Lumaktaw sa pangunahing content

...Batas ng Tao...

At tuluyan ng pinatawan ng parusang kamatayan ang tatlong Pinoy na ikinulong sa Tsina. Nakakalungkot nga lang isipin na sa kabila ng pakiusap ng gobyerno ng Pilipinas na bigyan ng pagkakataon sina Ramon Credo, Sally Ordinario Villanueva at Elizabeth Batain na hindi mahatulan ng parusang kamatayan at patawan na lamang ito ng mas mababang parusa, iginiit at ipinagpatuloy pa din ng Tsina ang pagbitay. Ipinagpatuloy ito dahil ito daw ang batas...no one is above the law ika nga. Parusahan ang nagkasala, pero kelan ba naging tama ang pagpatay sa kapwa? Kapag ikaw ba ay nahulihang nagdala ng droga tama bang paslangin ka na? Kapag ikaw ba ay pumatay ng kapwa dapat ka na bang patayin? Kapag ba ikaw ay ubod na ng kasamaan, dapat ka ng bitayin? HINDI! walang sinuman ang may karapatan na bumawi ng buhay ng kapwa gaano man kagaan o kabigat ang kanyang kasalanan kundi Diyos lamang. Kahit kelan hindi Diyos ang batas ng tao kaya wala itong karapatan na bumawi ng buhay ng sinuman.

Nakakalungkot nga lang isipin na pagkatapos ng pagbitay na ito, tuluyan na nga bang mawawala o malansag ang mga sindikato ng droga? Mabawasan kaya ang mga drug courier na wala ng magawa kundi ang kumapit sa patalim? Seryoso nga ba talaga ang Tsina sa kanilang direktiba sa paglansag ng drug trafficking o baka ang maliliit na mga courier lang ang kaya nilang parusahan at hindi ang pinuno ng mga sindikato? May marinig kaya akong balita tungkol sa pinuno ng West African Syndicate LEADER na bibitayin?

Hindi Pilipinas ang Tsina, kaya kung sakaling may mahuli tayong Chinese drug courier, bibitayin ba natin ito?  Hindi syempre, wala na tayong ganun parusa. Makatao na tayo.  Kung sakaling may mahuli nga tayo posible nga na palayain lang natin ito, pagmultahin na lang at pwede din natin itong patakbuhin sa pulitika.

Naisip ko lang, bakit kaya ang mga taong wala o magaan lang ang kasalanan ay madaling parusahan samantalang ang mga taong nuknukan ng kapalaluan ay hindi mapatawan ng parusa? Batas kasi ng tao ang sinusunod. Basta may koneksyon ka, pera at pangalan, lulusot ka sa kahit anong kasalanan.  At ang hustisya? para lamang sa nagwawagi...Justice are for the winners sabi nga nila.

Kailan kaya gagawing batas ang Pag-ibig?

(*R.I.P. Ramon Credo, Sally Ordinario Villanueva and Elizabeth Batain*)

Mga Komento

  1. Nang dahil sa balitang ito, medyo naguluhan din ako. Ano ba ang stand ko sa death penalty? Di ko alam. I think that guilty criminals really do deserve death.. they destroy lives. Pero syempre, sino ba naman ako para sabihing guilty sila? Na hatulan sila ng kamatayan? God has given us life, only HE can take it away. And only HE can pass judgement.

    Pero hindi ako magpapa ipokrita. Sometimes, di ko lang mapigilan sarili ko.. I wish na mamatay na silang lahat, those people who detroy and take lives really deserve death.

    Hay ewan.. :(

    http://angpangalankoayleah.blogspot.com/2011/03/wednesday-march-30-execution.html

    TumugonBurahin
  2. prayers na lang magagawa sa soul ng 3 pinoys na nabitay.

    TumugonBurahin
  3. Sa likod nito ay mahalagang aral.
    Be blessed po!

    TumugonBurahin
  4. nagpost din ako upang humingi ng panalangin bago pa man mabitay ang ating kababayan. Nakakalungkot isiping talagang pinanindigan ng bansang tsina ang pagbitay.

    ano ang posibleng idulot nito sa atin. Negatibo ang aking nakikita... hindi kadadalaan ng ating kababayan ang nangyari, dahil sa kahirapan.. kahit anong klaseng pagkapit sa patalim ating ginagawa.

    Sa ating mga kababayan, panalangin na lang natin sila. Hindi maiiwasan, magkakaron ng galit sa ating saloobon sa lahiing intsik. Hayaan na natin ang Diyos sa kanila

    TumugonBurahin
  5. nkakalungkot naman.. haisst :(

    TumugonBurahin
  6. Nalulungkot din ako...

    TumugonBurahin
  7. Nice blog bro, comment ka din sa akin ha..eto blog ko..batas ng tao, iba na topic mo ngayon ha..COOL ka talaga..

    TumugonBurahin
  8. ganyan talaga. pero ako naniniwala na Diyos lamang ang pwedeng kumuha ng buhay at hindi ang tao

    TumugonBurahin
  9. napatunayan man o hindi,... hanga ako sa China.. pasensya na po... hindi ako galit sa tatlong nahatulan.. pero hanga lang talaga ako sa sa china.. kasi nagawa nila ang gusto niola... sa Pinas.. ilang chinese na ang nahuling drug lord.. kaso wala rin nangyari... yun lang ang punto ko.. anyway.. I.R.P sa tatlo...

    TumugonBurahin
  10. walang konsensya ang nagparusa.......ako din may sinulat tungkol sa nangyaring pagbitay..

    TumugonBurahin
  11. sabi daw mapagmahal ang mga pilipino... marunong makalimot..marunong magpatawad.. lahat ng issue ng mga kilalang tao (katulad ni willie) eh madali lang nakakalimutan ng tao. Kaya ang sakit naman nitong ginawa ng tsina.. goodluck sa mga singkit na nagtitinda sa divisoria.. badtrip sila.. joke. pero may nagsasabi na ganti lang daw ng tsina yun kase..kase... di ba dahil sa holdapan sa luneta.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...