Lumaktaw sa pangunahing content

...gintuang sundang...

...alas-onse na nga gabi ngunit hindi pa din ako dinadalaw ng antok...samu't sari ang pumapasok sa aking diwa...mga problema sa mundo, pangarap sa buhay, pag-ibig... sobrang dami...halo-halo...

...palalim na talaga ang gabi, pero biling-baliktad pa din ako sa higaan...hindi talaga ako makatulog... magkagayun man pilit ko pa ding pinikit ang talukap ng aking mata... nasa posisyong ang aking braso ay nasa noo habang nakapikit ng maramdaman kong biglang lumiwanag ang paligid... nakakasilaw na liwanag...bahagya kong iminulat ang aking mata... isang magandang dilag na nakatunghay sa aking pagkakaidlip... napabalikwas ako sa aking higaan...gulat man, sya'y tahimik kong pinagmasdan...hindi sya umimik ngunit inaabot nya sa aking ang isang sundang na may ginintuang talim...

"Grace, ikaw ba yan?..para saan ito?", pabulong kong imik... ngunit yumuko lamang sya at marahang nagsabi na ako ang kanyang pinili upang magapi ang mga mandirigmang Kilaw na sumisira sa balanse ng mundo...

"balanse ng mundo?... kilaw?...gapiin?"...sunod-sunod kong tanong... "oo, nasa iyo ang kapangyarihan, gamit ang sundang na iyan, mapipigilan mo ang pagsira sa balanse ng mundo", wika ng dilag... iyon lamang at bigla itong naglaho sa aking harapan...

... gulat at lito akong naiwan sa aking kinatatayuan...nalilito at nag-iisip, bumalik ako sa higaan, at muling ipinikit ang mga mata...at nang sandaling imulat ko ang aking mata, nasa pagitan na ako ng isang digmaan... digmaan sa pagitan ng tao at mga kilaw...mga kilaw na may kakaibang itsura na animo'y mga taong alimango na may pakpak ng katulad sa paniki... ang buntot nila'y katulad sa mga pagi na mistulang may lason kung ikaw ay matataman n'yon...

...magulo at madilim paligid...kaliwa't kanan ang panaghoy, iyakan...mga nasusunog na bahay, bumabaha ng dugo ng mga tao at kilaw... wala na akong nagawa kundi gamitin ang ginintuang sundang... aking hinarap at pinaslang ang mga kilaw sa aking daraanan...isa, dalawa, tatlo... ang dami nila...libo-libo... matagal ang labanan, parang daang taon ang lumilipas...ngunit tila ba hindi din ako makaramdam ng pagod o maging gutom... patuloy akong lumalaban gamit ang ginintuang sundang... sa patuloy kong pagtakbo at pakikipaglaban, nakarating ako sa isang kweba... hindi katulad ng aking mga nadaan, tahimik ang kwebang iyon...nagtataka man, pumasok ako sa loob ng may makita akong liwanag sa dulong bahagi nito... at muli, nakita ko ang magandang dilag...

pinagmasdan nya ako...at tinanong... "bakit mo ginamit ang ginintuang sundang sa pagkitil ng buhay?... ang iyong mga pinaslang ay maaaring ang iyong mga kamag-anak, kapatid, magulang o ang iyong pinakamamahal..." ... "sinabi ko na gamitin mo ang sundang upang gapiin ang kilaw, ngunit hindi nangangahulugan na sila ay iyong papaslangin...".... gulat at napakunot noo ako sa kanyang sinabi, "ano ang gagawin ko kung hindi ko sila papatayin?" .... kalmadong muling nagwika ang magandang dilag, "kahit kailangan hindi naging solusyon ang pagpaslang ng walang pakundangan gamit ang kapangyarihan sa pagsasaayos ng suliranin sa mundo..." ..."ang ginituang sundang na iyan ay kabilang sa iyong bahagi... alam kong alam mo ang ibig kong sabihin.." at muli, tuluyan na naman itong naglaho sa aking harapan...

lumabas ako ng kweba...wala na ang kaguluhan...tahimik ang paligid... tumingala ako sa langit... "tak..." .... "tak...tak..tak"... umuulan.. malakas ang ulan...

