ito na naman po ang inyong superhero na nagbabalik matapos ang hindi naman katagalang bakasyon... at dahil dun, narito po ang ilang larawan na gusto ko din naman na ibahagi sa inyo...ang mga larawan na inyo pong makikita ay larawan ng aking ilang mga ka-officemate kasama ang kanilang mga anak... at syempre hindi ko po dyan kasama ang aking Grasya...sana kasama ko sya no?...haaysss... ngunit ganun pa man, aking isinama ang aking kapatid...at dahil nga wala syang pasok ngayon sa eskwelahan..isinama ko na din para malibang...
ang aming lokasyon...subic, arizona international hotel&resort... nakakatuwang isipin na matapos ang pang-araw araw na trabaho sa buong taon ay mayroon pa lang tinatawag na summer outing... ahehehe...muntik ko na sana itong kalimutan at hindi na asahan dahil sa hindi pagpaparamdam ng aming mga bossing na may outing pa din pala kami...bagamat naging kultura na din naman namin ang mag-outing tuwing summer ng taon ay medyo nag-alinlangan pa din ako ngayon dahil sa global recession na tinatawag...
...mula sa aming mga nakaraan bakasyon sa mactan cebu, sa calatagan sa batangas, sa rockpoint sa laguna at ngayon sa arizona ng subic kakaibang karanasan nanaman ang nadagdag sa aming pagkatao... naging masaya naman ang aming pagtigil sa Arizona hotel ng subic dahil sa ganda ng ambiance...ngunit sa kabilang banda kapansin-pansin pa din ang dami ng mga dayuhan sa lugar... magkagayunman, kapansin-pansin pa din na halos lahat ng dayuhan na nadoon ay pawang mga lalaki...bibihira ka makakita ng mga dayuhang babae... bukod sa ganoong tanawin, kapuna-puna din na ang mga dayuhang iyong ay may mga kasamang mga Pilipina na hindi ko alam kung ano ang drama nila sa buhay at ayaw ko ng pakialaman iyon...
...sa kabuuan naging masaya naman ang aming pamamasyal at pagtigil sa lugar na iyon...pero sabi ko nga... sayang kung kasama ko lang sana ang grasya...totoong masarap kumain sa hotel at ilang food chain na nandoroon, pero mas masarap ang aking pagkain kung kasabay ko sa hapag ang grasya... hindi rin matatawaran ang sarap at lamig ng aircon ng kanilang kwarto, pero hindi ko pa din ipagpapalit ang lamig ng ihip ng hangin ng bentilador sa aking kwarto... totoong masarap humiga sa kanilang kama at masarap ang hagod ng kanilang comforter sa katawan na nagpapahimbing ng iyong tulog...pero hindi ko pa din ipagpapalit ang kumot na bigay ng aking Grasya na aking ginagamit sa panahon man ng tag-ulan o maging sa tag-init...ang pagmamahal na nakapaloob sa simpleng kumot na iyon ay hindi ko ipagpapalit sa comforter ng nasabing hotel...mis na kita...
ang saya2 naman.. hehehe.. :)
TumugonBurahinwaw...sa pinas talaga uso ang company outing ehh..
TumugonBurahindito kase samin wala
at kung gugustuhin man nila..
ayuko silang kasama magouting..
nyahahah....
..
welkam back pare!
welcome back SuperG...
TumugonBurahinhope you enjoyed the beauty of the North.
jan mismo sa Subic ako unang pumunta last year nung 1st vacation ko! nakakamiss jan...
teka, bakit maputi ang sister mo? (toinkz!)
wow... outing parekoy...
TumugonBurahinang saya nun!
sayang nga lang at wala si Grasya mo..
ahhhh... sinorpresa pala kayo ng boss nyo ahh... akala mo palugi na ba ang inyung kompanya? lols...
yan ang sinyales na malakas pa rin ang mga kumpanyang naka-ugat sa pinoy manggagawa.
Nakaka-miss ang summer outing ng mga companies sa Pilipinas. Dito sa Australia, hindi uso 'yan. Maganda na ba ang panahon ngayon para sa summer outing?
TumugonBurahinPagdating ni Grasya, mamasyal kayo sa Arizona, Subic, Supergulaman.
Super G, ilang beses mo nabanggit ang pangalan ni grasya sa post ah..mukhang may kasalanan ka ah? lols!joke lang, kapatid mo ba iyong palagi mo kasama sa pictures? cute ah...alam mo naman email add ko diba? lols!
TumugonBurahintska, tama wag mo na pakialaman ang mga dayuhan at ang mga pinay nilang kasama. hehehe
@kox
TumugonBurahinaheks...uu hapi hapi...minsan lng yan sa 1 taon eh...aheks... ;)
@Jen
aheks...salamat sa pagwelkam...weepeee.... ;)
@azel
aheks...enjoy naman...
inde ko alam kung bakit maputi yun... ahahaha...nagmana yun sa nanay ko...syempre ako sa tatay ko naman... pero d bale na...mga pogi naman... (*bawal umngal*)... aheks.. ;)
@kosa
ahehehe...inde nila kami sinopresa...pinilit namin sila...ahahaha...
@RJ
ahehehe...ok pa naman ang summer outing sa ngayon pero sa mga susunod na araw mukhang hindi na...tag-ulan na daw tlaga... :)
pagdating ng grasya...ang plano ay sa baguio...weepeee...eksayted...aheks..:)
@Bino
weepeee...saya naman nun sa Hong Kong...sama naman para mahunting ko si Chip tsao...aheks...salamat sa pagdaan.. ;)
@Marlon
waaaaa...mabait ako...wala ako kasalanan...behave ako lagi aheks...pero oks nmn ang outing kasi tumatawag tawag naman ang grasya.. :)
yup kapatid ko nga yan...hindi pa yan pwede maligawan... may magagalit... AKO! ... kailangan nya muna grumadweyt bago boyfriend... ^_^
buti pa jan may outing. yan ang nakakamis sa pinas...
TumugonBurahinpero dito outing mo sarili mo...hahaha.
sana may magbigay din sa akin ng kumot..lolz..
pasalubong po?
TumugonBurahin@poging (ilo)CANO
TumugonBurahinahehehehe... uu nga...dito kahit sapilitang outing pwede...ahahaha... :)
@HARI NG SABLAY
ayan na lng ang pasalubong...mga pictures... ahahaha... ^_^
hay, hindi na natuloy ang aming pinaplanong outing, tagulan na, malamang next year na... kainis...
TumugonBurahinnaingit tuloy ako ... ano ba yan aheheheks...
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinabah! sooper good lookin' tlgah si kuya Bhoyet Super G-kun... =) haba nang koment koh noh? ingatz lagi. Godbless! -di
TumugonBurahinwell, at least nag enjoy ka!
TumugonBurahinhehehehe ngaun back to reyalidad ka ulit...may renewed strenght ka na sa panibagong trabahong nag-aabang sayo hehehehe..
ahay enjoy enjoy lan po.........buti pa kayu may time pwa makapag relax....
TumugonBurahinkeep safe..
:P
wahhee..+)) wii miss na nya si mommy grace ohh..=) siguro naingget kalng unti..msarap talaga pag kasama mo mhal mo..:)
TumugonBurahinnext time.. bawi ka nlng..;)
si frincle joy ba iyan??
TumugonBurahinang kyut kyut niya..
gandang outing..kainggit..
sana sa susunod na outing eh me piktyurs na talaga kayo ni grasya..
welcome back..
@Rhodey
TumugonBurahinuu nga tag-ulan na... ahahaha...naun meron n daw bagyo eh... aheks... ^_^
@Dhianz
at talgang super good looking pa din... aheks...bahala ka baka maniwala na ako... ^_^
@yanah
aheks...ganun talaga ipinangak tayong maging alipin ng mga mayayamang kjapitalista... aheks... ^_^
@fula
aheks...mainggit ba?...aheks...minsan lng naman eh..sa sunod sama kayong lahat...wepeeeee... ^_^
@hOniE-GeLenE
uu nmn kung kasama ko ang grasya...perfect!... haysss... ^_^
@vanvan
weeeepeeee.... aheks...namiss ko lng ng sobra yun haaysss... pero ok lng bawi n lng sa susunod...^_^
Sister mo ba yun? Nananaba ka ata? haha!
TumugonBurahinSaya naman nun...
Gusto ko rin ng kumot galing sa magging anu ko...lolz
welbak !di ko na itatanong kung nag enjoi ka kasi halata namang oo ang sagot mo
TumugonBurahin@Dylan Dimaubusan
TumugonBurahinaheks..yup kapatid ko nga yun... yun nga ang problema ko eh...mejo tumataba tlaga ako...ok lng sna ang paglaki ng katawan pero takteng yan pati chan sumasama... ahahaha...
aheks...yun tlaga ang purpose nun para kahit sa pagtulog parang yakap pa din ako ng grasya... ;)
@azul
aheks...ang totoo nyan hindi ganap ang kasihan kasi wla ang grasya... pero pwede na din aheks....libre nmn eh.... ^_^
wow naman ang adventure mo sa subic.. gusto ko jan pumunta talaga.. kaya lang wala kasing kasama.. mga busy sa buhay ang mga tao.. di kc masaya ang trip kung magisa lang..
TumugonBurahinako ndi ko pa napopost ung outing namin sa nasugbu naman :D
TumugonBurahin