Parang kailan lang ng pagtripan ng Gatorade sa Twitter si Lebron James dahil sa tinamong pulikat noong Game 1 (click here for more details). At ito na nga, Game 2. Hataw ang star player ng Heat lalo na sa 3rd Quarter ng Game 2. Sunod-sunod na pumuntos si King James na tila ba nagsasabing "Ito ang Powerade".
Matapos humataw ni James sa Game 2 na nagpakita ng eksplosibo at matikas na laro na nagtala ng game-high na 35 points, 10 rebounds at 3 assists nasungkit nila ang laban sa score na 98-96 sa home-court advantage mismo ng San Antonio Spurs at tumabla sa best-of-seven NBA Finals, naglabas naman ang Powerade ng nakakatuwang testamento sa twitter:
"There is strength in the silence. The best response is made on the court @KingJames. #powerthrough
10:43 AM - 9 Jun 2014"
Sa kabila nito, nanahimik na din muna ang Gatorade. Ika nga nila, "bawian lang yan".
Mahusay ang marketing nila. Astig!
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento