Lumaktaw sa pangunahing content

..sampung taon...

sampung taon na din ang nakakalipas ng huli kong makita ang ilan sa kanila...nakakatuwang isipin na sa tagal ng panahon nagdaan, hindi pa din sila nakakalimot sa apat na taong pinagsamahan sa paaralan... mga taong puno ng mga ala-alang naging bahagi na ng aming pagkatao... sampung taon na ang lumipas...may mga nabago... hindi iyon maiiwasan.... pero hindi nito mababago ang pakakaibigan na hindi na mawawaglit sa puso ng bawat isa...

dalawangpu't pitong taon gulang na kaming lahat...taong isang libo siyam na raan, siyamnapu't siyam ng sabay-sabay naming lisanin ang paaralan...ang paaralang humubog hindi lamang ng aming isipan kundi ng aming kabuuan...napakasarap balikan ang mga ala-alang puno ng kalokohan at kapilyuhan...hindi mo maaiwasan na mapapangiti ka nito ng saglit ng hindi mo namamalayan... nakakatuwang balikan ang panahon ng pakikipagkopyahan kapag exam....ang pagbibigay ng mga bansag sa mga guro...ang pang-aasar sa mga guro... ang pakikipagbatuhan ng erase at chalk... ang paglalaro ng sipa at patintero bago pumasok sa klase ng pawisan...ang paggising ng umaga para umabot sa flag ceremony... ang masayang pamumukpok ng guidance teacher sa mga estudyanteng mahahaba ang buhok... syempre hindi mo din malilimutan ang pag-cucut ng klase at pag-akyat sa bakod ng paaralan... sino naman ang makakalimot sa mga teachers na paborito kang patayuin sa klase dahil hindi mo nasagot ang tanong nila...hindi mo din makakaligtaan ang ginawang pagtakas sa likuran habang nagklaklase ang guro dahil may usapan kayong magkita ng iyong nililigawan...sino ang makakalimot sa mga magaganda at seksi mong kaklase at schoolmate...hindi mo din siguro makakaligtaan ang pagbusted sa iyo ng crush mo o ang pagtakbo nito habang palapit ka... yung tipong mukha kang stalker... hindi mo din makakalimutan ang inyong mga first time...first kiss, first dance, first busted...first date, first laklakan....

ilan lamang ang mga iyan sa libo-libong masasayang alaala noong tayo ay nasa mataas na paaralan pa...mga alaalang naging parte na ng aming sistema...ng aking sistema...nakakatuwa dahil lumipas na ang sapung taon...heto pa din kami...bagama't may ilang nawala...halos nandito pa din ang karamihan... ang youtube video na akin pong ibinahagi sa inyo ay aming kuha ng kami ay gumala sa malolos, bulacan at inuman sa N20 bar...opo, tama inuman po iyon... alam kong alam nyo na hindi ako umiinom (ng alak)... pero hindi po ako KJ...at dahil minsan lang yun sa sampung taon...marapat lamang ay pagbigyan ko sila... sampung taon...ang iba sa amin may asawa na...may anak na...ilan na lamang ang single... ilan sa kanila ang nagkatuluyan pagkalipas ng matagal na panahon ng pagsasama at pakakakilala...si ben at rose...mavic at VP...regie at nerilyn...kung may hahangaan man akong mga nag-iibigan... sila iyon... apat na taon sa high school...at nanatiling matatag hanggang sa ngayon...mahigit sa sampung taon na pagsasamahan, mahigit sa sampung taon na pagiibigan... hindi mo aakalain na sa finals sila pa din ang magkikita...bow ako sa kanila... kung may mga ganitong kwento meron din mga pares na hindi naging sila sa dulo... hindi man nagkatuluyan...naging masaya naman sa kanya kanyang landas na tinahak...

sampung taon...hanggang sa susunod na sampung taon... magkikita-kita pa din tayo... ^_^




Mga Komento

  1. Wow! Isa sa pinaka di malilimutang parte ng buhay ang high school life!

    After 10 years nakapag reunion kayo... ang saya naman! Kami next year pa ang ten years.. Hope to see them too. Althugh constant naman ang communication anmin till now sa iba..

    Mga alaalang masarap balik-balikan.. Ang dami nman talagang nagkatuluyan sa inyo ha. Si Grasya mo ba former classmate mo rin SuperG?

    Marami rin akong crush nung HS, marami rin akong tinakbuhan, nyaha! lolz

    Cheers sa barkada!

    TumugonBurahin
  2. high skul life parin ang the best.

    jan ako unang nanligaw pero inagaw nman ng tunay ng kaibigan...memorable nga!..ehehe

    TumugonBurahin
  3. nakakmis naman tlaga ang high school layp..d ko talaga makalimutan ung cras ko since 1s t yr hs to 1st yr colej.haha.hanggang tingin lng naman ako sa kanya. d mareach e.hahaha.pero 2 yrs older sya sa kin..hs layp..la pa rng tatalo..sa batch namin, isa pa ang nag asawa.per dalawa na ang may anak..hehe.5 yrs na kaming d nagkikita masyado.nakakamis.:D

    TumugonBurahin
  4. nakakmis naman tlaga ang high school layp..d ko talaga makalimutan ung cras ko since 1s t yr hs to 1st yr colej.haha.hanggang tingin lng naman ako sa kanya. d mareach e.hahaha.pero 2 yrs older sya sa kin..hs layp..la pa rng tatalo..sa batch namin, isa pa ang nag asawa.per dalawa na ang may anak..hehe.5 yrs na kaming d nagkikita masyado.nakakamis.:D

    TumugonBurahin
  5. naku po, ako kakagaling ko lang din sa get together namin kagabi.. sobrang saya.. sobra ko kasi silang namiss eh..

    madami ang nagbago sa amin mula nung umalis kami sa school namin makalipas ang tatlong taon.. sana mas mapadalas dalas pa ang pagkikita namin,,

    TumugonBurahin
  6. parang kakapost ko lang din ng tungkol sa barkada.. lumipas man ang ilang taon..andun pa rin ang samahan..

    ang saya nyo naman :)

    TumugonBurahin
  7. @dylan
    yup basta constant ang communication...for sure magkikita pa din kayo...uu nga maraming nagkatuluyan sa kanila, hindi ako kabilang dun... hindi ko din kaklase ang aking grasya...sa Bohol ng high school at nagkolehiyo sya... magic nga lang at nagkakilala kami sa di inaasahang pagkakataon at simula noon...naging stalker na nya ako... ahahahaha.... :D

    ahahaha...ugali mo din pla ang pagtakbo... takte na yan...parang ikaw nga iyon... aheks... ;)

    @poging (ilo)CANO
    ahahaha...memorable nga yan... pero ayuz lang yun...may reason yun kung bakit ganun...:D

    @batang narS
    magpapansin ka kasi para sa crush mo....ahahaha....prang kulang ata eh... aheks.... pero yun nga 5 years pa lng yan...after 10 years ang saya tignan... :)

    @kheed
    ahehehe...di ba isa itong napakasayang experience..reunion... ^_^

    @chikletz
    yup yup.... at hindi na iyon mawawala magpakailanman.... ;)

    TumugonBurahin
  8. Hi..heloO pOh, pwe bumati???

    "Hi sa nanay at tatay ko diyan sa amin
    at sa mga kapitbahay ko, kumusta na kayo!?
    Mabuhay tayong lahat!! : )

    Yun lng..Salamat ng marami.."NAPADAAN"

    TumugonBurahin
  9. Masaya talaga ang high school life. Puno ng aksyon at buhay di gaya ng college.

    Namiss ko tuloy bigla lahat ng mga kaibigan ko nuong high school.

    TumugonBurahin
  10. super G,

    galing naman ng wento nakamissss talaga lahat hehehe... sarap talaga balikan ang mga kapilyuhan dati... sa ganun paman kahit sampung taon pa sobra di natin makalimutan.

    lalo na yong lovelife hehehe...

    ingats...

    ching

    TumugonBurahin
  11. @JasOnizeRs
    at tlagang may pagbati...ahahaha...cge lng...feel free...^_^

    @J.D. Lim
    aheks...tama...pero para sa akin parang pareho lng ang mga klasmate ko nun college...as in pareho sila ng level...aheks...lahat sila the best...^_^

    @Ching
    aha...kala ko tuloy ikaw si ching na kakilala ko...pero hindi, babae kasi yun... ang totoo nyan si Ching na klam8 ko ang may pakana ng lahat kaya muli kaming nagkita kita... :D

    TumugonBurahin
  12. lam mo pre walang biro,kanina paggising ko iniisip ko mga barkada kong mtagal ng di nakikita tas naisip ko silang gawan ng ganito.

    kakamiss nga talaga ang ganito.

