Lumaktaw sa pangunahing content

...silbi...

kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay ng habang panahon sa mundong ito at magkaroon ng malakas na kapangayarihan, tatangapin mo ba?

...marahil ang iba sa inyo, mabilis ang sagot na "Oo, bakit hindi?" ... tama! maganda nga ang pagkakataong ito. Kung meron kang ganitong pagkakataon, halos lahat ng naisin mo sa buhay ay iyong makakamit.... magandang buhay, pera, madaming kaibigan, kasikatan... halos lahat siguro ng nais na tao ay pwede mong makuha...di ba napakaganda ng biyayang ito?

...bukod sa mga materyal na bagay, magkakaroon ka din madaming oras, pag-ibig at buhay... ito ung mga bagay na nininais ng bawat isa sa atin hindi ba?...pero bkit tila nagdadalawang isip ako...

...ang mabuhay ng habang panahon sa mundong ito at magkaroon ng malakas na kapangayarihan ay maaaring magdulot ng matinding kalungkutan... hindi mo na iisipin ang kinabukasan dahil madami kang oras...magiging saksi ka sa mga pagbabago at karahasan sa mundo... hindi mo na nanaiisin ang makihalubilo sa tao dahil lahat sila mawawala sayo... mawawalan ka na ng dahilan kung anu pa ang silbi mo sa mundo...

..ang tao ay nabubuhay para lumaban sa mga pagsubok na dumarating...ang bawat pagsubok ay pilit nalinalampasan sa kahit na anung paraan...lumalaban sya pra maprotektahan ang kanyang sarili at ang mga mahalaga sa kanya...ang kahirapan at pagsubok ay parte ng buhay..maaring magkakaiba ng timbang ngunit may halaga ito sa pagbuo ng sangkatauhan...

Mga Komento

  1. Oo nga! hindi rin magandang wish yan.
    Siguro.. yung parang si batman na lang, para laban ng laban pero at laging panalo pero my challenge naman

    TumugonBurahin
  2. hayst, naalala ko ang post ko about Hancock and Love

    Hindi ko rin nanaisin 'yun.. *emo*

    TumugonBurahin
  3. pwede mag wish na mag reincarnate na lang ako? at tsaka sa susunod na layp ko e matangkad naman ha ha

    TumugonBurahin
  4. naku ayaoko yata mabuhay ng habambuhay...hehe. nice post kuya! apir! ;)

    TumugonBurahin
  5. @ nanaybelen
    ahehehe..kung sabagay mayaman si batman..pwede na din...:D

    @minnie
    ..uu nga pero astig din c hancock...lasenggerong superhero..prang trip ko din un..kaso inde nmn ako umiinom..:D

    @abou
    pwede cguro...sabi kc nila pag na-reincarnate ka pati ung mga memories nung past life mo ay nabubura...baka nmn noong past life mo ay matangkad ka..:)

    @joshmarie
    ..uu nga ayoko din..unless kasama ko ung taong pinakamamahal ko habangbuhay..^_^

    TumugonBurahin
  6. nakakasawa po kung habang-buhay tayong humihinga, kumukurap...walang katapusang hirap at pasakit...

    walang kapahingahan...

    TumugonBurahin
  7. haha...galing nito. i agree, wala ng kwenta kung wala na ring magandang dahilan.

    TumugonBurahin
  8. if i could only turn back time... gusto yung simpleng buhay lang... nasa isang malawak na lupain... may taniman sa likuran... hindi kailangan ng kahit anong electronic appliances... kahit gasera lang sa gabi... basta ganun ang gusto ko, pinaka-simple sa simpleng buhay!

    kasi ngayon... lumalaki ang kita ko... kaso sumasabay din ang gastusin... kaya wala ring "silbi!"

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...