note: ang susunod na tips ay pra sa aking mga kapwa blogero't blogera..hindi pa ako dalubhasa sa larangang ito pero nais kong ibahagi ang sumusunod batay sa aking experience sa pag-bloblog ...ang post na ito ay sadyang ginawa para sa mga pinoy bloggers... pwede din pala ito sa iba pang nilalang sa planet earth basta nakakaintindi ng tagalog... madami tayong dahilan kung bakit tayo nagblo-blog...una na dito ay mailabas ang ating mga hilig, kalokohan, saloobin, ideya, pananaw sa buhay, pananaw sa mundo, love life, hell life, emo life at kung anu-anu pa..pero un nga pwede din itong sideline... ...at yun na nga, mukhang epektib naman ang aking paglalagay ng google ads... kahit papano kumita din ng konti...ngunit panu nga ba ma-enhance ang earnings...ang totoo nyan inde ko din alam kung paano..sari-saring eksperimento ang dapat gawin...dapat makinig din sa mga tsismis para makakuha ng ilang mga tips...ito ang ilan sa mga tsismis... ang sabi ng iba (1) nasa dami at originality ng content...
~Utak gulaman man kung ituring, Superhero naman ang dating!...Super Gulaman!~