagpakawala ng malalakas na suntok sa ikalawang round. Sa ikatlong round, nakalamang na mas di-hamak si Pacman at nagpatuloy iyon hanggang sa ika-apat na round at patuloy na nagpakawala ng malilinis na suntok sa mukha ni Margarito. At muli, ang ika-apat na round ay para kay Pacman na kung saan pinaputok nya ang kanang bahagi ng mata ni Margarito. Sa kabilang banda, may magagandang birada si Margarito sa ika-anim na round ng makorner nya si Pacman sa lubid ngunit walang duda na ang round ito ay para rin kay Pacman. Nakakaagapay pa si Margarito hanggang sa ika-pitong round ngunit patuloy pa din ang pagpapahirap sa kanya ni Pacman ng ipagpatuloy ni Pacman ang pakikipaglaban sa gitna ng ring. Napanatili ang pagiging dominante ni Pacman sa ring sa 10th at 11th round. At sa pagtatapos ng  labing-dalawang rounds halos bulag ng lubayan ang duguan Mexicano. Ang final score: 120-108, 118-110, 119-109.

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bukang-Liwayway

Mabilis na pumaindayog at lumayag ang mahigit sangdaang milyong segundo na puno ng pananabik sa biyayang sa puso inukit. Matapos ang takip-silim at anino ng kalungkutan, muli ng magtatagpo ang araw at kaparangang pinaglayo ng pag-inog ng daigdig. Isangdaang libong minuto na lamang ang nalalabi at muli ng matatanaw ng kaparangan ang araw na nagtago sa likod ng daigdig. Araw na milyong milya ang tinahak para sa kaparangan nyang iniibig. Sinuong ang bangis ng mga ulap at lason ng hangin upang tuparin ang pagyakap sa kaparangang naghihintay sa pagsapit ng bukang-liwayway. Sa pagyakap ng sinag ng araw sa kaparangan at paghalik ng kaparangan sa araw, doon muling magsisimulang pumitak ang oras. Pagpitak ng kaligayahan na sa alapaap manunulas, iikot, magpupumiglas. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas.