Lumaktaw sa pangunahing content

..punto ko, punto mo...

...naaalala mo pa ba ang mga kinukwento sa iyo noong bata ka? ang mga kwento nila snowwhite, cinderella, jack and the beanstalk at iba pang mga kwento na naging bahagi ng ating paglaki, lahat ba yun ay naalala nyo? ...anu ba ang ending ng mga kwento nila?.. di ba laging "and they lived happily ever after"...

...ang totoo nyan hindi naman ako salunggat sa paggawa ng mga kwentong ito..., ngunit hindi din nangangahulugan na sang-ayon ako kung paanong ginawa ang mga kwentong ito.. totoong ang mga kwentong pangbata ay siguradong kapupulutan talaga ng aral at nakakatulong ito sa pagkakaroon ng positibong pananaw ng isang bata sa buhay...

...ang mga kwentong pangbata bagamat nakakatulong ito sa pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay, hindi naman natin maikakaila na ang buhay ay hindi natatapos sa "and they lived happily ever after"...dumarating talaga ang mga problema...dumadating ang saya...parang gulong ika nga nila..minsan nasa itaas, minsan nasa baba... sa totoong buhay, walang "and they lived happily ever after"...bakit? hindi naman kasi destinasyon ang buhay...isa itong mahabang paglalakbay na hindi basta natatapos..tama! hindi basta natatapos...eh paano kung mamatay ka na? tapos na ang journey? kung nakakapanood ka ng "one piece"...alam mo na hindi ganun kadali mamatay ang isang tao...ang tao daw ay hindi namamatay sa baril, hindi sa saksak ng kutsilyo, hindi sa sakit o di kaya'y sa katandaan...namamatay lamang ito kung hindi na siya maalala at mawawala na siya sa puso ninoman....

...ang sarap mabuhay, masarap ang maglakbay...ang sabi nga ni Kosa "saksihan mo ang Byaheng walang kasing kulay at kasing saya..punu ng kahirapan at kalungkutan... sa huli makikita at mabibilang mo pa rin kung saan ka nagmula at kung ano ang iyung nalampasan at napag-daanan.." ... nakakatuwang isipin na ang halaga ng buhay ay hindi kung saan ang iyong patutunguhan... makikita mo ang halaga nito sa iyong mga pinagdaanan...

sinasabing parte daw ng buhay ng tao ang paggawa ng kabutihan...pero kahabagi din nito ang paggawa ng kasamaan... bahala na daw tayo kung anu ang pipiliin natin....maging masama o dika'y mabuti..eh paano kung wala akong mapili? pwede ba un? ...at dahil nga nangangailangan ito ng isang matinding desiyon...kinausap ko ng matagal ang aking sarili...self-talk, epektib ito, wag lang nyong ipapakita sa iba kung gagawin mo ito...

...at bilang bahagi ng aming usapan, tinanong nya ako ukol sa mga pelikulang pilipino na aksyon na aking napanood...anu ang madalas nyong napapansin? anu ang pagkakapare-pareho?...di ba laging ang bida ay nabubugbog sa umpisa...at pagkatapos nun gaganti sya...tatalunin nya ang mga kontrabida, ang masasama...at ang huli pagkatapos ng bakbakan...dating ang mga pulis...late na naman....kunsabagay ang mga pelikulang pilipino na aksyon ay nakakatulong din sa pagbibigay kasiyahan sa mga manonood...


...pero napakamot lamang ako sa aking ulo dahil ang layo ng usapang ito sa gusto kong tumbukin...ang sabi ko "eh anu ngayon?"...sa mga pelikulang iyong napanood, mapapasin mo na laging kabutihan ang nagwawagi...at anu ang nagyayari sa masasama....pinapatay! ... hindi ako kunsintidor ng masasama at hindi din ako nakikisimpatya sa kanila.... pero sa iyong palagay ba ang apat sa salvage victim na nabalita nitong nakaraang araw, makatarungan ba iyon? masasama sila pero dapat ba silang patayin ng ganun? ...pasagot na sana ako, subalit pinigilan nya ako... "isipin mo itong mabuti" sabi nya... "ang paggawa ng kabutihan ay hindi nangangahulugan ng paggawa ng hindi masama, at ganun din ang paggawa ng kasamaan dahil hindi din ito nangangahulugan na hindi paggawa ng kabutihan".... inisip ko may punto din pla ang aking sarili... nababalumbunan pa din kasi ang ating utak ng makapal na ulap na konsepto ng "duality".... na kung may masama, dapat may mabuti, kung may puti dapat may itim...pero hindi ganun...kung may masama, meron ding hindi masyado masama, merong masamang mabuti, merong mabuting masama, merong masamang masama... tama din si pareng Bob Ong ng sabihin nya na, "Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko...".......naaalala ko tuloy sa matematika ang tinatawag na "absolute value" na kung saan na kahit anung ilagay natin sa isang numero ay mananatili siyang iyon...halibawa ang absolute value na +1 ay 1 at ang absolute value ng -1 ay 1 din..ibig sabihin ang tao khit maging masama man o mabuti o kahit maging anu pang kulay ng ugali meron ang tao, huwag natin silang husgahan base dito...husgahan natin sila bilang tao...

Mga Komento

  1. OK, i'll take it, husgahan ko ang aking kapwa bilang tao. o",) Ako kasi mismo ay hindi rin perfect. Salamat sa reminder.

    Ang mga superheroes tulad ni Superman, Spiderman, Lastikman, Capt. Barbel, Batman, Hancock, etc ay galit sa masasama. Napa-isip tuloy ako, "Paano naman kaya si SuperGulaman- ang Superhero ng Masa? Ito na nga ba ang malaking kaibahan niya sa iba pang sikat na mga superheroes?"

    TumugonBurahin
  2. kasama pala ako dun... salamat sa pagkuha sa aking walang kwentang letanya...

    oo naman.. naniniwala din ako sa sinabi mo na ang paggawa ng masama at mabuti eh bahagi na ng normal na buhay... hindi ka magiging masaya kung ang lagi mong ginagawa eh puro kabutihan at viceversa...

    maganda pala ang kinalalabasan ng isang self-talk na sinasabi.. masubukan nga yan minsan..

    TumugonBurahin
  3. basta ako pipiliin ko pa rin ang kabutihan pero okey din kung haluan ko ng kunting kasamaan para may takot din sila sa kin kahit papano...toinkz..

    TumugonBurahin
  4. Self-talk madalas ko din yang gawin...naalala ko tuloy ang sabi ng instructor namin "choose the less evil".. Piliin ang pinaka konting masama sa pag dedesisyon...
    ..iba naman ang gawain ko, masasabi kong pinalalabas ko ang kasamaan ko, nagpapanggap na masama at minsan masama talaga, dito ko nalalaman ang mga tunay at pekeng mga kaibigan, ka kilala at minsan kapamilya, o kapuso... Nalalaman ko kung sino ang iiwan ako at sino ang mananatili... Madalas kong palabasin na masama ako, at gusto kong alam nila na masama talaga ako, para malaman nila kung ano ang kabutihan ko... Mahirap kasi ang kilala ka nilang mabuti, pero masama pala... Minsan di natin naiiwasan ang maging masama dahil hamak na tao lang tayo, nagkakamali...
    ..tama ka idol G! Bakit kailangan nga naman kailangan patayin ang mga biktimang nangbibiktima ng walang laban?...
    ..."di maitutuwid ang isang mali nang isa pang mali" ika nga..

    TumugonBurahin
  5. @RJ
    siguro nga...ahehehe...pero ang kaibahan ko lng siguro, inde ako takot sa kryptonite...at ang powers ko secret pa din.... :)

    @kosa
    uu try mo epektib yun...wag mo lng ipapakita sa iba...at wag madalas baka masanay ka...:D

    @poging (ilo)CANO
    ahehehe..pd din...ang mahalaga naman...kung anu ka yun ka..ibig sabihin dapat totoo ka sa sarili mo... :)

    @hidden
    maganda yan...makita ng iba ang pangit sa atin, makita ng iba ang maganda sa atin...makita nila ang ating pagkatao...ung tipong mamahalin nila tayo hindi sa ugaling gusto nila......kundi sa ugaling meron ka... :)

    TumugonBurahin
  6. ****hindi sa lahat ng pagkakataon eh happy ending ang ending ng bawat storya ng uhay ng mga tao...swerte mo na kung mgaing happy ending ka nga..

