Lumaktaw sa pangunahing content

Tanong Ko, Sagot Mo?

Tanong. Ang sabi nila, ang batang matanong ay batang nag-iisip.  Bibo ika nga ng karamihan.  Ngunit ang matandang matanong ay taong makulit o di kaya'y bobo din kung tawagin. Pero magkagayunman, wala naman masama sa magtanong at wala din naman masama kung hindi mo alam ang sagot sa tanong. Ang mahalaga naniniwala ka na ang lahat ng tanong na meron sa mundo ay may sagot.  Oo! Kahit na gaano pa yan kahirap o kahit hindi mo yun alam, lahat ng tanong na yan ay may sagot. Yun nga lang, posibleng ang sagot na yun ay maaaring tama at maaari ding mali. Pero tama man yun o mali, sagot pa din ang tawag dun. Kaya totoong lahat ng tanong ay may sagot.  Kalokohan yung mga eksena sa ligawan na "Pare, hindi nya ako sinagot...hindi daw nya ako gusto." Ang totoo sinagot ka nya, sinagot ka ng "HINDI".

Ano nga ba ang meron sa tanong? Walang meron sa tanong. Pero meron akong mga tanong na pwede din nyong bigyan ng sagot.  Tara sagot na!

  1. Bakit kapag nalaglag ang tinidor ay may lalaki daw na darating at kung kutsara naman babae daw ang bisita? Dahil ba ang lalaki ay mahilig manusok at ang babae ay mahilig sumubo?
  2. Alam natin na Silangan ang tawag kung saan sumisilang ang araw at Kanluran naman kung saan kumakanlong ang araw. Saan naman nanggaling ang Timog at Hilaga?
  3. Bakit ang tagalog ng bicycle ay biskleta at sa motorcycle naman ay motorsiklo? Bakit hindi naging bisiklo o motorsikleta?
  4. Alam natin na ang tagalog ng left-handed ay kaliwete, ano naman sa right-handed? Kananete?
  5. Kapag kaliwete ka, mahilig ka bang mangaliwa? Kung Kananete (*assume natin na may word ngang ganyan*) ka, mahilig ka bang kumana?
  6. Totoo bang tirahan ang tawag sa bahay na may nagtitirahan at tahanan naman kasi may tumatahan?
  7. Bakit may tagalog tayo sa four-seasons, tag-lamig, tagsibol, taglagas at tag-init, eh dalawa lang naman ang klima sa Pinas, tag-araw at tag-ulan lamang? Na-predict na ba na magkakaroon na tayo ng four-seasons?
  8. Kapag sinabi nating amoy-araw ka, lasang ipis, mukhang dyosa..totoo bang naamoy na natin ang araw? natikman ang ipis? at nakakita ng dyosa?
  9. Bakit ang tawag natin sa likod ng tuhod ay alak-alakan pero wala tayong tawag sa likod ng siko?
  10. Totoo bang walang utak ang biya?
  11. Ano ba ang tama, NAKAKAINIS o NAKAIINIS? Di ba ang dapat na inuulit ay ang unang pantig ng salitang-ugat?
  12. May ugat nga ba ang salita?
  13. Bakit hampaslupa ang tawag sa mahirap, eh ang mga mayayaman,  hampasbato?
  14. Sa mga di magandang salita ng Pinoy, sinasabi na ang ina ay PUTA, bakit walang amang PUTO? lahat ba ng kalapating babae ay mababa ang lipad? Eh ang mga lalaking kalapati mataas ba lumipad?
  15. Tama bang sabihin natin na isang SENTIMO at limang SENTIMOS? Kung ganun, tama din siguro na sabihin natin ang isang PISO at limang PISOS? O kaya naman isang Kamati at limang Kamatis? Yun nga lang meron bang ganyang turo sa balarilang Filipino/Tagalog ukol sa pagdudugtong ng "s" sa pangngalan?
  16. Bakit iba ang pagkakasalin ng mga salitang I LOVE YOU sa tagalog? Sa tagalog kasi nagiging simpleng "MAHAL KITA".  Totoo bang pinagsasanib ng pagmamahal ang I at You bilang isa kaya ito naging KITA?
  17. Kapag sinabi nating "abot langit ang tuwa", umaabot ba talaga sa langit ang ating tuwa?
  18. Bakit lahat ng daliri natin sa kamay ay may tawag, hinlalaki, hintuturo, hinlalato, palasingsingan at hinliliit, eh sa mga daliri sa paa, may iba pa ba tayong tawag?
  19. Kung ang tawag sa ama ay "haligi ng tahanan", at "ilaw ng tahanan" naman sa ina, bakit walang katumbas ang ama kung ang twag sa ina ay MAYBAHAY? Pwede ba nating tawagin ang ama na MAYTRABAHO?
  20.  Kaya ba ang tawag sa asawa ay "kabiyak" dahil pinag-isang dibdib na sila? Paano ang tawag sa mga naghiwalay, winasak na dibdib o kaya biniyak na dibdib?
May sagot ka na? Sige komento na! ^_^

