Lumaktaw sa pangunahing content

...mahika ng mga kulay...

...lahat naman tayo siguro ay kilala ang color wheel o ang color circle na tinatawag...ito yung bilog na parang roleta ng kapalaran na maraming kulay...basta yun na yun...kung hindi mo iyong alam, aba! susumbong kita sa teacher mo sa elementary...aheks....

...ang color wheel daw ay binubuo ng maraming kulay ngunit sa mga kulay na iyon, laging kabilang dito ang mga kulay na pula (red), luntian (green) at bughaw (blue)... bakit kaya? ang sabi sa chizmis, kapag pinaghalo-halo mo ang kulay na iyan meron kapang iba pang kulay na mabubuo...halimbawa, kung paghahaluin natin ang red at green...ang kalalabasan daw ay tsaraaan!... dilaw (yellow)...oha! isa itong magic... tapos kung pagsasamahin mo ang blue at red (blue + red), kulay lila (violet) naman ang kakalabasan....at kung blue at green ang pagsasamahin mo...syempre blue-green color ang kakalabasan nun... ahehehe...

...pero magkagayun man, nakakatauwang isipin na ang mga kulay na ito ay tunay ngang may reaksyon sa bawat isa...eh paano naman kung paghahaluin natin ang lahat ng mga kulay??... syempre anu pa nga ba ang kakalabasan kundi puti (white)... ayaw mo maniwala di ba?...sinubukan ko din kasi dati na paghaluin ang mga kulay na red, blue, green, brown, yellow, pink, violet at black...ayun, hindi white ang kinabasan kundi itim (black)...at dun ko nga na-realized na kinain ng itim ang lahat ng kulay na inihalo ko kaya naging itim din ang resulta...

...kung inyong maaalala na ang kulay itim ay tinagurian absence of color at white naman para sa opposite nito na presence of color...kung ang black pala ay absence of color ibig sabihin nun hindi color ang black, kaya hindi ko pala iyon dapat ihalo...pero ang sabi sa description na nabasa ko sa wikipedia.com "Black is the color of objects that do not emit or reflect light in any part of the visible spectrum; they absorb all such frequencies of light." Ang sabi nila "black is the color"...so kulay pa din ang black...pero dinagdag pa "that do not emit or reflect light in any part of the visible spectrum"... so wala itong kakakyahan na mag-emit o mag reflect ng liwanag na maaaring makita ng ating mga mata... ang gulo hindi ba? paano masasabing may kulay ang isang bagay kung hindi mo naman ito makikita? ang mata ay may kakayahan lamang na i-distinguish ang mga kulay base sa liwanag na nagrereflect dito...kahanga-hanga...

sa kabila ng kamangha-manghang abilidad ng mga kulay, sinubukan kong paglaruan ang mga kulay na matatagpuan sa Pilipinas...ito ang ilan sa aking mga natuklasan...

red + red = violet
orange+orange+orange+orange+orange= violet
5 orange =violet
violet+violet+violet+violet+violet= yellow-green
5 violet = yellow-green
yellow-green + yellow-green = blue
gold-silver + gold-silver = orange
100 silver = violet

ilan lamang ang mga iyan sa mga kombinasyon ng kulay na nakadepende sa level ng paghahalo-halo... sa palagay nyo anu kaya ang resulta kung pagsasamahin mo ang 6 red, 1 yellow-green at 2 violet ? mmmmhhhh...

Mga Komento

  1. Sa tingin ko bughaw. U

    Ano naman ang favorite color mo, Supergulaman?

    Ang favorite color ko ay 'green' - kapag makita ko ang anumang bagay na kulay berde, naaalala ko kaagad ang 'buhay'.

    TumugonBurahin
  2. Hehehe :D SuperHero ka nga, gandang inpormasyon nito pre tungkol sa kulay

    Di na ako sasagot sa tanong mo kasi Green utak ko ngayon baka ma-censored blog mo lolzz

    TumugonBurahin
  3. hehe..

    sabi nga nila kung anong kulay yung paborito mo, yun yung nagsisymbolize ng personality mo...

    hmm...
    ang sagot sa tanong mo?
    black ba?
    hehehe...

