Lumaktaw sa pangunahing content

..katinuan...

...mula sa maliit na kwartong ito, bumibilis ang pintig ng puso ko....kinakabahan na naman ako sa mga naririnig ko...mga nagmamadaling yabag ng paa..."ayan na!, magtago ka na..."...sigurado ako, magagalit sila kapag nahuli nila ako na kausap kita... lagi na lang ganito..paulit-ulit... hindi ko na din mabilang ang dami tusok ng karayom ng herenggilya sa akin katawan...tila ba manhid na ito sa paulit-ulit na hapdi at kirot ng karayom na bumabaon...

...hindi ko sila maunawaan, galit ba sila sa akin?... bakit nila ako ginaganito?... masama ba akong tao? bakit sa tuwing kinakausap kita, pilit nila akong ginagapos...sinasaktan..baka naman galit sila sa'yo?.. masama ka bang tao? ...pero bakit ako, bakit ako ang nagdudusa ng ganito... masakit ang tusok ng mga karayom na iyon... ang epekto ng gamot na tila nagpapabagal at nagpapahina ng aking katawan ay halos hindi ko na makayanan... .

...ngunit sa tuwing nag-uusap tayo hindi ko maipaliwanag ang sayang nadarama... ibang klase ka kasi, kaya mo akong ipasyal sa mundong hindi abot ng kalungkutan... ikaw lang din kasi ang nagtitiyagang kumausap sa akin... ayaw kasi nila ako paniwalaan na totoong nandyan ka...lagi lang nila akong pinagtatawanan o di kaya'y sinasaktan...sana nga sa susunod magpakita ka na sa kanila at malaman nila na magaling ka din sa chess...naalala mo ba noong naglaro tayo ng chess, ....dinaya mo ako noon...kaya nga nagalit ako sayo...pero ngayon hindi ko magawang magalit kahit puro pasakit ang hatid ng pakikipag-usap ko sa iyo...

...ang sabi ng mga nakaputing taong ito, hindi ka daw totoo... kaya 'wag daw kitang kausapin at lalo lang daw lalala ang sakit ko..."Ako? may sakit?"... pero wala naman akong lagnat, hindi naman mainit ang pakiramdam ko... gusto ko ngang hipuin ang aking noo at leeg para patunayan sa kanila na wala akong sakit..pero ginapos kasi nila ako sa puting jacket na ito...ilang beses na din akong nagtangkang labanan sila, ngunit sa tuwing gagawin ko un, tinutusok nila ako ng nakakakuryenteng aparato...mataas ang boltahe nun, sapat yun upang mapahinto ang daloy ng aking lakas...

...nanghihina na ako ngayon at aking mata ay bumbagsak na, epekto ito ng gamot na kanilang tinurok kanina...hindi na naman tayo makakapagkwentuhan... pero sana sa aking paggising wag kang maglaho...ayaw ko ng bumalik sa mundong walang nakakaunawa sa katinuan ko.... mamaya paggising ko maglalaro ulit tayo...

Mga Komento

  1. waaaahhhh....

    ang CREEPYNESS naman nito sir...

    wala akong masabi...

    waaaaahhhh...

    galing galing galing...

    TumugonBurahin
  2. naalala ko bigla yung patalastas ng lucky me...

    mwahaha...

    TumugonBurahin
  3. aww ahahaha. may kausap ka den..lol..:P ako meron.. kso iniwan nya na ko ngaun.huhuu..

    inferness.. makatotohanan ang dating..: kse yan nakikita ko sau.. saka na lang kita tutusukin este kukuryentehin.. :)

    TumugonBurahin
  4. ang galing naman bosing! :)pitonmg libo at isang daang "thumbs-ups' para sa yo.

    haha. parang philippine archipelago lang. 7, 100 islands. :) ay teka... tama ba na 7, 100 islands meron ang philipinas. bombelya ako sa history. hehe.

    TumugonBurahin
  5. ang galing naman bosing! :)pitonmg libo at isang daang "thumbs-ups' para sa yo.

    haha. parang philippine archipelago lang. 7, 100 islands. :) ay teka... tama ba na 7, 100 islands meron ang philipinas. bombelya ako sa history. hehe.

    TumugonBurahin
  6. @joshmarie

    ahehehe..high tide or low tide? (*charlene gonzales*)...ahahaha...

    ...7,107 ung exact ata..inde ko sure...meron p din kc ata mga undiscovered...eheks...tnx..tnx..

    TumugonBurahin
  7. mas madali kasi kayong magkaintindihan ng sarili mo kesa sa ibang tao...

    dati na kong nagsusulat, pero dahil may pagkatopak din ako eh pagkatapos kong ipahid ang utak ko sa papel di ko na alam kung san na napupunta. ngayon ko lang na-realize na pwede ko palang ipabasa sa iba.

    mind checking my other blog?

    http://kenshin007.wordpress.com/

    TumugonBurahin
  8. @ kenshin

    uu nga eh...pero minsan tlga nag-aaway din kmi...:D

    actually, ok lng nmn na makipag-usap sa sarili, wag mo lng ipapakita sa ibang tao...ahehehe...:P

    TumugonBurahin
  9. wahahaha... personal experience mo ba yan? galing ka rin pala doon? *toinks*

    oh dahil ba yan sa Matematika? Ako rin noon, bumabangon dahil bigla kong maiisip ang solution sa isang math problem. at ngaung programmer na ako, ganun pa rin, nyahahaha.. sa kasarapan ng tulog ko, babangon ako at magpoprogram..

    parang inspired ka na naman sa pagsulat ng post mo na 'yan.. parang mula sa personal experience, hihihi..

    TumugonBurahin
  10. @ minnie

    ehehehe...inde nmn nu...nakita ko lng yan na possible future ko kung inde ko titigilan ung mga kaadikan sa math problems...ung paglalaro na lng ng chess ang mejo problema ko...

    ..lagot ka...bka ikaw na yata yan...ahahaha...:)

    TumugonBurahin
  11. Napakalalim mo managalog hindi ko maarok...heheh tol lufet mo!

    Please don't forget to also drop by my site http://www.kumagcow.com reactions on BIDEN-PALIN US Vice Presidential Debate would be nice! ^_^

    TumugonBurahin
  12. @ KUMAGCOW

    ahehehe...politics..inde ako botante eh...ahehehe...cge cge...:)

    TumugonBurahin
  13. hahaha.. tinatanong ko nga sa sarili ko kung minsan ba ay nainterview mo ako, at personal experience ko ba yang sinulat mo, nyahahaha...

    TumugonBurahin
  14. Nanggaling na pala ako dito, akalain mo.. Hehe, hulaan mo!
    lolz

    Ang tindi ng post na to, ang tindi rin ng hallucinations mo.;D

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano..

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, mamatay t