Mga Komento

  1. 17) Kapag sinabi nating "abot langit ang tuwa", umaabot ba talaga sa langit ang ating tuwa?

    SAGOT: Oo naman. Di ba pag abot langit - umaapaw sa saya, e napupuno ang universe, kaya umaabot na sa langit. Parang baha, pag napuno ang kanal, napuno ang kalsada, abot 2nd floor. Ganun din :P

    TumugonBurahin
  2. 13) Bakit hampaslupa ang tawag sa mahirap, eh ang mga mayayaman, hampasbato?

    SAGOT: Madalas kasi, pag mahirap, sila ung madalas na nakaluhod at nagmamakaawa, sa sakit na nararamdaman nila (pisikal kasi gutom o may karamdaman na), pati sa sakit ng kalooban, nahahampas nila ang lupa. Parang *reflex* Kaya ganun :)

    Sa mayaman naman, ang tawag sa kanila (sa amin, para mayaman din ako in Jesus' name), pinagpala. Kasi nung nagbuhos ng biyaya, sila ung pinagdakot = pinag-pala nung mga yon hehehe

    TumugonBurahin
  3. PS: kaya hindi pinagpala ang tawag sa mahirap, kasi wala silang 'pala', hinahampas lang nila lupa. ;P

    TumugonBurahin
  4. @BlessedZyra
    tamang tama sa pangalan "Pinagpala" nga... ahehehe...

    nice answers...pwede din nating tawagin ang mga mayayaman na mapalad...malalapad ang palad kaya easy lang ang pagdakot... ahehehe... :D

    TumugonBurahin
  5. Mga Tugon
    1. mayaman daw ang pilipinas dahil 1barkong gold bar ni marcos

      Burahin
  6. Tama bang sabihin natin na isang SENTIMO at limang SENTIMOS? Kung ganun, tama din siguro na sabihin natin ang isang PISO at limang PISOS? O kaya naman isang Kamati at limang Kamatis? Yun nga lang meron bang ganyang turo sa balarilang Filipino/Tagalog ukol sa pagdudugtong ng "s" sa pangngalan?

    Intelligent guess lang 'to.
    Hiram na salita lang kasi ang sentimos, from cents. Kung gayon, pag singular, sa Ingles ay cent at sa Tagalog ay sentimo. At kung plural, sa Ingles ay cents, at sa Tagalog ay sentimos.

    Regarding sa piso, native word ng Tagalog 'yan, so hindi mo kailangan sundin ang grammar rule ng Ingles, ang rule kasi sa grammar ng Tagalog, 'pag plural ay lalagyan mo ng salitang 'mga', so imbes na pisos, dpat mga piso.

    Sa kamatis, sabi ko nga, ang grammar rule sa Tagalog ang dapat sundin. Isa pa, wala namang salitang kamati.

    Haha, ang seryoso ko naman.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ui are u sure i think it is out of coverage area..

      Burahin
  7. bago pa man ako magcomment, binasa ko muna yung mga sagot nila. baka sakaling makakopya ako. :)) :))

    1.) Bakit kapag nalaglag ang tinidor ay may lalaki daw na darating at kung kutsara naman babae daw ang bisita? Dahil ba ang lalaki ay mahilig manusok at ang babae ay mahilig sumubo?

