Lilok
By SuperGulaman
Download Word file: Click Here
Paunang Salita
Ang akdang ito ay tungkol sa mga pangyayari sa buhay ni Marie at Lita. Ang buhay na puno ng pagmamahal, dusa sakit at pag-asa na limililok sa kanilang pagkatao. Ang unang bahagi ng akdang ito ay batay sa kwento ni Marie at sinundan naman ng kwento ni Lita. Ang akdang ito ay kathang isip lamang ng may-akda. Anumang bahagi na may pagkakahawig sa tunay na buhay at iba pang kwento ay hindi sinasadya. Pinapaalalahanan ang lahat na mayroong ilang bahagi sa akdang ito na lubhang maselan sa mga batang mambabasa.
Ako si Marie. Tubong Paete, Laguna. Oo nga pla, ito naman ang kapatid ko, si Lita. Dalawa lang kaming magkapatid kung kaya labis ko syang minamahal at khit kailan hinding-hindi ko siya pababayaan.
Natatandaan ko pa noong mga nasa ika-anim na gulang pa lang ako at si Lita naman ay apat na taon na din noon. Palagi kaming pinapasyal ni Itay at Inay sa dagat. Doon masaya kaming nag-pipicnic. Gustong-gusto ko ang dagat. Malamig ang hangin, mainit ang tubig, kasing init ng pagmamahal ng aking pamilya. Simple lang ang buhay namin noon pero khit papano masaya naman kami. Kahit wala kaming gaanong laruan noon, nakakasya na kaming maglaro ng mga papel na ginupit-gupit. Si Itay simpleng trabahador lang ng isang sikat na iskultor na si Mang Kadyo. Si Itay ang naghahatid ng mga nalililok na pigura sa mga simbahan at iba pang kliyente. At si Inay naman, siya ang nag-aalaga sa amin. Isang simpleng maybahay ang Inay. Simple lang din ang buhay namin noon at salat sa ibang bagay pero kahit salat kami sa mga bagay na iyon, punong-puno naman kami ng pagmamahal sa isa't isa. Pinag-aral din kami ni Inay at Itay noon. Ito kasi ang gusto ni Itay, ang makapagtapos kaming dalawang magkapatid. Ang saya nga noong una akong pumasok sa paaralan, maraming kaibigan, maraming kalaro. Ito yung mga panahong ayaw ko na sanang matapos, pero...
Nasa ikalawang taon na ako ng hayskul noong nagsimulang mawasak ang masaya naming pamilya. humahangos ang Inay noon sa aming paaralan nang sunduin nya ako. Naaksidente daw ang Itay, kritikal. Bumanga daw ang sinasakyan ng Itay sa isang truck noong nag-deliver sila ng mga nililok na santo na naging dahilan ng pagkahulog ng kanilang sasakyan sa bangin. Halos manlumo ako nung oras na iyon. Sa ospital, sa simbahan tuloy ang dalangin namin ni Inay na sana mailigtas ang Itay. Pero hindi pa lumipas ang maghapon ay tuluyan ng nagpaalam ang Itay. Nawala na sya, nawala na din ang aming mga pangarap.
Ilang araw ang burol ng Itay, ilang araw din ang hinagpis nmin ng Inay. Wala din kaming pera noon dahil tanging si Itay lang naman kasi ang naghahanap buhay sa amin. Buti na lng may mga kapitbahay kaming handang tumulong. Ang mga pamilya naman nila Itay at Inay ay masyadong malayo sa amin at wala kaming balita sa kanila. Malungkot at mahirap ang mga pangyayaring iyon ngunit nairaos pa din namin ang libing ni Itay.
Matapos ang libing ni Itay, namumugto pa din ang mata ni Inay. May mga pagkakataon na tulala sa kawalan. Sa may balkonahe, lumapit ako kay Inay, niyakap ko sya ng mahigpit at sinabing kaya natin ito. Ngumiti ang Inay, ngiting hindi puno ng kagalakan kundi ngiting puno ng hinagpis at pag-asa.
"Anak, ‘wag kayong mag-alala, magtratrabaho ako para sa atin...pra sa inyo,” mahinang wika ni Inay.
"Nangako ako sa inyong Itay na hinding-hindi ko kayo pababayaan,” dagdag pa niya.
Makailang saglit pa ng aming pag-uusap na iyon, may kumatok sa pinto...
"Tok tok"....
Dagli kong binuksan iyon, at si Mang Kadyo. May mga dalang pagkain at iba pang gamit.
"Alam kong maliit na bagay yan, sa pagkawala ng Itay mo, pero alm kong makakatulong yan,” wika ni Mang Kadyo.
Dagdag pa nya, "Minda alam kong kailangan mo ng trabaho ngayon, kung gusto mo, dun ka na lang sa akin magtrabaho."
Malungkot ang mga mata ni Inay ngunit bahagya syang tumango.
"Ako'y aalis na, Minda maaari ka ng magsimula sa Lunes kung kaya mo na. Oo nga pla, kunin mo muna ito ,panggastos ninyo. Wag kang mag-alala hindi yan utang, bigay ko yan pra sa inyo.,” sabi ni Mang Kadyo.
At yun lang umalis na din si Mang Kadyo....
Mabilis lumipas ang panahon. Halos dalawang taon na din ang nakaraan ng iniwan kami ni Itay. Nasa ika-apat na taon na ako kolehiyo ngayon at si Lita naman ay second year high school na. Pero kung dati-rati masaya akong umuuwi sa bahay, ngayon ay labis akong nag-alala kay Inay. Lagi ko na lang sayang nadadatnang puno ng pasa ang mukha at umiiyak. Ang dahilan...Si Mang Kadyo....
Niligawan ni Mang Kadyo si Inay noong nagtratrabaho pa ito sa kanya at yun na nga at dahil na din siguro sa matinding kahirapan namin at alok na pagpapakasal ni Mang Kadyo, pumayag na din sya. Noong una, wala naman kaming problema kay Mang Kadyo, mabait siya tulad ng Itay. Binibilhan nga niya kami noon ng mga manika at magagandang damit. Ngunit kahit anu pa man hindi pa din ako sang-ayon bilang kapalit niya sa aking Itay. Subalit pumayag na din ako sa kanilang pagsasama sa pakiusap ng Inay at para sa kinabukasan namin ni Lita.
Masakit para sa akin na nakikitang nasasaktan ang Inay. Isang araw, pag-uwi ko sa bahay, hindi ko nakita ang Inay bagkus nandoon si Mang Kadyo. Tinanong ko sya,
"Nasaan po ang Inay?"
"Ang nanay mo? Pumunta lang sa bayan, may biniling gamit para dito sa mga kahoy,” sagot niya.
Pagkatapos ng sandaling iyon, dumiretso na ako sa kwarto para magbihis. Mag-aalasais na din ng hapon noon pero hindi pa din bumabalik ang Inay. Nag-aalala na ako, lumalakas na din ang buhos ng ulan at maya-maya pa dumating na din si Lita. Tinanong ako ni Lita, pero sinabi ko na nasa bayan ang Inay. Noong puntong iyon, mula sa silong ng bahay, nagulat na lang kmi ng sumabat ang aming Amain sa aming usapan.
"Mukhang may bagyo yata ngaun, malamang bukas pa makakauwi pa ang nanay nyo,” singit niya.
“Halika nga dito Lita at tulungan mo akong isilong itong mga kahoy,” tawag niya kay Lita.
Mga alas-7 na noon matapos ang pagliligpit nila at ako nmn tapos na din magluto. Handa na kming kumain.
Habang kumakain…
"Pagkatapos mong kumain Lita, bumili ka ng gas sa kabilang baranggay at sigurado mawawalan ng ilaw mmya,” utos ng aking Amain.
Tumutol ako, "Bakit hindi na lng kayo ang bumili, masyado ng gabi at malayo ang kabilang baranggay."
Dalawang oras kasi halos ang patungo sa kabilang baranggay at wala na ding sasakyan kapag ganoong oras, kung kaya obligado talaga na maglakad.
Ngunit ang sabi nya, "May hinhabol ang order ngayon, at sino naman ang gagawa nun?"
"Ako na lng ang bibili,” tutol ko.
"Hindi pwede, may papatulong ako sa’yo mamaya,” aniya.
Ilang saglit pa umalis na din si Lita. Tinawag na din ako ni Mang Kadyo sa silong para magpatulong. Kinukuha ko na ang mga gamit sa paglililok ng isinara ng aking Amain ang tarangkahan ng silong. Inisip ko na baka lumalakas lang ang hangin kaya nya isinara. Pero nagulat na lng ako ng bigla niya akong sunggaban. Pilit akong nanlaban ngunit wala akong nagawa. Nagmakaawa ako sa kanya, ngunit isa syang bingi na hayok na hayok sa laman. Pinagpasasaan niya na ang aking murang katawan. Tanging ang mga santong nililok ang piping saksi sa kahayupan ng akin amain.
Matapos ang masaklap na pangyayaring iyon, wala pa din ang inay. Ilang araw at linggo ang lumipas ngunit wala pa din siya. Isang gabi ng malakas ang ulan, alam ko na aking sasapitin at katulad ng kinagawian paaalisin niyang muli ang aking kapatid para bumili ng gas sa kabilang baranggay pero ngayon hindi na ako tumutol. Ayokong sapitin din ni Lita ang kanyang kahayupan.
Bago umalis si Lita, kinausap ko muna siya habang abala si Mang Kadyo sa pag-aayos ng gamit sa silong.
"Wag kang bumili ng gas, dumiretso ka sa parke, hintayin mo ako doon mamaya,” bulong ko kay Lita.
Hindi ko n sya hinayaang magtanong at agad ko na syang pinaalis. Alas-otso na nun ng pinababa ako ng aking amain. Muli, isinara niya ang pintuan.
"Mabuti naman at hindi na matigas ang ulo mo ngaun,” sabi nya.
"Nasaan na po ang Inay, bakit hindi pa siya bumabalik,” tanong ko.
"Ang Inay mo?!, Hindi na babalik yun! Nandoon na siya ilog, kinakain na siya ngaun ng kung anu-anong mga hayop,” sabi ng kanyang mala-dimonyong tinig.
Halos, madurog ang puso ko ng mga sandaling iyon. Patakbo na ako patungo sa pinto ng bigla niya akong haltakin. Umiiyak ako, magsusumbong na ako sa kinauukulan.
"Hinahanap mo ba ang nanay mo?! Ito sya,” ngumingising sabi niya.
Binuksan niya ang drum na dating pinaglalagyan ng mga natasang kahoy. Nakakasulasok ang amoy, pero sinilip ko pa din. Nandun ang Inay, wala ng buhay. Ang aking lakas tila hinigop ng lupa. Nanlumo ako sa natunghayan at hinayaan ko ang amain na muli niya akong pagsasaan.
Umiiyak ako sa sulok matapos ang dusang iyon, pero hindi na ito dahil sa takot. Umiiyak ako dahil sa gagawin ako. Makailang sandali pa hawak ko na ang piko, dumiretso ako sa kwartong kanyang pahingahan. Hindi na akong nagdalawang isip pa. Ipinalo ko iyon sa kanyang ulo, sa kanyang katawan, maraming beses. Nagmakaawa siya ngunit para abang wala akong nadinig hangang tuluyan na nga siyang hindi gumalaw.
Nagpalit ako ng damit. Bitbit ang paying at pumunta na ako sa parke. Nandun si Lita. Niyakap ko siya, mahigpit na mahigpit. Pumunta kami sa simbahan, sa simbahan na kung saan nandun ang mga santong nililok ng aking Amain.
Maganda ang umaga ngayon, hindi katulad ng dati noong nasa Paete pa kami ni Lita. Matagal na din ang panahon matapos ang walang katulad na pangyayaring iyon sa buhay naming, sa buhay ko. Nasa Maynila na kmi ngayon. Sa katunayan si Lita ay nasa ikalawang taon na din ng kolehiyo. Dalawang taon na lang din at makakatakas na sya sa kahirapan ng aming buhay. Ako? hindi ko na din naipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sayang nga eh, pa-graduate na ako sana noon sa hayskul. Pero para saan pa kung maka-graduate man ako, sira na ako, sirang-sira na...
