Lumaktaw sa pangunahing content

..dalawang daan siyamnapu't apat na araw...

"im forever yours...faithfully..." -Journey

dalawang daan siyamnapu't apat na araw, walong oras at labin' walong minuto mula ng huli tayong magkita...kamusta ka na? mahigit kalahating taon na din ng muli kang bumalik at ako'y iyong iniwang muli upang tuparin ang iyong mga pangarap, ang aking mga pangarap, ang ating mga mga pangarap...pinili nating magsakripisyo sa halip na magbingi-bingihan sa pintig ng puso...

...sa pagkakataong ito, hayaan mo akong magpasalamat sa mga sakripisyo at sa walang sawang pagmamahal na inukol mo sa akin... ikaw na naging kabalikat ko sa mga problema at sama ng loob ko aking ama sa tuwing kami'y nagkakasagutan noon.. sa halip na ako'y iyong kampihan pilit mong pinaunawa sa akin ang mga posibleng dahilan ng mga problema ng aking tatay...pinaunawa mo sa akin ang halaga, pagmamahal at sakripisyo ng isang ama na inuukol nya sa kanyang anak... pinaunawa mo sa akin na hindi ako dapat magtanim ng sama ng loob sa kanya... salamat...tama ang sinabi mo na "khit anong gawin, tatay mo pa din sya"...at yun na nga, sa huling sandali ng aking ama, alam kong masaya sya sa pagkakaroon ng Grasya ng kanyang pinakapaboritong anak... naalala ko pa nga ang huling araw ng pagkakausap nain ng aking tatay, tinanong ka nya sa akin at sinabi, "Yet, nasaan na ang asawa mo?"... lumingon ako ng bahagya sa kanya at sinabi kong, "nandun pa po, natutulog"... "bumalik kayong dalawa mmayang gabi at dito na kayo mag-noche buena", wika nya...natuwa talaga ako sa tugon nyang iyon...hindi pa man tayo naikakasal alam kong masaya sya na ikaw ang aking minamahal...ngunit sa noche buenang iyon, hindi na sya lumabas na kwarto...lumipas ang pasko, nagkulong lamang sya sa kanyang sya doon..masama daw ang pakiramdam ng tatay ang sabi ng nanay ko....at yun na nga 26 ng umaga ng Disyembre...wala na ang aking ama....

...tunay ngang nakakalungkot ang pagpanaw ng isang ama...nakakalungkot dahil hindi na nya matutunghayan ang aming pag-iisang dibdib..nakakalungkot dahil hindi na nya makikita ang pinakaabangan nyang mga apo... ngunit sa kabila nun, alam kong masaya sya sa nakikita nyang pagmamahalan namin ng aking Grasya...at knyang pagpanaw ipinangako ko na hindi ko pababayaan at lubusan kong mamahalin ang aking Grasya...

...kamusta na kaya ang aking Grasya?...ako'y nasasabik sa iyong muling pagbabalik...at khit malayo ka ngayon sa akin, ang iyong pagmamahal ay nandun pa din...ipinadarama mo na hindi karagatan ang pagitan natin...nandoon pa rin ang mga paalala at pakikinig... sa'yo ko natutunan na walng silbi ang pamamahalan kung hindi naman ito pinag-iingatan...pangako mahal, akin itong pag-iingatan... pag-iingatan hanggang wakas... ngunit hindi ko pa din maiwasan na ikaw ay aking hanapin...matunghayan ang mukha mo na nakamasid sa aking paggising... hinahangad na sa bawat araw na lilipas, ikaw at ang iyong pagmamahal ang aking kapiling...miss na kita...

Mga Komento

  1. nakakaiyak naman.. ang lungkot ng pasko nyo nung nawala ang ama mo..

    grabe. . bilang na bilang yung araw at oras. . ayos yan!

    TumugonBurahin
  2. aw!

    ang aga-aga mo naman magpaiyak. :)

    TumugonBurahin
  3. aww.. yun lang.. alam ko den nmn pinagdaanan mo..huhuh.. (tears dropping)...hahaysz..boyetness.. i know how happy you are coz of grace.. and her name suits her..
    ahheee..

    TumugonBurahin
  4. Your GRACE is one lucky girl!
    Good luck sa mga nagmamahalang magkalayo :D
    Good luck sayo Gulaman!
    Good luck din sa AKIN!

    TumugonBurahin
  5. @ paperdoll

    uu nga eh, pero at least pinatapos nya ang pasko...ang bilis lng din...mag-iisang taon n din pla...

    @joshmarie
    eheks..pcensya n po...:)

    @Gelene
    uu nmn tagal n ntin magkakilala...cguro mga mahigit 8 years na din...

    @ Kristina, Kris, Tina, Tinay, Nang2
    yup...kaya yan...:D

    TumugonBurahin
  6. sigh, miss ko na din tatay ko... singhot...

    TumugonBurahin
  7. haiks...sir...haiks...haiks...
    dalawa na kayo ni Ma'am arah...haiks...

    TumugonBurahin
  8. hindi ko alam kung malulungkot ako kasi

    andun pa rin ang saya sa nabasa ko..ang

    sarap kasing malaman na may ganun pa

    ring pagmamahalan...isang malaking

    tagumpay yung sa inyong dalawa ni mommy

    grace..saludo kami sa inyo..sana nga

    lang makahanap din kami ng isang

    relasyong tulad ng sa inyo..nakaka

    inggit talaga pero alam mo naman na

    hanga kami sa relationship nyo..lalo na

    kaming mga TIGAERS!!!hehe

    TumugonBurahin
  9. ayaw kong magreact.. ayoko ding magsabi ng kahit na anung salita.. komment lang to.. at ang masasabi ko lang: NO COMMENT..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...