Lumaktaw sa pangunahing content

...seryosong usapan...

"Hala! 19 years old na ako...hindi pa din ako registered voter"...yan ang sabi ng nakababatang kapatid ko nun isang araw... natawa lng ako sa hirit nya...kaya ang sabi ko, "kung ako nga ay beinte-sais anyos na pero hindi pa din rehistrado, wala namang nakukulong kung hindi ka boboto eh"... mamaya-maya lang sumabad na ang ate ko..."diyan ka magaling, reklamo kayo ng reklamo sa gobyerno na palpak ang sistema, ei hindi naman kayo bumoboto!"... pero hindi na ako nakipagtalo nun kahit na ayaw ko talagang bumoto o magparehistro man lang...sa Metropolitan Trial Court kasi nag-tratrabaho ang ate ko...sa madaling sabi, sa gobyerno siya nagtratrabaho kung kaya ganun na lang kung paano nya ipagduldulan sa mukha ko ang "right of suffrage"...

bakit nga ba ayaw kong bumoto o magparehistro man lang?... siguro ayaw ko ng pila...pero kung pila lang ang issue, sanay ako dyan...graduate kaya ako ng PUP (Pila Uli Pila)... simula sa entrance exam, bayaran ng tuituion fee, kuhaan ng class card, processing ng graduation...kilo-kilometro ang haba ng pila dito...hindi ko in-exag ang pagsasabi ng kilo-kilometrong pila..totoo yun khit itanong nyo pa sa mga graduate ng nasabing paaralan...pero bakit nga ba mahaba ang pila sa PUP...simple lang ang dahilan...government school kasi...

kung magpaparehistro ako at hindi boboto, anu nga ba ang mahihinita ko?...baka dayain lang ng mga flying voters ang boto ko na pakana ng mga pulitikerong gahaman sa kapangyarihan... at kung sakali nga na boboto ako, sino ba ang matinong pulitiko? sa kampanya lang naman magagaling ang mga yan..., minsan nga sa kampanya pa lng, sila-sila nga ay nagpapatayan na...pagkatapos nilang manalo ayun tae na tayong lahat...

...nakakalungkot isipin na halos lahat ng sistema sa ating lipunan ay nagiging bahagi na ng pulitika, maduming pulitika... ang simbahan na sinasabing hiwalay sa gobyerno ay nakikialam na din sa sistema gobyerno...dumadami na ang "Padre Damaso" sa bansa...ito yung mga Paring nakikialam sa pagpapalakad ng gobyerno... at kung ang sistema naman ng gobyerno ang titignan, sirang-sira na ito... wala na ang essence ng "check and balance"... sinasabi na ang ating gobyerno ay may 3 division...ang korte suprema (judicial), ang malacañang (executive), at ang legislative na hinahati sa dawalang bahagi...ang congress at senate...tapos meron pa palang epal na office...ang ombudsman...ang mga bahaging ito ay dapat nagbabatayan sa isa't isa kung sakaling may umaabuso sa kapanyarihan...ngunit ano na ng nayayari ngayon? sino-sino nga ba ang tao sa korte suprema, madalas ka-brod yan ng ating pangulo ngayon, at sa legislative sino ang mga tao...halos 90% ng nasa congress tao pa din ng pangulo..isa lang talaga ang kalaban nila, ang senado....... ang ombudsman naman, inde ko alam kung gumagana talaga sila, wala pa din kasi akong nababalitaang naparusahang malalaking pulitiko sa kasong graft and corruption maliban kay dating pangulong Estrada na ngayon ay malaya na.... mukhang pera-pera at kapanyarihan na lang ang labanan ngayon... kawawa ang pangkaraniwang mamayan na tulad ko...tulad natin...

nakakatakot ang kalagayan ng bansa sa ngayon... bukod sa pagtaas ng presyo ng bilihin at patuloy na paghina ng piso...hindi ko din alam kung mag-kakasense pa ang pagpaparehistro ng kapatid ko ngayon, mukhang hindi na matutuloy ang eleksyon dahil sa napipintong Charter Change o Constitutional Assembly na posibleng matuloy...kaunting pakikipagsabwatan lang ng malacañang sa ibang bahagi ng gobyerno, swabe na at magtutuloy-tuloy na ito...kung baga 75% ng kapanyarihan sa bansa ay hawak tlaga ng malacañang at 25% lang nito ang posibleng kumontra, ang senado...ibig sabihin mataas ang probabilidad na ma-extend ang termino ng pangulo at maging kauna-unahang Prime Minister ng bansa..at pagnagkataon, tanggal ang buong senado...dahil mag-iiba na ang sistema...

ayos lang sana kung ang ating kasalukuyang pangulo ang walang itinatagong issue ng pagtataksil sa sambayanang Pilipino...pwede pa sana....ngunit bakit hindi masagot ang issue ng pandaraya noong nakaraang eleksyon? bakit hindi maipaliwanag ang issue ng ZTE? bakit patuloy pa din ang pagtatakip ng ginoong Jokjok Bolate sa issue ng fertilizer scam?... at anu na ang nangyayari sa mga itinalaga nyang ahensya..bakit andaming issue ng suhulan at curruption..simula customs, GSIS, PDEA at ngayun sa DOJ naman... patunay lang yan na may kumukunsinti sa ganitong sistema...at sino nga ba ang may sala?

ang pulitika ay hindi para sa mga taong matatalino at gahaman sa kapangyarihan...para ito sa mga taong may tunay na pagmamalasakit at pagmamahal sa sambayanang nangangailangan...

Mga Komento

  1. ako ba una? hwehehe
    umepal lang babalik ako mamaya..
    kitakits

    TumugonBurahin
  2. gusto ko lang sabihin na 25 na ko pero ni minsan hindi pa rin ako nakaparehistro at nakaboto. hindi ako naniniwala na dapat akong bomoto para magkaron ng pagbabago sa ating bansa. ung sinasabi nila na yung boto mo eh baka syang makadagdag para manalo ang deserving.. hindi totoo yun. sa dumi ng pulitika ngayon, may halaga pa ba ang pagboto mo kung harap-harapan ang pandaraya? at vote buying at kung ano-ano pang Hidden Agendas ng mga tinamaan ng lintek na mga pulitikong yan. mga magagaling gumawa ng mga pangakong napapako. dios mio, patay na lang ang pasyente, hindi pa napapagawa yung ospital dahil ang budget nasa mga bulsa na nila...
    haysssss chureeee naman.. napahaba.. na carried away ahihihihi

    TumugonBurahin
  3. bakit ako rin turning 20 na hindi pa nakakaboto LoL Ü

    Lupet ng PUP

    haha Love it!

    :DD

    TumugonBurahin
  4. Whooo! Wow! Ganito pala rito sa Super Gulaman! Napaka-seryoso ng mga usapan.

    Nasabi mo na lahat. Hindi ko nga naiintindihan kung bakit ganu'n ang mga naging isyu at usapin sa pamamahala ni Pres GMA, ang daming nakakahiyang mga kwento. Sa totoo lang napansin ko talaga ang pagtanda ng mukha ni Pangulong Arroyo, nakakatulog pa kaya siya ng maayos?

    Ako'y isang registered voter din sa Pilipinas pero sa buong buhay ko, isang beses pa lang akong bumoto. Ang masaklap pa, nakalimutan ko na rin kung kailan ako bumoto. Hindi kasi talaga ako fan ng politics (tama ba? Sana naunawaan mo ang ibig kong sabihin), Supergulaman.

    TumugonBurahin
  5. seryoso nga.

    graduate ka pala ng Philippines University of the Philippines sabi ng classmate ko noon nung mag eenroll sya sa PUP. anyways, kung ganito talagang umaapaw na ang populasyon sa bansa hindi talaga maiiwasan ang "kilo-kilometrong" pila.

    anuman ang problemang kinakaharap natin o ng bansa ang mahalaga di tayo nawawalan ng pag-asa.

    sa totoo lang 24 na ako nung nakaboto ako. at isang buong araw yun bago ako nakapag parehistro. hayz!

    may silbi man o wala ang pagboto, hindi ko na matandaan ang sasabihin ko..hehe, pasensya na, alas dos na pala ng umaga..

    TumugonBurahin
  6. @kosa
    cge lng...:)

    @~yAnaH~
    oo nga di ba? ahehehe...pero huwag kayong gumaya sa akin...ahahaha...ok lng mahaba...eheks...tnx tnx...

    @[ k r y k ]
    ahehehe...uu nga PUP...pero inde ako aktibista ah....:)

    @RJ
    ako din walng hilig sa politics...pag-aartista lng gusto atupagin...ahahaha..:)

    @Dylan Dimaubusan
    uu graduate ako dun...ang lunnga ng mga aktibista..pero inde ako aktibista...:D...cge tulog na...ahahaha!

    TumugonBurahin
  7. hello. ganda naman ng post mo!

    anyway, di lang naman ang pinas ang may problema when it comes to the polical system ng bansa.

    america, england, norway, ... kahit nga dito sa sweden, meroon din.

    di naman kailangang lahat ng mali eh sa gobyerno dapat natin isisi. sometimes, dapat sisihin din natin ang ating mga sarili.

    like here in sweden. oo. magandang country. but behind beauty, maraming problema... may financial problems din ang most people dito. kaya, the government is trying to implement new laws. problems is... most people here are scared to accept change. kaya, walang pagbabago.

    it's not that i hate you.. di ah. iba iba lang ang opinyon natin. pero sa akin lang, sana di masyadong mareklamo ang pinoy and gawin natin yung part natin kahit na pumapalpak ang gobyerno.. ganoon talaga. at least, we did our part.

    TumugonBurahin
  8. @maxi
    i love your point...minsan naiisip ko din yan..bkit hindi na lng tayo magsikap instead na magreklamo...tama ang punto mo dun...

    ang kaso hindi mo din masisi ang mga pinoy kung bakit ganun...lalo na kung ang epekto ng kabalastugan nila ay sa mamayan tumatama.. minsan nakakatakot din ang sinasabi mong pagbabago lalo na kung ang lider isama na ang pangulo ay harap-harapang niloloko ang lipunan...

    ang totoo nyan, sang-aayon ang karamihan ng pinoy sa mga pagbabago ayon sa survey ng Ibon foundation...kaya nga balak ng palitan ang sistema ng gobyerno sa Pinas (Cha-cha)...agree ako dun...pero sna hindi ito gawin habang sa termino ng kasalukuyang pangulo... kung bkit? simple lng pra extended ang termino...ok sna kung isa syang mabuting halimbawa...ok lng ang extension...pag napaliwanag nya ng mahusay ang mga issue na tinukoy ko sa aking post at pinatunayan nya na hindi sa sangkot sa pagtratraydor sa taong bayan..bka makumbinsi ako na "maganda pa rin pla ang sistema ng pulitika sa pinas"...

    pero sana gumanda nga...ng hindi na umalis ang pinoy sa sariling bayan upang matakpan o matugunan ang sandamak-mak at lumalalang problema nito...

    pero kung lala sya baka sa dubai na ako mapunta..tulad mo na nasa sweden na...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...ibigay ang hilig...

isang mapagpalayang araw sa inyong lahat...nandito na naman po ang inyong superhero na si SuperGulaman na walang inatupag kundi mambulabog sa inyong natutulog na mundo... bulaga! nitong mga nakalipas na araw, medyo naging isnabero ako sa mga tags at awards na pinukol sa akin...pasensya na po medyo naging busy kasi ang inyong poging Superhero (ahem!) at nagkakaroon din kasi ako ng maliliit na problema kaya medyo na de-depress din ako, lalo na sa pagkawala ng aking medyas at tsinelas (hindi ako maka-move on... ahahaha!...)... pero syempre kunyari lang na nadedepress ako o bisi-bisihan dahil alam nyo naman gusto ko lang bigyan ng dahilan ang aking katamaran... ahahaha... at para hindi na magtampo ang aking magaganda at poging katropa...ito na po at ginawa ko na... ibigay ang hilig... bilang panimula, pasasalamatan ko na si Stacey ng Stacey Avenue para sa "The Perpetual Smiling Blogger Award" na ito...hindi ko lang din alam kung magkakapatid sila ni Mike at Mon, mga Avenue kasi...

...babae...

....ang sulating ito ay hinahandog sa lahat ng kababaihan.... (boys behave muna, sila ang bida ngayon...aheks!) Babae, babae kamusta ka na? kamusta na ang buhay mo sa mundo?... kamusta na ang kalagayan mo?... alam mo sobrang hinangaan kita sa lahat ng pagkakataon... ang dami mo ng ginawa para sa sangkatauhan sa kabila ng iyong mga kahinaang taglay... bagkus na sumuko, ito ka at pinagpapatuloy ang laban... kamusta na nga pala ang iyong pinakamamahal na si lalaki? alam kong sobrang saya mo noon ng makilala mo sya... halos sya na nga ang naging mundo... ibinigay mo ang lahat ng naisin nya pati nga kaluluwa mo halos pag-aari na nya... kung sabagay umiibig ka kaya lahat ng sa iyo ay ibinahagi mo sa kanya at halos wala na ngang matira eh...hindi naman kita pwedeng sisihin dahil kitang-kita ko sa iyong mata ang lubusang kasiyahan at masaya akong nakikita ka din na masaya...pero ano na nga ba ang nangyari?...matapos ang ilang taon ng pagsasama, ito ka kapiling na lamang ang iyong anak at iniwa...

..numero...

[oooopppsss...wag mo po munang pindutin ang back button o ang eks button...basa po muna tayo...wag pong mag-alala ang susunod na aking ibabahagi ay hindi nakakapagpadugo ng ilong...enjoy.. ^_^] ....sa basketball court.... [ Xiantao: yet,di ba may alam ka sa thesis?.. tulungan mo naman ako.... Ako: Oo ba...walang problema...anu ba title ng thesis mo? Xiantao: Wala pa nga eh, ei yung sa iyo ano ba ang title ng thesis mo? Ako: ei hindi yun makakatulong sa pag-iisip ng title mo kung sasabihin ko man yung title ng thesis ko... Xiantao: ano ba kasi yun ? Ako: (*peste ito at talagang pinilit ako*) ang kulit... "Characterization of Non-associative Finite Invertible Loops of Order 7 with 5 and 7 Self-inverse Elements" Xiantao: ha? (*tulala na parang nabigla*)... ano ba ang course mo? Ako: BS Mathematics... Xiantao: Wow! kaya naman pala eh... eh di ang galing mo pala sa numbers? Ako: bobo ako sa numbers, mahina ako sa arithmetic... Xiantao:????? (*napakunot noo na lang sya at napakamo...