Lumaktaw sa pangunahing content

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?"

Sagot: Disiplina


Ano nga ba ang disiplina?

O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay tao, magnanakaw na madalas na nagtratrabaho sa gobyerno, at tae ng aso sa kalsada.  At alam mo ang ugat nito, kawalan ng disiplina at paggalang sa kapwa. At alam mo din ba kung bakit tayo mahirap? At yun nga sisimulan nating isisi kung kani-kanino. Sa gobyerno, sa pulitika, sa sistema, sa magulang, sa pamilya, sa aso, sa daga, sa ipis pero hindi natin ituturo ang ating sarili.  At kung sakali man na aminin natin na tayo mismo ang problema, wala naman tayong ginawa para mabago ito at kung may gawin man, sa simula lamang iyon at muli na itong kakalimutan.

Hindi ko alam kung paano natin maitutuwid ang baluktot na ating na nakasanayan.  Kadalasan maririnig natin na dapat sa atin ito magmula, sa ating sarili. Oo, narinig lang natin, hindi natin ginagawa o isinasabuhay.  O kaya naman, gusto natin magbago pero hindi pa ngayon, at lilipas ang panahon, mananatili lang tayo sa bulok na gawi forever. Ganyan ang Pinoy, ikaw at ako.

Madaling matuto ang mga Pilipino, maka-adapt sa mabilis na takbo ng panahon.  Pero hindi nito iiwan ang masarap na nakasanayan.  Mabilis na paraan kahit bawal sa batas o masama sabi ng iba.  Natural na matigas ang ulo ng mga Pilipino simula pagkabata at pagtanda.  Vandalism sa banyo, pagtawid sa bawal tawiran, entry sa no entry, parking sa no parking area, swerving to the max sa kalsada, one lane pero nagiging multiple lane, loading sa no loading and unloading zone. Maraming batas at alituntunin sa Pilipinas, pero walang sumusunod dito katulad ng "Bawal Tumawid, May Namatay na Dito". At hindi ka pwedeng magalit sa kanila dahil magagalit din sila sa iyo. Hindi mo sila pwedeng turuan sa sarili nilang bansa, matigas ang ulo eh.

Kung mapupunta ka sa ibang bansa, makikita mo ang kagandahan ng epekto ng mga taong may displina, paggalang sa batas at kapwa. Pero paano natin puputulin ang baluktot na nakasanayan?  Pagpapatupad ng mahigpit sa pagpapairal ng mga batas? CHR hello.  Para tayong mga spoiled brats sa tigas ng ulo na hindi pwedeng pagsabihan. Na agarang magpapasaklolo sa Bantay Bata 163 na inaabuso tayo. Kaya ang resulta, wala na tayong dispilina, wala ng kinakatakutan. Hindi tulad noon na isang sitsit lang ng tatay mo, alam mo na.  Baka panahon na nga na maging tulad tayo ng Saudi Arabia sa pag-papairal ng batas. Corporal punishment sa mga lalabag. Putol daliri sa mangungupit, putol ulo sa magnanakaw sa gobyerno at putol **** sa mga nanggagahasa.

Siguro dapat ko na din tigilan ang pag-ihi sa pader na may nakasulat na "Bawal umihi dito, pag walang nakatingin". Sa palagay nyo, bukas na lang?


Natapos mong basahin? Sabi ko na nga ba eh. Pilipino ka nga. Tigas ng ulo. 

#Pilipino
#Disiplina
#Pilipinas

Mga Komento

  1. Hahaha hindi ko na nga dapat babasahin kaso lang blog post kasi haha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks.... ...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe... ...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano nama...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...