Lumaktaw sa pangunahing content

...katotohanan, katapatan...

“Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako” ---Eros Atalia

...noong una kong makita ang titulong ito ng aklat na isinulat ni Ginoong Atalia, napangiti talaga ako at medyo nalito... ngunit ang totoo nyan hindi ko pa din nababasa ang nilalaman ng aklat na ito... hindi tulad ng mga libro ni pareng Bob Ong na nabasa ko na lahat maliban sa kanyang bagong labas na aklat na may titulong "Kapitan Sino"...mukhang ang bagong aklat na ito ni pareng Bob Ong ay tumutugma sa tema ng blog kong ito... Kapitan Sino, SuperGulaman...mga superhero?....ang mga obra at ideya ni pareng Bob Ong bagama't minsan ay may kababawan ay may kaunting kiliti itong iniiwan sa utak na napakasarap himay-himayin at bigyan ng sariling kahulugan....

....ngunit katulad ng mga nakausap kong nakapagbasa na ng libro ni Ginoong Atalia, sulit daw talaga ang pagbili sa mga aklat na ito... kung sabagay titulo pa lang ng kanyang mga aklat ay nakakabaliw na at nagawan nya ako ng kaunting problema.... “Peksman (mamatay ka man) Nagsisinungaling Ako”...

^_^ : paano mo masasabing ikaw ay nagsisinungaling?
O_O: simple, ang pagsasabi ng hindi totoo ay pagsisinungaling.
^_^ : paano kung hindi ka magsasabi ng "hindi totoo", nagsisinungaling ka ba?
O_O: ang labo mo naman... hindi ka magsasabi ng "hindi totoo", so ang sasabihin mo ay yung totoo, tama ba?
^_^ : hindi!...ang ibig kong sabihin, wala kang sasabihing "hindi totoo" pero hindi ka din magsasabi ng totoo...malabo ba? sige ganito yun...

halimbawa, isa kang tigasin (tiga-saing) at iniwan ka ng iyong misis sa inyong bahay ng ilang araw at binilanan na gawin ang ilang gawaing bahay tulad ng paglalaba, pag-aalaga ng anak at pagsasaing... ngunit sa kasamaang-palad ikaw ay nagkasakit sa di malamang dahilan... magkagayun man, sinikap mong gawin at gampanan ang mga ibinilin ng iyong misis...sa kanyang pagbalik tuwang-tuwa naman ito sa iyong nagawa ngunit hindi mo na binanggit ang iyong pagkakasakit... sa puntong ito nagsinungaling ka ba?

siguro pamilyar kayo sa mga linyang, "kung ayaw mong mag-sinungaling, huwag ka na lang magsalita..." ... hindi ko alam kung sasang-ayon ako dito...dahil minsan ginagawa din itong palusot ng iilan...

^_^ : may lakad tayo, magpaalam ka na...
O_O: hindi ako papayagan doon, anu ang sasabihin ko?...ayaw kong magsinungaling...
^_^ : huwag ka na lang magpaalam para hindi ka na magsinungaling...

tunay ngang maraming uri ng kasinungalingan sa mundo...meron tayong tinatawag na "evil lies"...ito ang kasinungalingan na maaring sumira sa sangkatauhan... sa kabilang banda, may tinatawag tayong "white lies"... ito ang mga kasinungaling naglalayon ng kabutihan...kadalasan, ito ang nagsisilbing proteksyon sa ating mahal sa buhay, sa kamusmusan at sa daigdig nalipol na ng kamunduhan...

"ang hindi pagsisinungaling ay hindi nangangahulugan na ikaw ay nagsasabi ng katotohanan dahil maaaring ang hindi pagsisinungaling ay isang pagsasawalang-kibo lamang..." ---SuperG

ang sabi mo, "the truth will set you free"... tama! pero hindi ito nangangahulugan na lahat ng sikreto at katotohanan na iyong nalalaman ay kailangan mong ipagwag-wagan sa sanlibutan...dapat may tagatanggap itong binabagayan...ang katotohanang meron kang kopya ng scandal ni Halili at Kho ay hindi mo maaaring ipagsabi kay Edu Manzano dahil maaari kang kasuhan nito... ang katotohanang na nabwiwisit ka na sa boss mo ay hindi mo maaaring sabihin sa kanya ng harapan dahil maaaring masisante ka... ang katotohanan na iyong ginagawa sa loob ng banyo ay hindi mo maaaring ikwento sa iba dahil kahiya-hiya iyon... pero kung adik ka, sige ikwento mo....

...ang hindi pagsisinungaling at pagsasabi ng katotohanan ay tunay na magkaibang konsepto...ngunit ang mga ito ay nakapaloob sa konsepto ng katapatan.... hindi ka nga nagsisinungaling, pero tapat ka bang talaga?




Mga Komento

  1. Magaganda nga daw mga libro ni Eros Atalia. Kung tama ang pagkakatanda ko, professor siya sa Alma Mater ko. Sayang, hindi ko siya naabutan.

    TumugonBurahin
  2. Natandaan ko sa isang Values Education class ko nung hayskul, there is such a thing called "lying by omission". Hmmm ewan ko lang. Depende siguro kung saang context mo titingnan.

    TumugonBurahin
  3. napabilib ako dito sa sinulat mo SuperG. makatotohanan talaga.

    hindi porke't hindi ka nagsisinungaling, ibig sabihin noon ay tapat ka!!!

    TumugonBurahin
  4. yey.. pagsangayUn ba ito sa matagal ko ng sinasabi sau bohoyet=).ahehe..:) wii..:x
    pra ren ata ito sa ..pagnagpaalam ka at hnde mo sinabe kung san ka talga nagpunta at hndi mo sinabi kung sinong mga ksama mo...pero pumayag sya,.. naging tapat ka ba??

    ahehe.. lubb yu bohoyet:)) mwahahah..:0
    at labb ko den si momy grace.. mwapsz:D

    TumugonBurahin
  5. @para sa lahat... ^_^

    NR po muna ako, basta mag-rereply ako sa comment na nangangailangan ng sagot...ang bagal gumana ng utakz ko... ahahaha...^_^

    TumugonBurahin
  6. ang alam ko ang mga nagsisinungaling humahaba ang ilong.lols

    at ang alam ko din, ang pagsisinungaling ay hindi lang ngmumula sa bunganga.pwdi rin ang sa puso at isipan.yun lang... :)

    TumugonBurahin
  7. ito yung huling libro na binasa ko...hmmm just like bob ong...overrated!

    pasensya po! hindi pa rin kasi nila napapantayan ang kalibre ni june cruz reyes na siyang idolo nila

    gayunman, binasa ko pa rin parang yung mga ginawa ko sa mga libro ni bob ong na nabili ko.

    sige basa lang!

    TumugonBurahin
  8. parehong di ko pa nababasa..ahehe

    basta ayoko ng kasinungalingan...ahahay

    TumugonBurahin
  9. Nabasa ko na yang book na yan! yehey! hakhak! at talaga namang sulit. may bago na naman siyang libro eh. out na sa mga bookstore. hakhak!

    kasinungalingan? magaling ako magsinungaling. pramis. hakhak! at talaga namang kapani-paniwala kasi dere-derecho ako kung magsalita. walng utal-utal. hakhak!

    pero kadalasan white lie naman yun eh! promise! hakhak!

    napadaan sa'yong blog at ninanais na ika'y iadd sa aking blog roll!

    TumugonBurahin
  10. parekoy, maganda yung sinabi mo ahhhh... oo nga naman!

    pero sa tingin ko lang magsinungaling ka man o magsabi ng totoo, basta kaya mong panindigan yan GO lang!

    TumugonBurahin
  11. May ganitong libro ang kapatid ko, pero ako ang nagbasa, sya hindi pa.. haha

    Nabasa ko ang libro nya pero tong post mo di pa..ahehe

    Sa toto lang, may K sya para hamunin sa Bob Ong..

    balik na lang ako para basahin..

    Nakabakasyon ka ba o talagang matrabaho ang trabaho mo? haha!

    Ingatz!

    TumugonBurahin
  12. Grabe, ang sarap naman magbasa dito. Hope to read more posts from you SUPER GULAMAN! Haha, ang cool, realistic ang posts and everyone can relate! Keep it up!

    TumugonBurahin
  13. lumabas sa lungga para magbloghopping sa mga kawavelength. hehe.

    nabasa ko na si eros atalia. para siyang si bob ong pero mas malalim at mejo pormal. di tulad ni bob ong na kantong balahura talaga ang pagsasalaysay.

    btw, isa siyang palanca awardee para sa maikling kuwento. kasama un sa libro niyang "peksman..."

    kbye!

