Lumaktaw sa pangunahing content

Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Hunyo, 2009

..sampung taon...

sampung taon na din ang nakakalipas ng huli kong makita ang ilan sa kanila...nakakatuwang isipin na sa tagal ng panahon nagdaan, hindi pa din sila nakakalimot sa apat na taong pinagsamahan sa paaralan... mga taong puno ng mga ala-alang naging bahagi na ng aming pagkatao... sampung taon na ang lumipas...may mga nabago... hindi iyon maiiwasan.... pero hindi nito mababago ang pakakaibigan na hindi na mawawaglit sa puso ng bawat isa... dalawangpu't pitong taon gulang na kaming lahat...taong isang libo siyam na raan, siyamnapu't siyam ng sabay-sabay naming lisanin ang paaralan...ang paaralang humubog hindi lamang ng aming isipan kundi ng aming kabuuan...napakasarap balikan ang mga ala-alang puno ng kalokohan at kapilyuhan...hindi mo maaiwasan na mapapangiti ka nito ng saglit ng hindi mo namamalayan... nakakatuwang balikan ang panahon ng pakikipagkopyahan kapag exam....ang pagbibigay ng mga bansag sa mga guro...ang pang-aasar sa mga guro... ang pakikipagbatuhan ng erase at chalk... a...

...Happy Father's Day....

...para sa inyo talaga ang araw na ito... kahit masakit ang ulo dahil sa aking paggala kagabi kasama ang aking mga high school classmates, kailangan ko kayong batiin at bigyan papugay sa inyong mga paghihirap at pagsisilbi bilang isang ama... sa lahat ng tatay, Happy Father's Day sa inyo...sa aking ama at ama ni Grasya na tumatagay na ng Matador sa langit...Happy Father Day's po sa inyo... hindi ko na po hahabaan ang entry na ito dahil hangad lamang ng inyong lingkod na kayo'y batiin sa espesyal na araw na ito... ang kwento ng aking paggala nitong weekend mga kapatid na blogero't blogera...ay aking ikwekwento din sa inyo kapag nailabas na ang aming mga larawan...10 years ang nakalipas..parang walang nabago bukod sa iba't ibang kwento... :) ...at muli, sa lahat ng Ama, isang pagpupugay, mabuhay kayo... Happy Father's Day! ~~~~~****~~~~~~ Dance With My Father Back when I was a child Before life removed all the innocence My father would lift me high And dance with ...

...alaala ng nakalipas...

...ang susunod po na inyong mababasa ay isa sa aking mga sinulat na kabalbalan noong nasa kolehiyo pa ako... isa itong talumpati (speech) na aking ginawa sa loob ng klase noon... may mga ilang pagkakamaling pangbalarila (grammatical errors) na sadyang hindi ko na binago upang ma-ipreserba ang orihinal nitong sipi ...sana hindi nyo na po pansinin ang mga maliit na pagkakamaling iyon... ang sulating ito ay nailunsad (published) na din sa http://www.authspot.com sa ilalim ng pangalang bladeknight na siya ring pagmamay-ari ng inyong lingkod at ng aking kapatid... ...hindi po talaga ako gumagawa ng mga sulatin sa wikang Ingles sa kadahilanang hindi po ako kumportable... sa kabilang banda ang maikling sulatin na inyong matutunghayan ay isa sa aking pinakapaboritong akda sa wikang hindi ako kumportable...nagawa ko po ang sulating ito noon dahil "no choice"... requirement kaya ito sa isang subject... ahahaha... MEMORIES FROM THE PAST We felt so lonely if we missed those persons tha...

...gintuang sundang...

...alas-onse na nga gabi ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok...samu't sari ang pumapasok sa aking diwa...mga problema sa mundo, pangarap sa buhay, pag-ibig... sobrang dami...halo-halo... ...palalim na talaga ang gabi, pero biling-baliktad pa din ako sa higaan...hindi talaga ako makatulog... magkagayun man pilit ko pa ding pinikit ang talukap ng aking mata... nasa posisyong ang aking braso ay nasa noo habang nakapikit ng maramdaman kong biglang lumiwanag ang paligid... nakakasilaw na liwanag...bahagya kong iminulat ang aking mata... isang magandang dilag na nakatunghay sa aking pagkakaidlip... napabalikwas ako sa aking higaan...gulat man, sya'y tahimik kong pinagmasdan...hindi sya umimik ngunit inaabot nya sa aking ang isang sundang na may ginintuang talim... "Grace, ikaw ba yan?..para saan ito?", pabulong kong imik... ngunit yumuko lamang sya at marahang nagsabi na ako ang kanyang pinili upang magapi ang mga mandirigmang Kilaw na sumisira sa balanse ng mundo......

...Kapitan Sino?...

bakit nawala ako? bakit ako nawala?.... hindi ako nawala, sumisilip pa din ako sa inyong mga blog pero bukod dun medyo naging abala lamang ako sa ilang mga bagay.... isa na rito ang pagbabasa sa ika-pitong aklat ni pareng Bob Ong... ang "Kapitan Sino" .... mula sa huling aklat na McArthur ni pareng Bob Ong, nagkatotoo ang aking hinala na hindi pa iyon ang huli nyang aklat....ang totoo nyan hindi ko talaga alam kung bakit McArthur ang titulo ng ika-anim nyang aklat...walang koneksyon ang McArthur sa kwentong nakapaloob doon...pero noon pa man si McArthur ay kilala sa kanyang mga salitang "I shall return"... at yun na nga, ang mga kwento ni pareng Bob Ong ay muling nagbalik... ..mahusay ang pagkakagawa ng aklat na "Kapitan Sino"...masasabi kong nandun yung mga konteksto ng salitang "pinaghirapan" ... pero bakit? ... bakit ang dami nitong koneksyon sa akin o baka sa inyo din? ... ang totoo nyan may mga ilang paglalarawan sa aklat na nagpapahayag ng ...

...katotohanan, katapatan...

“Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako” ---Eros Atalia ...noong una kong makita ang titulong ito ng aklat na isinulat ni Ginoong Atalia, napangiti talaga ako at medyo nalito... ngunit ang totoo nyan hindi ko pa din nababasa ang nilalaman ng aklat na ito... hindi tulad ng mga libro ni pareng Bob Ong na nabasa ko na lahat maliban sa kanyang bagong labas na aklat na may titulong "Kapitan Sino"...mukhang ang bagong aklat na ito ni pareng Bob Ong ay tumutugma sa tema ng blog kong ito... Kapitan Sino, SuperGulaman...mga superhero?....ang mga obra at ideya ni pareng Bob Ong bagama't minsan ay may kababawan ay may kaunting kiliti itong iniiwan sa utak na napakasarap himay-himayin at bigyan ng sariling kahulugan.... ....ngunit katulad ng mga nakausap kong nakapagbasa na ng libro ni Ginoong Atalia, sulit daw talaga ang pagbili sa mga aklat na ito... kung sabagay titulo pa lang ng kanyang mga aklat ay nakakabaliw na at nagawan nya ako ng kaunting problema.... “Peksman (mamat...

...hanggang...

habang naka-idle pa ang aking kukote...kantahan po muna tayo... ^_^ Hanggang ---Wency Cornejo Ilang ulit mo bang, itinatanong sakin kung hanggang saan,hanggang saan, hanggang kailan, hanggang kailan mag tatagal, ang aking pag mamahal, hanggang may himig pa akong naririnig, dito sa aking daigdig hanggang may musika akong tinataglay, ika'y iniibig giliw wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin, di ko magagawang lumayo sayong piling at nais kong malaman mo kung gaano kita kamahal hanggang ang diwa ko'y tanging sayo laan mamahalin kailanman hanggang pag ibig ko'y hanggang walang hanggan tanging ikaw lamang hanggang may himig pa akong naririnig dito sa aking daig-dig hanggang may musika akong tinataglay ika'y iniibig giliw wag mo sanang isiping ikaw ay aking lilisanin di ko magagawang lumayo sayong piling at nais kong malaman mo kung gaano kita kamahal hanggang may puso akong marunong mag mahal na ang sinisigaw ay lagi ng ikaw hanggang saan hanggang kailan hanggang kail...