Lumaktaw sa pangunahing content

...isang pagbabalik tanaw...

"Kung nababasa mo ito, napakaswerte mo...ibig sabihin hindi ka naghihirap katulad ng mga batang lumaki sa lansangan - SuperGulaman"

...alas-kwatro pa lang ng umaga ngunit tila ba gising na gising na ang aking gunita sa pag-iisip sa mga bagay na aking nakatakdang gawing sa buong mag-hapon...katulad ng nakagawian, laging sinisumulan ang umaga sa usal ng panalangin...panalangin ng pasasalamat para sa mga nakalipas na panahon at mga biyayang ipinagkaloob, at panalangin ng pag-gabay para sa itinakda ng pagkakataon at sa babaeng mamahalin ko sa habang panahon, ang aking Grasya... matapos ang saglit na iyon, konting kape lang, saglit na pagligo at paghahanda, walang almusal... handa na akong pumasok sa opisina...

...hindi ko talaga naging ugali ang kumain pagkagising sa umaga...nagpapalipas talaga ako ng ilang oras bago lagyan ng laman ang tiyan...siguro dahil iyon ang nakasanayan ko... mabuti nga ngayon at kahit papano nakakapag-almusal na ako...hindi katulad noong nasa kolehiyo pa ako...kape lang sa umaga....hamburger at iced tea lang sa tanghalian at wala na... hindi ko talaga lubos maisip kung paano ko(namin) nalampasan ang lubhang kahirapan ng buhay... anim kaming magkakapatid... noong mga panahong iyon, dalawa kami ng ate ko na nasa kolehiyo, tatlo sa high school at isa sa elementarya.... wala naman trabaho ang nanay ko at sya lang kasi ang talagang umaasikaso sa amin...isa lang ang kumakayod sa amin noon...ang tatay ko bilang isang kargador sa palengke... magkano ba ang kinikita ng isang kargador sa palengke upang lakas-loob nyang pag-aralin ang anim na anak ng sabay-sabay... ito ang pagkakataon na gusto kong ipagmalaki sa buong mundo... na kahit magkanda-kuba na siya sa kakatrabaho, pinilit niya na igapang kami para lamang makapagtapos... at sa kanyang pagpapanaw, may kwento akong maibabahagi at maipagmamalaki sa buong mundo at sa magiging anak ko...na ako ay pinagtapos hindi ng mayamang tao kundi ng isang marangal na kargador, isang ama na may paninindigan, pagmamahal at mataas na pangarap para sa kanyang anak....

..."ma! ito po ung bayad ko, pantranco!"...lulan ng jeep, papunta na ako sa opisina...mukhang maaga pa, kung kaya hindi ako sa Tomas Morato baba...susubukan kong maglakad simula pantranco hanggang Tomas Morato, baka sakaling pagpawisan at mabawasan ng bahagya ang timbang...sa aking paglalakad, hindi ko maiwasan na matunghayan ang mga bata na natutulog sa lansangan...naisip ko na maswerte pa din ako at hindi humantong sa ganito ang buhay ko...maswerte ako na kahit singkweta pesos lang ang baon ko noon at beinte-sais pesos na bahagi n'yon ay napupunta lang sa pamasahe...maswerte pa din ako at nakakain ako sa maghapon ng burger at iced tea... maswerte pa din ako at hindi ako namamalimos at nagtratrabaho sa kalye...maswerte pa din ako at may bahay na tagpi-tagpi akong inuuwian noon...maswerte pa din ako at kami ng mga kapatid ko na hindi kami pinabayaan ng aming mga magulang...maswerte pa din ako na sa mga pinagdaan namin nandito pa din kaming buo kasama ang ala-ala ng aking ama...

...masasabing mas maayos na ang buhay namin ngayon kaysa noon... ngunit hindi ko din naman masasabi na yumaman kami...dahil wala naman kaming yaman na maipagmamalaki...kung noon ay pinagtyatyagaan namin ng nanay ko na ipunin ang mga napupulot na tig-bente singko centavos para makabili kami ng tig-pisong kape at 1/4 kilong asukal... ngayon, kahit papano nakakapag-grocery na ang nanay tuwing sweldo...kung noon, ang baon na singkwenta pesos ay pinagkakasya ko sa mag-hapon...ngayon may sarili na akong pera na pambili ng nais ko...kung dati-rati wala akong contact number, ngayon may dalawa akong cellphone at landline pa...kung dati-rati pinagtyatyagaan ko ang mga lumang sapatos na bigay ng pinsan ko...ngayon bumibili na ako ng khit anung gusto ko...kung paanong noon ay mataranta ang nanay sa twing magkakasakit ang isa sa amin dahil wala kaming pangpagamot, ngayon may mga bahagi ng pera na nailaan pra sa medical plans...kung dati-rati na kumakalam ang sikmura dahil sa hindi tamang oras ng pagkain at kawalan nito, ngayon sumasakit pa din dahil sa sobrang kabusugan...kung dati-rati wala akong natatanggap na regalo tuwing pasko..ngayon wala pa din...pero ngayon ako na ang nagreregalo...

