...at tuluyan na ngang nasuspinde ng dalawampung araw (20 days) sa pag-ere ang isa sa aking paboritong show sa kapamilya network-- ang showtime.... sa mga hindi po nakaka-alam ng tunay na dahilan, ito po ay dahil sa mga hindi kaaya-ayang pananalita ng Guest Judge na si Rossana "Osang" Roces laban sa mga guro... narito po ang video mula sa youtube:
...at bilang isang guro at estudyante din, may mga ilang bahagi ng kanyang komento ang maganda din namang pagtuunan ng pansin... sabi nga ni Osang, "Huwag kayong makukuntento sa itinuturo ng libro at ng teacher..." ...oo, tama sya sa puntong iyan na ang kaalaman ay hindi lamang humihinto sa kung anung laman ng utak ng guro, sinabi ng guro, alam ng estudante, nakasulat sa libro at hindi lang din ito nagtatapos sa apat na sulok ng silid-aralan... walang hanggan ang kaalaman at patuloy itong nagbabago sa patuloy na pag-inog ng mundo...
...sabi ni Osang, "Teachers are just repeaters"...pero Osang, teachers are not just repeaters... mas mahigit pa sila dun... totoong ang mga guro ay repeaters, pero mahigit pa talaga sila dun... bago pa man malikha ang sibilisasyon ng tao sa Ehipto ang pagtuturo ay kadalasan na nasa paraang repetition at imitation... bakit? dahil ito ang basic...dito ka magsisimulang matuto at maging dalubahasa sa mga bagay na gusto mong matutunan...kung iyong maalala nun Grade 1 ka, nakailang ulit mo bang binasa ang ABAKADA para lang matuto magbasa...nakailang ulit mo bang pinuno ng mga salitang "I promise to do my homework everyday" ang pad paper mo noon para lang matutong magsulat at gumawa ng assignment... repetition or practice makes you perfect hindi ba?
...pero sa kabila ng mga iyong natutunan sa paaralan, tama nga bang murahin ang mga guro? kung ako ang teacher mo...Osang, anu nga pala ang mapapala ko kung sakaling alam ko kung bakit Rizal ang naging apelyido ng ating pambansang bayani? anung mapapala ko kung malaman ko na binago ito dahil sa kagustuhan ng mga Epanyol? at anung mapapala ko kung malaman ko na ang mga ninuno ni Rizal ay mula sa bansang China at Hapon? hindi ba mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang kanyang mga nagawa at kung paano iyon gagamitin sa kasalukuyang panahon at hinaharap?
...walang halaga ang talino ng tao kung wala siyang paggalang sa kapwa...walang halaga ang talino kung hindi ito nagagamit ng wasto... totoong madaling ituro ang kaalaman sa mundo dahil utak lamang ang puhunan dito ngunit ang kagandahang asal ay hindi maituturo kung wala dito ang puso...
...ang teacher ay tao din, hindi sila walking encyclopedia na tipong lahat ng kaalaman ay nasa iba't ibang parte ng katawan ng guro... may mga bagay silang alam base sa kanilang disiplina na tinututukan...anu nga ba ang masama kung hindi alam ng teacher ang tanong ng estudyante, dapat ba silang murahin dahil dito... hindi obligasyon ng guro ang magmistulang henyo dahil sa kanilang mga nalalaman... tungkulin lang nila ang magturo at gabayan ang mga mag-aaral sa mga kaalaman dapat nilang matutunan...
