Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa 2013

Minsan lang.

Let’s do it.  May katagalan na din ng huli akong maglagay ng bagong sulatin sa hindi-kagandahan-at-medyo-may-kabagalan-na-weblog na ito.  Ang totoo nyan, sawa na din ako sa kalalagay ng mga entry na ukol sa aking pagbabalik. At sigurado din naman akong sasabihin mo na “Welcome Back” at pagkatapos nun ay patay na naman muli ang blog na ito. R.I.P. Ooops, I’m Back! Oo nga! Bago ko makumpleto ang huling pangungusap na itaas, kagagaling ko lang sa CR. Katatae ko lang! (tabi-tabi po sa kumakain).  Kaya sabi ko “I’m Back”. Pero I’m SuperGulaman talaga, hindi ako nagpalit ng pangalan. Uminom lang kasi ako ng tsaa na may gatas at maraming asukal.  Yung lasang kasing tamis ng arnibal na inilalagay sa taho. Medyo may problema kasi ako sa sistema ng pag-inom at pagkain ko.  Kapag uminom ako ng tubig o kahit na anong liquid. Magbilang ka lng ng isa hanggang limang minute, sigurado takbo ako agad sa CR para umihi.  Tapos, sa pagkain naman, isa hanggang tatlumpung...

Toshiba Champs, who are your customers?

Woooahhh! It’s been almost two years now since I joined the world of laptop merchandising.  Let’s say, I’m not yet an expert in this field but hey! I almost knew how to read people’s mind and behavior especially when it comes to their buying patterns. Here in Dubai, selling laptops is not an easy task.  Yeah! Correct! Because of underlying factors such as superior’s pressure, market pressure, customer’s pressure, competitor’s pressure, security pressure, price pressure, laptop configuration pressure, innovation pressure, time pressure, dream pressure, religion pressure, culture pressure, relationship pressure and almost all kind of pressures that you can ever think of and of course don’t forget the forces stated in Porter’s Five Forces Model such as threat of new entrants, threat of substitute products or services, bargaining power of customers (buyers), bargaining power of suppliers, and intensity of competitive rivalry plus the 5Ps in marketing such as price, product, peo...

Inip at Init

Mainit na namang muli ang haplos ng hangin. Init ng hangin ng disyertong umaanyaya na muling bumalik sa lugar na pinagmulan. Init na nagpapaalala ng hirap at pangungulilang titiisin para sa pangarap. Init na nagsasabing "tiis ka lang, matatapos din yan". Init. Disyerto. Pangarap.

Friendship

Ganito ang tunay na magkaibigan! :D

Toshiba’s Wet and Wild Adventure in Atlantis

So we made it! All issues about stocks, reporting, laptops, processors, RAM, graphic cards, Ghz speed, etc. were temporarily off. Shutdown! 24th of April 2013, we (me and the Toshiba family) enjoyed and had a blast for our usual getaway celebration… An adventure swimming trip indeed...  You know where? It was in Atlantis. Yeah! Really, it was in Atlantis. But don't make me wrong, it is not the same Atlantis (a legendary island) mentioned by Plato (a Greek Mathematician) in his Timaeus and Critias which was written about 360 B.C. Because even though we want to be in that legendary island (how I wish I will find that Island too), we cannot find that place since scientists, historians, adventurers and writers are also puzzled whether it is just a myth or it is real. But what we had is the Atlantis that you can find in The Palm, Jumeira, Dubai.  It is a waterpark that everyone would love to be there.  Oh! Anyway, for more info just visit: http://www.atlanti...

Stretch Marks

Alas-nueve na naman.  Gaya ng dati, una pa din akong nagigising sa iyo. Pinagmamasdan ko ang iyong mukha, teka na-iinlab na naman ako sayo at lagi naman. Niyakap kitang muli at bahagyang hinagkan. Yumakap ka din ng mahigpit habang nakapikit at pagdaka'y tumihaya upang ipagpatuloy ang mahimbing na pag-idlip. Dumantay ang aking kamay sa iyong tyan. "Hindi pa din pala nawawala ang bakas ng siyam na buwan." Totoo, hindi na itong kasing kinis ng noon, hindi na din ito kasing ganda ng kahapon. Pero alam ko, masaya kang magkaroon ng mga bakas na ito. Sa siyam na buwan nyang pamamalagi sa iyong sinapupunan, naiwan ang bakas ng kanyang pag-unat, pag-kisig, pagsipa na nagsasabing "ako si BabyG, hintay lang kayo dyan". Sa siyam na buwan na iyon, nagsilbi itong kanyang tahanan.  At sa bawat pagkakataon ng kanyang paghikab, pagsipsip ng hinlalaki at pag-idlip sa loob ng iyong sinapupunan, doon mo sya mas lalong minahal. Doon din ay lalo kang nasabik na makita sya at  ...