masasabi kong mas maayos na ang buhay namin ngayon dahil may laban na kami sa hamon ng buhay...at ito ay ang edukasyon at ang kamulatan sa mundo na biyaya mula sa aking ama...

minsan ang dami nating reklamo sa buhay...hindi tayo makuntento sa bagay na meron tayo...angal tayo ng angal na luma ang cellphone natin, hindi flat-screen ang monitor ng PC, walang laptop, sawa na sa pag-tataxi dahil walng kotse, naiinis dahil nescafe lng ang iniinom at hindi galing starbucks...mabuti nga tayo ay meron...paano ang mga wala? ...mapalad pa din tayo... oo mapalad ka, ikaw, tayo...Kung nababasa mo ito, napakaswerte mo...ibig sabihin hindi ka naghihirap katulad ng mga batang natutulog sa lansangan...

...ngunit, nasaan na ba ako ngayon? mukhang nalalayo na ako sa kahapon...pero nandito pa din ako at nakatayo...handang harapin ang mundo at bawat hamon nito...handang suungin ang susunod na yugto...kasama ng susunod na pagbabago...ang pagbuo ng sariling pamilya kapiling ang Grasya ko...

p.s. ang inyong natunghayang sulatin ay hango sa tunay na buhay ni bhoyet a.k.a. SuperGulaman.

Mga Komento

  1. nakakabilib.kahanga-hanga. saludo ako sa iyong magulang sa pagpapalaki sayo ng maayos, may paninindigan, may matibay na paniniwala sa Diyos at may strong foundation sa pamilya. nakakabilib din ang ginawa ng iyong ama para sa inyong lahat. alam kong kung nasan man sya ngayon, masaya syang nakatunghay sa inyo...

    TumugonBurahin
  2. Ayos, 'yet! Galing ah ang daming aral na mapupulot dito sa iyong pagbabalik-tanaw! Wow!

    Alam mo ang hamburger na yan, kapag dito sa Australia talagang lunch nang maipagmamalaki 'yan. Tayo kasi sa Pilipinas dapat talaga kanin at may dalawang ulam plus softdrinks, ano? Swerte ka nga dahil sa napakasipag mong ama, may hamburger at iced tea ka.

    Ayos din ang pagpapalaki sa atin dyan sa Pilipinas (developing country), talagang kailangang mag-aral ng mabuti at makapagtapos para makaahon mula sa sobrang kahirapan. Sa iyong naging karanasan, talagang napatunayan mo ito!

    ***NAO-observe ko kasi rito sa mga Aussies (lalo na sa mga nasa outback) hindi na mahalagang makapagtapos ng pag-aaral. Kasi ang daming trabahong naghihintay sa kanila rito. Ang mga kasamahan kong nag-aalaga ng baboy sa Queensland dati, hindi naman nakatapos ng high school pero ang sasakyan niya ay Honda Civic! Halimbawa lang yan, marami pa sila.

    Maswerte talaga itong mga nasa 1st world country, kung wala silang trabaho, sinusuportahan sila ng pamahalaan nila. At ang financial support na yon, kaunti nalang mapantayan na ang kinikita naming mga foreign workers dito. Whew!

    PERO NAPAHANGA MO AKO sa kwento ng buhay mo, Boyet! Kung noo'y mapusyaw ang kulay ng iyong buhay, ngayo'y napakatingkad na at napakamakulay nito. Punung-puno ng matamis at masarap na lasa, tulad ng isang sagoGULAMAN.

    I salute you, Supergulaman! o",)

    TumugonBurahin
  3. wow! nakakainspired naman ang kwento moh.. honestly naiiyak ako while reading your post.. naaalala koh c papa koh na super kumakayod para lang mapag- aral ako.. :)

    i hope masuklian koh lahat lng sakripisyo niya para sakin..