Halos dalawang taon na din ako dito sa aking trabaho. Dito konting sayaw lang, konting giling, konting bola sa mga customer sigurado paldo na ang bulsa ko. Pero syempre mas malaki ang kita kung makakatiyempo ka ng customer na mayaman at gusto kang i-take home. Ito yung inaabangan namin ng mga tulad ko. Mahirap ang buhay ng mga tulad namin ngunit kailangan kong magsakripisyo eh, hinding-hindi ko papayagan na mapariwara din ang buhay ni Lita tulad ko. Kung dati-rati halos isuka ko ang aking buong pagkatao sa aking kinasapitan, ang pagkasira ng aking pagkababae at dangal, ngayon tila ba ito na ang buhay ko. Ang bawat halik at yakap ng katawan ni Adan ay tila ginhawa na aking inaasam. Ang bawat indayog sa saliw ng mga matatamis na pangako ng mga lalaking puno ng pagnanasa ay pumapawi sa aking kawalang halaga. Ang bawat pagniniig na tila bagang bumubuo ng nadurog kong mga pangarap. Ngunit hindi ito ang gusto ko, hindi ito ang pangarap ko.
"Kapag nakaipon na ako at nakapagtapos na si Lita, aalis na ako sa maduming lugar na ito, sana, sana..."
"Hi! I'm Marie, anong pangalan ng lalaking mukhang misteryoso?,” landi ko sa isang customer.
"I'm Ron, nice meeting you,” simple nyang pagpapakilala
Ganito kami nagkakilala ni Ron sa bahay-aliwan na nagsisilbing paraiso ng aking pangarap. Ang totoo niyan hindi lang mukhang misteryoso si Ron, totoong misteryoso talaga siya. May mga paniniwala siya na salungat sa paniniwala ng madami. Pero may mga punto siya sa mga bagay na pinaniniwalaan nyang tama.
Niligawan ako ni Ron at sa paglipas ng panahon, nahulog na din ang loob ko sa kanya. Sa maikling panahon ng aming pagkakakilala, nakilala niya ako ng lubusan. Tinangap niyang lubos ang aking nakaraan. Makalipas ang tatlong taon, nagpakasal kami. Si Lita naman nasa America na, isa na sayang ganap na nurse.
Naging masaya ang unang tatlong buwan ng pagsasama namin ni Ron ngunit pauti-unti ay nagbabago siya sa tuwing kami ay magniniig. Tila ba nakukulangan sa paghahanap ng kaligayahan. Kung dati-rati ay kuntento na sya limang oras ng pagtatalik, ngunit ngayon nagmimistula na siyang hayop sa paghahangad ng matinding kaligayahan. Sa paghahanap ng kaligayahang iyon, humantong kami sa kakaibang pagpapaligaya. Ginapos na niya ako sa kama. Pinapalo ng sinturon habang nagniniig. Sa kabila niyon hindi ko din maipaliwanag ang sensasyong nadama. Parang nagustuhan ko pa.
"Sige, lakasan mo pa! ugggghh!,” hiling ko sa kanya.
Puro pasa na ang aking katawan ng ako'y kanyang kalagan. Kumuha siya stick ng sigarilyo at sinindihan. Makailang saglit pa ay itinarak nya ang baga ng sigarilyong iyon sa aking dibdib. Mahapdi, masakit pero masarap, kakaibang sarap at muli hinagkan niya ako, halos mapunit ang aking mga labi sa tindi ng kanyang kagat. Niyakap ko sya ng mahigpit at binulong,
"Ang sinturon, ihataw mo sa likod ko.."
Ang sarap ng pakiramdam, kakaiba. Matapos ang buong magdamag, ito ako. Hindi makatayo sa sakit ng katawan, pero masaya ako, hindi ko maipaliwanag. Si Ron wala na sa tabi ko, umalis sya at tumungo sa trabaho. Kailangan ko pa palang bumangon at maghanda para sa kanyang pagbabalik at isa na naman nakakapanabik na pagniniig. Thumbtacks, blade, sinturon, sigarilyo, sapat na siguro ito para sa kaligayahan ko.
Lilok: Ang Kwento ni Lita
"Lita, totoo bang uuwi ka na ng Pilipinas?,” tanong sa akin ni Annie.
"Kailangan eh, wala na din kasi akong balita kay Ate Marie. Matagal-tagal na din na hindi ko sya makontak. Anu na kaya ang nangyari sa kanya?,” tugon ko.
"Kailan ba ang alis mo?,” tanong ulit sa akin ni Annie.
"Sa makalawa siguro,” sagot ko.
Hindi ko alam ang aking nadarama ngayon, kung tuwa ito o kaba sa aking muling pag-uwi sa Pilipinas. At sa aking isipan naglalaro ang ilang mga ideya,
“Anu na kaya ang kalagayan ng ate ngayon? Sana maayos naman sya at walang problema kay kuya Ron...Hindi na din sana ako babalik ng Pilipinas sa dami ng pait ng aming naranasan sa Paete, kung hindi lang kay ate at kay Lance. Si Kuya Lance. Kamusta na kaya siya?"
Mahaba-haba din ang byahe at sapat na ang alaalang iyon at ang lamig ng eroplanong sinasakyan upang makatulog. Mahaba ang byahe tila ba binabawasan ng mga sandaling iyon ang aking pananabik sa pag-uwi at sa wakas nasa Pilipinas na ako. Hindi tulad ng ibang mga nagbabalikbayan, walang susundo sa akin at ang aking destinasyon ay ang bahay ni ate Marie.
Sa baggage area ng NAIA.
Habang kinukuha ko ang aking bagahe, may isang lalaking may hawak na dalawang-taong gulang na bata na kanina pa nakatunghay. Pamilyar ako sa lalaking iyon at hinihintay lang na ako'y lumingon at sa pag-angat ng aking ulo, nabigla ako.
"Kuya Lance!,” napasigaw ako.
"San ka galing? Kamusta ka na?,” sunod sunod na tanong ni Lance.
"Ito, pupunta ako kila ate eh,” maikli kong sabi.
"Katulad ka pa rin ng dati, hindi ka pa din nakikinig sa mga tanong ko, ang layo ng sagot mo, hahaha!,” sabi nya.
Namula ang aking mukha sa sinabi nya. Mamaya-maya lang may dumatng na isang babae.
"Nagkakilala naman na kayong dalawa di ba?,” tanong ni Kuya Lance sa babae.
"Oo naman, kamusta ka Litz?,” sabi ng babae.
Pinilit kong alalahanin ang mukha ng babaeng iyon.
"Ate Lizeth?,” halos napasigaw kong tanong.
"Oo, ako nga!,” ngumingiti niyang sabi.
"Wow, ang ganda mo sobra, hindi kita namukhaan.,” sagot kong mulit.
“Ito nga pala ang baby namin ni Kuya Lance mo, si Riza.,” pagpapakilala ni Ate Lizeth.
"Say hi to Tita Lita, Riz,” wika niya sa bata.
"Hi tita Litz, you're so beautiful too like my mom,” pabulol-bulol na sabi ni Riza.
"O, paano Lita mauna na kami, medyo malayo pa din kasi ang biyahe namin papuntang Antipolo,” putol ni Kuya Lance sa usapan...
"Ay sige Kuya, Ate ingat kayo ha?,” sabi ko sa kanila.
"Ikaw din ingat ka, kamusta mo na lang din kami sa ate Marie mo,” sabi ni Ate Lizeth.
Sa kanilang pagtalikod, gusto kong umiyak. Hindi ko alam kung inggit ba ito kay Ate Lizeth o tuwa sa aming muling pagkikita ni Kuya Lance. At sa mga sandaling iyon bumalik ang mga alaala ng nakalipas na panahon.
Si Kuya Lance, kaklase siya ni ate Marie noong highschool. Siya din ang tumulong sa amin na makaalis sa Paete at magkaroon ng matutuluyan sa Maynila dahil sa ginawang pagpatay ni ate sa aming Amain. Malaki talaga ang utang na loob namin sa kanya sa kabila ng mga pinagdaanan namin noon. Noon pa man sobrang minahal ko siya, si Kuya Lance. Hindi ko maunawaan ang nadarama ko ngayon.
"Dapat ako ang nasa kalagayan ni Ate Lizeth, dapat akin ang pagmamahal na iyon, bakit ganito? Bakit ako nag-iisa?,” bulong ng aking isipan.
Kasabay n'yon, ang pagpatak ng mga luha.
Matapos ang mga pangyayari sa Paete, naging magkapitbahay kami dito sa Maynila nila Kuya Lance. Second year College na ako noon ng maging kaibigan at maging close kami. Nasa ika-apat na taon na din siya noon sa kolehiyo. Lagi akong tumatambay sa kanila dahil wala namang tao sa bahay at ako lang ang mag-isa doon. Pumapasok kasi si ate sa trabaho. Simple lang ang buhay nila Kuya Lance, pero medyo mahirap. Nag-aaral kasi sya at nagtratrabaho ng sabay kaya nga sobrang bilib ako sa taong iyon. Walang bisyo, hindi marunong manigarilyo o uminom ng alak. Nakakatuwa nga eh, pati manligaw ng babae hindi siya marunong. Tanging pamilya lamang ang kanyang prayoridad ng mga panahong iyon.
Marso ng taong 2003, naka-graduate na din si Kuya Lance at iyon din ang buwan ng kanyang kaarawan. Gusto ko nga syang bigyan ng malaking selebrasyon pero wala din akong pera. Gabi ng kanyang kaaarawan, inimbita ako ni Kuya Lance na sa kanila na mag-hapunan. Magpapansit daw sya kahit papano at dahil wala namang bisita at tanging mga kapatid niya lamang at ako ang nandoon, inaya ko siya na uminom.
"Hindi nga ako umiinom di ba?,” tutol nya.
"Minsan lang naman eh, tsaka ako na lang ang bibili, may sobrang pera naman na binigay si ate Marie eh,” pamimilit ko...
At dahil sa sobrang kulit ko, napapayag ko din sya. Masarap kainuman si Kuya Lance, madami syang kwento, makulit din sya. Talagang na-iinlove na ako ng sobra sa mga sandaling iyon. Halos hating-gabi na, nalasing na din ako sa dami ng nainom ko at aksidente kong natabig ang baso, mabilis kong hinabol iyon upang hindi mabagsak, ngunit mas mabilis ang kamay ni Kuya Lance, nasalo nya iyon. Sa pagkakataon iyon, halos magkalapit na din ang aming mga mukha. Nagkatitigan... Matagal.... Hindi na ako nakatiis at hinagkan ko ang kanyang malalambot na labi. Gumanti din sya ng mahigpit na siil. Kakaiba ang damdamin ngunit bigla syang bumitaw at nagsabi ng "sorry". Makailang saglit pa, nagliligpit na siya ng aming pinag-inuman.
"Sandali lang Lita illigpit ko lang ang mga ito, ihahatid kita sa inyo...mahirap na baka mapagtripan ka dyan sa kanto,” sabi ni Kuya.
Maya-maya lang, nasa loob na kami ng bahay, inakay nya ako papasok sa kwarto. Hindi ko maunawaan ang aking sarili ng mga sandaling iyon. Tila hinahanap ko ang halik na kanina'y biglang naputol. Hinatak ko sya at muling hinalikan.
Nakatakda ang mangyayari, hinagkan ko siya ng buong diin. Ginantihan niya din ako ng isang halik na kahit sa pagnaginip ay hindi ko marating. Kakaiba ang kuryente na dumadaloy sa aking pagkatao ng sandaling iyon. Napapapikit na lamang ang aking mga mata sa mga halik niya. Nahihibang sa malalambot na mga labi na aking hinangad na matikman. Wala itong kasingsarap na tila ba umaanyaya sa susunod na eksena. Namalayan ko na lamang pababa na sya sa aking dibdib, hinahagkan niya iyon at gustong maangkin. Ilang sandali pa pawang wala na ang saplot ng aming katawan, hubad na pareho at handa ng magpatuloy kahit saan man humantong. Dumagan siya sa aking manipis na katawan ngunit hindi ko maramdaman ang bigat ng pagkakadagan. Hinawakan niya ng marahan ang aking pinakakatatagong kayamanan. Bahagya niya ding hinawi ang aking mga binti na bantay ng kayamanang iyon. Hudyat na iyon upang papasukin siya sa kaibuturan ng aking pagkababae. Tumitindi na ang init ng sandaling iyon, hindi ko din alintana kung ano ang kahihinatnan ng tagpong iyon. Masakit ang kanyang pagtatangkang pagpasok sa aking pinakakaingatan kayamanan. Ito din kasi ang unang pagkakataon na makadama ng kakaibang kaligayahan. Gusto kong ipagpatuloy nya iyon sa kabila ng sakit na aking nadarama. Hinatak ko siya at niyakap ng buong higpit, napabulong ako,
"Kuya, masakit."
Sa pagkasabi ko niyon, para syang nabuhusan ng malimig na tubig sa kanyang ginagawa. Tumigil siya na tila ba nagulat sa krimeng nagawa. Mabilis na nagbihis at mangiyak-ngiyak na humingi ng paumanhin.
"Sorry Lita, hindi ko sinasadya.,” wika nya...
Saglit lang iyon at nasa pintuan na siya.