...nagulat ako sa lakas ng biglaang buhos ulan... 5:30 na pala, mabuti na lang walang pasok ngayon kung hindi mala-late ako nito... panaginip nga naman oh...Friday pala...June 12... Independence Day...

"Ang bawat tao ay may kalayaan na gawin ang naiisin, ngunit may kaakibat itong tungkulin... Ating gamitin ang ginintuang sundang sa pagkamit ng tunay na kalayaan... ang biyayang talas ng isipan at ginintuang puso para sa bayan..." ---SuperG

Happy Independence Day sa lahat!


Mga Komento

  1. Oo nga pare, para sa bayan ! Yeah ! May gento din akong post. Kamukha ng iyo. Check it out!

    TumugonBurahin
  2. ASTEEG!

    NAGBUBUNYI AT NAGPUPUGAY!

    Tan-tanan-tanan!

    TumugonBurahin
  3. Bago ko tapusin ang pagbabasa nito, may itatanong ako. Ano ang KILAW?

    TumugonBurahin
  4. @keb
    yeps...happy independence parekoy... :)

    @ACRYLIQUE
    ahekkk...at may Tan-tanan-tanan talaga... ahahaha... happy independence day... :)

    @RJ
    aheks...dok...ang alam ko sa kilaw yan yung mga pagkaing hilaw na niluto lamang sa suka... aheks..

    pero base sa panaginip... ang kilaw ay mga mandirigma na may kakaibang anyo...yun yung twag nila sa mga ganoong uri sa panaginip...weirdo siguro pero mukhang hanggang sa panaginip gutom pa din ako... aheks...

    TumugonBurahin
  5. taena.. di ko rin magets yung kilaw.. ayun tinanung na pala ni Doc AGa..lols

    mabuhay ang kalayaan parekoy!

    TumugonBurahin
  6. Sobrang lalim ng nilalaman ng Post mo parekoy... di ko maaninag.. parang may pinaguhugutan...

    ang masasabi ko lang, parang ire-remake ang panday sa darating na MMFF.. kaya naman napapanahon tong post mo..lols
    magandang maging bahagi ng pelikula ang mga kilaw na iyung nilarawan..astig!

    TumugonBurahin
  7. nice one!

    though its a battle of two principles na nauna nang pinanghawakan at ating mga bayani noon pa man.

    RA vs RJ

    kahit ngayon may ganyan pa rin. tanda ko tuloy nang sumama kami sa rally nuong college though we dont belong to a particuklar organization.

    in tghe midst of the mobilization, it the two camps battling it out kung sino ang dapat makapasok ng philcoa. naisip tuloy namin, siguro pinagtatawanan lang tayo ng mga anti riot police!

    TumugonBurahin
  8. @tonio
    maligayang araw din ng kalayaan sa iyo... :)

    @Kosa
    aheks...panday talaga... ahahaha... sana golden sword na ang gamit dun... aheks... Kilaw? inde ko din maintindihan bakit ganun ang description nun... aheks...

    @Abe
    mmmmhhhh...Reaffirmist at Rejectionist Views

    uu nga parekoy...labanan ng prinsipyo...kontrahan... walang katupusang digmaan...

    ganun daw kasi ang buhay o making sa gobyerno man... puno ng tunggalian... ^_^

    TumugonBurahin
  9. ang husay! asteeg na pakikipagsapalaran ni SuperG sa panaginip..hehehe

    sabi nga ni Doraemon "Mali ang ginawa mo, hindi lahat ng sa tingin mo ay tama ay dapat mo na itong gawin..."

    may mga bagay na maaring ipaglaban sa maayos na paraan at hindi sa gamit ng sundang...

