Lumaktaw sa pangunahing content

...babae ka, lalaki ako!....

"hindi mo ako maiintindihan, lalaki ako...babae ka!"

...bukod sa panlabas na kaanyuan, ano pa nga ba ang pagkakaiba ng babae sa lalaki? bukod sa magkaibang drawing ng logo sa cr ng mga babae at sa lalaki? at kung bakit ginawang magkatabi ang mga CR ng lalaki at ng babae? bukod din pla sa mga babaeng nagtatago sa katawan ng isang lalaki o sa mga lalaking nasa katawan ng babae, may mga pagkakaiba pa ba sila? sa mga gawi, pustura at takbo ng pag-iisip, magkaibang-magkaiba talaga sila sa bawat isa...narito ang ilang opinyon at aking personal na obserbasyon ukol sa pagkakaibang ito:

Mas matalino ang mga lalaki kaysa sa mga babae- posibleng totoo ito pero posible din na hindi. Kung ating pagbabasehan ang history ng tao, ating mapapansin na pawang kalalakihan ang mga kilalang philosopher, mathematician, hari, scientist at iba pang uri na may kinalaman sa talino. Manaka-naka na lamang ang mga babaeng napapabilang sa kanila. Pero posible din na dahil ito sa pagtingin o recognition ng tao ukol dito. Noong unang panahon hanggang sa ngayon mas dominante pa din ang tingin ng tao sa mga lalaki kumpara sa mga babae. Sa katunayan ang mga babae ay kadalasang ina-underestimate nila ang kanilang sariling talino kumpara sa mga kalalakihan na ino-overestimate ang laman ng kanilang utak. Isa itong patunay na ang mga lalaki ay may mataas na pagpapahalaga ukol sa pride at ego. Magkagayunman, naniniwala pa din ako na hindi basehan ang kasarian ng laman ng iyong utak. Sa katunayan, ang mga babae ay may kakayahan na pagsabay-sabayin at iproseso sa utak ang mga bagay-bagay. Yung tipong kaya nilang sumabay ng kanta sa radyo habang nagbabasa ng libro. Multi-tasking ika nga nila. Sa kabilang banda, hindi ito kaya ng mga kalalakihan. Ngunit kaya nilang gawin ang mga bagay-bagay na may focus. Isa-isa lang ngunit maingat na sinusuri ang bawat detalye.

Mas sinungaling ang mga babae kumpara sa mga lalaki - at dahil sa kakayahan ng mga kababaihan ng iproseso ng sabay-sabay ang mga bagay-bagay sa kanilang utak, kilala sila na madaling magbago ng iniisip. At dahil dun gumagawa sila ng mga remedial excuses na nahahantong sa pagsisinungaling. Ang mga kalalakihan sa kabilang banda, ang mga maling bagay na nagawa ay mas madalas pinaninindigan na lamang kasya pasinungalingan pa. Katulad ng sinabi ko mahalaga sa mga lalaki ang pride at ego. Kung lalaki ka at madalas magsinungaling, lalaki ka nga ba?

Mas madaling makuntento ang mga lalaki kumpara sa mga babae- kung ating pagbabasehan ang konsepto ng katamaran, ating mapupuna na mas madalas na sinasabi na ang mga lalaki ay tamad lalo na kung pag-aaral ang pag-uusapan. Pero hindi, mas madali lamang kasi kaming makuntento sa mga bagay-bagay. Ayos na sa amin yung tipong pumapasa lang. Ayos na sa amin yung nabubuhay lang. Ayos na sa amin yung simpleng ligaya lang. Ang mga kababaihan sa kabilang banda ay laging naghahangad ng "best"... hindi sila madaling makuntento sa simple, hanggang oportunidad hindi sila hihinto... ito din siguro ang patunay ng kasabihang "Mother knows best" ... ang mom ay babae, kung lalaki ang mom mo kabahan ka na ampon ka lang...ahehehe...

On sex or money- Kung papipiliin mo ang mga lalaki between sex or money....mas madami ang pipili ng sex...ang iba pa nga'y handang magbayad na malaking halaga kapalit nito. Ngunit iba ang pananaw ng mga kababaihan ukol dito, mas pinipili nila ang pera. Ito din ang katotohanan na mas madaming babae ang mukhang pera at mas madaming lalaki ang manyakis. Kung gusto mo nyan pareho, aba swapang...mamahagi ka naman...ahahaha

Women are sexually aggressive than men - posibleng dahil ito sa kapangyarihan ng mga babae over men. In terms of brute strength, mas lamang nga ang lalaki ngunit hindi natin maikakaila na dahil sa aspetong ito... women are considered as the most manipulative, cunning, deceptive creatures on the face of this earth. Ginagamit ang kanilang alindog upang hawakan sa leeg ang mga kalalakihan pero hindi naman lahat... ahehehe...baka magalit ang mga girls... pero syempre aminin man natin o hindi, ang mga babae ay nagpapaganda, nagpapaseksi para sa mga kalalakihan at dahilan iyon upang bigyan sila ng pagpapahalaga...ang mga kalalakihan naman bilang uto-uto ay ibinibigay ang lahat para sa kanilang kaligayahan--ang mga kababaihan mismo... pagdating naman sa sekswal na relasyon hindi maikakaila mas mataas ang libido ng mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan. Ang libido ang syang tumutukoy sa sexual desire ng isang tao. Sa kabila na mas madalas ang sexual fantasies ng mga kalalakihan, mas matindi naman ang level ng sexual desires ng mga kababaihan lalo na panahon ng kanilang menstruation period... ang sabi nga sa isang pag-aaral, mas mataas ang sexual desire ng mga kababaihan bago ang kanilang ovulation. Isa itong patunay na ang sexual desires ay may kinalaman sa menstrual cycle na wala sa kalalakihan. Maaari din na may kinalaman ang pagiging agresibo ng mammary gland ng mga babae...sa mga pag-aaral, mas sensitibo ang dibdib ng mga kababaihan kumpara sa mga kalalakihan...posible na ito ay dumadagdag sa sensasyon at libido ng mga kababaihan...

On marriage - bakit nga ba pinapakasalan ni babae si lalaki, o bakit pinapakasalan ni lalaki si babae? sabihin natin na may role talaga na ginagampanan ang pagmamahal, pero hindi pa din maiiwasan na umasa sila sa mga kakulangan ng bawat isa... ang babae, ay nagpapakasal dahil umaasa sya na magbabago si lalaki...pero hindi naman iyon nangyayari...sa kabilang banda, si lalaki naman ay umaaasa na hindi magbabago si babae pero ang ending, nagbabago ito sa paglipas ng panahon... magkagayunman, sa paglipas ng panahon...matutunan nilang tanggapin ang isa't isa o kung hindi man ay magkakahiwalay sila para hanapin ang mga kakulangan nila...

ang aking nabanggit ay base lamang po sa aking personal na opinyon, alam ko din na marami pa din tayong pagkakaiba o pagkakatulad din...malaya po tayo na ipagtanggol ang ating mga panig.... at the end of the day...men simply love women... Oo tama! kayong mga babae, mahal lang namin talaga kayo bilang mga lalaki...

Mga Komento

  1. dami talagang kaibahan---pero sa kabila ng lahat, nagiging mas exciting ang buhay ng tao dahil dyan. me variety, me conflict, in short, me fun~~~~

    TumugonBurahin
  2. i agree with pusang kalye. that what makes our life exciting. differences.

    nice observations! :]

    TumugonBurahin
  3. waw! ganyan din ang pananaw ko..

    ang galing di ba?
    sa sobrang laki at dami ng pagkakaiba ng isang babae sa lalaki...
    nagagawa nilang magkaintindihan...

    POWER of LOVE. (???)

    :P

    TumugonBurahin
  4. i second demotion..hehehe kung walng differences ang babae at lalaki ang boring siguro ng mundo..hehehe

    TumugonBurahin
  5. ahaha. meron pang isa!!

    sang ayon naman ako sa mas sinungaling yung mga babae .hehe. tignan mo madaming babae ang magsisinungaling at idedeny na sinunagaling cla. hehe

    TumugonBurahin
  6. ayoko mag deny, sinungaling ako (ay,, nag sisinungaling n nman ako. lols =)))

    madami mang kaibahan, pantay pantay pa rin taung lahat. :D humihinga, sumasaya at nasasaktan. :D

    TumugonBurahin
  7. @PUSANG-kalye
    yeah....tama....yun din ang katotohanan na hindi tayo perpekto..need natin ang isa't isa para punan ang kakulangan natin... :)

    @jeszieBoy
    yeah...may tama ka... :D

    @gege
    uu nga eh...para yang complementary angles...kailangan ng bawat isa to make a perfect right angle... :)

    @♥superjaid♥
    ahehehe...minsan mappaisip ka din...need p ba ng mga gays and lesbians...eh yung lalaki at babae nga magkaiba na...yung gays at lesbians ba...ang dami ng differences lalo... ;D

    @kikilabotz
    ahahaha...natawa ako dun ah... pero minsan totoo nga yun... tpos ang reply mo na lng sa kanya..."ok, sabi mo eh"... ahahaha...

    @kox
    ...may kulang ka pa...at syempre nagmamahal... :)

    TumugonBurahin
  8. talagang magkaiba ang lalaki at babae lalo sa panlabas na kaanyuan..pero minsan sila ay nagkakapareho..nagkakapareho ng admiration and desire, hehe..

    4 of 5..kung sakali may lumabas na album ng isang singer o banda na ako ang nag compose ng ilang kanta ay hihikayatin kita na bumili..

    TumugonBurahin
  9. marami mang pagkakaiba, pantay pa rin sila sa dignity at human rights.

