Lumaktaw sa pangunahing content

...first time mo?...

unang araw ng taon ng 2009...mga tsong, happy new year!...parang kailan lang ng magsimulang lumarga ang taong 2008 at ngayon 2009 na pala, hindi pa din ako registered voter...ahahaha... pero bago ang lahat, gusto ko munang abusuhin ang pagkakataon ito na kayong lahat ay batiin ng Happy New Year! unang araw ng taon, isang magandang simula ng pagbabago...unang simula ng mga magagandang pagkakataon...wag nating sayangin, bagkus tayo ay tumindig ng may tatag at sigla para sa hinaharap...

ang bilis talaga ng panahon...eh anu naman kung mabilis ang panahon? kung sabagay bumilis man o bumagal ang panahon..hindi naman natin ito mamamaniobra...hindi natin ito mapapatakbo ng ayon sa ating gusto...pero malaki talaga ang epekto ng mabilis ng takbo ng panahon para sa akin..ewan ko lng sa inyo... minsan kasi nangangahulugan ito takot... oo tama! takot! maraming takot o fear ang meron ang bawat isa sa atin...takot sa pag-iisa, takot sa pagtanda, at takot sa kamatayan...ang lahat ng mga takot na iyan ay madalas dinidulot ng mabilis ng takbo ng panahon... pero madalas hindi natin namamalayan na meron pang isang takot na dulot ng panahon ang palaging namamalagi sa atin pagkatao... ito ang takot ng "first time"... oooppsss... hindi ito yung malisyosong bagay na naiisip mo...pero kung gusto mo iyon isali....ikaw na ang bahala...

ngunit sa seryosong usapan, nakakatakot talaga ang bawat unang pagkakataon o "first time"... naalala mo pa ba noong una kang pumasok sa paaralan...umiiyak ka pa nga noon at ayaw mong magpaiwan sa mommy mo...pero ng malaman mo na madaming kalaro at klasmeyts pla dun, naging kalmado ka na...takot din ang iyong naramdaman noong unang pumasok ka sa kolehiyo... hindi ba kasi, hindi mo alam kung anu na itsura ng mundong iyon..at takot din ang iyong naramdaman ng humarap ka sa interview pra sa iyong trabaho...takot din ang iyong naramdaman ng magsimula ka ng magtrabaho...at kahit ang pagtungo sa lugar na sa unang pagkakataon mo pa lang mapupuntahan...di ba natatakot ka? bakit ka nga ba natatakot? "first time" kasi eh...ang totoo niyan takot din ang aking nadama sa unang taon ng pagpanaw ng aking ama...at bilang panganay na lalaki ako ang magsisilbing padre de familia...nakakatakot pero kinaya... nakakatakot talaga ang first time...

at sa unang yugto ng 2009...first time nating makakaharap ang bawat hamon ng buhay...nakakatakot...pero sigurado ako kakayanin natin itong lahat...

oo nga pala...may mga taong hindi takot sa "first time"...exciting daw kasi ang first time...
ikaw? exciting ba para sa iyo ang first time o natatakot ka?

Mga Komento

  1. abahh... pag first time ang hirit ibah agad pumapasok sa yutakz naten... wehe... uy! bago ang lahat... have a blessed new year... akoh bah unang epal nang taon ditoh?... lolz... eniweiz... yeah true mejo nakakatakot ang mga first time experiences but true at d' same time den eh exciting and also unforgettable ang most of them... gusto sana kitang kwentuhan nang mga first time koh eh... kaso hwag na muna... kc for sure magmamala-essay koment muli toh... wehe... so yeah... lahat tayo eh haharap sa bagong hamon nang taon.... for sure dmeng ups and downs muli... part tlgah nang buhay yan... itz wat make us stronger in life and also closer to God... of course juz think of it... walah tayong problema... nde na naten Syah kakailanganin... cuz sometimes... think of it... may mga times na sobrang sayah naten na nalilimutan naten Syah... pero kapag may problema... sya unah nateng either sinisisi or hinihingan nang tulong... eniweiz i'm juz sayin'... sabi koh nga... diz year... i'll lay out all my plans before Him... Sya na tlgah bahala... i don't have control of my life... less complain and more trust in Him... so yeah 'un lang for now... see napahaba pa ren ang sagot koh... lolz... ingatz kah... have a blessed new year... GODBLESS! -di

    TumugonBurahin
  2. kadalasan TAKOT din ako sa mga bagay bagay na PERSTAYM....
    hindi ko alam kung bakit... minsan kase hindi tayu nagtitiwala sa ating kakayahan..

    pero sabi nga nila,
    kayanin mo kase ginusto mo at ibinigay sau ng tadhana...

    kaya mo! kung gusto mo...
    kung di mo nman talaga kaya, sabi nga nila....
    KUNG KAYA NG IBA, IPAGAWA MO SA KANILA..baka masmagagaling sila..

    happy new year!!!

    TumugonBurahin
  3. Nakikidaan po.. mag ko-comment na din..

    Hmmm... Ako, kadalasan takot.. Ganun naman siguro talaga kapag babae.. "Matatakutin" sa una. Pero habang tumatagal mapagtatanto natin na yung mga bagay na kinakatakutan natin ay mga simpleng bagay lang pala sa mundo. May mga pagkakataon na natatawa ako sa aking sarili dahil minsan naging "duwag" ako at nag aalangan na harapin ang buhay ng taas noo. Pero natural lang naman yon sa atin, may mga bagay talaga tayong kinakatakutan dahil hindi natin alam kung anong magiging kapalit nito sa ating pangkasalukuyang desisyon sa buhay.

    Ayun.. napahaba comment ko. lol.

    Baka mag emo ako dito ah. lol.

    Happy New Year!

    TumugonBurahin
  4. wala na kong ibang naalalang perstaym kundi yung perstaym kong toooooot! :]

    'api new yr tsong! :]

    TumugonBurahin
  5. too many first times... too little time. hehehe. first time should give us a sense of new beginning. although fear is naturally there, it would be better if we face it with optimism.
    happy new year Gulaman!

    TumugonBurahin
  6. @Dhianz
    ahehehe..galing haba haba..eheks...tnx tnx...weeepeee...hapi new year.. :)

    @Kosa
    ahehehe...napanood ko yan...ahehehe..hapi new year din...

    @or
    yup yup...tama...basta ang mahalaga sa bawat desisyon na ating gagawin..matuto tayong panindigan ito..khit pa first time mo un.. :)..Hapi new year din...

    @jeszieBoy
    ahehehe...anu ba naiisip...weee...wag na lng...ahahaha...hapi new year... :)

    @maskara
    uu nga...yun ang mahirap..wala na tayo oras...mmmmhhh...tama dapat positive tayo..hapi new year.. :)

    TumugonBurahin
  7. lol. oo nga eh.. ginaya ung sa moymoy palaboy. lol.
    may mga kasunod pa yang vids na yan. heheh

    bdw, care to xlinks? hit me back. thanks!

    TumugonBurahin
  8. bloghopin! =)

    hmm.. ako kinakabahan. pero still go go go pa rin. pero mas excited ako kesa sa takot. kc alam kong im with my friends and family kaya alam kong kakayanin ko 2009. ;)

    TumugonBurahin
  9. ang dami kong "first time" na kinatakutan. ang kagandahan lang, lahat naging exciting din at kinawilihan afterwards. sa "first" naman nagmula ang lahat db? nasa atin na lang 'yun para gawan pa ng 2nd, 3rd, 4th, etc...

    keep bloggin' and happy new year! :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...