    ****kahit gano kabuti ang isang tao... kahit paminsan sa buhay nila eh nakakagawa pa rin sila ng kasamaan, dahil walang perpektong tao..tulad nga ng sinabi mo.. nasa atin na kung aling landas ang pipiliin natin..
    at ang importante eh ung alam natin kung ano ang dapat amging sunod na aksyon natin para na rin swertihin tayo at maging happy ending ang buhay natin...

    TumugonBurahin
  7. wow... malufet sa post... naduling akoh... kc mejo kanina pa atah akoh nagbabasa at ang dilim sa page moh... walang ilaw... hehehe... abah... special mansyon si KOSA!.. naks naman... at pa-bob ong bob ong quotes ka reh ahh...

    mejo naghalo halo ang topics moh kaya humahalo na ren sa yutakz koh ang mga sasabihin koh... ano bah ang sasabihin koh?...

    sendali usapang happily ever after muna... totoo nga... pinapaasa lang nilah ang mga bata... tsk!... lolz... my cousin before... when she didn't know how to read yet... she was holdin' a book and pretedin' to be readin'... then she opened the first part of the book... she said "once upon a time...." then she went to the very last page... "and they lived happily ever after"... oh devah sosyal.. tapos nah syah... hehehe... 'la lang.. naalala koh lang...

    hmmm... ano pa bah?... ahhh.... i guess nde nman kc tayong perfect na tao... we all mistakes... kahit minsan kahit ganong karami nateng times mag-apologize kay God eh nagkakasala pa ren tayoh... minsan kahit nde naman naten gusto eh sadyang makasalanan lang tlgah tayo... and si God lang tlgah ang nagpa-make new saten... were are pure as white kapag andyan si God sa puso naten... and Jesus Christ died for us dahil sa mga kasalanang iyon... we are new person when we accepted Him as our Savior.. but again it doesn't mean perfect na tayo or kaya naman feel free na tayo magkasala... dapat i watch naten ang every kilos naten... always ask for His guidance... basta ganonz... ayan... na-preachan tuloy kitah... well punto moh etoh ang punto koh... lolz...

    oh yeah sabi nga nilah...kelangan nga like u said.. pag may puti may itim, may mabuti may masama, may tahimik may maingay... kung walah 'ung mga 'un eh di boring ang buhay.. yan ang nagpapa-excite nang buhay ang mga differences nang mga bagay bagay at differences nang mga tao... at tulad nga sa mga lovers sabi nila opposite attract... so 'un... nawalah nah akoh...

    daz all for now... have a nice day kuya bhoyet... ayan naremember koh na name moh... lolz...

    GODBLESS! -di

    TumugonBurahin
  8. walang bida kung walang kontra bida. . pano mo malalamang tama kung wala namang mali? ganun di ang kabutihan. . kung walang masama pano nagkaron ng mabuti?

    TumugonBurahin
  9. @~yAnaH~
    yeah...hindi ko din kc alm kung bkit ganun ang karamihan ng mga ending ng story or khit sa mga pelikula....pero kung korean novela yan...astig un....pinapatay nila ang mga bida... :)

    @Dhianz
    ahehehe...buti nmn natandaan mu na...:)....hindi nga daw perpekto ang tao, madalas nagkakamali, nadadapa...pero binibigyan sya ng Panginoon ng milyon-milyong pagkakataon pra baguhin iyon... :)

    @paperdoll
    yup yup....determinants nga yun...kailangan ang mga yun pra ma-maintain ang balance of nature...kung wala ang mga iyon...inde ko alam... :)

    TumugonBurahin
  10. naks special mention ka kosa. heheheheh ^^

    TumugonBurahin
  11. wow ang lalim... idol!

    Tama ang lahat ng iyong sinabi naniniwala akong katotohanan ang lahat ng ito...

    Duality ng buhay. Kitang kita sa kalikasan. Sabi nga lahat ng bagay na hindi maintindihan makikita sa rito ang kasagutan.

    Mabuti at masama... Yun na yun eh.
    Freedom. Freewill ika nga. Eto ang purpose ng buhay. Choices that we make day to day.

    Walang problema rito. Ang problema dito ang epekto. Yan ang malimit nakakalimutan ng tao. Sa bawat desisyon na ating gagawin, dapat handa tayong tanggapin ang epekto nito. Tulad ng mga masasamang napugutan ng ulo...

