Lumaktaw sa pangunahing content

...Kapitan Sino?...

bakit nawala ako? bakit ako nawala?.... hindi ako nawala, sumisilip pa din ako sa inyong mga blog pero bukod dun medyo naging abala lamang ako sa ilang mga bagay.... isa na rito ang pagbabasa sa ika-pitong aklat ni pareng Bob Ong... ang "Kapitan Sino"....

mula sa huling aklat na McArthur ni pareng Bob Ong, nagkatotoo ang aking hinala na hindi pa iyon ang huli nyang aklat....ang totoo nyan hindi ko talaga alam kung bakit McArthur ang titulo ng ika-anim nyang aklat...walang koneksyon ang McArthur sa kwentong nakapaloob doon...pero noon pa man si McArthur ay kilala sa kanyang mga salitang "I shall return"... at yun na nga, ang mga kwento ni pareng Bob Ong ay muling nagbalik...

..mahusay ang pagkakagawa ng aklat na "Kapitan Sino"...masasabi kong nandun yung mga konteksto ng salitang "pinaghirapan"... pero bakit? ... bakit ang dami nitong koneksyon sa akin o baka sa inyo din? ... ang totoo nyan may mga ilang paglalarawan sa aklat na nagpapahayag ng tunay na edad ng may-akda...sa aking palagay nasa mahigit tatlumpung gulang na si pareng Bob Ong... tamang edad upang ilarawan ang mga pangyayari noon...mga pangyayari bago pa man ako ipanganak....

....pero bakit? ... bakit ang pangalan ng bida sa kwento ng kanyang obra ay sobrang lapit sa tunay kong pangalan? bakit ang unang apat na titik nito ay sya ring unang apat na titik ng aking pangalan?... minsan na din akong tinawag sa ganoong pangalan, ilan mula sa aking mga kaopisina at sa aking nanay... bakit ang bida dito ay nagmistulang ninja sa ilang pagkakataon... si SuperGulaman, ay naging ninja na din noon pa man... bakit naging paborito nya si "The flash"? bukod sa paborito ko ito, ito rin ang taguri sa akin noon una akong sumabak sa isang liga noon... bakit may commercial ng YC brief?... yun ang paborito kong panloob noon pa man...at hanggang sa ngayon yun din pa din brand ng aking panloob na ginagamit... bakit ganun ang takbo at katapusan ng kwento? bakit namatay ang bida?... ang totoo nyan ito ang hinahanap ko sa kwento, alam ito ng mga taong nakakakilala sa akin...sa ilang mga kwento na aking nabuo...laging patay ang bida...kahit ang mga kwento sa telebisyon, lagi kong sinisingit na namatay ang bida kahit walang katotohan...morbid daw ako, sabi nila... pero hindi dahil morbid ako, kundi dahil gusto kong maging makulay ang lahat ng kwento ng pagwawakas...

...hindi ako kilala ni pareng Bob Ong...at hindi ko din sya kilala...maging si Bok-bok at Teng ay hindi ko kilala... pero ako...kilala nyo ba ako?

"...kilala nyo ako, kilala nyo ako...kilala nyo ako... ako ang kapitbahay-kapitbahay ninyo... "

ang mga linyang iyan ay mula sa programang "Batibot" na sadyang muling ibinahagi ni pareng Bob Ong upang balikan ang masasayang panhon ng mga 70s, 80s at 90s babies...kung hindi mo kilala sina Ning-ning, Ging-ging, pong pagong, kiko matsing at kuya bojie...kawawa ka naman... ahahaha...

...hindi ko alam kung bakit Kapitan Sino ang ngalan ng kakaibang superhero ni pareng Bob Ong... ngunit siguro katulad ko din... gustong magpakilala ng lubusan, ngunit natatakot na tanging makilala lamang ang panlabas na kaanyuan...at hindi ang tunay na pagkatao...ang tunay na ikaw...

Mga Komento

  1. Ang pagkakaintindi ko. Mac Arthur (I shall return) ang nakaraang libro dahil sa mga maka-taeng wisyo ng mga karakter don. Mga Baliktors. Kahit ilang beses i-flush, bumabalik pa rin. :)

    At sa kapitan sino. naaliw naman ako. Mas ok ang istorya kesa mc arthur. Kaya siguro mas mahal ito. :)

    TumugonBurahin
  2. Hindi kaya ikaw pre si Bob Ong na nagtatago sa pangalang Super Gulaman? :D

    TumugonBurahin
  3. @ACRYLIQUE
    wooott....makulay na ACRYLIQUE, salmat po sa pagdalaw...hayaan mo kapag hindi na ako abala...papasyalan ko kayong lahat...

    ...aha! at hindi mo nakaligtaan ang mga kwentyong tae doon sa mcarthur...tama nga, at na-isip ko din yan noon.... pero nagkaroon din kasi ng chizmis na iyon na ang huli nyang aklat...ngunit mabuti naman at may kapitan sino na sya ulit...weepeee...saya-saya...sa susunod tikman naman natin ang mga kwento ni june reyes at eros atalia... ^_^

    @Lord CM
    nyaks... hindi parekoy...at malayong mangyari yun... 27 pa lang ako...si Bob Ong sa aking palagay ay mahigit sa 30 taong gulang...may mga bahagi sa mga kwento nya na hindi ko na naabutan...

    parekoy salamat sa pagdaan dito...bawi na lang ako sa inyo sa susunod..medyo inuulan ako ng madaming trabaho... :)

    TumugonBurahin
  4. ay namatay ung bida? di ko na babasahin. haha! jk!

    TumugonBurahin
  5. Galing ng irony sa book na 'to. Very relevant lalo na at papalapit ang election. Kailangan na kasi natin ng isang superhero. Gusto ko yung analogy ni BO kay rogelio bilang technician-> taga-ayos ng sirang gamit at Kapitan Sino-> taga-ayos ng sira sa lupunan.

    Mas tragic pa din ang ending ng MAcArthur

    TumugonBurahin
  6. @chikletz
    nyaks...sayang ang pagkakataon kung hindi mo ito mababasa...maganda promis... ^_^

    @bampiraako
    tama parekoy napapanahon nga ang kwentong ito... bukod sa mga isyu ukol sa mga buwaya sa gobyerno at pagbabalatkayo ng mga namumulitiko... umaaakma sya sa isyu ng A(H1N1)... may lunas pa din naman siguro ito...sana...hindi dugo ng sinuman...

    TumugonBurahin
  7. hindi kaya dobol identity ka pare?

    sa umaga ikaw si "insert your name here"
    sa gabi ikaw naman si bob ong?
    nyahahah...

    aba..
    may bago pala syang libro..
    hmm..
    mukang maganda ahh..
    makabili nga niyan..

    amf!
    wala pala ko sa pinas!
    nyahaha...
    papabili na lang ako..
    webaks pare! :D

    TumugonBurahin
  8. excited na ako na mabasa yang kapitan sino... may kopya na ako sa pinas, hintay na lang na maipadla dito..

    saka na ako magkokomento about sa librong yan kapag nakakarelate na ako...

    ingat lagi parekoy!

    TumugonBurahin
  9. sobrang lalim naman ng mga sinabi mo parekoy... hindi kayang halukayin ng utak ko..

    pero atleast, kilala ko naman yung mga nabanggit mo,kya hindi ako KAWAWA..

    sana makilala ko rin yung dalawang huling libro ni pareng Bob... si Kapitan Sino at si McArthur.

    nabasa ko na kase yung ilan sa tulong ng isang mabait na kasama sa blog.

    kitakits

    TumugonBurahin
  10. "gustong magpakilala ng lubasan, ngunit natatakot na tanging makilala lamang ang panlabas na kaanyuan...at hindi ang tunay na pagkatao...ang tunay na ikaw..."

    Huwaaaw Idol G! Kaya nga naniniwala ako na ang "Takot" or Fear ang pangunahing balakid sa isang ganap na buhay. Nice! Makabili nga niyan! Maligayang pagbabalik! :)

    TumugonBurahin
  11. bibili rin ako nyan... sana lang makapulot uli ako ng pera sa FX kagaya ng ipinambili ko ng una kong librong isinulat nya, yung baket baliktad magbasa"...

    TumugonBurahin
  12. hmmm... dme kong binasa nde koh alam atah ikokoment koh... well wala pa akoh ni isang nabasa na book nyah.. do u rekomend all his books bah? parang sarap basahin... magpabili nga akoh... ilan na bah ang total nang books nyah? yeah mas ok nga minsan na nde ka nilah kilala sa outside appearance moh but d' real you... 'ung deep inside moh... yeah narinig koh may isa reng magandang book.. 'ung sabi ni Kuya Dude [gasoline dude] Eros somethin'... ahhh kaya palah naging bz kah... hmmm... akoh last time i was so bz watchin' naruto kc nag-start akoh from episode one hanggang maka-catch up akoh... now naghihintay na lang nang next episode... alam moh bah one time i think i watch naruto for straight nine hours... wehe.. 'lang life eh noh... pero ngaun trip koh uletz magbasa nang book... so u love books palah... u love to read... so yeah... hanggang sa muli kuya B!... dapat Kapitan B! hehe... ingatz... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  13. sana naintindihan moh pinagsasabi koh... kc i re-read it... parang wala akong naintindihan... wehe... ingatz lagi kuyah. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  14. meron n din ako nyan, ang saya! hanap ako ng hanap, wala akong mahanap, ayun niregaluhan n lng aq :)

    TumugonBurahin
  15. @EǝʞsuǝJ
    aheks... hindi naman siguro... pero kung sakalai man, baka sya yung nakakalaro ko sa chess... ahahaha... masarap mag-isa... aheks... ^_^

    aheks...uu nga uwi na kasi kasi d2 sa pinas... aheks... ito nga eh, papadala ko din kay grasya dyan sa dubai...lahat ng bob ong books ko...nsa kanya na... ;)

    @an_indecent_mind
    aheks...sige parekoy...pero maganda talaga...gusto ko ngang maglagay ng ilang sipi sa entry ko kaso sayang baka kasi sabihin nila "spoiler" ako...aheks... pero at least meron na akong mga clue jan...weepeee...

    @Kosa
    parekoy yung dalawang huling libro..ibang iba yun sa limang nabasa mo...maaaring kwento nga lang sya pero parang noli at el fili na may paglalarawan ng lipunan sa mkabagong paraan... ^_^

    @ORACLE
    aheks...tagal ko na kayong inde nadadalaw...hayaan nyon papasyal na din ako...

    maganda ang mga aklat nya...pero depende pa din ito sa panlasa ng makakabasa... :D

    @tonio
    aheks...cge makakapulot ka mmya...basta balato na lng...:D

    @Dhianz
    yeah...rekomendado ko ang 7 books nya...yup yung mga book ni eros atalia maganda din daw..sabi naman ni ka Abe Mulong..maganda din daw yun kay june reyes... pero ayuz lng pagmaysobra akong pera bibilhin ko din ang mga books nila...

    aheks...nag-adik ka pla sa naruto...ahahaha...ganyan din yung ginawa ko sa bleach eh...1 week akong nanonood ng tig-9 hour evryday nun... uu nga pla bukod sa pagbabasa ko ng Kapitan Sino...naging busy din ako sa pagbabasa ng "eyeshield21" sa manga... ahehehe... 322 chapters ang binasa ko...ahehehe...maganda din yun...

    ...ei dhi hindi tlaga ako mahilig magbasa ng ganitong mga books...lately ko na lng sila na-appreciate...usually math books lang ang kinaadikan nun...yun mga math books na mas luma pa sa lolo ko... ahehehe...mejo teknikal ako noon...pero naun huwaw naging tao na din ako... ahahaha...palakpakan...

    ayan...napahaba ang koment ko... ahahaha...salamat Dhianz... ;)

    @kox
    naks...ahehehe...yan naman book na yan... yan ang regalo ko sa sarili ko... ahahaha...dalaga na si kox oh...wepeeee... ;)

    TumugonBurahin
  16. hmmm... magpabili nga akoh nang 7 books nyah... since rekomended moh for sure worth reading 'un... specially sa isang tulad moh na sabi moh nga nde naman tlgah mahilig magbasa... nakanang... math books ang kinaadikan ahh... alam moh ang perception koh sau... ang smart smart moh... yonz... pati way nang pagsusulat moh minsan kahanga hanga lang... true... eh yung Eros Atalia maganda den... graveh dmeng maganda ah... dme koh pang books den na nakapila sa room koh.. i love books... i love reading books.. actually non nde... pocketbooks lang mga trip koh... pero naintroduced akoh nang kaibgan koh sa chickensoup books naaliw akoh... hanggang sa 'un.. i'm a book lover nah but i havent' read for a while... blog reading ang trip koh lately.. kaya kinda miss reading books...

    yeah para maka-catch up kelangan tlgha panoorin nang tuloy tuloy.. at least may mga kumpletong episode ka na mapapanood... tuloy tuloy lang... bleach i heard maganda den ang one piece.. kaso yoko na panoorin... mahirap akoh maadik... reallly... hmmm... manga? ano naman 'un? can i read future episodes nang naruto don???

    oo nga napahaba reply moh... naaliw naman akoh... kaya nakirepy muli akoh... yeah sana mabili koh ang books... at mabasa koh ren... loookin' forward of readin' it in the future... teka gusto koh pa kaya basahin 'ung books nang twilight..tsk! dme kong babasahin... sige.. laterz...

    Godbless! -di

    TumugonBurahin
  17. @Dhianz
    yung kila eros, sa aking palagay maganda din yun...mga title pa lang striking na talaga...

    ...nyaks..inde ako smart...bobo ako sa ilang bagay...pero feel ko kasi yung medyo nag-iisip, naging habit ko kasi ang tumunganga noon pa man...

    ..yung sa manga...oo mababasa mo dun yung mga future episodes ng naruto dun... medyo malayo na nga eh...sa manga, namatay na si Jiraiya din...tpos si kakashi namatay din...pero dun sa latest muling nabuhay si kakashi...kung papano?...basa mo na lang dun... ahahaha..spoiler eh...

    www.onemanga.com nanjan yung mga manga...pero tyagaan sa pagbabasa kasi pa-right to left ang pagbabasa nyan... :D

    TumugonBurahin
  18. salamat kuyah!!! sige makikibasa akoh... tlgah namatay si jiraiya... siguro ang layo layo na tlgah na episode 'un... si kakashi sensei den... pero sabi moh nga nabuhay... hmmm.... i'm excited basahin... teka... hokage na bah si naruto don... sya ang next hokage devah next to tsunade?... excited naman akoh... ma-chek nga ang site... salamat po... =)

    TumugonBurahin
  19. na-chek koh nakakaaliw... nabasa moh na bah lahat 'un??? nasa 400 na atah... tama bah akoh... sige makikibasa akoh don laterz... salamat again... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  20. @Dhianz
    yup nabasa ko na yun..yung naruto 450 chaptes na sya, yung bleach nabasa ko na din bale 360 chapters na sya..yugn eyeshield na hinabol ko 322 episodes na sya...

    si naruto hindi pa nmn sya hokage...pero si tsunade kritikal eh...bale si danzou yung umeepal na gustong maging hokage naun... :D...hala spoiler ulit... ;D

    TumugonBurahin
  21. hmmmm..di ko pa nabasa yung book na yan..ahmmm spoiler alert ba ang entry na?di ko pa nabasa nagcomment muna ko..




    ----azul

    TumugonBurahin
  22. spoiler...

    magpapabili pa lang ako sa sis ko SuperG, sa june 27 ko pa to mababasa..hehehe, available pa ba?

    excited na ko sa bagong pantusok ng utak ni Bob Ong! yahooo!!!

    TumugonBurahin
  23. ako natigil na ang mga libro ko hanggang sa stainless longganisa. nainspire ako masyado ng libro na un na sumulat muli matapos ang sawi na buhay. :D

    TumugonBurahin
  24. "gustong magpakilala ng lubusan, ngunit natatakot na tanging makilala lamang ang panlabas na kaanyuan...at hindi ang tunay na pagkatao...ang tunay na ikaw..."

    So true. Isang dahilan din kung bakit puro anime ang mga profile pic ko. Kaya lang nagmumukha na ata akong cartoon character sa blog, lolz

    Ayokong maging basehan ng ibang tao ang pagmumukha ko kung bakit o hindi nila gustong makidaan sa pahina ko. Ganun din ang napakaraming detalye ng buhay ko.

    Yung front and back cover pa lang ang nababasa ko sa librong nabanggit mo. Kung magbasa kasi ako minsan eh random o kaya yung panghuling pahina, trip!

    Matagal na kong nakabili pero marami na ring nanghiram, hehe

    TumugonBurahin
  25. spoiler nga! lolz... graveh nabasa moh lahat... naks... tignan moh mababasa koh ren yan... teka graveh ang layo layo layo na palah nang episodes nilah sa manga... eh gano katagal pa yon bago mapanood sa tv... graveh.... baka may asawa't anak nah akoh eh nde pa nilah napalabas ang lahat nang episodes non... lolz... yeah si danzou kuletz non eh... kaya naman palah gusto ren maging hokage... kritikal? is she dyin'? so hmm.... next bang magigign hokage after her is naruto?... teka baka gusto moh ikuwento moh na lang lahat nang episodes noh... lolz.. biro lang... =)

    TumugonBurahin
  26. @azul
    ...inde naman spoiler ng sobra...magagalit sa akin si pareng bob ong kung ikwinento ko na... aheks...

    @DETH
    warm up lng po muna... aheks...available pa nmn sya...at mukhang madami atang copies ngayon... :D

    @J.D. Lim
    maganda yan book yan...na-inspire din ako sa stainless longganisa... tulad ng trabaho ko ngayon..randam ko din kasi ang hirap na dinaranas ng isang manunulat... pero hindi tulad ni pareng bob ong...nag-eenjoy sya sa mga sinusulat nya...hindi tulad ng tabaho ko...na parang makina na ang mga sinusulat ay base hindi sa gusto ko kundi sa mga kliyente...tsk tsk...

    @Dylan Dimaubusan
    ang quotes na yan ay base sa naging usapan nila Teng at kapitan sino...hindi ko na din kasi maaalala yung eksaktong usapan nila, nasa pahiraman na din kasi agad ang libro...aheks....

    pero tama hindi ba?

    @Dhianz
    posible yun dhi...kasi ako halos limang taon ko na din sinusubaybayan si naruto...kaya nga halos lahat ng viewers ng naruto patanda na... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  27. Isa pa lang ang nabasa ko sa libro nya. Ung ABNKKBsNPLAKo. Nag-enjoy ako. I'm sure nakaka-enjoy din ito.

    TumugonBurahin
  28. Sino si Kapitan Sino? Ikaw ba iyon o ako? Naman! Parang masarap basahin yan ha. Pwede mo ba ko padalhan ng kopya? Hahaha! Joke lang po...

    It's given. Halos lahat naman ng mga sinulat ni BO ay nakakarelate tyo. Hindi kaya ikaw ang inspirasyon niya sa bago niyang libro? :D

    TumugonBurahin
  29. waaa..matagal ko nang inaabangan ung kapitansino..hindi ko pa din siya nababasa..grr..gusto ko nang bumili pero sabi nman ng buddy ko eh binilhan na niya ako..tas ang tagal ibingay..grrr talaga...

    kapitansino..parang supergulaman lang nman..

    hindi ako masyadong fan ng batibot..mas fan ako ng atbp kung saan bagets pa si papa piolo..

    maligayang pagbabalik sa ting dalawa..

    aheks..