    -nasagot mo na kuya. no furthur explanations. :)) :))

    16.Bakit iba ang pagkakasalin ng mga salitang I LOVE YOU sa tagalog? Sa tagalog kasi nagiging simpleng "MAHAL KITA". Totoo bang pinagsasanib ng pagmamahal ang I at You bilang isa kaya ito naging KITA?

    - kung tatagalugin ito ng word per word. ako mahal ikaw, ang pangit naman. barok na barok masyado. kaya mahal kita nalang. parang ano lang din yan e, I SAW YOU bilang NAKITA KITA.

    TumugonBurahin
  8. hirap naman sagutan ang iba sa katanungan mo sir gulaman. hehehe..

    ang kulit ng kamati. pag lima na, kamatis :p

    TumugonBurahin
  9. @charles
    ahehehe..ayuz...mahusay ang observation ah... matalinong pag-iisip ika nga... pero naisip ko lang din na gamitin ito sa ibang hiram na salita tulad ng traysikel, jeep, telepono..so pwede na din silang maging traysikels, jeeps, at teleponos... ahehehe..parang pwede nga ah...ahehehe... :)

    @rainbow box
    ahahaha..yun ba talaga yun..hula lang din... kaso nga pano pagsandok ang nahulog? lola ang darating?... ahahaha...ang laki naman ng subo ni lola...ahahaha...

    dun naman sa isa...parang katulad yan nun sinabi nun ka-ofiz mate ko.. sabi nya: Im so happy when I saw your face... Sa tagalog, ang saya ko kapag nilagari ko ang mukha mo... ahahaha...

    @khantotantra
    ahahaha...uu nga...pero wala naman daw salitang kamati eh.. eh di ganito na lang, pag isa kamatis, pag lima na, kamatises??? ... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  10. dami mo'ng tanong! heheh. pero mahirap sagutin ang mga katanungan nya yan. in all fairness, marami kang points hehehe

    TumugonBurahin
  11. @superG: pag sandok ang nahulog, biyenan. :)) :)) :))

    TumugonBurahin
  12. @Bino
    ahehehe..sagot lang..ayus lang khit ano... ahahaha... :)

    @rainbow box
    biyenan pala yun... ang laki ng subo ng byenan...:)) :)) :))

    TumugonBurahin
  13. 1. Bakit kapag nalaglag ang tinidor ay may lalaki daw na darating at kung kutsara naman babae daw ang bisita? Dahil ba ang lalaki ay mahilig manusok at ang babae ay mahilig sumubo?

    isa sa mga pamahiin na hindi ko malaman ang dahilan? ano ang kunetion ng tinidor sa bisitang lalake? tanong ko na rin yan noon pa mana...

    2 Alam natin na Silangan ang tawag kung saan sumisilang ang araw at Kanluran naman kung saan kumakanlong ang araw. Saan naman nanggaling ang Timog at Hilaga?

    informative pare.. now ko lang nalaman na kanlungan pala ang pinamulan at ugat ng Kanluran.. asteg...

    12. May ugat nga ba ang salita?

    hahahha... kakasabi ko lang ng salitang ugat.. ito na naman.. ehehe..

    anyway.. maganda ang mga tanong mo sa bhay pare.. mahirap siyang sagutin lahat.

    TumugonBurahin
  14. @musingan
    ahehehe..uu nga basta pamahiin...mahirap tlaga i-explain kung bakit..

    halimbawa, bakit bawal matulog ng basa ang buhok? hindi ka nmn daw mababaliw pero sigurado mababasa ang unan...

    Bakit bawal magtahi sa gabi? kasi noon, wala pang kuryente, gasera o kandila lng ang gamit...kaya posible na matusok ka ng karayom...

    Bakit bawal magwalis sa gabi, lalabas daw ba talaga ang swerte? Hindi naman cguro pero dahil nga noon wala pang kuryente mahirap magwalis kapag gabi hindi mo makikita ang kalat yun pala pera na ang nawalis mo...

    yung iba kaya kong i-explain pero ang hindi ko lang alam Bakit kapag friday sa bahay ang ulam namin ay MUNGGO?

