Lumaktaw sa pangunahing content

...the reunion....

...10 taon na din ang nakakalipas...oha! at muling nagsama-sama na naman ang tropa... nakakatuwang isipin na kahit na 10 taon na din ang nawala, nandoon pa din ang kulit at saya buhat ng tayo ay lumisan sa masayang buhay highschool... nag-iba-iba ng landas...iba-ibang daan ang tinahak... pero kahit anu pa man ang naroon sa mga daang iyon, nadoon pa din ang ngiti dulot ng lumipas na kahapon...



...mam curray, pasensya na po, hindi ka na po namin nayaya sa muling pagtitipon ng iyong mga anak...hindi kasi malapit ang NZ sa Pinas...next time sana sa NZ nmn... at sa mga hindi nakasama...wag kayong mag-alala...may next time pa...:)

...pero sana sa susunod wag ninyo naman akong lasingin, mahirap gumapang pa-uwi... ahahaha... pero ayuz lang naman daw ito sabi ng Grasya, minsan-minsan lang naman at sa loob ng sampung taon na hindi pagkikita ng lahat...marapat lamang na kayo'y pagbigyan ng masayang tagayan... :D

hanggang sa muli...

*ching, ang hagdan ay ginagamit sa pag-akyat..hindi sa paglipad...ahahahaa..peace...^_^*






Mga Komento

  1. wooooooh!
    ang lufeeet parekoy.
    may kilabot akong naramdaman..
    siguro inggit lang ako.

    isa to sa pinapangarap ko... tropa reunion ng highschool.

    ito yung yugto ng buhay natin na sobrang nagbigay ng malaking impluwensya sa kung paano natin haharapin ang ating mga buhay!

    mabuhay parekoy!

    TumugonBurahin
  2. ansaya naman.. hehe :)) halatang namis nyo lahat ang isa't-isa kuya ah. hehe :)) katuwa. :)

    dalawang beses ko pinanood, hinanap ko si ate jez eh. hehe.. di pla xa kasama.

    ayun.. hehe

    TumugonBurahin
  3. @kosa
    yeah parekoy....katuwa lng din kasi na kahit mejo magkakaiba na kami ng mga pinagkakaabalahan pareho pa din kami ng mga kakulitan ahehehe.... kulang pa nga yan eh, madami pa wala...sayang wala din yung teacher namin... ahehehe...

    @kox
    uu nga...andugas ni jez...niyaya ko sya malayo pa lng...inde nmn nya ako kinontak...ayyy...nweiz bawi sa sususnod..madaming susunod pa nmn yan... ;)

    TumugonBurahin
  4. hangsaya naman... bitin HS koh sa pinas eh so not sure kung magkareunion don eh kasama akoh... baka here na lang... 'la lang... katuwa lang mga pixs nyo... hangsaya lang... kc yung bonding nyo ren and everythin'... kainngit.. so yeah.. laterz kuyah... look like u guyz had a blast.. Godbless! -di

    TumugonBurahin
  5. haaaaaaaaaaaaaaaaayst.
    ayoko mahiwalay sa mga kaklase ko, ahaha!
    EMO.
    kainggit!
    sana every day kami may reunion after grad...
    ahaha!
    :P
    nice Super G!!!
    :P

    TumugonBurahin
  6. iba talaga ang kasiyahan na nadarama kapag reunion sa high school..muling nasasariwa sa isip mga pangyayari noong kabataan pa..

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

...Jeepney...

...sarao, mega, armak, malagueña, hebron, at marinel...pamilyar? ...oo, tama mga kilalang pangalan yan sa produksyon ng mga jeepney na pumapasada sa kalakhang Maynila at iba't ibang dako ng Pilipinas...hindi ko nga lang alam kung patuloy pa din ang kanilang pananatili sa merkado... matapos tumumal ang paggamit ng kalesa na syang dating simbulo ng transportasyon ng Pilipinas, naging kultura na nga pilipino ang paggamit ng jeepney... ang mga dating kutsero ay nagsimula ng mag-aral ng pagmamaneho ng jeep at dahil sa may mga pagkakataon na namimiss nila ang kanilang mga kabayo na idinoneyt sa Sta. Ana at San Lazaro, naglagay na lang sila ng pigura ng mga kabayo sa unahan ng jeep...totoo, masyadong senti ang mga Pilipino pagdating sa mga bagay na nakasanayan na... hindi nya ito agad binibitawan hanggang matutunang iayon ang sarili sa dapat nyang malaman... matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig at paglisan ng mga Amerikano sa bansa...ang tira-tirang Jeep na ginamit sa digmaan ay mu...

..regalo...

Paalala: ooooppssss...bago po tayo magbasa, paki-play muna ang youtube video sa gilid, para may background tayong musika... ...kanina pa ako nakaharap sa monitor ng computer ko...nag-iisip kung ano ang maaari kong maibahagi sa inyo...gusto kong sanang ikwento ang pakikipaglaban ng mga espesyal na numero na nasa utak ko, ito ang mga numerong itinago sa kaaramihan ng tao, mga numerong pinalayas sa mundo at siniksik sa maliliit na espasyo...ngunit tila ba hindi ito angkop sa panahon na ngayon, hindi matalo ng utak ang bugso ng damdamin ko...tila ba umaayon ito sa araw ng mga puso...hindi ko alam baka sa ibang araw ko na lang sila maipagsigawan...ang sabi ng puso ko...ito ang i-blog mo... ang themesong nang buhay mo...ha? themesong...wala ako nun...kahit kami ni Grasya walang themesong eh... hindi ito bola...hindi stir...limang taon na kami pero themesong wala kami...mahilig ako sa musika...rnb, pop, love songs, blue songs, alternative, rap, rock, emo, country songs, noise ...o kahit ano.....

Bawal Basahin ang Nakasulat Dito

"Bugtong-bugtong. Hindi tao, hindi hayop, wala ka nito, wala din ako, wala ang bawat Pilipino, ano ito?" Sagot: Disiplina Ano nga ba ang disiplina? O mas maganda tanungin natin ang mga Pilipino.  Pero kahit anong hagilap nito, hindi ito makikita dahil wala ito sa bokabularyo ng Pilipino.  Aminin man natin o hindi, isa tayo sa madaming lahi sa buong mundo na wala nito. Kung sa ranking na 1-10 at 10 ang pinakamataas, malamang sa malamang ay 10.5 tayo sa kawalan ng disiplina.  Hindi ko naman sinasabi na lahat ng Pilipino ay ganito ngunit ito ang katotohanang hindi natin maitatanggi.  Maraming problema sa Pilipinas tulad ng basura sa estero, ilog at dagat, traffic sa lansanggan, mga taong walang trabaho, mabagal na proseso sa mga opisina pampubliko man o pribado, droga, korapsyon, prostitusyon, tsimosa sa kalye o social media, teenage pregnancy, squatter sa mga kalunsuran, sugal, babaero na hindi naman gwapo, mga siga sa kalye, rapist, lasenggero, holdaper, ...