    TumugonBurahin
  30. @isladenebz
    masasabi kong iba ang librong iyon kumpara dito... pero sigurado magugustuhan mo din ito... :)

    @enjoy
    ahehehe...mahal yata ang papackage ng isang libro... aheks...wala ba nito sa SG.... ;)

    inde naman siguro dahil inde naman kami magkakilala...may pagka-madam auring ata si BO... :D

    @vanvan
    ahehehe...jan ka pla oh...aheks...salamat... :D

    TumugonBurahin
  31. Hindi kaya ikaw pre si Bob Ong na nagtatago sa pangalang Super Gulaman? :D - LORD CM

    -> hndi nga ba kuya gulams? hihihi parang ikaw kc xa eh lols.. :p

    basta isa lng ang alam ko kay bob ong!!!

    ang ganda nung mga kowts na gawa nya..hehe xa nga ba ung gumawa? lols
    bsta magaling!!!! hihihihi

    TumugonBurahin
  32. ganda ng scene nila sa taas ng simbahan,hehe

    galing tlaga bob ong

    TumugonBurahin
  33. pahiram nang libro nga at mabasa kow,lols..tama si lord cm , baka kaw nga si bob ong?hahaha, pahingi copy!lols

    TumugonBurahin
  34. @shelovesyou
    nyaks...malabong maging ako yun... aheks...sobrang galing nya kumpara sa akin...idol yun eh... ^_^

    @HARI NG SABLAY
    aheks...uu nga gusto ko yun kwentuhan nila...nasa page 100-110 ata yun...:)

    @hs
    gandang aga din...happy independence day... :)

    @Amor
    parekoy inde ako yun... aheks...yun copy ko nasa pahiraman na... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  35. hahaha, ang ganda nga ng istorya, nakapaloob kung paano mo makikita na hindi lahat ng bayani ay kayang iligtas ang isang bayang walang pakikisama sa lahat ng bagay, at tulad nung Mayor, nakagawa lang ng isang kasalanang di niya sinasadya dahil sa pagkatao niya at ng anak niya, di na alam ni Aling Baby at ng mga taong natulungan niya dati ang mga bagay na nagawa niya para sa mga ito, at porket superhero si SUper Strength eh gusto na nilang maging alkalde, haha, sakop ng kapitan Sino kung gaano kagulo ang bansa natin, tsk!

    TumugonBurahin
  36. hmmm makikisingit lang ah..dko alam kung ito na ang bagong umpisa sa mga mambabasa at tagahanga ni bob ong at si bob ong mismo.sa mc arthur nagulat ako sa pagpalit nya ng forte sa pagkukwento..akala ko napgtripan lang nya or para maiba nmn.pero nung lumabas ang KS ayun na...sa tingin ko ito na katuparan sa pangarap ni bob ong..kung tama ang naalala ko...gusto nya atang magsulat ng isang fiction...at eto an si kapitan sino...


    -invader zim

    TumugonBurahin
  37. "mula sa huling aklat na McArthur ni pareng Bob Ong, nagkatotoo ang aking hinala na hindi pa iyon ang huli nyang aklat....ang totoo nyan hindi ko talaga alam kung bakit McArthur ang titulo ng ika-anim nyang aklat...walang koneksyon ang McArthur sa kwentong nakapaloob doon...pero noon pa man si McArthur ay kilala sa kanyang mga salitang "I shall return"... at yun na nga, ang mga kwento ni pareng Bob Ong ay muling nagbalik..."

    --sa aking hinuha kaibigan..ang macArthur ay mula sa isang eksena na ayaw lumubog nung "etchas" (human feces)..parang nantutuya ang "toooot" (di ko na uulitin) dahil ayaw niyang lumubog sa inidoro, pabalik balik...

    ahmmm...
    senxia na po sa mga kumakain at mahihina ang sikmura..


    -code name: mat alino

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...