At tuluyan na ngang nakuha ng San Antonio Spurs ang game 1 sa NBA Finals 2014. Kanilang naungusan ang katunggaling Miami Heat sa Score na 110-95. So yun na nga natalo ang Heat dahil daw yun sa labis na init ng arena na naging dahilan din daw ng pamumulikat ng paa ng Star ng Miami Heat na si Lebron James.
Dahil na din sa tagpong ito, napagkatuwaan din itong sawsawan ng kilalang brand ng inumin, ang Gatorade. Sa katanuyan matagal-tagal na din hinihimok ng Gatorade na pumirma ito para sa kanilang produkto ngunit mas pinili daw ni Lebron ang other brand, ang Powerade. Ito ang mga tweet ng Gatorade noong June 5 pagkatapos ng laban ng Heat-Spurs:
“We were waiting on the sidelines, but he prefers to drink something else.”
at dinangdag pa nito,
"The person cramping wasn't our client. Our athletes can take the heat."
Nakakatuwa lang din ngunit syempre hindi sa mga fans ni King James. Sa kabilang banda, hinihiling pa din natin ang kanyang 100% sa susunod na laro. Ang sabi nga ni Tony Parker ng Spurs sa isang presscon,
“I want the AC to come back, I want to play the real Miami Heat, the two-time champs, with LeBron back,” Parker said. “I hope it’s not bad and I hope he’s going to be 100 percent on Sunday. Because as a competitor you want to play against the best.”
Anyway, hindi naman daw talaga ito sadya ng Gatorade, humingi na din naman sila ng paumanhin.
“Our apologies for our response to fans' tweets during [Thursday] night's Heat vs. Spurs game,” Gatorade said in a release. “We got caught up in the heat of the battle. As a longtime partner of the Miami Heat, we support the entire team.”
Well, ang sabi ng Spurs sa isang statement noong Biyernes na maayos na daw ang nasirang AC system at inaasahan na babalik sa normal na kondisyon nito sa Game 2.
Ang Game 2 ay inaasahan sa Linggo, 8 June 2014 tip at 9 p.m. ET sa San Antonio bago lumipat sa home court ng Miami sa Game 3 sa Martes.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento