Lumaktaw sa pangunahing content

...kalaro..

....matagal na din ang panahon ang nakalipas ng huli kaming maglaro ng chess... simula ng naging busy ako sa aking trabaho, sa pag-update ng mga blogs, sa paglalaro ng online chess...hindi ko na siya naalala na muling makalaro... manaka-naka na kaming nag-uusap...bihira ko na din syang tanungin pra sa aking mga desisyon... at ngayon mukhang kailangan na namin mag-usap at maglaro.... hindi ng chess kundi ng basketball... medyo kailangan ko ng muling magbawas ng timbang sa pamamagitan ng paglalaro ng basketball...ngunit mahirap humagilap ng taong pwedeng makisabay sa level ko sa paglalaro nito...at tanging siya lng ako naiisip ko na pwedeng makatulong sa akin...

...kahapon bumili na ako ng bola...handa ko na nga siyang yayain kanina... ngunit anung kamalasan, ginagawa ang bakod ng palaruan...umuwi ako ng bahay, bitbit pa din ang bola..sinimulang i-dribble ang bola habang nsa kalasada...aba-aba, inagaw nya...at yun na nga nagsimula na ang kakaibang laro...agawan ng bola..pagalingan sa pagdribble...hanggang pagpawisan at mabawasan ang timbang...

oo nga pala kilala nyo ba sya? sino? ang kalaro ko? ...kung inyong maalala pinakilala ko na sya sa ibang entry ko dito.. kung hindi pa? sige pakibasa : pindot ka dito! :D

Mga Komento

  1. Pwede rin ba akong sumali sa laro ninyo? Gaining weight na rin kasi ako ngayon.

    [Good, kararating ko pa lang dito, isinasama mo na ako sa iyong palaruan, ipinapasilip mo na rin sa akin ang iyong Katinuan, at ipinapaalala mo sa aking maging maka-bayan!]

    TumugonBurahin
  2. nung mga panahong sobra akogn depress, may nakakausap din ako at nakakasama na ganyan.. pero ngayon wala na..minsan gusto ko syang pabalikin kase sya lang nakakaintindi at tuamtaqnggap sakin kahit hindi sya katanggap-tanggap..

    TumugonBurahin
  3. tara dre!...one on one tayo...lol...

    wag mong itapon ang timbang na mababawas mo dre at hihingin ko...nagpapataba kasi ako e...lol...

    have fun dre sa paglalaro...

    TumugonBurahin
  4. ...usapang laro bah toh supergulaman... hehe.. nde atah akoh gano makahirit ahh... ahh hirit na lang akoh sa basketball... alam koh larong panlalaki... pero maraming babae ang marunong... akoh dehinz... hay... terrible akoh dyan... masayang masayah na akoh kung maka-shoot nang ball... pero hundred times na try atah 'un.. wehe... yeah sportz is a good exercise.... kung nde moh magawa... kahit as simple as brisk walking lang... 'un lang po.. sana mapanood koh 'ung mga naruto episodes later... pero now i don't really have much time... btw... don't u have nick?... supergulaman lagi tawag koh sau eh... u have a nice day! Godbless! -di

    TumugonBurahin
  5. napatulala muna ako ng ilang saglit, nag isip, nalito pero nakuha ko.

    ang lalim.

    beautiful mind!

    TumugonBurahin
  6. kuuuyyyyyyaaa boyettttt!

    TumugonBurahin
  7. @RJ
    uu ba cge sali ka...ahehehe..ganyan post d2 prang circus lng...ahahaha...:)

    @~yAnaH~
    aheks...kala ko inde na kayo nag-uusap kasi magkagalit kayo....:D

    @PaJaY
    sure...ahehehe...pero mas ok ang payat..kaysa ganito...na-mimis ko na ung circus ko sa court...naun kc inde pd, ang bigat ko na...:D

    @Dhianz
    bhoyet ang nick ku...supergulaman ayuz din...:D

    @abe mulong caracas
    aheks...inde nmn malalim...parang nasobrhan lng kc ako sa caffeine..nag hallucinate na ata ako...ahahaha....

    @JoShMaRie
    ahehehe...musta?...:D

    TumugonBurahin
  8. kaninong istilo ko nga nakita yung pagsusulat na to?
    kay bino?
    o
    kay Bob Ong?
    lols

    nice.
    teka, nagulo ako...
    sinu ba ang niyaya mong kalaro?
    yung Bola?
    hahaha
    masubukan nga din tong istilong ganto..

    TumugonBurahin
  9. @kosa
    aheks...mahusay si kadamong-bino...lalo na si pareng bob ong...

    nakakahiya maikumpara sa kanila...:)

    SuperGulaman style yan...may style nga ba?...ahahaha!

    kalaro sa basketball, ung other me ang kalaro ko..mahirap kasi kalaro ang bola...puro pambobola lang ang alam...ahahaha...:)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...