    TumugonBurahin
  15. hahah totoo lang dame ko tawa at ang informative din hahahahha san mo nakuha lahat toh..? haha.. napaisip naman ako na may kalaliman..

    una.. ngayon ko lang naisip na may konek naman pala ang tinidor at kutsara sa lalake.. kase dati iniisip ko parang baliktad.. kase parang babae ang tinidor..kase parang buhok na mahaba.


    sa question mo sa number 8... feeling ko ang sagot jan yung post mong huli (yung kay einstein) -- FAITH! hahaha

    Tapos sa iba pa tulad ng number 11, feeling ko ang sagot naman ay EVERY RULE HAS AN EXCEMPTION.

    hahah hanggang sa MAYBAHAY-MAYTRABAHO dame ko tawa hahahah

    TumugonBurahin
  16. @Kamila
    yung iba epekto ng matagal na pagtunganga ko..yung iba naman base napagdaan..experience ba... katulad ng Bakit kapag friday sa bahay ang ulam namin ay MUNGGO?.. peksman munggo talaga kami every friday...ahahaha... :) ang totoo nyan alam ko madami pa akong tanong eh..yung iba nga lang hindi ko din ko mahalukay sa parte ng kukote ko... ahahaha..memory gap... :D

    yung sa number 11 no? nagtataka lng din ako.. cguro nakasanayan lang din..nakakaaliw instead na nakaaaliw..nakakatakot instead na nakatatakot...tapos sa mga gitlapi ganun din..giniling prinito, ginisa, pinaksiw...pag dating sa laga iba na..nagiging nilaga...unlapi na ang ginamit..bakit hindi na lang gawin na nigiling, niprito, nigisa, nipaksiw...sakto pa sa nilaga... ahahaha... :D

    yung sa MAYBAHAY-MAYTRABAHO..wala imbento lang... ahahaha... inde ko din kasi alam... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  17. patawa ka!! paano yan kaliwete ako! at mahilig akong mangaliwa sa halos lahat ng bagay! hahaha

    TumugonBurahin
  18. Oo nga naman no. Yung mga tulad sa no.11 lagi akong nalilito. NAKAKALITO ba o NAKALILITO? haha. Pero parang mas tama yung huli, na ang unang pantig ng root word ang inuulit. NAKAKAUMAY o NAKAUUMAY? Ay ewan. Depende na siguro yun sa teacher. Kung nung hayskul pa ako ay nabasa ko na 'to, siguro ay matagal ko ng nilito titser namin. haha

    Parang gusto kong i-share to sa facebook, haha

    TumugonBurahin
  19. Ito lang iyong mga alam ko ha?

    2) Ang Timog at Hilaga ay hiram na salita na nanggaling sa salitang Malaya.
    5) Tinagalog mo lang naman iyong apat na panahon ng ibang bansa e.
    9) Sa pagkakaalam ko, ganun din ang tawag e.
    11) NAKAKAINIS kasi ay nanggaling sa napapanahong pambalanang salita na Kainis. Sa totoo lang, pareho iyang tama, pero mas pormal iyong NAKAIINIS.
    12) Ang tinutukoy na ugat ay iyong pinagmumulan ng salita sa pinakapayak nitong anyo.
    14) May pagka-sexist kasi ang mga tao noong unang panahon, mga babae lagi ang nakikitang marumi at mali.
    15) Ang sentimo kasi, hindi naman iyan Tagalog, sa Kastila nanggaling iyan, tapos hiniram na lang ng wika natin.
    16) Opo. Ang wika talaga natin ay may dual pronoun, hindi lang iyong normal na 1st, 2nd, 3rd, ito nga iyong KITA.
    17) Matalinghaga lang iyong parirala.
    18) Ang alam ko lang, hinlalaki pa rin sa paa, pero iyong hinliliit, kalingkingan naman sa paa.
    19) Unang panahon pa ito. Kaya maybahay ang mga ina, kasi madalas na nasa bahay lang lagi ang mga babae, tapos iyong mga lalake, kung hindi nangangaso, nagsasaka.

    TumugonBurahin
  20. @iya_khin
    ahehehe..hindi nga ba?...ano ba kasing nangangaliwa ang iniisip mo.... ahahaha...