    TumugonBurahin
  4. nde koh kilala yang color circle... nde nga?... tinuro yan sa elementary... nde koh kaya matandaan... san kaya akoh non?... lolz... ngaun koh lang atah nalaman na color circle ang tawag dyan... malamang kc makulay at bilog... haha... nag-adik na naman akoh ngaun ohh... lolz... teka first paragraph pa lang akoh dme koh nang sinabi... keep reading....

    haha... luv it... tsaraannn!... may bago akong natutnan... tsaraaannn!... lolz blue + green = bluegreen. oo nga naman... lolz... teka naalala koh nga yang sa art.. madalas gawin... paghalu haluin ang kulay.... meron pa sana akong ihihirit sa explanation moh nang color wheel pero nde koh alam pano koh sasabihin... at ayoko mag-isip.. kakatamad mag-isip...

    paghaluhaluin ang lahat nang kulay eh white ang lalabas?... tlgah... takte nde koh makita ang crayonz nang pamangkin koh... tetesting koh sanah... teka.. natawa akoh... pinaghalo halo moh lahat nang kulay w/ black... kaya itim ang lumabas... teka... feeling koh lately fave word koh teka... ewan koh bah... eniweiz... na-try moh bah sa art 'ung black 'ung pinakafirst color... then patungan moh nang iba't ibang kulay then kuha kah nang matulis na bagay... parang ngetzpah pakinggan ah matulis na bagay... lolz.. basta somethin' like stick or somethin' pointy... tapos magdrawing kah... ganda nang kakalabasan... kakaaliw... 'la lang... naalala koh lang...

    true... nde tlgah tayo nakakitah sa dilim... kelangan naten kahit konting liwanag... kukuwento koh sana 'ung natutunan koh sa psych class koh pero hwag nah... hahaba pa ang komentz koh... "ang mga mata at may kakayahan lamang na i-distinguish and mga kulay base sa liwanang na nagrereflect ditoh"... yeah kahanga hanga nga... nde nga... naalala koh 'ung nagpag-aralan koh sa pysch d2... one time kc pinag-aralan namen eh mata at kulay... nakakaaliw... nde koh man totaly matandaan lahat nang details pero pretty amazing ang natutunan koh sa topic nah 'un... pero nde na akoh magkukuwento.. tinatamad kc akoh iretrieve sa yutakz koh ang mga info na natutunan koh... tinatamad akoh mag-isip... isa pah... tinatamad akoh... lolz

    teka.. kelangan koh nang crayons... parang gusto koh maghalo halo nang kulay ahhh... lolz... again nde koh makitah crayonz nang niece koh and i'm lazy na hanapin... puwede koh sya i-ask at pumunta sa room nyah... but i'm lazy to get up at tanungin syah... so yeah... lazy + lazy = tamad... tamad+tamad =meeh!... yahoo... 'la lang... adik.. akoh.. lolz

    feelin' koh ur a pretty smart guy kuyah... based sa mga post moh...for realz..tekah nde kah lang goodlookin'... smart kah pah... tsk!... SUPERG kah tlgah... SuperGoodlooking at SuperGenius... naks... okei 'un ahhh... ang galing... wehe... ingatz lagi kuya bhoyet!... weeeee! =)

    GODBLESS! -di

    TumugonBurahin
  5. un ang sabi nila...

    black is not a color, it is the absence of colors.

    sabi ko naman, eh mano ngayon? peyborit kolor ko pa rin yun. hehehe.

    sa tingin ko, ung black na nakikita natin as a color, hindi un ung black na tintukoi nila as the absence of colors.

    ung absence of colors eh un ung kapagka ala talaga tayong makita (e.g. kapag nasa madilim na kwarto ka na alang ilaw). un ung black, in the strictest sense of the word.

    my two cents' worth. sana hindi ka naguluhan super g. ahehehe.

    TumugonBurahin
  6. "All colors are the friends of their neighbors and the lovers of their opposites."

    kaya laging si PRIMARY at SECONDARY ay LOVERS...

    at lahat ng katabi ng TERTIARY ay friends!

    talagang ibig sabihin pag 3rd party ka.. friend lang dapat!!! may connection ba???

    TumugonBurahin
  7. @Dok RJ
    dok..ahehehe..mukhang tama ka ah kasi bughaw ang favorite color ko...ahahaha...pero tsaka ko na i-rereveal ang tamang sagot...aheks..

    @Lord CM
    ahehehe..ayuz lang green ang sagot...wag alng obvious...ahahaha... :)

    @EǝʞsuǝJ
    ahehehe...yan din ang pagkakaalam ko..pero depende yun kung pano natin i-interpret ang kulay...favorite ko ang blue...si grace naman favorite nya ay black...aheheheh...sa susunod ko na i-rereveal ang sagot.. ;)

    @Dhianz
    aheks...mahaba ulit...salamat...

    pero yung color circle yun din yung color wheel peros a ibang lugar color circle ang tawag..pero apreho lng yun.. aheks...

    tama di ba..yung blue at green pinagsama..bluegreena ang result... ahahaha...

    aheks...kapag pinaghalo mo ang mga kulay wag mo lang isama ang black...white ang lalabas...tinesting ko yan dati sa color wheel...pina-ikot ko yun ng mabilis..wala akong nakita kundi white lng...ahehehe...

    hala ka...sobrang dami ko ng papuri na nakukuha sa iyo...ang laki na ng ulo ko oh... ahahaha...wag naman...nahihiya nmn ako... basta kung anu lng ang pwede ko i-share..share ko lang din...ingatz dhi..salamat ng madami sa comment... ^_^

    @Lio Loco
    uu nga...yan yung sinasabi ko na majo magulo.. ahahaha...

    naks pareho kayo ng grasya ko na peborit color din ang black...sige minsan pa pag-isipan kong mabuti kung bakit absence of color(s) ang black na iyan... ahehehe...

    @A-Z-E-L
    saglit...try ko i-konek...ahahaha..

    ayun..base sa sinabi mo..lahat ng kulay ay may relationship sa isa't isa... pero inde ko ma-ikonek yung sinabi mo na "talagang ibig sabihin pag 3rd party ka.. friend lang dapat!!!"...mhhhhh, napapaisip ako nito ah... ahehehehe.. ^_^

    TumugonBurahin
  8. ha ha ha.. basta ang alam ko lang, kapag mainit, wag ka magsusuot ng itim, kasi lalo ka maiinitan. dapat puti ang isuot mo para mareflect ung init.. :P

    TumugonBurahin
  9. wow supie, ang dami kong napulot saung aral! isang ginintuang aral.. hahaha.. nice! :) ngaun lng uli aq nkadaan dito, busy-busyhan ang pusa eh! hahaha..

    i love raibow colors! :))

    TumugonBurahin
  10. roses are red, violets are blue, if your parents said that i am pogi than you, they are not lying to you...lolz..

    TumugonBurahin
  11. @madz
    yup totoo yan...mahiwaga ang idea na yan... aheks.. ^_^

    @kox
    ahehehe...ayuz lang...ako din mejo busy... ahehehe...pero balik regula programming na kasi itong blog... ahehehe... ^_^...

    @poging (ilo)CANO
    anak ng pogi oh....ahahahah...makulay yang kasinungalingan na yan... ahahaha... :)

    @BON~
    aha! parang tama ah..pareho kayo ni dok RJ ng sagot...sanlibo?...mhhhhh... ahehehe....ssshhhh muna...hintay ko muna ang sagot ng iba... aheks... salamat po sa pagdaan... :)

    TumugonBurahin
  12. anu ba yan color na lang may math equation pa din..basta solb na ako sa azul..ahehehe

    TumugonBurahin
  13. sa akin, itim ang kulay ng pighati, pula pag inlove at asul pag malungkot. wala lang ^^ hehehe

    TumugonBurahin
  14. Makulay ang buhay!

    Black is my favorite color.. Nabasa ko na nga rin dati na hindi kasama sa kulay ang black, ahaha.. pero di mawawala ang green, gusto ko ang nature, yan ang kulay nun eh..

    TumugonBurahin
  15. Habang binabasa ko ang post mo, gusto kong magtanong: Kuya Kim (Atienza) ikaw ba yan?

    Kung ang combination ng red at green ay dilaw, ang red at yellow ba ay magiging green pag pinagsama?

    Sabi ng boss ko color blind daw ako. Medyo nga. Kanina, tinanong ako ng housemate ko kung maganda raw ba ang deep old rose na pintura ng bahay (sabay pakita ng swatch ng kulay), sabi ko tingin ko black sya. Color blind nga talaga ako.

    Kaya ang sagot ko sa tanong mo ay...purple?

    TumugonBurahin
  16. @azul
    ahehehe...ako din peborit ko yan...malay mo yan nga ang sagot... aheks...

    @Bino
    naks...me meaning pla pra sau ang kulay...mmhhhh...prang magandang next entry yan ah...."kahulugan ng mga kulay"... ^_^

    @Dylan Dimaubusan
    huwaw! eheks..peborit ng grasya ang black...second favorite ko din nmn yun...yung kaptid ko naman adik sa green... aheks...

    oo tama, makulay ang buhay, parang sinabawang gulay....ahahaha...

    @isladenebz
    nyaks....matanglawin! ahehehe... idol ko yun si kuya kim...next kay ernie baron... ahehehe...

    mmmmmhhhh...kung red and yellow ang pinagsama....parang light orange yata ang kalalabasan nun...hindi ko pa ito natetesting pero parang hindi sya magiging green...

    purple ang sagot mo... aheks...cge sa susunod i-rereveal ko ang sagot.. ^_^

    TumugonBurahin
  17. ayun. makulay ang post mo kuya. hindi ko alam kung anong kulay ang kalalabasan nun. basta ang alam ko peeenk ang peyborit color ko. pambading. hahaha.

