Lumaktaw sa pangunahing content

..tao, tao saan ka gawa?...

..ang hiwaga ng buhay...ilang libong taon na din ang nakalilipas ng nilikha ang tao ngunit walang malinaw na paliwanag kung saan talaga tayo nagmula...maraming mga haka-haka na ang tao ay nagmula sa unggoy, baboy, elepante o maging sa garapata...pinipilit kong ipasok sa aking kukote ang mga haka-hakang iyon pero wala itong malinaw na paliwanag...

...at dahil dito nagsimula na akong mag-imbestiga...at bilang pasimula, aking inaral ang komposisyon ng tao...ang sabi ng itchyworms (*makulit na banda ito*), ang tao daw ay 90% tubig at 10% libag..wow! d ba astig, tubig at libag lng ang bumubuo sa tao...pero syempre hindi totoo yun....pinatunayan ito sa aklat na "Laws of Order" ni Rovin, J (1992; p.108) at tunay ngang ang tao ay binubuo ng 61.8% na tubig base sa timbang... 16.6% na protina, 14.9% na taba at 3.3% na nitrogen...ayon pa sa kanya, meron pang maliliit na porsyento ng ibang elemento na bumubuo sa katawan...so anu nga un?..oo nga wala pa din itong kinalaman kung saan tayo namula...

...tinitigan ko ang aking balat...ang dilim...epekto siguro ito ng melamine este melanin pla...tinitigan ko pa sya ng matagal...teka may nakikita ako...anu ito, butlig? ang kati.. kinagat ako ng lamok...pagkatpos kamutin, pinagpatuloy ko ang pagtitig sa aking balat...at dahil nga ako si SuperGulaman, gumamit ako ng x-ray vision...anu itong nakikita ko sa aking balat...aha! cells yata ang tawag dito...cge i-zozoom in ko pa....ang liit masyado, ito na cguro ung atom na merong proton, neutron at electron...dito ba gawa ang tao?.. pero teka, parang tuldok lng ito ah...ang sabi ng teacher ko sa Geometry, ang tuldok daw or point ay undefined term pero ito ay ni-rerepresent ng dot...kung baga ito ay isang entity na may location sa space or sa plane but no extent...regardless of their size, tuldok pa din daw un...wow! di ba ang labo?..sige patawarin na natin sya, akyat tayo sa second level, ang line or linya...ang sabi ng aking guro, ito daw ay binubuo ng series ng point...so kung ganun undefined din ang line...eh panu nmn ung plane?...sabi nya binubuo din daw un ng madaming line...so undefined na nmn un...

...patuloy kong minamatyagan ang aking balat...meron itong tuldok, meron din itong mga lines, at plane na nagrerepresent ng aking tissues, so kung pagsasamahin ko lahat un, ang kalalabasan ay parte ng katawan ko hanggang sa maging AKO...

...tama, ang tao o anu mang bagay dito sa mundo ay nagmula sa undefined na bagay...at ito ay tinatawag na tuldok...ang tuldok na isang idea na undefined ang siyang bumubuo sa tao... "tao isa ka pa lng undefined na idea"...

Mga Komento

  1. Isa ka talagang certified T____ na mahilig sa P_____.

    Fill in the blanks ito, ipopost ko ang tamang sagot pag naibigay mo na ang sagot mo.

    TumugonBurahin
  2. mahina ako sa fill in the blanks eh...anu ba sasagot ko...saan ba dapat related? R18 ung naiisip ko eh...

    Isa ka talagang certified "Teacher" na mahilig sa "Points"??

    ahehhehe...:D

    TumugonBurahin
  3. Hahaha! Wag na ung R18 version baka ma-censor blog mo!

    Isa ka talagang certified Teacher na mahilig sa Philosophy!

    Pwede din Points, na madami din ibig sabihin.

    TumugonBurahin
  4. ahaha.. alam ko kung anu yan..putsat namimiss ko na ang mga T_________ ahahaha..toinksz,

    off topic ang comment lol

    TumugonBurahin
  5. galeng!

    sabi nga eh ang lahat ay nagsimula sa tuldok...

    ewan ko kung saan o knaino ko yun narinig... hehe.

    TumugonBurahin
  6. basta ako alam ko kung san ako gawa....:D

    sa pawis at Sperm cells and egg cells ng mama at papa ko..

    aheheh..kala ko kasi yung tuldok sa balat mo NUNAL :D

    TumugonBurahin
  7. ahehehe...
    iba ka talaga sir...

    Super...

    ahaha...

    lahat tayo ay sa T nagmula, at sa T din babalik...

    mwahaha...

    graveh..dapat talaga masama ka na sa justice league super gulaman..ahaha

    TumugonBurahin
  8. may point ka! hahaha... tama, lahat tau nagmula sa isang tuldok na tinubuan ng katawan at mukha... huh, hindi kaya taghiyawat tawag sa tuldo na yan? haha.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t