    TumugonBurahin
  14. love your post kuya Super Goodlooking Super G aka Kuya Bhoyet... hmmm... nagkasabay sabay sa yutakz koh ang mga gusto kong ihirit... teka ano bah uunahin koh... ahhh when i was readin' ur post i was juz gonna ask you kung aling book ni Bob Ong ang magandang bilhin... actually wala pa akong nabasa ni isa don... nabasa koh lagn ibang mga quotes nya sa internet... and etoh bago bah 'uletz yan... Eros Atalia naman.... hayz wala lang... parang kakatuwang basahin ang mga books nilah....

    hayz... usapang lies bah... parang usapan lang naten kanina yan nang ateh koh ah.. tsk!... lolz... i guess we are all born to be liars... walang araw atah na nde tayo nagsisinungaling... sa simpleng conversation nga naten sa araw araw eh may halong kasinungalingan... kahit isang linya lang... kahit nga sa sarili naten eh nagagawa natengn magsinungaling... parang wala atang tao na nde nagsinungaling ni isang beses sa loob nagn 24 hours... itz kinda like the idea that we are all sinners... that everyday we make sins... kahit we keep asking for His forgiveness... we still keep making mistakes.... hayz...

    parang ang dme kong sinabi noh? tsk... teka... ano bah tong pinagsasabi koh... katotohanan or kasinungalingan? lolz... pero teka... white lies... i don't think there's such thing as white lies... they are lies... no such thing as small and big lies as well... they are all lies too... lahat yan lies.. pinapaganda lang nilah minsan ang tawag...

    minsan nasanay na ata tayong magsinungaling... minsan i'm kinda like dat... i'd rather not say antyin' para nde na akoh magsinungaling... kc pag sumagot akoh kasinungalingan den lang yon... pero it doesn't mean nga na nagpapakatotoo akoh.... pero true... "truth shall set you free" kaya nga sometimes kakatakot ang truth... ang daldal eh noh... parang may sense pa ang mga sinasabi eh noh...

    pero true may mga bagay na sadyang kaw lang ang nakakaalam at nakakahiyang sabihin... pero naaliw naman akoh sa hiritz moh pero kung adik kah sabihin moh... lolz...

    "ang hindi pagsisinungaling ay hindi nangangahulugan na ikaw ay nagsasabi ng katotohanan dahil maaaring ang hindi pagsisinungaling ay isang pagsasawalang-kibo lamang..." ---SuperG ---> naks may own quote... love it... =)

    sige 'un lang.. oh devah 'un lang daw... lolz... ingatz kuyah...

    oh yeah updated akoh sa naruto shippuden... 'la lang... hehe... ingatz. Godbless! -di

    p.s. pahiram palah nang quote moh... i-plurk koh lang =)

    TumugonBurahin
  15. Ang hindi pagsisinungaling ay hindi pagsasawalang-kibo...
    Ang hindi pagsasabi ng katotohanan ang siyang pagsasawalang-kibo...

    may punto ba?

    pero kaw may point talaga. ayos!

    hmm, usapang katapatan ah... about lies din ung naging post ko, sana mabisita mo.TY!

    PEACE!

    TumugonBurahin
  16. Galing naman ng quote mo. Alin? yung nasa ibabaw ng pangalan mo sa post. Naks!

    Totoong the truth will set you free, sang ayon din ako sa sinabi mong hindi lahat ay kailangang ibuwag sa madla.. May mga pagkakataon kasing kailangan maging discreet din tayo..

    Nasan ka na ba? Bakit parang naka out-of-town ka, ha? hehe.. di nga?

    Ingatz ha!

    TumugonBurahin
  17. Si Eros ay professor sa USTe. Hehe. This is the book to read if you're trying to pass time although malaman naman ang ibang hirit. it's good for most people but i'd say, you can always find better titles in the Filipiniana section. hehe peace mehn! :D

    TumugonBurahin
  18. maikli ang buhay para mabuhay pa ng walang katapatan. yun lang po!

    TumugonBurahin
  19. huwaw! mabili nga ang librong yan. mukhang interesting. title pa lang ulam na. haha


    kuya favor naman. pakikumusta naman ako kay mareng marlene. miss ko na siya. :)

    TumugonBurahin
  20. naku-curious na ko sa kanya... konti na lang. hehehe!

    TumugonBurahin
  21. @para sa lahat

    woooot...salamat po sa pagpasyal...aheks...nalibang lang ako sa paggawa ng wala... ahehehe

    TumugonBurahin
  22. ANg nagsabing HINDI MAHABA ANG COMMENT NI DHIANE ay SINUNGALING!....lolz...


    walang pagsisinungaling sa taong magaling!...lolz...

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...