Pag-uuri

"Ihiwalay ang puti sa de-color" Natapos na naman ang buong linggo ko at sa wakas rest day ko na naman.  Pero katulad naman ng dati wala namang bago.  Bukod sa gwapo pa din naman ako (ehem!), wala naman kakaiba sa buhay ng isang OFW. Pero kung iisipin mo nga naman tayong mga Pilipino ay likas sa hilig sa pag-uuri (categorization) ng mga bagay-bagay. OFW...Overseas Filipino Worker sabi nila. May narinig na ba kayong OAW, Overseas American Worker? O kaya naman, OCW, Overseas Chinese Worker? Kahit mga taga-India, wala naman din daw silang OIW, Overseas Indian Worker. Tayo lang ang meron nyan. Onli in d Pilipins.  Sige isipin mo din, sa propesyon na gusto mong tahakin may pag-uuri din tayo dyan at iyon ay ayon sa impluwensya ng pamilya. Halimbawa, ang mga Marcos, pamilya yan ng mga politician. Ang mga Aquino, pamilya yan ng mga politician din. Politician nga ba o artista?... Ah basta, poli-tista na lang ayon sa pag-uuri ni SuperG.  Kung ang mga magulang mo ay t...

Tagal

Update. update. Wala na ako sa Pinas ngayon at medyo may katagalan na din.  Mag-dadalawang taon na din. Hindi na din ako single at medyo may katagalan na din. Mag-dadalawang taon  na din. At may baby na din ako at hindi pa naman ito katagalan. Mag-iisang taon pa lang din. Sa pagkakaalam ko nasabi ko din yata ang mga bagay na ito sa blog na ito at medyo may katagalan na din. May katagalan at kabagalan. Yan! Yan ang eksaktong larawan ng kukote ko ngayon.  Pero teka may larawan nga ba ang kukote? Kita nyo na hindi lang mabagal minsan may pagkasira-ulo din.  Balik tayo sa usapang katagalan.  Ang salitang "katagalan" ay mula sa salitang-ugat na "tagal" na nilagyan ng unlaping "ka-" at hulaping "-an". Ang salitang "tagal" ay isang pang-uri o adhetibo na tumutukoy sa haba ng oras ng paghihintay.  Ito rin ay kadalasang naiuugnay sa salitang "inip".  Ang salitang "inip" ay bahala na kayong maghanap ng kahulug...

WiFi

Internet WiFi hacking mode. Tulog pa lang ako, busy na ang utak ko sa paghahagilap ng paraan kung paano ako makakasagap ng libreng WiFi mula sa mga kapitbahay. Kung sa paanong paraan?...maraming paraan.  Kung sakali na mai-post ko ang sulating ito, tagumpay ang bidang loko. Kahapon... kahapon nga ba? Hindi ako sigurado, basta noong gumawa ako ng post ukol sa aking pagbabalik...hindi ko akaling may papansin nito.  Aba! si superjaid at kamilshake bumati na. Aba syempre maraming tenkyu po.  Sa ngayon gusto ko lang mag-post ng kahit ano. Sa katunayan hindi ko alam kung paano sisimulan ang post na ito.  Hindi ko din alam kung paano tatapusin.  Kaya ganito na lng muna, parang sabi ni Chito ng Parokya. Bigla na lng mawawala.

Eto na...eto na ulit!

Imahe mula sa  Leisure Rumblings Lumipad, nagpumiglas at kumawala ang ideyang nakahimlay sa bahagi ng bungo na kung tawagin ay kukote.  Hindi ko lang alam kung katulad ba ito ng ginto na kapag itinago sa mahabang panahon ay tataas ang halaga o dili kaya'y parang kutsilyong naging mapurol at kinalawang na dahil sa haba ng panahong hindi ito nagagamit. Hanggang sa sumandaling ito, wala pa din ang gana, wala pa din ang sigla at pananabik na muling makibahagi sa nakagisnang panitik. Matamlay ang diwa na hindi katulad noon na puspos ng ideya at mayabong na imahinasyon, dunong at impormasyon.  Ngunit katulad ng nakaraan, muli itong magbabalik...mangungulit at magpapasabik. Mask?...ok. Boots?...OA...but ok. Cape?...cape?...kapa?... Kapa??? ...nasa service center pa... ***hindi lahat ng bumabalik ay matalino at sikat, minsan bobo din at tamad...***