    TumugonBurahin
  10. 'mas madaming babae ang mukhang pera at mas madaming lalaki ang manyakis' - natawa ko dito. hahahaha.

    TumugonBurahin
  11. @Arvin U. de la Peña
    yeah...sure...:)

    @Glampinoy
    human rights? dignity? dapat pantay tlaga yun...ewan ko lng ba sa pinas kung meron pa nyan... :D

    @austenfan
    ahehehe...at yun ang napansin nya.... ahahaha... pero totoo yan di ba?... aminin... ahahaha... :D

    TumugonBurahin
  12. pareho kami ni austenfan, "mas madaming babae ang mukhang pera"- sabagay tama naman, isa ako dun e. haha.

    "ang babae, ay nagpapakasal dahil umaasa sya na magbabago si lalaki..."

    dagdag ko lng, sadyang martir ang mga babae. :D

    TumugonBurahin
  13. basta ang sa akin, masarap ang buhay lalake kapag maraming mga magagandang babae!

    *intro "Palibhasa Lalake" theme song*

    hehe

    TumugonBurahin
  14. @KESO
    ahehehe...si lalaki naman umaasa na Hindi magbabago si babae, and yet nagbabago ito...ahehehe...

    ang idea is yung mga expectations natin hindi tlaga nangyayari... pero nakukuha natin silang tanggapin dahil mahal natin sila... :D

    @manik_reigun
    yeah yeah...aprub! ^_^

    TumugonBurahin
  15. Wow lam mo bang isa to sa gusto kong isulat noon pa.. So hindi tayo nagkakalayo ng iniisip..;D

    Marami rin namang magagaling na babae pero hindi lang sila nabibigyan ng special recognition like most men. On top of that, very well said.. pareho tayo ng pananaw, sa lahat ng sinabi mo agree ako, especially sa multi tasking. Maliban lang sa libido between man and woman.. Lalake ang mas mataas nito. Maliban na lang kung may bagong pagsusuri nito..haha. Pambihirang hormone! Mas marami lang siguro talaga ang babae sa mundo kaya nasabing mas mataas sa kanila.

    "women are considered as the most manipulative, cunning, deceptive creatures on the face of this earth" - oh mai gah! ahahaha! natawa ko dito. kahit kasi sa mga hayop na babae (literal na hayop ha!). la lang. lalake din. hindi lang halata..lolz

    That's the beauty of two different existing beings on earth, with all those differences nagkakasundo sa maraming bagay.

    Cheers to this post!

    TumugonBurahin
  16. girls over boys or boys over girls! anyway they both become one naman eh designed by God.

    They both can'y live without each other no matter what!

    TumugonBurahin
  17. @dylan dimaubusan
    ahehehe...kitam pati iniisip ko naiisip mo na ahahaha...baka ikaw nmn ang babaeng version ko... o ako ang lalaking version mo... ahehehe...

    dun sa usapang libido hindi na ako magkokoment ulit baka bigla na lang akong mabatukan dito...pero yun naman ay batay sa mga ilang kuro kuro at opinyon na nabasa ko inde pa nmn ako nakakapagkonsult sa mga expert... ahahaha...

    yeah,...sa kabila ng mga pagkakaiba...nagkakaisa naman sa puso...ay cheeesssy... ahahaha.. ;D

    @iya_khin
    yep yep...sabo nga...no man is an island.... :D

    TumugonBurahin
  18. Ginawa talaga ng Diyos na maraming pagkakaiba ang lalaki sa babae kung di e wala ng excitement sa buhay kung pareho kayo.

    TumugonBurahin
  19. men simple love women... ba' t nde koh maramdaman?! ahehehe.... lab 'ur entry... dme mong pinoint out... so na-speechless akoh... ahaha.... two different kind of creature... a lot of times exactly opposite... but they chose to love each other.... 'naks... ingatz lagi kuyah... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  20. Hello po! napadaan lang at magcocomment.

    I-rerelate lang ang point na "Mas madaling makuntento ang mga lalaki kumpara sa mga babae" sa "Women are sexually aggressive than men". Madaling makuntento ang mga lalaki at mapaghangad at agresibo sexually ang mga babae kaya ba madalas nasa ibabaw ang babae kapag nagsesex? Hahaha. ano ba iyang iniisip ko!

    TumugonBurahin
  21. @Anney
    yups...tama...sabi nga...opposite attracts... :D

    @Dhianz
    promis...mararamdaman mo din yan...baka nanjan lng ayaw mo lang pakiramdaman... :D

    @Patricia ♥ Ashika
    ahahaha...aliw! natawa ako dun ah... pero yan sinasabi mo inde ko pa yan napapatunayan... pero hindi ko na din siguro nanaisin na mapatunayan...mahirap na at bka mabugbog pa ako... ahahaha...

    wooot...salamat sa pagdaan... ;)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...