"Lita, isara mo ang pintuan ng maiigi, hindi naman uuwi ngayon ang ate mo ano?,” tanong nya.
Tumango lang ako habang balot ng kumot na kanyang inabot habang sya ay nagbibihis. Pagka-alis nya, isinara ko ng maiigi ang pintuan at inaalala ang kaligayang pinagsaluhan.
Kinabukasan...
Kabado na ako dahil sa nangyari ng gabing iyon. Hindi ko alam kung may mukhang maihaharap pa ako kay Kuya Lance. Mabilis akong nagbihis patungo sa Unibersidad na aking pinapasukan. Alas-singko ng hapon, tapos na ang klase ngunit hindi ko alam kung saan ako tutungo. Nakagawian ko na din kasi ang tumambay kila Kuya Lance...
"Paano na kaya ngayon,” bulong ko sa aking sarili.
Hindi pa man ako ganap na nakalalabas sa gate ng paaralan, may anyo na ng pamilyar na lalaki akong natatanaw.
"Kuya Lance! Bakit ka nandito?,” tanong ko...
"Ito sinusundo ka, kailangan nating mag-usap,” diretso nyang sagot.
Pumunta kami sa isang foodchain para makapag-usap ng masinsinan.
"Paano na Lita? kailangan panagutan ko ang ginawa ko sa iyo kagabi,” seryoso nyang sabi.
"Ano ka ba Kuya, wala yun 'no. Virgin pa din naman ako di ba?,” natatawa kong tugon.
Mahaba ang aming napag-usapan sa bagay na iyon. Gusto niya akong pakasalan dahil sa pangyayari ngunit tumanggi ako. Tumanggi ako hindi dahil ayaw ko syang makasama. Tumanggi ako hindi dahil hindi ko sya mahal. Wala akong minahal sa buong buhay ko kundi sya lamang, hanggang ngayon. Tumanggi ako dahil ayaw kong sirain ang pamilya nya, masira ito ng dahil sa akin. Ayaw kong maging dagdag sa pasanin nya noong mga panahon na iyon. Mahal ko si Kuya Lance, mahal na mahal.
Malungkot kaming naghiwalay pagkatapos ng tagpong iyon. Hindi na din ako nagpakita sa kanya pagkatapos ‘non. Nagpaalam ako kay ate na mag-be-bed space na lang sa malapit sa paaralan. Pero dahilan ko lang din yun upang hindi na ako masundan ni Kuya Lance. Mabuti na din siguro iyon upang hindi ako maging sagabal sa mga pangarap nya. At ng sumunod na taon, lumipat na din ako ng paaralan. Kasabay niyon ay inaya ko din si ate na lumipat ng matitirhan. Pumayag naman sya lalo pa't ang bahay na aking napili ay malapit sa kanyang pinagtratrabahuan na club. Nagsunog ako ng kilay sa pag-aaral. Subsob para makapagtapos. Para maipagmalaki ang sarili sa mundo. Para kay Kuya Lance.
Mabilis ang galaw ng oras, graduate na ako at isa na ding ganap na nurse at handa na akong humarap kay Kuya Lance, handa na ding tanggapin ang maaaring alok na kasal.
Dinalaw ko sya sa kanilang dating tirahan.
"Tao po, tao po. Kuya Lance? Kuya Lance?,” hiyaw ko sa harap ng kanilang pintuan.
Bumukas ang pinto, isang mukha ng babae ang dumungaw. Maganda ang hubog ng mukha ng babaeng iyon sa kabila ng simple nyang pananamit.
"Nadyan po si Kuya Lance?,” tanong ko.
"Ei si Lance, nasa work pa eh pero padating na din yun, tara pasok ka...,” pag-aaya ng babae.
Pinaliwanag ng babaeng iyon na sya lang ang naiwan sa bahay dahil nasa probinsya ang nanay at mga kapatid ni Kuya Lance. Sinabi din nya na siya si Lizeth, ang girlfriend ni Kuya Lance. Halos madurog ang aking puso at kainin ako ng lupa sa aking narinig ng mga sandaling iyon. Gusto ko na sanang umalis at maglaho sa aking kinauupuan pero naging matatag ako at naghintay. Madaming kwinento si Ate Lizeth tungkol sa mga pangyayari sa buhay ni Kuya Lance. Sa katunayan natuwa din ako habang nakikipagwentuhan ako sa kanya. Magaan ang loob ko sa kanya sa kabila ng siya ang aking kaagaw sa pagmamahal ni Kuya Lance.
Maya-maya lang dumating na si Kuya Lance at parang katulad ng dati, noong hindi pa nangyayari ang tagpo ng gabing iyon, naging ganoon ang kanyang bati, pagbati ng isang kapatid, pagbati ng tuwa para sa isang kaibigan.
"Nurse ka na di ba Lita? Congrats ha?,” tanong ni kuya Lance.
"Oo Kuya, salamat,” maikli kong tugon.
"Liz, naaalala mo yung kwinento ko sa iyo dati? Siya yun,” baling ni Kuya Lance kay Ate Lizeth
Tumango lang si Ate Lizeth sa sinabi ni Kuya. Pinaliwanag din ni Kuya Lance na alam ni Ate Lizeth ang lahat ng tungkol sa kanya, alam pati ang nangyari ng gabing iyon. Noong una hirap din daw na tanggapin ni ate Lizeth ang nanyari. Pero yun nga, dahil iyon sa epekto ng alak, kaya nya iyon nagawa. Doon ko din napatunayan kung gaano siya kamahal ni Ate Lizeth at kung gaano niya kamahal si Ate Liz. Doon ko din napagtanto na hindi talaga kami para sa isa't isa at kailangan kong maging masaya para sa pagmamahalan nilang dalawa. Mahal ko si Kuya Lance, totoo yun at magsasakripisyo ako para sa kanya. Masaya ako basta siya din ay maligaya.
Masaya akong nagpaalam sa kanila sa kabila ng malungkot kong nadarama.
At ngayon sa aking muling pagbabalik sa Pilipinas, masakit pa din ang markang nalilok sa aking puso. Siya pa din ang hinahanap ko, ngunit hindi pwede ito. Kailangan kong tumayo, kailangang maging matatag.
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan sa bahaging iyon ng paliparan, hinawi ang mga luhang dulot ng masakt na nakaraan, lumabas ako sa paliparan, pumara ng sasakyan at ang aking destinasyon ay ang bahay ni Ate Marie.
