Lumaktaw sa pangunahing content

Super Gulaman sa Bayan ng mga Arabo (Part 1)

Lulan ng pampublikong sasakyan, kipit ang kapirasong karton na kung tawagin ng karamihan ay "Nol Card" na nagsisilbing pasaporte mo sa paggala sa kalunsuran ng Dubai, hindi ko pa din maiwasang ikumpara at hanap-hanapin ang bayang pinagmulan.

23 August 2011, 11:30pm

Ito ang araw at oras ng simulang lumapag mula sa himpapawid ang sinakyang salipawpaw (airplane) sa kalupaan ng mga Arabo. Ito din ang pagkakataon na simula akong humanga at sabihin sa sarili na "sana ganito din sa Pilipinas". Pero ano nga ba ang maganda sa Dubai? Mga gusali? Trabaho? Disiplina ng mga tao? Takot at paggalang sa mga alagad ng batas? Murang gasolina? High-tech na mga kagamitan at inprastraktura? At madami pang iba na wala sa Pinas.

Nakakamangha (Nakamamangha??). Ito ang Dubai para sa akin sa unang linggo ng aking pananatili dito. Maganda ang kalunsuran maliban sa mga di kaaya-ayang amoy na kayang sumira ng iyong paniniwala ukol sa pagligo na tila ba nangungumbinsi na may kakulangan sa tubig sa lugar na ito.  Pero hindi, malakas ang daloy ng tubig sa bansang ito. May sariling paraan ang mga arabo sa pag-ipon ng daang libong metriko ng tubig na umaagas sa mga bahay sa kalunsuran.  Sa paanong paraan? Yun ang hindi ko alam. Sa katunayan, kapansin- pansin ang tila ba pagiging kulay luntian ng disyerto dahil sa punong alanganing Niyog o Kawayan (Dates daw yun sabi sa chismiz.).  Bukod pa dun, nagkalat din ang bermuda grass na pinapanatiling basa upang yumabong sa kabila ng matinding sikat ng araw.  Ang sabi sa chismiz, mula daw sa dumi ng tao ang tubig na pinadidilig dito. Minsan nga gusto kong tikman ang lasa ng tubig upang mapatunayan ang mga haka-haka.

Kung gusali naman ang usapan, mahihiya ang mga nagtataasang kahon na animo'y mga nakatayong kabaong ng Makati kumpara sa mga gusali sa Dubai. Sa Dubai, hindi uso ang puro kahon na tema, kailangan may art at dapat kalidad ang gusali.  Bakit? Aba, eh sa ibabaw kaya yan ng buhangin itatayo.  Hindi din uso ang pagtitipid ng materyales, pakapalan nga ng dingding ang labanan dito, syempre at dahil disyerto dito maraming supply ng buhangin na pwedeng ihalo sa semento.  Sa gabi, kapansin pansin ang liwanag na mula sa nagtataasang gusali ng dubai, iba-iba na umaayon sa disenyo ng inprastraktura, may bilog, patulis, parisukat, may hugis pyramid, may gusaling animo'y may malaking golf ball sa tuktok (etisalat),  at madami pang iba na sasabihing mong "ang yaman talaga nila".

