Lumaktaw sa pangunahing content

Stretch Marks


Alas-nueve na naman.  Gaya ng dati, una pa din akong nagigising sa iyo. Pinagmamasdan ko ang iyong mukha, teka na-iinlab na naman ako sayo at lagi naman. Niyakap kitang muli at bahagyang hinagkan. Yumakap ka din ng mahigpit habang nakapikit at pagdaka'y tumihaya upang ipagpatuloy ang mahimbing na pag-idlip. Dumantay ang aking kamay sa iyong tyan. "Hindi pa din pala nawawala ang bakas ng siyam na buwan." Totoo, hindi na itong kasing kinis ng noon, hindi na din ito kasing ganda ng kahapon. Pero alam ko, masaya kang magkaroon ng mga bakas na ito.


Sa siyam na buwan nyang pamamalagi sa iyong sinapupunan, naiwan ang bakas ng kanyang pag-unat, pag-kisig, pagsipa na nagsasabing "ako si BabyG, hintay lang kayo dyan". Sa siyam na buwan na iyon, nagsilbi itong kanyang tahanan.  At sa bawat pagkakataon ng kanyang paghikab, pagsipsip ng hinlalaki at pag-idlip sa loob ng iyong sinapupunan, doon mo sya mas lalong minahal. Doon din ay lalo kang nasabik na makita sya at mahagkan habang natutulog sa iyong bisig.

Kulubot, magaspang, at pangit para sa ilan, ngunit dyan nagmula ang ganda ng buhay dahil sa pagmamahalan.

Mga Komento

  1. bale wala ang stretch marks sa isang sanggol na bunga ng pagmamahalan. :)

    TumugonBurahin
  2. Astig ang post na ito!

    Sana nga lahat ganyan ang pagtingin sa stretch marks... Hindi kabawasan bagkus ay patunay na isang buhay ang nailuwal sa mondong ito.

    Galing!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. iyon nmn daw talaga dapat...dapat maging proud sa pinaghirapan..parang eyebag,,,be proud kasi pinapuyatan mo yun...:)

      Burahin
  3. Thank you for a sweet article indeed. However I would like to ask if you ever tries using cream or any product for your stretch marks? There's a product I have been using for months. Its the Gly Derm Stretch Mark cream which you can buy in all leading drug stores nationwide. You should try it. Having a stretch mark should be something you could be proud of but sometimes it'll upset you that there is something different in your body. Wish you all the best. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t