Lumaktaw sa pangunahing content

Minsan lang.

Let’s do it.  May katagalan na din ng huli akong maglagay ng bagong sulatin sa hindi-kagandahan-at-medyo-may-kabagalan-na-weblog na ito.  Ang totoo nyan, sawa na din ako sa kalalagay ng mga entry na ukol sa aking pagbabalik. At sigurado din naman akong sasabihin mo na “Welcome Back” at pagkatapos nun ay patay na naman muli ang blog na ito. R.I.P.

Ooops, I’m Back! Oo nga! Bago ko makumpleto ang huling pangungusap na itaas, kagagaling ko lang sa CR. Katatae ko lang! (tabi-tabi po sa kumakain).  Kaya sabi ko “I’m Back”. Pero I’m SuperGulaman talaga, hindi ako nagpalit ng pangalan. Uminom lang kasi ako ng tsaa na may gatas at maraming asukal.  Yung lasang kasing tamis ng arnibal na inilalagay sa taho. Medyo may problema kasi ako sa sistema ng pag-inom at pagkain ko.  Kapag uminom ako ng tubig o kahit na anong liquid. Magbilang ka lng ng isa hanggang limang minute, sigurado takbo ako agad sa CR para umihi.  Tapos, sa pagkain naman, isa hanggang tatlumpung minute, takbo muli sa CR para naman sa pagdumi.  Hindi ko alam baka nakasanayan ko lang.  Ayos lang naman yun, hindi naman siguro nakakamatay ang ganun’g habit.

Sige kwentuhan kita, kahapon off ko at ang misis kong si Grasya. So, ako ang chef ng bahay.  Ang sabi ng misis ko, magluto daw ako ng papaitan. Ako naman na feeling-magaling-magluto-pero-hindi-naman ay nag-marunong.  So kumpleto ng rekardo, onion, ginger, garlic, green chili, pampapait, beef, at lemon. Ayun, successful naman ang kinalabasan at naglasang papaitan talaga.  Happy na si misis sa aking masterpiece.  After nun, nagsandok na din ako sa bowl at kumain na din kaming dalawa.  Pagkatapos kumain naisipan nyang ayusin na nmin ang “Balikbayan Box”, para maipadala na sa susunod na araw.  Ako naman bilang isang mabait-na-asawa (pagtulog) ay inayos na din ang ilalaman ng box.  Matapos ang mahigit sa dalawang oras, natapos na din naman ang pag-aayos nito. Pagdaka’y nagawi si misis sa kusina at nagulat sya sa kanyang nakita.  Yung papaitan ko, naging mapait na talaga, wala ng sabaw, sunog na.  Nakalimutan kong patayin ang apoy ng kalan, anak ng tokwa!  Pero hindi pa huli ang lahat, may ilang parte pa naman ang hindi natutusta. Kinuha ko iyon at hiniwalay sa mga nasunog na karne.  Hiwa ulit ng rekado, onion, garlic, capsicum. Kuha ng kawali, lagay ang mantika, at sinimulan ko ulit mag-gisa.  Binuhos ang naihiwalay na karne at nilagyan ng pepper at oyster sauce.  Ayun, beef stir fry with oyster sauce. Oha!  Kaya pagdating ng mga hipag ko mula sa trabaho, ayun may ulam pa din kami.

Maiba naman, nag-renew na ako ulit ng kontrata so may visa na akong bago.  Pero ang sabi ng amo ko, mag-resign na daw ako, wala daw akong silbi at hindi ko sya pinapayaman. Ang sabi ko naman, i-terminate mo na lang ako at least ako naman ang yayaman.  Para kaming naglalaro ng chess, magkamali lang ng move, mate ka. Pero ang totoo nyan, gusto ko naman talagang mag-resign, kaso wala pa akong malilipatan na medyo maganda ang sahod, kaya hintayan na lang kami muna. Magtiis muna sya sa katamaran ko at magtitiis din ako ng onti sa kabobohan at kabagalan nya. Hahayaan ko lang muna ang swerte kung ma-teterminate ba ako o mag-reresign ako.  Kaya kabayan kung nasa Dubai ka at may alam kang trabaho na angkop sa mga talents ko, share mo naman sa akin, promis hindi kita ipapahiya.


Ayan, tapusin ko muna ito. Sisimulan ko na din ang paggayak at mamaya-maya lang nandyan na ang carlift.  Simula na naman ng trabahong-masaya-pero-hindi-sa-amo.

Mga Komento

  1. maraming bloggers sa dubai. si iyah nandyan, si unplog o mar verdan. nandyan sila

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. honga...sana mabiyayaan ako ng tulong nila...ahehehe... :)

      Burahin
    2. malay mo diba. kontakin mo sila sa fb :D

      Iyah: https://www.facebook.com/iyah.diaz.752?fref=ts
      Mar: https://www.facebook.com/Mar.Verdan?fref=ts

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t