    TumugonBurahin
  13. nabasa koh ang post at napanood koh ang video.. kaso pagkapanood koh nang video parang nalimutanz koh na ang sasabihin koh... eniweiz i'll try hmm.... saya nung mga pictures... you tube user kah palah?... eniweiz... parang ang saya saya lang... HS reunion saken eh walah pah naman... eniweiz bitin ang HS koh eh... napunta akoh sa ibang place... kayah 'unz... pero i had a great 2 years of HS w/ my friends, classmates at barkada... aliw ang HS lalo na 'ung mga kalokohan... dme... ewan koh nga kung ano natutunan koh non... mostly puro silay, guyz, yan naman madalas inaasikaso namen eh... there are times den na tripping tipong nasa loob na nang class at unti unting tatakas... nd yes... gotta have friends para may kakopyahan... i had a friend non halos pakopya buong papel...kulang na lang name nyah... dmeng memories noh.. kakatuwa... lumipas man ang panahon pero parang kelan lang... nakakatuwang magkikita kayoh muli... nde na akoh gano hihiritz... moment moh yan... at least we know u had fun kuyah... ingatz lagi.. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  14. @HARI NG SABLAY
    ahehehe...napapanahon pla ito..aheks...weeeeppeee... :)

    @Dhianz
    yeah...aheks...pero sabi sau eh...mamimiss mo din silang lahat...lalo na ang kopyahan... ahahaha.. .:D

    TumugonBurahin
  15. natawa ako dun sa pagtakas dahil makikipagkita sa ka-date, ha ha.. ibig sabihin hindi mo school mate? :P hindi ko gawain 'yang mga nabanggit mo, ha ha ha :P

    saan sa malolos kayo uminom? sa cabanas? :D

    TumugonBurahin
  16. grabeh naman..naalala ko tuloy ang high school namin..gusto ko malaman mo na every years ay nagkikita-kita din kaming nag graduate noong 1995 dahil sa alumni..mayroon iyon competition sa parade, stage, at iba pa na awarding..gumagasto ang bawat batch ng malaking pera para doon..siyempre may inuman din..3 days na affair iyon..1st day ay parade at presentation, 2nd day ay alumni night at awarding, at 3rd day ay beach party..at pwd din na after that ay continue pa ng kasiyahan.. ang website po ng batch namin ay www.hca95.com at doon pag makita mo ay click mo ang logo at aappear na ang mga site..tingnan mo sa student gallery at alumni gallery..bawat name na andun ay may submit ng mga photos taken mula high school at kung may pagtitipon tipon..magandang tingnan sa alumni gallery alumni night at beach party na mga photos..doon makita mo rin pagtitipon tipon namin..pasensyan na kung pinaalam ko sa iyo kasi medyo na touch lang ako sa sinulat mo at lalong nakaganda ang awitin.. ito po website namin sana makabisita ka www.hca95.com

    TumugonBurahin
  17. haaaay. Bigla ko namiss mga classmates ko aba!... :)

    TumugonBurahin
  18. @madz
    ang totoo nyan hindi ko na maalala kung sinu yung kausap ko nun.... ahahahaha..ka-schoolmate kaso hindi ko classmate...wepeeee.... :)

    @Arvin U. de la Peña
    aha! batch 95, huli...matanda ka sa aking ng 4 years...ahahaha...juks... pero uu nga yan yung mga alumni na in-organize ng mga school...meron sa school nyan pero kadalasan walng pumupunta...unlike kapag kayo-kayo ang nag-asikaso sobrang at-ease.... kung anu man yun basta the best yun...:)

    @ORACLE
    mismo!... ahahaha...kami 10 years pa lang...kayo ilan na....ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  19. namiss ko tuloi mga kaibigan ko..matgal na din kaming hindi nagkakasama..ang ilan sa kanila may asawa't anak na..yung iba nasa abroad angaasikaso ng negosyo nila..

    TumugonBurahin
  20. Buhay high school ang pinaka-exciting sa lahat. Nakakatuwa na after 10 years, nagkita-kita ulit kayo. Sa section kasi naman, pati na mismo sa buong batch marami na ang nasa ibang bansa nakatira. Nawalan ng communication, pero dahil sa isang group account na ginawa ko sa friendster para sa aming batch, ang daming biglang lumitaw. Hehehe! Doon na rin sa discussions nagsimula ang high school nostalgia, ang mga kakulitan at ang mga crush-crush na nakakagulat. :)

    Nakakainggit kayo... sana magkaron na kami ng reunion. :P

    TumugonBurahin
  21. @azul
    minsan masarap balikan ang nakaraan...lalo na kapag may magandang alaalang naiwan...ngunit minsan gusto mo itong takasan sa sama ng loob na naranasan...^_^

    @Enjoy
    kung gugustuhin nyo magkakaroon kayo ng tsansa...aheks.... :)

    TumugonBurahin
  22. ang saya balikan ang mga ala ala ng nakaraan...


    Freedom is not worth having if it does not include the freedom to make mistakes. VISIT ME BACK @ http://www.kumagcow.com http://techcow.blogspot.com Thanks!

    TumugonBurahin
  23. ang sarap talagang balikan ang mga old memories.. especialy high school days kasi eto yung growing old stage.. matatawa ka nalang sa mga pinagagagawa mo dati pero dahil sa mga kalokohang yun kea ka natuto..


    haiz.. malapit na din ang reunion namin..10 years na din..reunion na namin ng elementary batch..excited na din ako! wehee!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...