Nasungkit ng San Antonio Spurs ang Game 3 sa NBA 2014 Finals sa score na 111-92. Nabigo ang Miami Heat na magpakitang gilas sa kanilang Homecourt. Sa katunayan, hindi naman talagang madaling talunin ang Miami Heat lalo na sa home court nila.
Pero paano nga ba tinalo ng Spurs ang Heat bukod sa pagkasira ng Aircondition noong game 1. Simple lang naman, kailangan lang naman ay 75.8% ang rating ng field goal ng team. At dito hindi tayo binigo ng Spurs. Sa katunayan, gumawa ng record ang Spurs sa pagtatala ng 71-point sa firsthalf ng laro at 86.5 field goal percentage sa first quater. Pinamunuan ito ng bantay ni Lebron James na si Kawhi Leonard na umiskor ng 29 points sa naturang laro. Para kay Leonard, hindi naman madaling bantayan ang star ng Miami na si Lebron James dahil nitong mga huling laro lagi syang nasa foul trouble. Sa talento ng manlalaro mahihirapan nga sya, ngunit hindi sya sumuko bagkus dinoble nya ang average score ng ginagawa nya sa bawat laro. Pinamunuan ni Leonard ang opensiba sa pamamagitan ng 18 first-half points. 13 ang kay Leonard dito na walang mintis sa loob at labas man ng 3-point area. Sumunod din si Danny Green ng spurs na nagtala ng 15 points at 5 steals para sa Spurs. Pito sa walong tikada nya ang pumasok.
Ang sabi nga ni Tim Duncan, beterano ng Spurs,
"They were the keys to the game". "They took over the game."
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento