matapos ang ilang araw ng paglipad ng video ng batang iyakin na si Pam, umani ito ng maraming reaksyon sa iba't ibang panig ng mundo. Oo tama, sari-saring reaksyon hindi lamang ng mga Pilipino kundi ng iba pang mga lahi. Sa katunayan may mga ilang video responses o reaksyon ng mga dayuhan ang makikita sa youtube. Negatibo man o positibo ang reaksyon, hindi ko na iyon pinakialaman dahil katulad ko sigurado ako na may dating sa kanila ang kakaibang reaction ni Pam na kumabog sa lahat ng iyakan sa mga teleserye. Pero teka alam mo ba ang sinasabi ko? O sige ito na ulit ang video:
Sino nga ba ang salarin sa pagkuha ng nakakaiyak..nakakaaliw...nakakabaliw na video na ito? Syempre ang kanyang walang kupas na ate Yna. Pasalamatan natin si Yna sa pagkuha at pagbabahagi ng video ni Pam. Katulad ng karamihan, mahigit apat na minuto akong nakangiti ng una kong makita ang video na ito...mga sandaling minuto ng pagngiti na nalilimutan na ng maraming tao. Pero Pam huwag kang mag-alala hindi ka namin pinagtatawan, ang reaksyon mo ang syang nagbigay galak sa aming puso. Wag kang malungkot o mahiya sa ginawa mo, dahil ang totoo milyong tao ang napangiti mo, isa din si SuperGulaman sa mga ito. salamat sa iyo Pam sa pagbibigay ng ngiti sa kabila ng iyong mga luha. Bagamat ang pag-iyak ni Pam ay dahil lamang sa teleseryeng Mara Clara, isa pa din itong patunay na ang mga Pinoy ay hindi lamang lumuluha dahil sa kalagayan nya o para sa sarili, kundi para sa kanyang kapwa., pakikiramay..pakikibahagi para sa kapwa.
Ang mga teleserye sa Pinas ay walang katulad. Bakit? Dahil ito sa pagtangkilik ng mga Pilipino. Bakit nga ba patuloy ang pagsuporta at pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga teleserye? Dahil ba sadya tayong iyakin? Dahil ba sadya tayong malungkutin? Hindi. Dahil alam natin na sa likod ng malulungkot na kwento ng ating mga buhay ay umaasa ang bawat isa na magtatapos ito ng may galak at ngiti sa ating mga puso.
Pasalamatan na din natin ABS-CBN sa patuloy na paglikha ng mga de-kalibreng teleserye na talagang maipagmamalaki natin hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo. Salamat. Pero bago magtapos ang akdang ito, Pam tama si Ate Yna mo, buhay si Mara. Anong masasabi mo Mara?
[EDIT]
Ano kaya ang reaksyon ni Pam ng malamang buhay si Mara? Ito yun:
Hanggang dito na muna! Sa susunod ulit mga katropa!
instant youtube sensation yang pam na yan :D
TumugonBurahinbida sa lahat ng walls ng pesbook
maraaaaaaaaaaaaaaaaaaaa haha adik lang~~~
TumugonBurahinpanalo yung pag iyak ni pam wakuku....
tama si khanto bumaha ang FB feeds ko dahil sa vid ni pam wakuku~~
teka buhay c maraaaa dba nagkaamnesia sabi ng mama ko hhaa
ai teka super G lagay ko link mo sa blogroll ko ha~~thankish~
TumugonBurahin@khantotantra
TumugonBurahinyeah..sa reaksyaon nga nya bakit nga ba hindi... ahahaha..ayuz.. :D
@Unni
yeah nagka-malisya sya este amnesia pla.. ahehehe... cge cge add mo lang ako..na-add na din pla kita dati pa... aheks... thanks thanks... :)
Nyahahaha..isa ako sa tawa ng tawa sa video na toh.. lol.. dahil dito naliwanagan ako kung gaano na kaseryoso ang mara clara fever sa bansa.. hahahahaha.. clueless kase ako..
TumugonBurahinhahahaha..OMG..haha..nakakatuwa naman..hahaha..natawa din ako..
TumugonBurahinMaganda ang pagkakasulat mo..
"Ang pinoy ay hindi lamang lumuluha dahil sa kalagayan nya o para sa sarili, kundi para sa kanyang kapwa., pakikiramay..pakikibahagi para sa kapwa." -Super Gulaman
kaya ndapat laging nakaantabay ang magulang sa mga bata. para maipaliwanag nila na kathang isip lang ang lahat
TumugonBurahinako lng ata ang hindi nagpost s link na yan sa fb.. haha! kasi alam kong hndi patay c mara, ang ebidensya ung episode kahapon.. haha!
TumugonBurahinavid fan din ako ng mara/clara, nkaka stress at nkaka inis c desiree (kiray) ang sarap niyang tirisn n parang kuto.. hahaha
hindi ko ma view ang video dahil block dito sa office.. pero si pam, instant youtube sensation nga.. bigla nagin sikat eh..
TumugonBurahinhindi click sa aking ang teleserye hehehe
@Kamila
TumugonBurahinahehehe...iba ang dating kaya ganun..ahehehe.. ;)
@Akoni
huwaw salamat...oo nga no pang-quotes nga..ahahaha..chamba-chamba.. pero oo nga kung wala si Pam malamang wala akong entry ngayon..medyo nangangamote ako sa pag-iisip ng entry...medyo nawawala pa yung gana ko sa pagkwekwento sa sobrang boring kong buhay ngayon...
@Bino
sure naman akong alam ni pam na hindi totoo ang mara clara.. kaso may epekto pa din talaga sa atin yun..siguro nasa kalidad ng teleserye yun...
gabay ng magulang? yeah tama. pero sa tanya ko lang din, mukhang masayahing bata si Pam, tipikal na bata..iyakin..makulit...yung tipong ngingiti kapag masaya, iiyak kapag pinagalitan..batang may kalayaan ihayag ang sariling emosyon na patunay lamang ng maayos na paggabay ng mga magulang.
@mommy-razz
yup...pinoy teleserye eh..pero kung korean drama yan for sure deads na si Mara.. ahehehe... Bihira ang kwentong pinoy na walang "and they lived happily ever after" sa dulo... kung meron man ganun, hindi yun papatok sa masa..pero sa akin appealing din ang mga story na ganun...:D
@ISTAMBAY
oo nmn ang galing nga eh... ahehehe..naging viral video...
try mong manood minsan... masaya yan... :)
masyado siyang nadala sa mga eksena..
TumugonBurahintawa ako ng tawa diyan. yung bata parang ako lang. ganyan ako ka-hook sa mara clara. mwahahahah. pero tama ang hula ko sa mga mangyayari.
TumugonBurahin