Lumaktaw sa pangunahing content

...bilog o tatsulok...

at muli... ako'y nagbalik ... nawala ng sandali...ngunit muling magbabalik... muling mawawala ng ilang saglit... ngunit ako'y babalik...

mga kasama sa masayang mundong ito, inyo pong ipagpaumanhin ang aking pansamantalang pananahimik... ang totoo nyan...madalas pa din ang aking pagdalaw sa ilang paborito kong blog... nakikibasa lamang ngunit hindi nag-iiwan ng bakas... ano nga ba ang dahilan ng aking pagkawala pansamantala?

a. naging abala sa pagsusulat at pananaliksik ng ilang proyekto? (*posibleng ito yun*)
b. inasikaso ang magiging bahay namin ng grasya? (*pwede din ito...dapat lang kasi yun, kundi lagot ako dun, aheks...*)
c. naging busy sa panood ng eyeshield21 na may 145 episodes? (*mmhhhh...*)
d. na-excite sa nalalapit na summer outing sa subic? (*sa May 16-18 yun, so absent ako ulit*)
e. naging busy sa pag-update ng mga anime sa narutomaxx.net? (*medyo na-prepressure ata ako sa mga viewers ko dun ah, madami na silang demand...aheks*)
f. dahil sadyang tamad lang ako? (*masipag naman yata akong gumawa ng wala*)
g. masyadong naaliw at nahalina sa pakikinig ng musika ng moonstar88 at the corrs? (*bukod sa maiingay na musika, favorite ko ang mga yan noon pa*)
h. masyadong na-overwhelm sa pagkapanalo ni manny pacquiao? (*pareng lio loco kamusta na ang panlilibre mo ng pang-inom dahil sa pagpusta kay hatton...aheks, ayos lng yan bawi na lang sa pacquiao-marquez fight*)
i. tinamaan ng virus na A(H1N1)? (*ito yata yun ah...*)
j. naliligaw pa din hanggang sa ngayon at hindi alam kung saan ang daan pauwi? (*parang ito ang tamang dahilan*)