...pero anu nga ba ang pagiging guro? are teachers are just repeaters? na tipong ang mga bagay na nalalaman at gustong ibahagi ang siyang binibigay sa estudyante? ...para sa akin, teachers are NOT just repeaters... they are moulders*... sila ang lumililok ng pagkatao ng isang indibidwal... ang humuhulma ng kinabukasan ng bawat isa...sabi nga nila "Teaching is a Noble Profession" ... hindi lang ito isang trabaho... it is the best occupation among other occupations... walang engineer kung walang guro...walang doktor kung walang guro, walang scientist kung walang guro o kahit na presidente ng pilipinas ay wala din kung walang guro... kung hinahangaan mo si Sarah Geronimo bilang isang mang-aawit siguro'y marapat din na iyong hangaan si Frenchie Dy bilang kanyang voice coach... kung hinahangaan mo si Euclid bilang magaling na matematician, marapat din na iyong hangaan si Plato bilang kanyang mentor... kung hinahangaan mo si Bob Ong bilang manunulat, marapat din na iyong hangaan ang kanyang teacher nun grade 1 na nagturo sa kanya na bumasa at sumulat... aminado ako sa mga sinabi ni Osang na hindi lahat ng teacher ay sinasabi ang alam nila... totoo yun! dahil kahit kailan hindi din hinangad ng tunay na guro na magturo ng katamaran... sabi nga ng isa sa mga propesor ko noon, "nasa inyo na lahat ng makinarya para sa mga kaalaman, bakit hindi ninyo iyon gamitin... kung gaano nyo hinahangaan sina Newton at Shakespeare, mas hangaan ninyo ang inyong mga sarili dahil sa mga kaalaman ninyo ngayon, nahigitan na ninyo sila..."
hindi madali ang maging guro...at hindi din lahat ay para sa ganitong propesyon..."teachers are not made, they are born" sabi nga nila... walang tunay na teacher ang naging teacher dahil gusto lang nilang kumita... ang mga gurong nagtuturo na hindi iniisip ang kapakanan ng kanilang mag-aaral ay 100% na magreresign sa trabaho...kung hindi ka para sa propesyong ito, hindi ka mapupunta dito... kung wala ang iyong puso dito, hindi ka tatagal sa pagtuturo... ang pagtuturo ay walang utang na loob na propesyon... matapos ang iyong pagbabahagi ng kaalaman sa mga estudyante... ikaw ay kanila ng iiwan... wala silang babalikan dahil bitbit na ng bawat isa ang bahagi ng kaalaman na sa iyo'y nagmula... sa apat na sulok ng silid-aralan, ang guro ang syang humuhulma sa pagkatao ng indibidwal, hindi lang kaalaman sa asignatura ang hatid kundi kaalaman upang maging produktibong indibidwal... sa loob ng klase, walang makakapagsabi na ang mga estudyante ay magiging negosyante, doktor, engineer, o kahit maging presidente...wala din ang makakapagsabi na ilan sa mga iyan ay magiging magnanakaw at kriminal... at tanging ang impluwensya ng guro ang gagabay sa bawat isa kung anu nga ba ang landas na kanilang tatahakin... hindi madali ang maging guro....
totoo, isa akong guro, pero masasabi kong hindi pa ako ganap na guro...bakit? bukod sa kapirasong karton na may nakasulat na "Professional Teacher" saan pa ba ako naging guro? ... alam kong passion ko ang pagtuturo pero hindi pa ako handa... hindi pa ako handa sa mga codename na maaring ibigay sa akin ng aking mga magiging estudyante..teacher kulot, teacher kulit, teacher pogi... maaaring handa na akong maghandog ng kaalaman ngunit hindi pa din ako handang ibahagi ang buhay ko dito...hindi pa din ako handang mawalan ng pera, marami pa akong sinusuportahan...at hindi pa din ako handang humarap ng may buong pasensya sa mga estudyanteng katulad ni Osang.... dahil kung sa ngayon, sigurado akong hindi ko sya ipapasa sa subject ko....
(*) the word "moulders" was spelled in UK English for emphasis.

wag ganun osang! xlinks tayo super G? hehehe! na.add na kita sa blogroll ko.. salamat!
TumugonBurahinsalamat punky..cge add n kita sa blogrollers ko...aheks.. :D
TumugonBurahinwhoooah!
TumugonBurahingaleng SuperG, heartfelt na heartfelt...hehehe
pero seryoso, naniniwala ako sa lahat ng sinabi mo at nakikiisa ako sa sentimyento ng lahat ng mga guro...
ibalik ang respeto sa kanila dahil hindi biro ang pawis at dugong inilalaan nila para sa isang propesyong parating naooverlooked, propesyong may mababang pasahod...propesyong parating natatake for granted...
