Alas-nueve na naman. Gaya ng dati, una pa din akong nagigising sa iyo. Pinagmamasdan ko ang iyong mukha, teka na-iinlab na naman ako sayo at lagi naman. Niyakap kitang muli at bahagyang hinagkan. Yumakap ka din ng mahigpit habang nakapikit at pagdaka'y tumihaya upang ipagpatuloy ang mahimbing na pag-idlip. Dumantay ang aking kamay sa iyong tyan. "Hindi pa din pala nawawala ang bakas ng siyam na buwan." Totoo, hindi na itong kasing kinis ng noon, hindi na din ito kasing ganda ng kahapon. Pero alam ko, masaya kang magkaroon ng mga bakas na ito.
Sa siyam na buwan nyang pamamalagi sa iyong sinapupunan, naiwan ang bakas ng kanyang pag-unat, pag-kisig, pagsipa na nagsasabing "ako si BabyG, hintay lang kayo dyan". Sa siyam na buwan na iyon, nagsilbi itong kanyang tahanan. At sa bawat pagkakataon ng kanyang paghikab, pagsipsip ng hinlalaki at pag-idlip sa loob ng iyong sinapupunan, doon mo sya mas lalong minahal. Doon din ay lalo kang nasabik na makita sya at mahagkan habang natutulog sa iyong bisig.
Kulubot, magaspang, at pangit para sa ilan, ngunit dyan nagmula ang ganda ng buhay dahil sa pagmamahalan.
bale wala ang stretch marks sa isang sanggol na bunga ng pagmamahalan. :)
TumugonBurahintama..wahehehe...:)
BurahinAstig ang post na ito!
TumugonBurahinSana nga lahat ganyan ang pagtingin sa stretch marks... Hindi kabawasan bagkus ay patunay na isang buhay ang nailuwal sa mondong ito.
Galing!
iyon nmn daw talaga dapat...dapat maging proud sa pinaghirapan..parang eyebag,,,be proud kasi pinapuyatan mo yun...:)
BurahinThank you for a sweet article indeed. However I would like to ask if you ever tries using cream or any product for your stretch marks? There's a product I have been using for months. Its the Gly Derm Stretch Mark cream which you can buy in all leading drug stores nationwide. You should try it. Having a stretch mark should be something you could be proud of but sometimes it'll upset you that there is something different in your body. Wish you all the best. :)
TumugonBurahin