Lumaktaw sa pangunahing content

...destinasyon...

2010 na!...bago ang lahat hayaan nyo muna akong salubungin ang bawat isa sa inyo ng CONGRATULATIONS! binabati ko ang bawat isa sa matagumpay na paglalakbay sa taong 2009... taong 2010 na at isa na naman itong panibagong paglalakbay...kaya mga kapatid mangako po kayo na sa dulo ng 2010 ay magkikita pa din tayo... :)

katulad ng mga sinasabi ni Kosa, "ang buhay ay isang paglalakbay"...paglalakbay ng tagumpay at pagkabigo, paglalakbay ng pagkadapa at pagbangon, paglalakbay ng ligaya at pighati...isang mahabang paglalakbay...at sa mahabang paglalakbay na ito mahalaga na may baon kang tangan... katulad ng tatlong haring mago na bukod sa kanilang handog na mira, insenso at ginto na simisimbulo ng kadakilaan, panalangin at pagdurusa... may mahahalaga silang tangan sa kanilang paglalakbay... tangan nila ang liwanag ng bituin na nagsilbing gabay sa kanilang paglalakbay, tangan din ang ligaya at pananampalataya sa kanilang puso...at bukod sa lahat tangan din nila ang pag-asa na makakarating sila sa kanilang paroroonan... at katulad ng tatlong haring magong ito tayo din ay muling maglalakbay... mahalaga na sa ating paglalakbay ay tangan din natin ang liwanag, ligaya, pananampalataya at pag-asa sa ating mga puso...

totoong hindi magiging madali ang paglalakbay na ito sa taong 2010...katulad ng nagdaang mga taon muli tayong magkakamali at madadapa...ngunit alam kong tayong muling titindig at itatama ang mga maling gawi...katulad ng tatlong haring mago na sa kanilang paglisan mula sa sabsaban ay hindi na muling tinahak ang daan patungo sa pagkakamali...

"Sa kahit na anung landas ang tatahakin, maging patag o baku-bako man ang daraanan...mahalagang tangan natin ang biyaya ng liwanag, ligaya, pananampalataya at pag-asa sa ating mga puso...dahil sa dulo ng paglalakbay na ito... iyong matatagpuan ang iyong destinasyon...ang iyong tahanan...ang iyong tunay na tahanan" ---SuperG


Happy Three Kings!



Mga Komento

  1. Amen!

    kaya naten lahat ng pag subok, basta may pananalig tayo kay bro, :D congrats kuya! happy new year!

    TumugonBurahin
  2. naks...
    tumpak...
    tayo misma sa ating mga sarili kailangan nating mahanap ang tunay na tahanan...
    bigatin ka kuya!
    hehe.
    HAPPY THREE KINGS!

    :P

    TumugonBurahin
  3. congrats din sau super G! it's been a great ride this 2009 diba. nice knowing you here in blogger :D

    TumugonBurahin
  4. Happy New Year at Happy Three Kings!!!

    tuloy tuloy lang ang ating paglalakbay SuperG!:D

    TumugonBurahin
  5. happy new year..habang kaya pa at may mapupuntahan pa ang paglakbay ay tuloy lang..may iba man na hindi na mapuntahan ay hahanap pa rin ng ibang daan para may mapuntahan..dahil ang mundo ay iisa nga lang pero marami siyang destinasyon..you can go everywhere na doon may makakasalumuha ka..itakwil ka man ng mapuntahan mo sa ibang mapupuntahan mo ay baka hindi ka itakwil..kupkupin ka nila at kaibiganin..

    TumugonBurahin
  6. "Sa kahit na anung landas ang tatahakin, maging patag o baku-bako man ang daraanan...mahalagang tangan natin ang biyaya ng liwanag, ligaya, pananampalataya at pag-asa sa ating mga puso...dahil sa dulo ng paglalakbay na ito... iyong matatagpuan ang iyong destinasyon...ang iyong tahanan...ang iyong tunay na tahanan" ---SuperG

    ahalab 'ur quote kuyah.... teka medyo nosebleed ang ibang tagalog moh.. ahehe... kuyah!!! makikibati ren.. happy new year... may u have a blessed new year... ingatz kah lagi... Godbless! -di

    TumugonBurahin
  7. wow.
    starring ang poging pogi ahh!

    nice words parekoy.
    at nakikiisa ako sayo..
    kitakits pa rin pagkatapos ng 2010, 2011,2012... at hanggang sa heaven!

    HAPPY THREE KINGS!

    TumugonBurahin
  8. "tayong muling titindig at itatama ang mga maling gawi"

    - sana ganito lahat ng tao. :)

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...