    TumugonBurahin
  18. ay gusto yan! parang halo halo lang hihi
    6 na sago na kulay red,
    1 yellow green na nata de coco
    1 violet na ube

    hihi

    TumugonBurahin
  19. @JoShMaRie
    ahehehe....fenkkk tlaga...aheks...

    @pehpot
    hala! nagutom nmn ako dun...aheks...

    @hari ng sablay
    aheks...inde po...isa po yan sa magic ko...ahahaha

    @PARA SA LAHAT
    ang sagot po sa tanong ay blue, azul o bughaw... aheks...maraming nakatama...bukod sa peborit ko yan...ang mga color combination na aking binanggit ay mga kulay ng pera sa pilipinas..ang 6 red, 1 yellow-green at 2 violet ay anim na 50 pesos + isang 500 pesos + dalawang 100 pesos... pagpinagsama-sama iyon ang sagot po ay isanglibo na ang kulay ay blue...weepeee... ^_^

    TumugonBurahin
  20. nahuli ako..me sagot ka na..haru! ano beh..

    color coding naman ata masyado itong post na to..

    naging napakabusy ko talaga..

    hayz..

    TumugonBurahin
  21. ang galing. aylavet. naalala ko may nagkwento saken, pinapikit daw sila ng prof nilang maldita. tapos tinanong kung anong nakikita nila. Sabi nila wala daw. Sabi naman ng prof, ang galing nila, gifted sila kasi ang nakakakita sila ng wala. :D dapat daw ang nakikita nila ay black or itim. kasi ang wala ay hindi nakikita. Ang black nakikita, kaya tingin ko hindi xa absence of colors. Or idk, nakiepal lan hee hee. Favorite ko din black eh. lol

    TumugonBurahin
  22. naguluhan namn ako dun sa pinaglaruan mong kulay. red+red=violet? e diba blue+ red and violet? sa palagay ko pag pinaghalo ang 6 red, 1 yellow-green at 2 violet ang kalalabasan e dark violet. hahahha! naku ewan ko di ako magaling sa ganyan.

    TumugonBurahin
  23. nalala ko tuloy nung elementary ako, grade 6 na ako pero hirap na hirap pa din ako gumawa ng perfect circle. para sa color wheel! haha. :]]

    TumugonBurahin
  24. Dito ako mahina eh. lintek, wala akong kaalam-alam sa kulay, kaya siguro favorite ko iyong black. kasi sabi mo hindi iyon kulay but instead it's a "color" hehehe kaya minsan hindi reliable yang wikepedia eh. lols

    TumugonBurahin
  25. ano ba ito, analysis kung anong magandang kulay ang ipapalit sa pink ng MMDA? hehehe!

    masarap talagang mag-eksperimento ng mga kulay. nakaka-amaze na pinaghalo mo ang dalawang kulay at may panibagong kulay na mabubuo. bilang dating mahilig magpinta, tuwang-tuwa ako sa mga ganoong discoveries.

    black is the absence of color while white is the presence of all colors. pareho kong favorite yung 2. kaya siguro balanse ang buhay ko. minsan makulay, minsan walang kulay. aheks!

    happy belated mother's day to your mom superG!

    TumugonBurahin
  26. makulay talaga ang buhay! :) hehehe

    hmm, di ko masyadong nagets ung sa tanong mo. hehehe. sensya slow eh.. pagiisipan ko yan.. :)

    TumugonBurahin
  27. @vanvan
    ahehehe..hindi ka nag-iisa...ako din mejo busy... aheks...:)

    @biba
    ahehehe...ano ba ang definition ng wala?.. aheks...may naiisip ako...kaso mukhang masakit ata sa ulo... ahahaha...

    @Anney
    ahehehe...magegets mo pa yan kung gagamitin mo ang kulay ng mga pera sa pilipinas... aheks...:D

    @jeszieBoy
    at talagang perfect circle... aheks....try mo nmn yung triangle para sa color wheel...may triangle bang wheel?... ahahaha...

    @Marlon
    ahehehe...ang dami nyo ng may favorite sa black... aheks...

    @enjoy
    aheks...uu bakit kasi feenkk ang color ng love ng mmda...dapat green na lng...kung bakit? basta trip ko lng din sabihin... ahahaha...

    @karmi
    aheks...magegets mo pa yan...go go go... ^_^

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...