sa inyong palagay ano nga ba?... hindi na ako magbibigay ng hint baka mahulaan nyo pa...ahahaha...

~~~~****~~~~

...at dahil nga ako ay muling nagbalik...isang bagong isipin ang aking hatid...konting alalahanin na hindi dapat mawawaglit...

ang sabi ng karamihan... ang buhay daw ay parang bilog, isang gulong...minsan nasa ibabaw...minsan nasa ilalim...pero bilog nga ba?

...hindi ko pa din alam kung tunay nga ang paniniwalang iyon... madalas ko din iyan na naririnig yan sa aking namayapang ama...kasama ang mga salitang "whether-whether lang yan"... nakakatuwang isipin na ang salitang iyan ay isa sa mga nagpapatatag sa akin sa pagharap sa ilang mga problema na nasa aking tinatahak... ang mga salitang iyan, bagama't payak sa tunay na kahulagan ay nagpapahiwatig ng pagiging optimitic o positibo... ang totoo nyan gusto kong maniwala na ang buhay ay talagang bilog at hindi isang tatsulok...ang sabi sa kanta ni bamboo: "habang may tatsulok at sila ang nasa tuktok, 'di matatapos itong gulo" (uuyyy...kinanta nya...ahehehe..)... ganito ang buhay, matira ang matibay...paunahan sa pag-akyat sa tuktok ng tatsulok...kasabay din niyon ang patuloy na paghila sa iyo pababa ng mga taong naghahangad din sa matayog na rurok na iyon...

magpapatalo ka ba?
hindi!

may galing at talento ka ba?
wala!

paano ka makakarating sa tuktok na iyong kung ni isang talento o galing ay wala ka?
dahil sa lahat ng aking gagawin...handa ko ng ibigay ang isang daang porsyento ng aking gilas..wala man akong galing at talento...ibibigay ko ang aking puso...ang aking buong pagkatao...hindi susuko sa kahit anong laban... patuloy na magtatagumpay para sa mga taong mahal ko..sa sarili ko...at sa Maykapal na may kaloob ng mga biyayang ito...

...maaaring kulang nga ako sa talento...ngunit magsusumikap ako, hindi padadaig sa mga henyo... limitado ang mga talento...pero ang pagsisikap at pagtyatyaga, wala itong hanggan... isang kapangyarihan na maipagmamalaki kahit sa iyong pagpanaw...

Mga Komento

  1. based!!! tingin ko... naligaw ka lang pauwi, yaikz!!!

    TumugonBurahin
  2. true. kahit henyo ka kung wala ka namang tyaga, wala rin.

    TumugonBurahin
  3. tama kahit wala kang talento bsta gugustuhin mo maaabot mo.sipag at tyaga.saka tink pasitib,wag kang aayaw...

    TumugonBurahin
  4. ahh...
    pwede bang all of the above parekoy?
    para kaseng lahat eh pwedeng dahilan..lol

    at ang hugis ng buhay eh nasa taong nagdadala at naniniwala lang yan!
    mapa-bilog oh tatsulok, sabi ng ng isang blagero(diko na maalala kung sino) ang lahat ay pantay-pantay kapag umupo na sa inidoro..lols

    apiiiir!

    TumugonBurahin
  5. @tonio
    ahehehe...yan daw yata yung napapala kasi ng inde nagtatanong....ahahaha...

    @JOSHMARIE
    tama sabi nga nila 99%effort at 1% talent yan lng ang sikreto ng tagumpay...^_^

    @HARI NG SABLAY
    walng aayaw...parang revicon lng..aheks...tama yun... ^_^

    @Kosa
    ahehehe...ayuz...ahahaha...wala nmn akong A(H1N1)... ahahahah...malayo kasi dito ang Mexico... aheks...

    inodoro? ahehehehe....yumuyuko kasi ako pagnakaupo dun....pra malakas ang pwersa....ahahahha

    TumugonBurahin
  6. hayz.. na-delete koh 'ung koment koh.. tsk!... eniweiz... hmmmm.... yeah sometimes nde naman tlgah itz all about being smart and talented... itz about sipag at tiyagah... taglish eh noh... lolz.... do wat u gotta do kuyah... yeah asikasuhin moh si naruto kc gusto koh makinood laterz pero dehinz koh nga lang magawa... wehe.... and yeah sometimes kelangan den naten magpahinga... take some rest...break... need some space...kuletz eh noh... tignan moh akoh... wala ata akong life lately ang active daw sa blog... wait ka lang nang konti...matutulog den uletz akoh...lolz... ingatz kuyah... hanggang sa muli... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  7. waaah, superG namiss ka namin...

    baket ka ba nawala? hmmm...baka nilabhan ni WonderG ang iyong pakpak at hindi matuyo-tuyo dahil nag-uulan dyan, (nyahahahha) di ka tuloy makalipad...

    tama yun, basta ibigay mo ang 101% mo sa lahat ng ginagawa mo...fighting spirit ika nga...alam kong makakamit mo rin lahat ng pangarap mo.

    TumugonBurahin
  8. eh hindi ako mapalagay SuperG!
    hahahahaha
    welkam bakers na lang at maligayang pagbabalik..
    parang ganun din yun eh noh?
    hahaha

    YanaH

    TumugonBurahin
  9. parang a-g ang dahilan kung bakit..ahehe

    TumugonBurahin
  10. welkam bak!
    berger berger...(lahat na ata hiningian ko ng berger..haha)

    uhmm...
    bamboo ikw ba yan?nyahaha

    sabi nmn nila..kung wala kang abilidad at determinasyon sa buhay, kahit na kasing talino mo pa si einstein..wla ka ring mararating sa buhay.....

    gusto ko din yung tugtugan ng moonstar chka the corrs..kakarelax..hehe

    TumugonBurahin
  11. @Dhianz
    aheks...salamat dhi...aheks...mejo pasilip-silip lng ako muna naun dito...pero next week ayuz n siguro ang aking mga sked...:)

    @DETH
    ahehehe...uu nga nabasa kasi eh...ahahaha... haayss...na mis ko n dina ng wonderG ng buhay ko ha...hayss...kelan kaya ulit kami magkikita at magkakasama...:)

    @yanah
    salamts...aheks...ikaw din mejo busy...ahihihi...:D

    @azul
    ahehehe...cguro nga...ahahaha...:D

    @Jen
    aheks...masarap ang burger...uu nga matagal na din hindi ako nakakain nun...ahahaha...

    ayuz angh music ng the corrs..high school pa lgn ako favorite ko na yun...moonstar ayuz din..natutuwa ako sa beat... ^_^

    TumugonBurahin
  12. "pero ang pagsisikap at pagtyatyaga, wala itong hanggan... isang kapangyarihan na maipagmamalaki kahit sa iyong pagpanaw..."

    hanga ako sa linya mong ito... at patuloy mo akong pinahahanga.

    sulat ng sulat SuperG!

    TumugonBurahin
  13. ayan. aalis ka na kakadating ko nga lng. hehe. badtrip. di ako mapakali dun sa isa kong site. inuubos nun yung oras ko. waahhh!!

    TumugonBurahin
  14. apir! tama.. dapat wag susuko, go lang ng go.. practice makes perfect diba.. kaya okay lang kahit walang talento..

    hmm.. ano nga ba pala answer kung bakit ka nawala? all of the above except the virus? ahehe..

    TumugonBurahin
  15. para pala tyong si Gary V. eh. nawawala-bumabalik... eto na naman! (o, kinanta mo din noh)...

    ok lang na mawala at unahin ang mas importanteng bagay bsta wag kakalimutan ang pagbababalik-loob. wag kang mashadong magpa-miss. hehehe!

    TumugonBurahin
  16. @A-Z-E-L
    salamat po... pero pansamantala muna akong mawawala..pero sandali lang naman..next week..ready na ako ulit...wepeee... ;)

    @kaye
    uyyy..musta na?...aheks...uu ganun tlaga time consuming... aheks... hirap magmaintain... :)

    @jhosel
    ahehehe..prang tama ah... aheks...basta...basta... ahahaha... ;)

    @enjoy
    aheks...uu nga...aheks...namiss ko din naman kayo...wepeee...yaan mo next week mejo ayuz na sked ko... ;)

    TumugonBurahin
  17. Ang masasabi ko lang e welcome back!! Pag may tyaga, may nilaga! Yun lang daw nasabi ko. ahehehe!

    TumugonBurahin
  18. hmm baka naman naligaw ka lang.. hehe..sa susunod magdala ng mapa ha

    Make or Break

    TumugonBurahin
  19. @anney
    ahehehe...tama! pag may tyga sigurado pagod... ahehehe... ^_^

    @pehpot
    ahehehe...nasira ang GPS kaya naligaw... ahahaha...meron n ba nun sa pinas?.... aheheheh...inde kasi ako marunong gumamit ng compass.... ahhahaha...

    TumugonBurahin
  20. hey supergulaman! ikinalulugod kong makita ang iyong blog, maari ko ba itong ilista na isa sa aking mga "links"?

    ayos ang post na ito. maaring kulang tayo sa talento o karunungan, ngunit kung may pagsisiskap at hangarin makamit o magawa ang isang bagay, posible na mapagtagumpayan!!! ang lalim ng tagalog, baka matunaw ang sago este gulaman, hihihihi.

    ka-link ko na din po sina ms. pehpot at sir hari ng sablay!

    TumugonBurahin
  21. All of the above?!

    Para sa akin, ang buhay ay isang paglalakbay sa isang baku-bakong daan. May bilog na iniikutan, meron din namang tatsulok na binababaan at inaakyatan.

    Hindi sa lahat ng panahon, masarap sa ibabaw ng bilog o sa tuktok ng tatsulok. Minsan, kahit nasa ibaba ka, masarap din ang pakiramdam.

    Pero may tao nga bang walang talento? May nilikha nga ba ang Diyos na walang pakinabang?

    TumugonBurahin
  22. akalain mo..

    dati akala ko "weather-weather un" "whether-whether" pala...aheks..

    boboto ako sa una..mukhang busy ka nga sa mga projects nyo..kanina nga tinanong mo na din ako tungkol sa users' perspective o users' perspectives...

    wow..darating na si grasya??!hmmm...

    TumugonBurahin
  23. @docgelo
    salamat sa pagdaan...na-add n din kita sa aking mga links..

    @isladenebz
    tama! walang nilikha na walng pakinabang...kung kaya kahit na sa paningin ng iba o maging sa iyong sariling pananaw na wala akng angking galing...wag mawalan ng pag-asa...magsumikap...dahil dun sa pagsisikap na iyon...doon mo makikita ang iyong galing... ^_^

    @vanvan
    uu nga no? napansin mo...aheks...parang "if-if" or "kung-kung" yan... aheks... gusto ko sanang palitan para sakto dun sa sinabing "pana-panahon lang yan"... pero mukhang ayuz naman...related sa mga conditions...aheks ^_^

    TumugonBurahin
  24. ALAM MO RYAN AGONCILLO, WAG MASYADONG I-SEKRETO HEHEHE

    KUNG ANO ANG HULA MO SA HULA KO...YUN NA NGA ANG HULA KO!

    TAMA BA ANG HULA KO?

    TumugonBurahin
  25. Paalala ito sa akin. Wala akong tiyaga talaga, huh!

    Salamat sa mga paalala, Supergulaman.

    TumugonBurahin
  26. natuwa naman aku sa entry mu :D haha XD dami natin gngawa ah :P

    TumugonBurahin
  27. yan si superG... walang takot! walang inuurungan... maliban kay Wonder G :D

    TumugonBurahin
  28. @abe mulong caracas
    ha? nalito ako dun ah...anu nga nga ba ang hula ko sa hula mo?... aheks.... ayun basta..basta... ahahaha... ;)

    @RJ
    salamat dok sa pagdaan, monday makaka-uwi n ako..weeepeee... :)

    @Kat - Kat
    aheks...mejo busi busi... aheks...:)

    @enjoy
    ahehehe...e di meron din pla akong takot... ahahaha...uu naman syempre yari tayo dun... aheks... ;)

    TumugonBurahin
  29. aba! bakasyon grande ah! ako next week sa bataan at november sa palawan! sayang ung hongkong ko eh, nasira ang memory card. anyway, dumadalaw sa yo kaibigan

    TumugonBurahin
  30. ala? nawala yong unang comment ko dito? anong nangyari superG? magpaliwananag ka...lols! hehehe

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...