Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Marso, 2011

Times of Your Life

Read this story at The Kablogs Journal Issue 13 [Please hit play before reading] Good morning, yesterday You wake up and time has slipped away And suddenly it's hard to find The memories you left behind Remember, do you remember? It is just about four in the dawn before the sun rise and I am wide-awake thinking of so many things I have to do for the whole day. Like as always, I start my day with a morning prayer. A prayer of gratitude for past seasons and the blessings bestowed. It is also a prayer of guidance not only for me but also for the woman I always love, my precious Grace. After the prayer and a little cup of coffee but no breakfast at all, and quick bathing -I'm ready and off to go to office. The laughter and the tears The shadows of misty yesteryears The good times and the bad you've seen And all the others in between Remember, do you remember The times of your life? (do you remember?) I don’t have a habit of eating a breakfast. I'm actually waiting...

...Batas ng Tao...

At tuluyan ng pinatawan ng parusang kamatayan ang tatlong Pinoy na ikinulong sa Tsina. Nakakalungkot nga lang isipin na sa kabila ng pakiusap ng gobyerno ng Pilipinas na bigyan ng pagkakataon sina Ramon Credo, Sally Ordinario Villanueva at Elizabeth Batain na hindi mahatulan ng parusang kamatayan at patawan na lamang ito ng mas mababang parusa, iginiit at ipinagpatuloy pa din ng Tsina ang pagbitay. Ipinagpatuloy ito dahil ito daw ang batas...no one is above the law ika nga. Parusahan ang nagkasala, pero kelan ba naging tama ang pagpatay sa kapwa? Kapag ikaw ba ay nahulihang nagdala ng droga tama bang paslangin ka na? Kapag ikaw ba ay pumatay ng kapwa dapat ka na bang patayin? Kapag ba ikaw ay ubod na ng kasamaan, dapat ka ng bitayin? HINDI! walang sinuman ang may karapatan na bumawi ng buhay ng kapwa gaano man kagaan o kabigat ang kanyang kasalanan kundi Diyos lamang. Kahit kelan hindi Diyos ang batas ng tao kaya wala itong karapatan na bumawi ng buhay ng sinuman. Nakakalungkot ng...

Bukang-Liwayway

Mabilis na pumaindayog at lumayag ang mahigit sangdaang milyong segundo na puno ng pananabik sa biyayang sa puso inukit. Matapos ang takip-silim at anino ng kalungkutan, muli ng magtatagpo ang araw at kaparangang pinaglayo ng pag-inog ng daigdig. Isangdaang libong minuto na lamang ang nalalabi at muli ng matatanaw ng kaparangan ang araw na nagtago sa likod ng daigdig. Araw na milyong milya ang tinahak para sa kaparangan nyang iniibig. Sinuong ang bangis ng mga ulap at lason ng hangin upang tuparin ang pagyakap sa kaparangang naghihintay sa pagsapit ng bukang-liwayway. Sa pagyakap ng sinag ng araw sa kaparangan at paghalik ng kaparangan sa araw, doon muling magsisimulang pumitak ang oras. Pagpitak ng kaligayahan na sa alapaap manunulas, iikot, magpupumiglas. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas.

Big Job

-------- I am so busy. Big job to do. DON'T DISTURB!--------- - - - - - - - - - Please !!!!!!!!!!!! !!!!!!!!! !!!!!!!!! !!!!! DON'T DISTURB _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ Yes Sweetie !!!!!!! I am busy ........ _ _ _ _ _ _ Yes I am Very busy. Big job to do. PLEASE DON'T DISTURB - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - See...

Si Mara at Pamela

matapos ang ilang araw ng paglipad ng video ng batang iyakin na si Pam , umani ito ng maraming reaksyon sa iba't ibang panig ng mundo. Oo tama, sari-saring reaksyon hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng iba pang mga lahi. Sa katunayan may mga ilang video responses o reaksyon ng mga dayuhan ang makikita sa youtube. Negatibo man o positibo ang reaksyon, hindi ko na iyon pinakialaman dahil katulad ko sigurado ako na may dating sa kanila ang kakaibang reaction ni Pam na kumabog sa lahat ng iyakan sa mga teleserye. Pero teka alam mo ba ang sinasabi ko? O sige ito na ulit ang video: Sino nga ba ang salarin sa pagkuha ng nakakaiyak..nakakaaliw...nakakabaliw na video na ito? Syempre ang kanyang walang kupas na ate Yna . Pasalamatan natin si Yna sa pagkuha at pagbabahagi ng video ni Pam.  Katulad ng karamihan, mahigit apat na minuto akong nakangiti ng una kong makita ang video na ito...mga sandaling minuto ng pagngiti na nalilimutan na ng maraming tao. Pero Pam huwag kang mag-alala h...

Funny Exam Answers

Wala pa ako sa wisyo para sa mga bagong entrada... kaya ipagpaumanhin ninyo, ito po muna... Mula ito mga lumang email messages ko noon. Nawa'y mapangiti o mainis ko kayo ngayon. Salamat sa pagparito. ^_^