Mahaba ang byahe patungo sa bahay ni Ate Marie, nakakainip. Ngunit kasabay ng pagkainip na iyon ay nanalangin na sana ay maayos siya at walang sakit. Makaraan ang limang oras na byahe, nasa pintuan na din ako ng bahay.
"Ate Marie?? Tao po, Ate Marie?? Tao po...,” tawag ko.
Ilang saglit lang bumukas ang pinto. Isang babaeng tila namumugto ang mata ang dumungaw mula sa pintuan.
Isang malungkot na mukha ang tumambad sa akin sa aking harapan ngunit hindi iyon ang mukha ni ate Marie.
"Rose?, ikaw ba yan?,” tanong ko.
Biglang yumakap sa akin si Rose at impit na umiyak.
"Ate, wala na ang kuya Ron,” aniya.
Si Rose ang nag-iisang kapatid ni Ron, ang kinakasama ni Ate Marie.
"Nasaan na siya? Nasaan na din si Ate Marie?,” sunod-sunod kong tanong.
Pumasok kami sa loob ng bahay at doon nag-usap. Pinaliwanag niya na katatapos lang ng libing ni Kuya Ron at si Ate Marie naman ay halos isang linggo na din daw sa Ospital.
"Paano namatay si Kuya Ron, anong nangyari?,” tanong ko ulit kay Rose.
"Nagpakamatay si Kuya,” humihikbing sagot ni Rose.
Hindi ko na sya tinanong sa iba pang detalye dahil alam kong masakit sa kalooban iyon.
"Saang ospital dinala si ate?,” tanong ko ulit sa kanya.
"Ate nasa National Center of Mental Health si ate Marie,” wika niya.
Nagulat ako sa tinugon ni Rose. Naitanong ko na lang sa aking sarili,
"Paanong nabaliw ang ate ko? Paano?"
Hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama ng sabihin niya iyon at ayaw kong maniwala ngunit nag-aalala man, tinungo ko pa din ang ospital.
Sa Psychiatric Ward...
Kitang-kita ko kung paanong magwala ang Ate at pigilin siya ng mga doktor at nurse. Hindi na siya katulad ng dati na masayahin sa kabila ng dusa at paghihirap na kanyang pinagdaan. Bakas sa kanyang buong katawan ang mga pasa at mga pilat na hindi ko alam kung saan nagmula. Hindi na kami pinatuloy ng Head physician na lumapit at makita ni Ate. Nagkasya na lang kami na tignan siya mula sa bintanang salamin ng kanyang kwarto. May iniabot na video tapes ang doktor na iyon sa akin. Ibinigay daw sa kanila iyon ng mga pulis. Nakuha daw nila yun noong araw na magpakamatay ang Kuya Ron sa tabi ni Ate Marie. Ibinalik iyon sa kanila dahil maaring makatulong ito sa pagpapagaling ng ate. Sinabi sa akin ng Doktor na lubhang maselan ang naging kalagayan ng Ate kung kaya matatagal pa na manumbalik ito sa normal. Hawak ang video tapes, muli akong nagtanong
"Dok, ano po ang laman nito?"
Sinabi niya na ang video tape na iyon ang magsasabi ng tunay na nangyari at kalagayan ni Ate Marie. Ito din daw ang magpapaliwanag kung paano namatay ang kinakasama nya, si Kuya Ron. Pinalabas muna namin ng saglit si Rose upang mapanood ang sensitibong bagay na iyon.
Sa unang eksena pa lang, napaluha ako sa aking nakita. Isa iyong sex video nila Kuya Ron. Kasabay ng pagtatalik na iyon, doon ko din nakita kung paano nila hithitin ang drogang pinapagulong mula sa palara. Kitang-kita ko din kung paano hatawin ng sinturon ni Kuya Ron si Ate Marie at sa pagitan ng bawat palo, hinihiwa niya din ng patalim ang balat ng Ate. Tinitusok ng thumb tacks ang likod ni ate Marie, at kung anu-anong bagay ang pinapasak sa kanyang pagkababae. Mistula silang mga wala sa katinuan sa tagpong iyon. Napapangiwi si Ate Marie sa bawat latay ng bakal ng sinturon ngunit parang hindi iyon sa sakit. Pinapalakasan pa nga niya iyon kay kuya Ron. Maraming sumisirit na dugo na tila halimaw na sinisipsip nila iyon. Ang bawat latay ng sinturong iyon ay para bagang isang nakakapanabik na sandali. May pagkakataon din sa video na nagpapalit sila posisyon. Si ate ang humahataw ng sinturon kasabay ang paghiwa ng patalim sa iba't ibang parte ng katawan ni Kuya Ron. Para silang asong ulol na nababaliw sa ligaya. Nandoon din ang pagpaso ng ningas ng sigarilyo sa dibdib ni ate. Napapaluha siya sa sakit ngunit makailang saglit lang tumatawa ito ng ubod ng sarap na mistulang langit ang kaligayahang nadarama. Kakaibang pagpapaligaya ang aking natunghayan, hindi makasunod ang damdamin at utak ko sa namamasdan. Mahaba ang oras na kanilang iginugol sa kanilang kaligayahan. Napahagulgol na ako sa kanilang ginagawa at hindi din ako makapaniwala. Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa. At sa huling eksena ng videong iyon, mkitang-kita ko kung paano putulin ni Kuya Ron ang mga daliri ng kanyang paa gamit ang isang sundang. Natutuwa siyang minasdan ang dugong simisirit. Hindi pa siya nakuntento, ginamit niyang muli ang sundang at pinutol nya ang kanyang pagkalalaki. Halos napasigaw siya sa sakit ngunit ang halakhak niya'y abot hanggang langit. Itinarak niya ang sundang sa sariling lalamunan. Wala ng tinig akong naulinigan at maya-maya lang, nakahandusay na siya at wala ng buhay. Nasa tabi pa din niya ang Ate ng sandaling iyon at hinihimod ang dugong kumakalat sa sahig. Ang ate, hindi umiiyak, nagsasalita na ng mga bagay na tanging sya lamang ang nakakalaam.
Huminto na ang video, ngunit patuloy pa din ang luha ko. Halos hindi ko na makayanan ang katotohanang iyon...
"bakit sila nagkaganoon?,” natanong ko sa aking sarili.
Pinaliwanag ng Doktor na si Ate ay biktima ng "sadomasochism". Tama pareho ng sadista at masokista ang Ate at si Kuya Ron. Bibihira lamang ang mga kasong iyon sa buong mundo. Dagdag pa doon ang pagiging durugista nila na lubhang nagpapalala ng kalagayan ng ate. Depresyon, traumatic experience ang maari daw naging sanhi niyon.
Umuwi kami ni Rose dala ang mabigat na pasanin ng puso. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi katulad noon na sa tuwing may problema ako, nandyan si Kuya Lance na handang maging sandalan ko. Litong-lito na ako ng mga sandaling iyon, parang gusto ko ng lumipad pabalik ng Amerika at kalimutan ang araw ng pagbalik ko sa Pilipinas pero paano ang ate Marie. Hindi ko siya pwedeng pabayaan, hindi pwede.
Malayo pa kami ngunit tanaw ko na ang mga taong naghihintay sa tapat ng bahay. Si Kuya Lance at Ate Lizeth kasama din ang kanilang anak.
"Kuya? bakit kayo napunta dito? Paano?,” tanong ko sa kanya.
"Kaninang nasa byahe kami, napanood namin sa News ang nangyari kay Ron. Nabanggit din na napunta nga ang ate mo sa NCMH. Ang sabi ng ate Lizeth mo, kakailanganin mo ako, kami at alam mong hindi ka namin pababayaan,” paliwanag ni Kuya Lance.
Sa puntong iyon, napaluha ako ng hindi ko namamalayan. Napayakap ako kay Kuya Lance. Lumapit din si Ate Lizeth at yumakap din sa aming dalawa at umiiyak. Damang-dama ko ang suporta ng dalawa. Kung noon tanging si Kuya Lance lang ang nagiging sandigan ko, ngayon nandito na din si Ate Lizeth na handang tumulong sa akin sa malulungkot kong sandali.
Sa loob ng bahay pinag-usapan namin ang mga balak kong gawin. Sinabi ko na limang buwan lang ako sa pilipinas at sa loob ng limang buwan na iyon at mabuti-buti na ang kalagayan ni Ate, aalis na ako at isasama ko na si Ate sa Amerika at para doon na din siya magpagaling. Kwinento ko sa kanilang dalawa ang napanood ko sa video tapes at hindi na rin nila ninais na mapanood iyon. Habang sinasabi ko ang mga nangyari tungkol sa Ate, tuloy-tuloy pa din ang agos ng luha ko. Sobrang sakit ng tagpong iyon na tila ba lililok na sa aking puso at buong pagkatao, habangbuhay. Mas masakit iyon kaysa sa sakit na aking nadarama ng aking mapagtanto na kahit kailan hindi na magiging akin si kuya Lance.
Mga dalawang linggo na din ang lumipas at ang tagpong aking natunghayan ay hindi pa rin napaparam sa akin puso. Minabuti nila ate Lizeth at Kuya Lance na samahan ako sa bahay hanggang sa aming pag-alis ni ate patungo sa Amerika.
Sa balkonahe, nakatitig sa kawalan si Kuya Lance habang si Ate Lizeth at Rose ay nasa kusina. Sinabihan ako ni Ate Lizeth na kausapin ko si Kuya Lance ng hindi ako maiinip.
Lumapit ako sa kanya.
"Kuya, kamusta kayo ni Ate?,” seryosong tanong ko.
"Mabuti naman kami, sobrang swerte ko sa kanya? Ikaw, may boyfriend ka na di ba?, kelan mo naman balak mag-asawa?,” bwelta nya sa akin.
Napayuko lang ako sa tanong nya. Hindi ko alam ang sasabihin dahil wala namang laman ang puso ko kundi tanging sya lamang. Pagdaka'y bigla syang umimik ng hindi ko inaasahan.
"Mahal mo pa rin ako Lita?,” tanong nya.
Halos malusaw ako sa tanong niya ngunit bahagya akong tumango. Matagal bago sya muling umimik, matagal. Para bang libong oras na ang nakalilipas at nanatili lamang din akong nakayuko. Hindi ko man makita ang kanyang mukha ngunit ramdam ko na nangingilid ang kanyang luha.
"Sorry Lita, sana mapatawad mo ako,” mahina nyang sabi.
At muli, matagal na katahimikan ang naging musika. Nakabibingi iyon. Nakakabinging katahimikan. Hindi ko na halos makayanan ang aking damdamin at isa na namang pagbaha ng mga luha ang nakaantabay sa aking mga mata. Ngunit bago pa man ako bumigay, pumasok na din ako ng bahay at inaya ko siya.
"Tara kuya, nakahanda na siguro ang pagkain,” mabilis kong aya.
"Sige susunod ako mamaya-maya,” sagot nya.
Sa aking isipan naglalaro pa din ang naging reaksyon ni Kuya Lance tungkol sa aking tunay na damdamin. Hindi ko alam kung may pagmamahal din siyang nadarama. Pero hindi, sobrang mahal niya ang Ate Lizeth at alam ko totoo ang pagmamahal nya sa Ate. Pero bakit malungkot si Kuya Lance? Dahil ba ito sa kalagayan ng buhay ko ngayon? O baka may pagmamahal din siya sa akin? Nagtatalo ang damdamin at isipan ko, hindi pwedeng ganito. Dapat noon pa man sinupil ko na ang damdaming ito na hindi ko napanindigan noon.
Sa hapag-kainan.
"Lita paano nga pala ang Visa ng ate mo?,” tanong ni Ate Lizeth.
"Masyadong mahigpit sa immigration ngayon, sa kaso niya maaaring mahirapan tayo,” dagdag pa niya.
"Ei ate matagal ko ng nailakad ang green card ni Ate, kung tutuusin noong nakaraang buwan pa sya pwedeng lumipad pa-amerika kaso hindi ko na siya na-kontak. Kung yung sakit naman niya ang inaalala mo ate, ei hindi naman nakakahawa yun. Above poverty line din naman ang income status ko sa America. Wala naman na sigurong magiging problema. Magpapatulong na lang din ako siguro sa kakilala ko sa immigration kung sakali,” tuloy-tuloy kong paliwanag.
"Ahh, mabuti naman kung ganon,” maikli nyang sagot.
Nanatiling walang imik si Kuya ng mga sandaling iyon at labis akong nag-aalala sa pinapakita niya. Pagkatapos kumain, tinulungan ko si Rose sa pagliligpit. Nagtungo naman ang mag-asawa sa balkonahe. Masinsinan silang nag-usap. Para bang may gustong sabihin sila sa akin na hindi kayang sabihin ni Kuya Lance. Umiiling kasi ito at malungkot ang mukha.