    @kristian
    ahehehe..cge lang share lang po... yeah yeah.... :)

    @Michael
    ahehehe..seryoso ha...nice one dami answers ohh... :)

    2) Sa Malay ba galing yun? Yung mga tao sa Malaysia o mga malaysians mga malay din ba yun? Kung galing nga yun sa Malay bakit pag ginamit ko ang google translate Selatan at Utara ang translation nagiging translation, malayo sa Hilaga at Timog.
    5) uu nga bakit may tagalog, eh wala naman tayong ganun?
    9)alak-alakan din ba yun?
    11)yeah pag marami na ang gumagamit..nagiging tama na sya..yun ay applicable lang sa salita...panu kaya sa ibang bagay?
    12)ibig sabihin doon nanggaling ang lupon ng mga salita tulad ng nakaiinis..galing sya sa salitang ugat na inis... pero panu sa literal na halaman..puno ng mangga...nanggaling sya sa ugat ng mangga? di ba sa buto?
    14) yup tama, masyadong mababa ang tingin ng tao sa babae noon...anyway akhti naman sa ngayon may mga ganun pa din kaso...
    15) sentimo? kastila ba yun? sabi kasi nun isa english daw from word centavo...
    16) uu nga and that makes tagalog more interesting... :)
    17) ahehehe..ganyan tayong mga pinoy exaggerated minsan... ahehehe... :)
    18) uu nga ganun din ang tawag ko...although hindi ako sure na yun yung tawag dun...
    19) ahehehe..so tatawagin na natin ang ama na MAYTRABAHO? ahehehe..imbento ko lang din ang salitang MAYTRABAHO... ahahaha... :D

    wooot..salamat ng madami sa time at effort.. ayan may tanong ako ulet sa mga sagot mo..feel mo pa din bang sagutin...wala nmn tama o mali jan..basta lahat may sagot... :D

    TumugonBurahin
  21. natatawa naman ako heheheh

    pagsikat ng araw sa umaga dpat bukas ang bintana at pinto para pumasok daw ang grasya???

    pagnangati palad?may darating na pera?
    hehehe

    mgndang hapon super G!

    TumugonBurahin
  22. @~ JaY RuLEZ ~
    ahehehe...oo nga...ngayon natin gawin yan... cguro umaga pa lang..nanakawan ka na...

    ahehehe..kalokohan din yan nangangati ang palad.. ang solusyon dun..kamutin...ahahaha.. :D

    TumugonBurahin
  23. ahem... parang alam ko yung "ang saya ko kapag nilagari ko ang mukha mo" =)) hmmm... anyways, diba ang siko ay nasa likod na parte ng katawan??? (likod ba? basta) so yung part na pwedeng unatin at itiklop ay tawagin nating pulut-pulutan... para partner sila, may alak at pulutan (oi corny!)

    Nice post, lakas ng tawa ko...

    Ang kultura ng pinoy ay talagang mayaman, lalo na pagdating sa salita...

    Bilin nga ng matatanda "Aba tumabi ka sa sasakyan" siyempre ang gagawin natin ay umiwas o pumunta sa safe na lugar. Pero kung hihimayin mo ng literal "ibig bang sabihin ay didikit tayo sa sasakyan?" di ba hindi... kasi ang salitang "tabi" daw ay galing sa lumang Pilipino na "habi" na ibig sabihin ay umiwas o lumayo (kung tama pa sa memorya kong 1mb)...

    May pagkakataon ding narinig ko si mama na "bago ka umalis, isara mo ang pinto"... pero tanghali na hindi pa ako nakakalabas =))

    O di kaya "pag hindi mo nakita yan, makikita mo sa aken"... anak ng! nasa kanya naman pala, pinapahanap pa sa akin...

    Walang konek no? wala kasi akong masagot eh...
    Whoahh 'bang haba na nito... ayoko na... =))

    TumugonBurahin
  24. @Captain Youni
    ahehehe...oo alam na lam mo tlaga yan... ahahaha.. :)

    nice one..uu nga pwede yun pulut-pulutan...:))

    ahehehe..sabagay...masasagasaan ka lalo nun... ahehehe..dapat "tumabi ka gilid palayo sa sasakyan"...matalino lang tlaga ang pinoy..kahit iba ng sinasabi alam ntin ang meaning...

    wahehehe...adik nga...ikaw nga yan... :)

    TumugonBurahin
  25. dapat kasi nung nag aaral ka pa tinanong mo na kay titser yang mga yan! tingnan ko lang kung di ka palabasin :D

    Gusto mo bang manalo ng $25?

