note: ang inyong matutunghayan ay batay sa katotohanan.... hindi hinangad ng post na ito at ng may akda na siraan ang sarili nyang paaralan bagkus imulat ang mga mata ng nasa gobyerno ang nasisirang sistema ng edukasyon sa pilipinas.
...matagal na din ang panahon ng ako ay lumisan sa "sintang paaralan"...aba'y dapat lang graduate na kaya ako... at ito ay bilang isang sikat na manlilinlang sa larangan ng matematika...
...bagamat malayo ang "sintang paaralan" sa larawan ng mga dekalidad na pamantasan sa pilipinas, masasabi kong ito ang tunay na naglalarawan sa tunay na buhay sa pilipinas... puno ng pakikidigma at pagkikipagsapalaran ang pagtungtong ko sa paaralang iyon...sa pag-eenrol pa lang kailangan mo ng mamumuhunan ng dugo at pawis sa pagpila...hindi simple ang mga pila dito..umaabot kasi iyong ng ilang kilometro..idagdag mo pa jan ang mga "amoy tinapay" na mga katabi..pero hindi lang doon magtatapos ang iyong kalbaryo sa kadahilang sa dulo ng pilang iyon, iyong matutunghayan ang mga walng pakundangang propesor na magtatanong sa iyo ng mga ilang bagay na kahit sa panaginip ay hindi mo pa naiisip...
...maganda ang paligid ng aming paaralan...namumulaklak ito ng iba't ibang uri ng estudyante...
(1) una na sa listahan ang uring mga aktibista, ito ang mga uring kinagigigliwan ng lahat...bkit nga ba hindi?... sa tuwing mag-rarally sila, sigurado kanselado na ang klase...
(2) sumunod ay ang grupo ng mga "taong libro"...ito ung mga uring walang inatupag kundi abutin ang IQ ni Thales at Aristotle...inde ko na sinama si Einstein, prang ka-level ko lang kasi sya (*nagyayabang ako, bkit angal ka?*)...sila rin ang mga uring mahilig sumali sa Quiz Bee ng kahit anung kategorya...mas gusto nila ang tumabay sa lagoon or library kaysa pumasok sa klase... tama! ito ang mga uring naniniwala na mas mahusay pa sila sa khit sinung propesor sa unibersidad...
(3) ang ikatlong uri ay ang mga tinaguriang "shiftyniners"...tama! ito ang mga uring nahihilig sa pagpapalipat-lipat ng kurso....hindi ko din maintindihan kung bakit nila nagiging bisyo ang pagpapalit ng kurso o baka nmn nais lang nilang sulitin ang murang tuition fee ng aming paaralan...mura ang tuition sa "sintang paaralan", 12.50 pesos per unit lang dito..ibig sabihin kung 24 units ka per sem ang tution mo ay naglalaro lamang sa 300-500 pesos...di ba mura ng dalawampung ulit o higit pa kaysa sa ibang unibersidad sa whole wide world...
(4) ang sumunod na uri naman ay ang tinatawag na "umbra kato group"...sila ay mga uring nahihilig sa ROTC... ang mga uring matitikas...noong nsa high school pa lamang ako at bilang CAT Corps Commander, gusto ko din maging Corps Commander sa ROTC o di kaya'y maging isang ganap na sundalo...ngunit dahil sa usapang height ako'y nabigo sa aking mga pangarap... ngunit mabuti na lng at hindi ako nabilang sa grupong ito...wla na kc sila ngaun..na-abolished na..bwahahaha!
(5) meron ding uring kung tagurian ay "athletes' fEEt"...ito naman ay mga nahihilig sa iba't ibang palakasan sa loob ng aming "sintang paaralan"...sa galing nila sa paglalaro ng basketball, football, volleyball at jack en poy (*gamit ang paa)...kumapal na ang kanilang mga kalayo ... mahusay ang mga manlalarong ito...kayang-kaya nilang talunin ang mga "riles boys"... ang mga riles boys ay madalas din namin nakakalaban noon sa basketball..sila ang mga tambay sa labas ng "sintang paaralan" at nakakapasok sila sa pamamagitan ng pag-akyat sa bakod o di kaya'y panunuhol at pananakot sa aming mga sekyu...
(6) ang aking huling babanggitin ko sa post na ito ay ang uring "mixed nuts"...kung baga sila ang grupong mahilig makihalo sa ibang grupo..mahilig din silang sumali sa iba't ibang club...maraming nakakakilala sa kanila dahil sa dami ng organisasyong nasalihan...mas madalas nasa group meeting ang mga ito kasya pumasok sa loob ng klase...
ilan lamang ang ito sa madami pang uri ng "stupidents" sa aming paaralan...inde ko nga lang alam kung saan ako nabilang..ngunit bukod sa mga ito..aking kinagigiliwan ang kaaya-ayang kapaligiran ng aming sintang paaralan...nakakatuwa pa ding isipin na mura pa din ang pag-paparint ng mga projects (piso lang per page) at renta sa computer dito., syempre mga hack at pirated ang mga software at hardware...hindi pa din matatawaran ang halimuyak ng ilog pasig na nsa likurang bahagi nito... ang amoy ng mga gasolina na nagmumula sa "pandacan depot" ay nagbibigay ligaya sa mga estudyante, syempre suspendido ang klase nun...bukod sa mga ito napapaligiran din kami ng mga naglalakihang motel...name it, kumpleto dito...Anito Inn, Wise Hotel, Ligaya, Sunrise Hotel, inde ko alm kung meron na ding Sogo Hotel dito kasi meron na ding Jolibee...at pag may Jolibee cgurado may Sogo syang kasama...at syempre ang 6th floor ng main building ng "sintang paaralan" ang pinakamurang motel...ay hindi pala mura, libre pla dito..ahahaha..bkit ko alam? taga 6th-floor kaya ang mga math major..pero inosente ako sa mga bagay na yan...kung ayaw nyong maniwala..bahala kayo sa buhay nyo...
..medyo humaba na ang aking kwento ukol sa aming "sintang paaralan"...ngunit hindi pa rin matatawaran ang kakaiba nitong mga turo... ang pagpukaw sa aming mga damdamin at kaisipan ukol sa tunay na realidad ng buhay...
wow. nalala ko rin tuloy bigla ang alma mater ko. kakamiss...
TumugonBurahinHindi ko nakuha yung mahilig sa ROTC. meyron pala non? hehehe
TumugonBurahinahah.. ako yata yung..Uhhhmm. yung mahilig magbasa. awhahahaha. echos..:D
TumugonBurahinHi can you do me favor.
Pls help me win the contest to register here
http://www.shopandconfess.com/index.php/contest/member/register/
and put this http://www.bhabiejhoice-xoxo.net at the url place/box.thanks so much