Lumaktaw sa pangunahing content

...isang malaking pagbabago...

...nakabakasyon ako ngaun...pero prang walng bago..hindi ko tlga matakasan ung mga bagay na nakasanayan ko ng gawin...gusto ko tlga ng isang pagbabago...isa pagbabago upang ibalik ang dating ako...

10:00pm na kagabi...mejo maaga ako nahiga kagbi..pikit na ang aking mata pero hindi ang aking ulirat...iniisip ko kung saan na nga ba ang inabot ko simula nung grumadweyt ako...halos limang taon n din un...pero bkit ganun parang walng ibang nangyari...bukod sa pisikal n anyo ng pagbabago, nagkatrabaho, nagka-girlfriend...pra akong huminto..hindi ko alm kung naging kampate lng ako s mga bagay n meron ako naun..hindi ito ang dating ako...kilala ko ang sarili ko nuon na laging naghahabol sa mga bagay n gusto kong gawin..hindi ko lng alam kung dahil iyon sa khirapan n dindanas nmin nuon at dahil nga ngaun meron akong mejo maayos n trabaho ngaun...humihinto n ako...

...inisip ko ang pinkamamahal kong babae, ang girlfriend ko...kamusta n kya sya...nahihiya na tlga ako sa knya..ilang beses n nya akong kinumbinsi na pumunta duon...pra magtrabaho, pra makasama ko sya...pero ang totoo, gusto ko tlga...as in gustong-gusto ko... kaso inde ko din makumbinsi ang sarili ko,wla nmn akong makitang dahilan...dahil ba un sa pride o sa hiya..kung pride lng nmn kya ko iyon kainin pra sa knya..kung hiya nmn, bkit nmn ako mahihiya eh kmi din nmn ang magsasama...o bka nmn takot lng ako..takot sa mga pagbabago...at nasanay na sa bagay n gingawa ko ngaun...ito ang gusto kong baguhin naun..ibalik ang dating ako...ang masipag na ako..ang walng takot na ako...pra sa'yo mahal isang malaking pagbabago...

Mga Komento

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

...the golden rule...

[repost by request].... mula ng magawa ko ang entry na " Time for Sale ", kung saan pinaliwanag na ang oras ay hindi lang ginto (time is gold)...nagkainteres din ako sa konsepto ng Golden Rule... malamang sa malamang sobrang familiar na tayo sa konseptong ito...ano nga ba ang golden rule?....ang sabi sa bible: "Do unto others as you would want done unto you." (Mt 7:12/Lk 6:31) ang sabi naman sa Budismo: "Putting oneself in the place of another, one should not kill nor cause another to kill" ( Harris E.J. 1997 ) ...halos ganito din ang mga konsepto ayon sa Confucianismo: "Never impose on others what you would not choose for yourself" (Confucius, Analects XV.24, tr. David Hinton) ...maging sa Islam ito rin ang sinasabi, sa katunayan isang sermon ni Muhammad na tinagurian The Farewell Sermon ay sinabi nya: "Hurt no one so that no one may hurt you" ...marami pang mga mga organisasyon at relihiyon sa mundo ang naniwala sa k

Bukang-Liwayway

Mabilis na pumaindayog at lumayag ang mahigit sangdaang milyong segundo na puno ng pananabik sa biyayang sa puso inukit. Matapos ang takip-silim at anino ng kalungkutan, muli ng magtatagpo ang araw at kaparangang pinaglayo ng pag-inog ng daigdig. Isangdaang libong minuto na lamang ang nalalabi at muli ng matatanaw ng kaparangan ang araw na nagtago sa likod ng daigdig. Araw na milyong milya ang tinahak para sa kaparangan nyang iniibig. Sinuong ang bangis ng mga ulap at lason ng hangin upang tuparin ang pagyakap sa kaparangang naghihintay sa pagsapit ng bukang-liwayway. Sa pagyakap ng sinag ng araw sa kaparangan at paghalik ng kaparangan sa araw, doon muling magsisimulang pumitak ang oras. Pagpitak ng kaligayahan na sa alapaap manunulas, iikot, magpupumiglas. Kaligayahang walang katumbas, hindi mailalarawan ng saknong, talata at rehas ng mga salita. Hangin ay iihip tulad ng haranang dalisay sa katapatan at pagmamahal para sa kanyang nililiyag. Hanggang sa wakas.