Trabaho.  Karamihan ng mga kababayang natin na tumutungo dito, isa lamang ang pakay-- trabaho. Ako? Hindi ito ang pakay ko noong nasa Pinas pa ako kung bakit ako pupunta dito.  May maganda akong trabaho noon sa Pinas na ang tanging ginagawa ko lang ang matulog sa bahay at tumitig sa harap ng monitor ng computer hanggang sa umusbong ang ideya sa aking kukote.  Online Writer-Researcher yan ang trabahong iniwan ko para sa kaligayahan ng puso ko.  Oo, pag-ibig ang pakay ko dito na unti-unting nadadagan ng ilang aspeto tulad ng para sa kinabukasan at para sa kasalukyan.  Ang totoo nyan, ipinusta ko na lahat ang 8 taong buhay ko sa Pinas para makapiling lang ang aking Grasya at ang grasyang magmumula sa kanyang sinapupunan. Puspos sa paghahanap ng trabaho, ilang araw na lang paso na Visa ko. Pumunta ako sa mall, "Can I drop my CV here?", ganyan ang linya ko sa mga tindahan. Pag-uwi naman sa bahay, forward CV, gulfnews, duzzible, JAFZA etc etc. Hintay ng tawag para sa interview.  Sa dami ng nabigyan ng CV, may mga 2-3 tatawag para sa interview. Halos lahat ng iyon pre-presyuhan ka na base sa kakayahan mo. Nasa iyo na kung tatanggapin mo o hindi.  Ito ang maganda sa Dubai, hindi gaano kahalaga na malaman kung ano ang tinapos mo at saang paaralan ka nagmula. Hindi uso ang tanong na "ano ang tinapos mo?", ang labanan dito ay "ano ang alam mo?" Back to zero, ito ako ng simulan kong pagulungin ang akin buhay sa mundo ng mga arabo.  Hindi naglaon, nakahanap din ako ng trabaho bilang sekretarya sa isang probinsya sa UAE-- sa Sharjah.  Sinubukan ko ng ilang araw, kayang-kaya naman pala. Madali lang maging alipin ng General Manager, Deputy Manager at Project Manager. Simple lang naman ang gagawin mo, kung ano ang kailangan nila bigay lang.  Pero makalipas ang 13 days umayaw na ako.  Bakit? Isipin mo na lang na kailangan mong mag-ala-GM dahil kailangan.  Ang masaklap dun, 100% mas malaki ang sahod nya kumpara sa iyo. Wala pa dun ang mayayabang na "Pana", na akala mo "Perfect English" ang salita at alam na alam ang trabaho nila, yun pala puro palusot lang sa maghapon lumipas lang ang oras (walang discrimination yan, napansin ko lang). Ugali nilang magmagaling, umako na alam ang lahat, laitin ka sa harapan ng mga big bosses pero sa akin din pala lahat ipapasa dahil tanging ako lamang ang nakakaalam. Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako umalis, dahil sa ngayon mas kailangan ako ng Grasya ko sa Dubai, hindi sa malayong probinsya ng Sharjah.

Sa ngayon, tambay na naman ako sa bahay, walang trabaho, naghihintay ng kapalaran sa isang magandang kumpanya sa Dubai.  On Employment Visa processing na daw, kailangan mag-exit sa Dubai, hindi daw pwede sa Kish, sa Pilipinas daw.  Ang sa akin lang, kahit naman saan basta makapiling lang ang aking Grasya at ang aming supling sa kanyang sinapupunan.

(itutuloy...)

(Note: Ang sulating ito ay ayon lamang sa opinyon at sariling karanasan ng may-akda.  Hindi ito naglalayon na manira o mang-alipusta ng sinuman o ng mga bansa. Siniguro din ng may akda na walang nasangkot na "ilang na mga hayop" (endangered species) sa paglikha ng sulating ito. Salamat po sa pag-unawa.)



Mga Komento

  1. makakahanap ka rin dyan pare. wag mawalan ng pag-asa :D

    TumugonBurahin
  2. nakakamangha nga ba? oo maganda nga yung mga buildings, mayaman sa oil ang middle east.. kaya lang kung sa ugali.. iba talaga ang pinoy.. nasa jordan din ako, pero masasabi kong wala man tayo katulad ng meron ang middle east, pero proud akong pinoy ako at hindi ko kasing ugali ang mga ungas na arabo..

    TumugonBurahin
  3. @Bino
    oo parekoy...salamat, kaya yan syempre...:)..sabi nga nila, mawalan ka man ng pag-asa, wala kang magagawa, kailangan mong magkaroon...kung ang bagyo nga may pag-asa, tao pa kaya...:)

    @Jennifer
    yeah right..maganda nga din talaga dito, pero hahanap-hanapin mo din tlaga ang Pinas..at ease kasi tayo dun...sa ugali nmn ng tao..parehong may good at negative sides...siguro sa akin ang problema tlaga is yung familiarity, habits at discrimination...:)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t