Makailang saglit pa lumapit sa akin si Ate Lizeth.
"Lita, alam kong mahal mo ang asawa ko, pero natatakot syang saktan ka kung kaya may sikreto syang hindi masabi sa iyo, sikreto na itinago nya sa inyo ng ate mo sa mahabang panahon. Pero sana ano man ang marinig mo mula sa kanya mapatawad mo siya,” malungkot na paliwanag ni Ate.
Ngunit ano pa man, hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi ni Ate Lizeth. Kung kaya wala akong nagawa, lumapit ako kay Kuya Lance. Nakatitig siya sa kawalan habang tuloy-tuloy ang agos ng kanyang luha.
"Kuya Lance bakit? Kasalanan ko ito, wala kang dapat ikalungkot. Hindi mo kasalanan na mahalin kita,” paos kong sabi sa kanya.
Umaagos na din ang aking luha ng mga sandaling iyon.
"Hindi Lita, kasalanan ko ang lahat. Plinano ko na mahulog ang loob mo sa akin noon. Ako ang nag-iisang anak na lalaki ni Mang Kadyo. Ang taong pumatay sa iyong ina, ang taong nagwasak ng kinabukasan ng ate mo,” mautal-utal na sabi ni Kuya Lance.
Pinagpatuloy ni kuya Lance ang pagpapaliwanag,
"Ako ang sumira sa buhay nyo. Nakita ko kung paano patayin ng aking ama ang iyong ina. Nakita ko din kung paano halayin ng aking ama si Marie. May mga pagkakataon na pwede ko siyang iligtas pero pinigilan ko ang sarili ko. Inisip ko na tama lang sa inyo yun, kapalit ng pag-agaw nyo sa aking ama. Matinding sakit at gutom ang inabot namin noon, dahilan din iyon upang ikamatay ng bunso kong kapatid. Totoong tinulungan ko kayong tumakas ng patayin ni Marie ang tatay pero ito ay upang mapaghigantihan ka din. Sinira nyo ang aking buong pamilya noon kaya marapat lang na makapaghiganti ako sa inyong lahat"
Nagtuloy-tuloy na din ang luha ko, hindi ko magawang maniwala sa sinasabi niya ngunit nagpatuloy sya sa pagsasalita.
Sabi nya, "Itinakda ko na mahulog ang iyong damdamin sa akin, kailangang mawasak ko ang iyong pagkatao, ngunit ng gabing iyon, ang gabi na muntik ko ng masira ang iyong pagkatao. Hindi ko na mapanindigan ang paghihiganti ko. Hindi na kita magawang saktan. Kung may nangyari sa atin, masisira lang kita. Alam mong hindi kita mahal tulad ng pagmamahal ko sa ate Lizeth mo, hindi na yun magbabago at tanging si Lizeth lamang ang aking mamahalin habangbuhay pero minahal kita bilang kapatid, bilang bunsong kapatid na noo'y lumisan sa amin. Totoong inalok kita ng kasal noon kahit walang pagmamahal ng katulad sa ate Lizeth mo, nagawa ko yun upang maprotektahan ka. Natakot ako na dahil sa pangyayaring iyon ay masira na ang kinabukasan mo. Alam kong mabigat sa iyo ang mga naririnig mo ngayon pero hindi ko pwedeng dalhin ito habangbuhay tulad mo Lita gusto ko din na tunay na lumigaya. Sana Lita, mapatawad mo ako, sana"
Yumakap ako sa kanya ng buong higpit habang patuloy ang pagbaha ng luha mula sa aking mata ngunit hindi ko dama ang galit sa kabila ng paggiging anak nya ni Mang Kadyo. Hindi ko dama ang galit sa kabila ng pagpapabaya nya kay ate Marie. Hindi ko dama ang galit sa kabila ng masama nyang balak sa akin. Noon pa man pinatawad ko na sya pero siguro nga kailangan ko na din na pakawalan ang pagkakulong nya sa puso ko. Kailangan ko ng tanggapin na si Ate Lizeth ang may-ari ng mundo nya, kailangan.
"Kuya Lance, pinatawad na kita at alam kahit kailan hinding-hindi ko magagawang magalit sa iyo,” bulong ko sa kanya.
Sumilip na din si Ate Lizeth sa eksena, malungkot din ang mukha. Yumakap din sya sa aming dalawa.
Makalipas ang limang buwan, hindi pa din bumubuti ang kalagayan ng ate. Umalis na din sila Kuya Lance at Ate Marie sa bahay, kailangan na daw nilang umuwi dahil sa makalawa na rin ang pagbalik nila sa London. Si Rose naman ay bumalik na sa dorm upang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Mula sa ospital, umuwi akong nag-iisa sa bahay ngunit wala na ang malungkot na mukha. Nakangiti na ako. Handa ko nang iwan ang problema kasama ang pagmamahal ko kay kuya Lance na lumilok sa aking pagkatao. Dumiretso ako sa kwarto. Kipit sa aking puso ang masasayang alaala ng kahapon. Mga alaala ng pagmamahal at pagkalinga ni Kuya Lance. Hawak ang isang botelya ng panlinis ng alahas, nilagok ko iyon. Humiga ng payapa sa kama at pinikit ang mga mata. Sa wakas lalaya na ako sa paglalaro ng tadhana. Magpapaalam sa mundong naging kabahagi at limilok ng aking pagkatao. Salamat sa mga alaala Kuya Lance. Salamat.
~wakas~
~~~~~~~~~~~********~~~~~~~~~~~~
Pasasalamat:
At tuluyan na pong magsasara ang tabing ng lilok. Nawa'y nabahaginan ko kayo ng aral ng mundo. Maaaring may mga sensitibong bagay akong ibinahagi sa kwentong ito, ngunit ninais ko din na hindi itago sa inyo ang katotohanan ng buhay. Hindi maiiwasan dumarating ang problema, may lungkot, pagkabigo ngunit kailanman hindi mawawala ang pagmamahal at pag-ibig sa ating buhay at puso. Tatak ito sa ating pagkatao at lililok sa bawat yugto na ating madaraanan.
ang haba ng gawa mong kuwento na ito..magaling ka para sa akin..di ko kaya ang ganun kahabang pagsusulat ng kuwento kahit kathang isip lang..
TumugonBurahin5 of 5..last post for this year..ang pagbibigay ng kaunting sakit ng ulo..good luck sa pag iisip..
wow! TAGA PAETE KA! SUPER GULAMAN, AKO RIN EH
TumugonBurahin