Lumaktaw sa pangunahing content

Let's Play! (Tara laro tayo!)

Naranasan nyo na bang makipag-usap sa sarili nyo? Ang makipagtalo sa sarili? Yung tipong gusto mong gawin pero ayaw mo. Ito yung pagkakataon na nahihirapan kang magdesisyon sa mga bagay-bagay. Naranasan mo na din ba ang makipaglaro sa sarili? Yung iba sa inyo, hindi ko alam kung nagawa na ito. Pero noong bata pa tayo, as in noong isang uhuging musmos pa lamang tayo ay nahihilig tayo sa mga toy cars, robots, baril barilan. Kung babae ka naman mahilig ka sa mga paper dolls, kitchen set toys. At kahit mag-isa ka, enjoy na enjoy ka sa paglalaro.

Ngayon na medyo may edad na tayo (*hindi ito nangangahulugan na matanda na tayo)...I mean ngayon na nasa wastong gulang at isipan na tayo, nakukuha nyo pa bang maglaro mag-isa?. Kaya mo bang magsarili? (*waaaa bastos na ang iniisip mo). Ang ibig kong sabihin, magsariling maglaro (*waaa, bastos ps din ang dating). Sige para maayos, sabihin nating maglibang mag-isa (*whew, ayan medyo ok na siguro ang term). Ahehehe. Pero ang totoo, mahirap talagang maglibang mag-isa di ba? Pero may mga taong loner na kayang maka-survive at magsaya ng solo lang. Yun yung mga idol ko. Noong bata pa ako, nakikipaglaro rin ako sa sarili ko. With effects pa nga yun eh. Kablam...tagum!...shing shing!.... At kahit tulo na ang laway ko sa pagsasabi ng mga sound effects na yan ay enjoy na enjoy pa din ako. Madalas kasi nasa loob lang ako bahay noon dahil paglumabas ako ng bahay nag-popower trip n ako. Nakakatuwang isipin yung mga power trip ko nung bata pa ako. Nandyan yung papaliguan ko yung pusa ng kapitbahay. O kaya naman, sasapakin ko yung anak nung kapitbahay tapos iiyak yun, magsusumbong sa nanay nya. Tapos tatakbo ako sa bahay, didiretso na ako sa kama tapos kunyari magtutulug-tulagan o kaya naman masakit ang tiyan...so kahit magsumbong yung nanay nya sa nanay ko, hindi na ako mapapagalitan (*style bulok).

Pero ngayon na malaki na ako, (ay maliit pa din pala ako). Ngayong nasa wastong gulang na ako mabait na ako. Hindi na ako nagpopower trip pero nandun pa din ung habit ko na makipaglaro sa sarili. Minsan nga, nag-chess akong mag-isa, kinalaban ko ang sarili ko. As expected sa sarili ko, magaling din sya at nahirapan talaga ako. Lahat ng maisip kong atake sa chess, meron syang pantapat na depensa. Naiinis ako sa knya, nahihirapan talaga ako. Hindi ko din alam kung dinadaya ako ng sarili ko. Gusto ko syang sapakin noon, pero hindi ko din alam kung paano. At yun na nga, tinalo nya ako sa chess. Nagalit na din ako sa kanya, hindi ko sya kinausap ng ilang araw. Pero hindi din sya nakatiis nakipagbati din sya sa akin. Inaaya nga nya ako na maglaro ng Games of the General, ang kaso nga lang wala kaming arbiter, ikaw pwede ka ba?

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...