    TumugonBurahin
  4. naiyak ako. parang pang-malaala mo kaya.

    kuya... pakakasalan mo na si grasya? :)

    TumugonBurahin
  5. ..madalas din ako maka kita ng mga batang lansangan, ang iba di man natutulog sa tabing daan..madalas nagbebenta ang iba sa kanila nang kung ano ano... Kailangan lang talagang makuntento sa kung anong meron tayo ngayon, baka yung bagay na meron tayo, yun pa ang mag iwan ng mga aral...kaya always thanks god sa lahat ng bagay.. Appriciate kung ano ang meron tayo ngayon.. Masarap parin mabuhay.. Idol kita superG! Maswerte ka parin lumaki ka with your parents... Cheers! (^^,)

    TumugonBurahin
  6. nakarelate ako sa kwento mo..ganda..pati tuloy ako nagbalik tanaw sa nakaraan ko. naalala ko kc buhay ko noon. pasalamat tayo sa magulang natin dahil kung hindi dahil sa kanilang mga sakrispisyo, hindi natin matutupad ang mga pangarap natin na pangarap din nila..ang asenso sa buhay......

    TumugonBurahin
  7. *Applause*

    at bago ang comment ko..

    *tumbling* muna ako....ayun ..

    ang Galing Gulaman...halos pareho ang dinanas natin kaso nga lang may tatay pa ako. (sori bwt sa tatay mo)..

    newei,sana tuloy tuloy ang grasya na ibibgay ni Lord sa Pamilya mo at pahalagaan pa ang swerte na nalalasap natin.at higit sa lahat wish ko rin magpakailanman ay mag loving loving kayo ng pamilya mo...

    cheers Gulaman!...

    TumugonBurahin
  8. parang nung isang araw lang...nag uusap kami ngt dalawa ko pang kasamahan sa trabaho kung gaano kahirap ang buhay nuon., kung ano lang ang mga inuulam para magkalaman ang tiyan at kung paano nakapagtapos ng pag-aaral.

    sabi ko nga sa dalawa...teka baka magkakapatid tayo hindi lang natin alam...sabay tawa...

    masarap talaga minsan isipin na maswerte tayo...pero sana lang mas maswerte pa sa kinatatayuan ko ngayon

    TumugonBurahin
  9. WOw, SALUDO ako sa iyong magulang lalo na sa iyong tatay. Tama ka dapat talagang matuto tayong mga tao na magpasalamat sa mga bagay na meron tayo kesa magreklamo sa mga bagay na wala

    TumugonBurahin
  10. nice story tsong. by the way, di ko napansin na pareho ang title ng entries natin. "kalaro". hehehehe. anyway, maganda ang kwento mo.

    TumugonBurahin
  11. ang galing.. ang angas mo magsulat.. :) angas in a good way.. basta!! ahahaha :)

    maswerte nga talaga ako siguro... hmm.. ge napadaan lang si Gudangdang!

    TumugonBurahin
  12. @~yAnaH~
    sana nga...yan lng kc ang yaman ko isang pamilyang buo..

    @RJ
    salamat, salamat...andugas nga jan...d2 ang laki n ng effort mo hirap pa din mabago ang buhay..unfair...aheks...

    @reine
    ayun may naka-relate...ahehehe...pero un tlaga ang goal ng post ko...na maipaalala sa atin ang kahalagahan ng mga simpleng bagay...:)

    @joshmarie
    wag kang maiyak...dahil alng kong mas maraming tao pa ang may mabigat na naranasan kumpara sa akin...oo papakasalan ko na sya...(*excited*)...:)

    @hiddenX
    uu nga un na nga ang swerte ko at kaht papano nagpapasalamat ako, khit mahirap buo nmnm ang pamilya...yakang-yaka ang problema...:)

    @poging (ilo)CANO
    ahehehe...alm kong hindi ako nag-iisa sa mga ganitong experience...kya khit papano pasalamat pa din tayo...

    @PaJAY
    salamat salamat..lalo na sa wish...
    ang tatay ko? alam ko masaya na sya kung saan na sya naroon...for sure marami na syang kainuman dun...aheks...:)

    @abe mulong caracas
    uu nga sana mas yumaman pa tayo...ahahaha...pero sa akin ok lng ang simple...tama na yung kasing yaman ni pacquiao o ni willie revillame....ahahaha!

    @Marlon
    salamat din sa pagbabasa...nawa'y may bagay akong naibahagi sa inyo na kapupulutan ng aral..:)

    @Bino
    salamat kadamo...ahehehe..uu nga eh...nagkapareho...aksidente...baka nag-usap ung mga kalaro natin...ahahaha...

    @gladyspillbox
    eeheks...salamat po...nawa'y matuto po tayong pahalagahan ang maswerteng bagay na iyan..hanggang sa muli...


