Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2014

Let's Play! (Tara laro tayo!)

Naranasan nyo na bang makipag-usap sa sarili nyo? Ang makipagtalo sa sarili? Yung tipong gusto mong gawin pero ayaw mo. Ito yung pagkakataon na nahihirapan kang magdesisyon sa mga bagay-bagay. Naranasan mo na din ba ang makipaglaro sa sarili? Yung iba sa inyo, hindi ko alam kung nagawa na ito. Pero noong bata pa tayo, as in noong isang uhuging musmos pa lamang tayo ay nahihilig tayo sa mga toy cars, robots, baril barilan. Kung babae ka naman mahilig ka sa mga paper dolls, kitchen set toys. At kahit mag-isa ka, enjoy na enjoy ka sa paglalaro. Ngayon na medyo may edad na tayo (*hindi ito nangangahulugan na matanda na tayo)...I mean ngayon na nasa wastong gulang at isipan na tayo, nakukuha nyo pa bang maglaro mag-isa?. Kaya mo bang magsarili? (*waaaa bastos na ang iniisip mo). Ang ibig kong sabihin, magsariling maglaro (*waaa, bastos ps din ang dating). Sige para maayos, sabihin nating maglibang mag-isa (*whew, ayan medyo ok na siguro ang term). Ahehehe. Pero ang totoo, mahirap talag...

@NBA Finals 2014 Game 3:Lebron James at Miami Heat hindi kinaya ang swerte ng Spurs

Nasungkit ng San Antonio Spurs ang Game 3 sa NBA 2014 Finals sa score na 111-92.  Nabigo ang Miami Heat na magpakitang gilas sa kanilang Homecourt. Sa katunayan, hindi naman talagang madaling talunin ang Miami Heat lalo na sa home court nila.   Pero paano nga ba tinalo ng Spurs ang Heat bukod sa pagkasira ng Aircondition noong game 1.  Simple lang naman, kailangan lang naman ay 75.8% ang rating ng field goal ng team.  At dito hindi tayo binigo ng Spurs. Sa katunayan, gumawa ng record ang Spurs sa pagtatala ng 71-point sa firsthalf ng laro at 86.5 field goal percentage sa first quater.  Pinamunuan ito ng bantay ni Lebron James na si Kawhi Leonard na umiskor ng 29 points sa naturang laro. Para kay Leonard, hindi naman madaling bantayan ang star ng Miami na si Lebron James dahil nitong mga huling laro lagi syang nasa foul trouble.  Sa talento ng manlalaro mahihirapan nga sya, ngunit hindi sya sumuko bagkus dinoble nya ang average score ng ginagawa nya sa ...

@NBA Finals Game 2:Lebron James binida ng Powerade

Parang kailan lang ng pagtripan ng Gatorade sa Twitter si Lebron James dahil sa tinamong pulikat noong Game 1 ( click here for more details ). At ito na nga, Game 2.  Hataw ang star player ng Heat lalo na sa 3rd Quarter ng Game 2.  Sunod-sunod na pumuntos si King James na tila ba nagsasabing "Ito ang Powerade" . Matapos humataw ni James sa Game 2 na nagpakita ng eksplosibo at matikas na laro na nagtala ng game-high na 35 points, 10 rebounds at 3 assists nasungkit nila ang laban sa score na 98-96 sa home-court advantage mismo ng San Antonio Spurs at tumabla sa best-of-seven NBA Finals, naglabas naman ang Powerade ng nakakatuwang testamento sa twitter: "There is strength in the silence. The best response is made on the court @KingJames. #powerthrough 10:43 AM - 9 Jun 2014" Sa kabila nito, nanahimik na din muna ang Gatorade. Ika nga nila, "bawian lang yan" . Mahusay ang marketing nila. Astig!

@NBA Finals Game 1:Lebron James iyak-tawa sa kalokohan ng Gatorade

At tuluyan na ngang nakuha ng San Antonio Spurs ang game 1 sa NBA Finals 2014.  Kanilang naungusan ang katunggaling Miami Heat sa Score na 110-95. So yun na nga natalo ang Heat dahil daw yun sa labis na init ng arena na naging dahilan din daw ng pamumulikat ng paa ng Star ng Miami Heat na si Lebron James. Dahil na din sa tagpong ito, napagkatuwaan din itong sawsawan ng kilalang brand ng inumin, ang Gatorade. Sa katanuyan matagal-tagal na din hinihimok ng Gatorade na pumirma ito para sa kanilang produkto ngunit mas pinili daw ni Lebron ang other brand, ang Powerade. Ito ang mga tweet ng Gatorade noong June 5 pagkatapos ng laban ng Heat-Spurs: “We were waiting on the sidelines, but he prefers to drink something else.” at dinangdag pa nito, "The person cramping wasn't our client. Our athletes can take the heat." Nakakatuwa lang din ngunit syempre hindi sa mga fans ni King James. Sa kabilang banda, hinihiling pa din natin ang kanyang 100% sa susunod na ...