    TumugonBurahin
  26. @LordCM
    wahehehe... malamang nga palabasin ako...o kaya nmn ibagsak na ako ng tuluyan... ahahaha...

    tatanong ko pa nga sana kung pwedeng uminom ng softdrinks sa coffeebreak... o kaya makinig ng AM radio sa gabi? ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  27. hahaha ang kulet ng mga tanong hihihi agree ako kay kuya cm palalabasin ka ng teacher mo for sure kapag tinanong mo sa kanya yung mga ganayng tanong hehehehe

    TumugonBurahin
  28. @♥superjaid♥
    yeah... uu nga baka magpowertrip lng yung mga yun...tpos bagsak ako...ahahaha...sayang ang dami ko pa nmn tanong wala lng akong lakas ng loob...

    mga tanong na walng kwenta pero may sense... ahahaha... bakit walng egg ang eggplant? bakit ang pineapple hindi gawa sa pine o kaya sa apple? bakit ang plural ng tooth ay teeth pero hindi pwedeng phone booth then phone beeth? tapos sabi quicksand, eh ang bagal naman nun umagos? ahahaha...woaahhh... ahahaha.. :D

    TumugonBurahin
  29. Bilib ako sa post mong ito lalo na ang number 16.....

    TumugonBurahin
  30. "Tama bang sabihin natin na isang SENTIMO at limang SENTIMOS? Kung ganun, tama din siguro na sabihin natin ang isang PISO at limang PISOS? O kaya naman isang Kamati at limang Kamatis? Yun nga lang meron bang ganyang turo sa balarilang Filipino/Tagalog ukol sa pagdudugtong ng "s" sa pangngalan?"
    ------may sinita na din ako na dalawang kasamahan sa trabaho kung bakit me "s" ang dulo ng kanilang apelyido gayung sila ay iisa lamang - si Batitis at Alcachupas..si Batitis ay nag-agree na dapat nga pala ay Batiti lang ang kanyang apelyido pero si Alcachupas eh umalma dahil malaki daw naman ang kanilang angkan :)

    TumugonBurahin
  31. share lang po,dko alam bkit nangyayari may x bf ako,pro wala kmi formal break up.nag karon kmi comunication sa fb,pro may kanya kanya n kmi pamilya,pinag usapan namin ang nakaraan,may malisya prin daw sya sakin??ako parang nasasabik din sa kanya??naiisip ko xa??panu ba xa mawawala sa isip ko? advice me pls...thanks

    TumugonBurahin
  32. @Arvin U. de la Peña
    ahehehe...pero oks nmn diba?

    @Kepinks Ramos
    natawa nmn ako dun...ang kulit...pwede...:)

    @Anonymous
    whoooahhh..ayuz zszaz tanong.. pero patulan kita sa tanong mo...anak ng tokwa may mga sarili na kayong pamilya...makati lang ang dating nyan sa akin..hindi pagmamahal o unfinished business twag dyan...kakatihan lang din yan...hindi ako magmamalinis... pero walang mangyayari dyan sa mga bugso ng damdamin nyo..itigil na habang maaga...wag nyong hayaang masira ang inyong pamilya..ang solusyon dyan..i-delete sya sa facebook at alisin ang anumang komunikasyon sa isa't isa... period.

    TumugonBurahin
  33. duhhh none sense topic...

    TumugonBurahin
  34. magbigay ng tatlong pagpapakahulugan ng mga author okol sa wika?
    assignment ko kasi ito eehhh plss pa help!!!

    TumugonBurahin
  35. hahahaha....asin to the highest level na smiles! ;p

    TumugonBurahin
  36. gusto ko yung mga tanong at gusto ko din yung mga kuro kurong naging sagot..para bang tama yung mga rason kung bakit ganoon nga ang mga bagay na nabanggit hehehe

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...