    We make our own heaven and hell sa buhay. Right natin yun. Walang problema basta handa lang lagi tayo.

    In the end of all things...
    The Good will always triumph over Evil. It was written ages and even before the world began.

    Happily ever after... Well I guess yan ang gusto ng Diyos para sa lahat. Para sa mga batang innocente. Kaya nga sabi, hanggang hindi tayo maging tulad ng mga bata, hindi tayo makakapasok sa happy ending na yun.

    Matalino ang tao. Kaya niya bigyan ng excuse ang lahat ng ginagawa niya. Realidad iyon. Ngunit sa katalinuhan nito, nakakalimutan niya na tao rin siya na nagkakamali. At magigising na lamang siya kung maranasan niya ang sakit na daranasin niya ay nandyan na.

    Saka papasok ang sisi...

    Sana ginawa ko na lang ang tama...

    Hindi natin kailangan tignan ang iba, titigan na lang natin ang ating sarili.

    Masaya nga ba talaga ako?
    Nag papakatotoo ba ako?

    Yan ang self talk para mahanap ang happy ending... =)

    TumugonBurahin
  12. @Bino
    ahehehe...oks kc ang words of wisdom nya...aheks...

    @anonymous
    aheks...cnu kya ito...sna nilagyan mo pangalan...ahehehe...

    ganda din ng comment...may laman din...

    ...dito ko napatunayan na magkakaiba talaga ang tao...magkakakaiba ng opinyon...magkakaiba ng pananaw....magkakaiba ng landas na tinatahak...may naniniwalang may hapi ending sa buhay...may naniniwalang isang paglalakbay ang lahat...may naniniwalang dapat ang kabutihan ang mamamayani sa sangkatauhan...may naniniwalang may papel na ginagampanan din ang kasamaan...

    ito ang tao...bagamat hindi perpekto..nagkakamali at minsan tama sa ibang punto...may papel syang ginagampanan pra sa patuloy na pag-inog ng mundo...

    TumugonBurahin
  13. Uhm.. you have a point na dapat hindi puro magagandang kwento ang binibigay sa bata pero on the other hand, pwede rin natin isipin na tama rin na magagandang kwento ang ibigay sa kanila. dahil sa panahon ng pagkabata kadalasan nabubuo ang "Values" na tinatawag, kung ang batang pinalaki sa problema, ano kaya sa tingin mo ang kalalabasan? It just has to be balanced!

    ps. ONE PIECE FAN KA RIN? si hiluluk nagsabi noon noH? my one piece site ako eh.lols!

    cute blogger nagpapacute!

    TumugonBurahin
  14. waaah.. bakit ang lalim mong magsulat?? hindi maarok ng simple kong imahinasyon.. hahaha..

    TumugonBurahin
  15. amen to that. yup, nobody's perfect ika nga. ang boring naman ata ng life kung isang path lang tatahakin. minsan kailangan mo ding maligaw at gumawa ng kabalastugan para matuto. kasi diba its when we make mistakes that we grow and learn. kahit naman ata ang santo papa, nagkakamali din. haha. at yung black and white ng buhay ay siyang nagbibigay kahulugan sa ating buhay.

    wehee. self talk. madalas ko ding gawin yun. lalo na pag gumagawa ako ng desisyon. at pag discipline sa sarili. minsan pinapagalitan ko din ang sarili ko. ahaha. pro xiempre di ko naman pinapakita sa iba kasi naman mahirap na. haha.

    sige. ano pang masasabi ko. sinabi na nilang lahat. at agree naman ako, ahehehe.

    ciao!

    TumugonBurahin
  16. minsan din namn kelangan mong maging bad para sa kabutihan ng ibang tao..o di kaya kelangan maging kontrabida ka para namna matuto sila..basta yun yon..

    hahaha..

    muah!

    TumugonBurahin
  17. salamat sa "four loves" na shinare mo sakin..

    aabangan ko ang next post mo..

    hahaha...