    TumugonBurahin
  10. wow! bravo! ang galing ahh... *clap* *clap* d' best post about independence day!... galing moh.... u r one of d' great writer here in blogsphere... ang galing! sobrang papuri koh nah... pa-berger ka na lang... wehe... ingatz kuya bhoyet... teka... hmm... tanungin daw kita sabi ni Sis Dylan... nakitah moh na bah ang tunay na mukha ni kakashi-sensei sa manga?... so yeah... laterz. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  11. @DETH
    aheks...salamat...wow! fan ka din pla ni doraemon...galing...

    tama ka nga,"may mga bagay na maaring ipaglaban sa maayos na paraan at hindi sa gamit ng sundang"... katulad ni Andres Bonifacio... hindi talaga sya gumagamit ng sundang..isa syng sharp shooter...aheks... juks... pero seryoso lahat naman ay maaaring idaan sa matiwasay na paraan.. :)

    @Dhianz
    aheks..uu nga bka maniwala na ako... aheks... pero yun nga hindi ko pa din nakikta yung mukha ni kakashi...hindi pa din na-rereveal yun...katulad ng kay shino, hindi pa din sya pinapakita ng walang salamin sa mata... ^_^

    TumugonBurahin
  12. naku, sensya na at nahuli ako ng pagbati sayo. lagi na lang ako late... di bale, better late than never di ba? di pa ko nagbabasa. balikan kita ulet pag di na ko busy. aheks! babatiin lang kita ng

    MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN!

    patuloy mong bigyang laya ang pag-iisip sa pagpukaw ng emosyon at kaisipan ng mambabasa. at sana ay manatili ang iyong patas na pag-aanalisa sa mga bagay-bagay bago ito ilahad. ito ang tungkulin ng isang manunulat. :)

    p.s.
    at sana ay wag mong kalimutang iboto ang aking entry sa Pinoy/OFW Blog awards. ahihi!

    TumugonBurahin
  13. wow! ang galing mo superg! hahaha... nice :)

    TumugonBurahin
  14. super gulaman, huli man daw at magaling, huli pa din, LOL. happy belated independence day! naway marami pang pinoy ang gumawa ng kabutihan (di lamang sa panaginip pati sa kamalayan- lalim!!!)

    TumugonBurahin
  15. hi super gulaman. salamat sa explanation. hindi ka lang pala "physicist", isa ka rin palang magaling na manunulat! shucks, ang lalim ng tagalog mo! hahahaha...belated happy independence day.

    TumugonBurahin
  16. @enjoy
    aheks...salamat enjoy..sure..vote kita...magvote buying tayo... juks...aheks... ;)

    @kox
    wenks...salamat...weepeee..

    @hs
    salamat sa pagdaan dito... :)

    @docgelo
    yes doc...aheks...salamat po...

    @Reena
    ei walng anuman...basta kaya ko lng..no problemo... ei nagkataon lang po na tagalog po ang aking pinakakomportableng medium... ^_^

    TumugonBurahin
  17. May naiwan pala akong tanong dito... Ayan, tinapos ko na ring basahin.

    Very meaningful ang iyong panaginip, Supergulaman! Maganda ang eksenang iyong inihayag.

    TumugonBurahin
  18. hehe ayos ang pnaginip nataon sa araw ng kalayaan, tama nga naman lahat ng iyong nsabi.

    hapi independence day.

    TumugonBurahin
  19. un pala ang kilaw...hheehe..
    magtatanong na rin sana ako kung ano un..
    buti nibasa ko ung reply mo sa isang nag tanong hehe...
    now i know...
    napadaan lang po hehe..

    TumugonBurahin
  20. @RJ
    salamat dok... pero inisip ko lng din kung paano ko mairerelate ang panaginip na iyon pero posibleng may iba pa din iyong kahulugan sa akin... ;)

    @HARI NG SABLAY
    ahehehe...uu nga... aheks...salamat parekoy...happy independence day din... ^_^

    @anakngpating
    aheks...un nga yun...pero sa totoo lang masarap ang mga kilawin... :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...