Mabilis na pumaindayog at lumayag ang mahigit sangdaang milyong segundo na puno ng pananabik sa biyayang sa puso inukit. Matapos ang takip-silim at anino ng kalungkutan, muli ng magtatagpo ang araw at kaparangang pinaglayo ng pag-inog ng daigdig. Isangdaang libong minuto na lamang ang nalalabi at muli ng matatanaw ng kaparangan ang araw na nagtago sa likod ng daigdig. Araw na milyong milya ang tinahak para sa kaparangan nyang iniibig. Sinuong ang bangis ng mga ulap at lason ng hangin upang tuparin ang pagyakap sa kaparangang naghihintay sa pagsapit ng bukang-liwayway. Sa pagyakap ng sinag ng araw sa kaparangan at paghalik ng kaparangan sa araw, doon muling magsisimulang pumitak ang oras. Pagpitak ng kaligayahan na sa alapaap manunulas, iikot, magpupumiglas. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas.
isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...
Waaaaaaaaaaaah! Nabaliw ako... ang lalim masyado SuperG..di ko maarok..
TumugonBurahinKinailangan ko ng salbabida dahil super Lalim..hindi ko maarok.
TumugonBurahinwhat?!! nakakanose bleed din!!
TumugonBurahinhndi lang pala english nkaka nose bleed, malalim na tagalog nkaka nose bleed din pla..waaaaaaaahhhhh
TumugonBurahin@Kamila, Akoni, iya_khin, at mommy-razz
TumugonBurahinei sige po lagyan ko po ng translation bukas...
ummm...pero para ito sa mga OFW, sa mga nagmamahalan, sa mga ikakasal, sa mag-asawa, sa umaasa, sa nangangarap, sa iniwan, sa muling babalikan, sa nanabik, sa naghihitay... para sa pag-ibig.... ^_^
Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas. -WAGING-WAGI! :))
TumugonBurahinhang sarap talagang pagmasdan ng bukang liway-liway... sarap namnamin ng umaga... parang nagsasabi na mabuhay ka kabayan... dahil pinoy ka...
TumugonBurahinnapakasarap basahin at pakinggan iyong mga salita... kaibigan, isang karangalan nga naman na ika'y mabisita...
TumugonBurahinsana'y makarating ka rin sa aking lungga, mumunting paraiso ika ng iba - Mundo ni Ka Vhincci
nalusaw brain ko sa pag-process ng post. hehehe. deep. ocean deep. :D
TumugonBurahinnosebleed. eheheh..
TumugonBurahinwalang kupas si superG
TumugonBurahiniba talagang magsulat si supergulaman!!! astig!
TumugonBurahin@Marvin
TumugonBurahinahehehe... may pinahuhgutan ata kaya ganun... :D
@=JoShY=
ahehehe...quotes yan ah...aheks...lagyan ko translation sa sunod... :)
@musingan
oo naman, kaya nga ang turo sa akin ng Grasya, wag kalimutan magpasalamat sa pagmulat ng mata sa Kanya dahil iyong muling nakita ang ganda ng umaga... :)
@Vhincci Subia
salamat po, cge po dadaan din ako jan... :)
@khantotantra
hindi naman cguro..ikaw pa... :)
@nieco_speaks
hindi naman po...bukod sa utak, gamitin po ang puso..sigurado maiintindihan nyo ang sabi ko... :)
@kiko
ummm...salamat po... :)
@Bino
ahehehe..salamat parekoy... nangangapa pa din ako hanggang naun... :)
waaaah!ang lalim masyado di ko maintindihan hahaha
TumugonBurahin:D i hear you seerr... medyo nosebleed lang sakin kasi taga-cebu po ako. ehehehe.. d gaanong pulido ang filipino ko. ehehe
TumugonBurahinMalalim ang pagkakasulat mo..
TumugonBurahinHehehe, matalinhaga, pare ko..ang galing mo talaga..Weight Loss R' Pills
TumugonBurahinHindi ka boring magsulat..
SUPER GULAMAN IS THE BEST TAGALOG BLOGGER!
hahahaha, katawa talaga dito, sa internet experience ko ..may tagalog blogger na sobrang bait, sobrang sipag magsulat..
TumugonBurahinMay blog din po ako, kaso sa health niche,eto po kuya "gulaman" hehehe, Weight Loss R' Pills gagawin ko din itong many topics..para hindi siya boring..