    TumugonBurahin
  18. there's a good and bad in everyone of us. ayun lang. :P

    TumugonBurahin
  19. @Marlon
    uu nga...pero maganda din siguro na hindi lang kabutihan ang ituro natin sa kabataan...sana isama natin ang katotohanan...

    aheks...nakakapanuod ako ng one piece pero inde ko siya mahabol...andami na episodes masyado...387 na sya as of today...hayss..manuod man ako pahapyaw-hapyaw pa... pero bleach at naruto ayun updated ako hanggang sa MANGA...ahehehe...meron din ako mga anime site check mu...www.narutomaxx.net at www.ani-maxx.blogspot.com.. :)

    @minnie madz
    weeee...si MS Minnie pa...weee Congrats... :)

    @jhosel
    ahehehe...salamat sa komento... pero sana ang self talk huwag gagawing hobby...ahahaha...

    @vanvan
    salamat sa komento...nuong una kong mabasa ang pangalan mo...kala ko lalaki..nun mapunta ako sa page mo...penk...sabi ko anu kya ito...nun binasa ko ang iyong "about you" at nakasulat sa Gender...parang babae ito ah..at yun nga..babae ka pla... :D

    @Joshmarie
    yey! simple ang komento pero totoo..lahat naman ay mabait tulad mo at tulad ko...lahat ay din ay masama tulad mo at tulad nyong lahat...este kasama din pla ako dun...ahahaha...:D

    TumugonBurahin
  20. Ang dami kong gustong sabihin pero ayokong maging post ang comment ko. lolz

    Una, Si Ka Kosa ba may sulat nun.. napabilib ako ah.. Nice quote, really.

    Yung fairy tale story sa umpisa napunta sa action movie bandang huli, wahahahaha!

    Nasa tao talaga yun kung anu ang pipiliin nya. Life is a choice. Yan ang kagandahan ng buhay na pinagkaloob sa atin, malaya tayong gawin anu man ang gustuhin natin, at may isip tayo para alamin ang tama sa mali. At kung anu ang idudulot nito sa atin.

    May mga pagkakataon na nakakagawa talaga tayo ng masama sa di sinasadyang pangyayari pero hindi natin pwedeng sabihing wala nang ibang paraan. Hindi ako naniniwala.

    I'm not perfect, the same way you're not, may nature tayong bad and good spirit. Depende kung alin sa dalawa ang mangingibabaw sa buhay natin.

    At naging post na ata.

    Cheers Supergulaman!
    Matindi ang post na toh!
    Gusto kong pumalakpak..:D

    TumugonBurahin
  21. hmmm.. let me think.. ayun.. pra sken.. hnde lahat ng tao ay masama, there are just things na nangyayare sa knila that drives them to be bad.. like ung balita sa tv patrol, hinostage nya ung mga ksamahan nya sa work, kse sobra na daw sila..tinatapakan ang pagkatao nya.. ang tao ay tao.. may damdamin nasasaktan..kung ittrigger nten dun lalabas ang ksamaan, but if we try to understand them.no one will be bad..:) ahaha...bka tayo den may kasalanan kung bakit ang isang tao nagiging masama..

    npahaba ata.. ahahaha..ang haba kse ng post..:))

    TumugonBurahin
  22. halu there! comment time...


    uhm, what can I say? eh halos lahat ata, nasabi na nilang lahat... uhm, yeah, you're right... everyone has a bad and good side... you have to be balance in everything you do, pakita mu s iba kung sino kang tlga, don't wear mask or pretend to be someone that you're not... mas maganda ung tanggap ka nila maging sino ka man, besides, pano mu malalaman kung cnu ung mga totoo sayo kung hindi ka rin magpapakatotoo db?

    sometimes in our journey, we stumble, we fall, we made mistakes, we experienced problems and challenges but we should learn from these things... we should put into our minds that in real life, di lagi happily ever after story... some of them are just meant to teach us what are the do's and dont's in life...

    uhmmm, hehehe... stay happy... and be yourself always... it's nice to be you...

    TumugonBurahin
  23. @Dylan Dimaubusan
    ahehehe..ok lng mahaba....akin din mukhang post na din ang comment ku sa entry mu...aheks...

    salamat...salamat...sa sunod ulit.. :)

    @hOniE-GeLenE
    oks lng yan minsan ka lng nmn maligaw sa blog ku khit nasa isang room lng nmn tayo...ahahaha!

    @a i s a :)
    yeah...tama! maging totoo ka lng sa sarili mo....wala sigurong magiging problema...:)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...