    @mensahe para sa lahat at sa gusto pang magkomento

    ito po ang isa sa pinakamasayang araw at kahit papano meron akong naibahaging aral ng buhay sa inyong...na kung papanong ang mga simpleng bagay na meron tayo ay dapat pahalagahan...gusto kong ibahagi ang post na ito sa lahat ng mga blogero...sa aking pamilya...sa aking sarili...sa aking Grasya at sa Dakilang Lumikha ng mga simpleng biyaya pra sa atin...salamat..salamat.. :)

    TumugonBurahin
  13. di ko alam kung anu yung naramdaman ko nuong binabasa ko tong post mo pareko! naiiyak ako na nanghihinayang na nasasayangan na naiinggit na hindi ko alam...

    iba kase tayu ng dinanas.. ikaw may tatay kang nagkandakuba para igapang kayo.. kami kase wala eh.. tsk tsk tsk.. maswerte ka nga!

    pero sa akabilang banda, maituturing ko pa ring maswerte din ako kahit wala kaming tatay.. hindi lang sa nabasa ko tong post mo kundi dahil.. nuong wala sya, natuto kaming lumaban na kami lang.. natuto kaming mabuhay na kami lang... natuto kami ng mga bagay bagay na di basta natututunan kung saan saan at marami pang iba..

    maswerte Tayo!!!

    di man tayo pareho!

    TumugonBurahin
  14. Parang nasa drama scene ang istorya ng buhay mo bhoyet. Di ko alam kung naluluha ako sa kwento mo o sa radiation ng monitor pero you're one heck of a responsible man. At sa tingin ko you'll be a very very good father to your future children and of course a loving husband.

    Maswerte si Grasya may Supergulaman sya.

    Nakakabilib ang pamilya nyo. At sa tingin ko you have a long way to go, marami pang mangyayari at darating. God knows all your heart's desire and plans in life, napakalaki ng Diyos natin para hindi ibigay sayo ang lahat ng hinihiling mo.

    Saludo ako sa mga magulang mo dahil kung hindi dahil sa kanila, naisip mo ba kung nasan ka nangayon?...

    Yan ang kagandahan nang hindi lumaki sa yaman at layaw, na-aappreciate ang lahat ng bagay malaki man o maliit.

    On top of that, you're a blessed man.

    cheers for that bro!

    TumugonBurahin
  15. nakakatuwang isipin na malakas ang faith mu kai lord! ayos!
    astig yan! :]

    ingaats lang tsong! :]
    GODBLESS! :]

    TumugonBurahin
  16. Aww! MY perspektib crashed down so i transferred my url to http://marlonofmanila.blogspot.com, pls update my url in your roll!

    TumugonBurahin
  17. eheks..sa kamalasan nasira ang computer ko sa bahay...at kailangan dalhin ko ito sa opisina at ipagawa sa aming technician...sayang nsa mood pa nmn ang ng pag-bloblog...ahehehe...

    @kosa
    uu un lahat tayo may mga pinagdadaaan...maliit man o malaing problema..ok lng yan...ang mahalga hinaharap natin ito ng buong tapang... :)

    @Dylan Dimaubusan
    salamat...at totoo nyan lahat nmn tayo ang blessed...nasa atin na lng kung pano ntin ito gamitin at ma-aapreciate...

    @jeszieBoy
    yup yup..salamat salamat...:)

    @Marlon
    no probs..cge update ko...:)

    TumugonBurahin
  18. isang palakpak para sa iyo super gulaman!

    minsan talaga kailangang magbalik tanaw para makita ang mga bagay na hindi natin pinunsin noon. astig ka!

    TumugonBurahin
  19. KAKATOUCH AT KAKAINSPIRE..
    AYAN HA CAPSLOCK TALAGA YAN HA..

    MARAMI DIN AKONG FAMILY SENTIMENTS PERO NEXT TIME NA YON..

    SALAMAT SA INSPIRATION TALAGA..

    TumugonBurahin
  20. wow! inspiring ang istorya mo. it reminds us to look back, give thanks sa lahat ng blessings na narerecieve natin and be a blessing din to those who have less.

    saludo ako sayo! i believe proud din sayo ang ama mo.

    wee. i forgot to say hi. hi! tumambay lang muna ako dito sa blog mo.

    cge, god bless!

    TumugonBurahin
  21. @eli
    yup yup...sna nakatulong ako pra gumanda ang ating pagharap sa kinabukasan..tnx:D

    @vanvan
    salmat salamat...cge lng mgandang outlet ang blogging.. :)

    @jhosel mendrique
    salmat salamat..hello...hello...eheks... minsan tambay din ako sa blog mu... :)

    TumugonBurahin
  22. ayoko sana mag-post ng comment dahil naluluha pa ko. mahina ang puso ko sa mga gnitong eksena. bigla tuloy nag-flashback sa kin ang mga nakalipas ng aming pamilya... :(

    magandang inspirasyon yung story mo. na-inspire ako :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...