Minsan na rin akong naging Instructor, naalala ko pa mga Profesional ung mga estudyante ko, after nila sa work diretso sa klase ko para mag aral magcomputer...
TumugonBurahinSabi ko sa kanila nung unang meet namin, "Share ko kung ano yung nalalaman ko, pero kung may alam kayo share nyo rin sa akin, dahil hindi lahat alam ko"....
Wag nating iasa ang lahat sa mga guro natin na parang baby ka na lang na sinusubuan. Matuto rin syempre tayong mag aral mag isa dahil hindi lahat makukuha mo sa school...pag nagkaganuon parang tinuruan ka n ring maging tamad ng teacher mo, biruin mo lunok ka na lang ng lunok sa lahat ng isusubo nya sayo...
At sayo Osang, mas okey pang magpasalamat ka siguro ngayon sa mga teachers dahil natuto kang magbasa, sumulat, yun nga lang absent ka ata nung tinuro ung kagandahang asal.
@DETH
TumugonBurahinuu nga eh... khit hindi siguro ako maging guro, masasabi ko na sa isang parte ng buhay ko...guro din ang naging dahilan kung bakit nanatiling mataas ang tingin ko sa mga tulad nila... ;)
@Lord CM
yup tama..."spoon feeding" sabi nga nila... pero wala ngang silbi ang kaalaman kung hindi din kasi iyon pinaghirap...walng pinagkaiba yun sa pangngopya sa exam...pero sa totoo lng, nagngopya din nmn ako noon...pero sinigurado ko na hindi magtatapos ang semestre na wala akong natutunan...
sa kabila ng mga pangongopya sa klase...minulat kami ng aming mga guro sa hindi magandang epekto nito...na pagdating mo sa tunay na mundo...no cheating na...erasures are allowed at late papers are accepted... kasabay din nun ang mga turo ng kabutihang asal na hindi ko malilimutan... :)
Tama ka parekoy,
TumugonBurahinHndi nga madaling maging guro.
Hindi madaling magturo.
Hindi madaling humarap sa ibat ibang uri ng istudyante na naghahanap ng kaalaman.
kaya naman bilib ako sa inyo dahil nakakaya nyong hawakan, turuan at pagsamasamahin ang ibat ibang uri ng istudyante sa iisang klase...
Super Gulantang naman ako sa Video..dapat si Rosana ang Minumura!
ang dami kayang scandal na sangkot ang guro..ang nangyari at sinabi ni rossanna roces about sa guro ay kapiraso lang iyon na di magandang ginagawa minsan ng ibang guro na hindi mabuti..
TumugonBurahinmalupit ang chairman..dapat binigyan muna ng abiso ang namumuno ng showtime na sila ay sususpindihin pero hindi ginanun..paano kung may mag guest sa isang show na live at sikat na sikat na para lang siraan..sikat na kasi ang showtime mataas ang ratings kaysa wowoweee......pinolitika ang showtime..
TumugonBurahinHindi naman mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil kay osang. Join po kayo sa facebook namin http://www.walakasaloloko.info/2010/01/sikat-ang-pinoy-ang-walakasaloloko-info-ay-pume-facebook-na/
TumugonBurahinThanks!
salamat!
TumugonBurahinsalamat!
hindi ko ito napanuod eee.
dito lang...
haaaaaaayst.
namimiss ko na ang opening song...
pappa..rappa..rappa rapa...
tama ba? hehe.
:P
Hindi kaya si Osang ay pasang awa sa GMRC subject niya.
TumugonBurahinBaka kailangan din niyang bumalik sa pag-aaral para matutuhan niyang manahimik paminsan-minsan.
Totoo na the truth will set you free pero the lies will bring you worries.
Just a short visit.
I agree, hindi sila dapat murahin, after all, teachers pa rin sila. We should respect them.
TumugonBurahinAt totoong hindi madaling maging guro. Kudos!
i agree kasi ang tatay kow ay isang guro at nakkita kow ung paghihirap nya para maturuan ang mga estudyante blues!!hay juice kow osang ewwwwww...sandali may nagtext lols
TumugonBurahin@Kosa
TumugonBurahinyeah parekoy... mejo may guilt feeling din ako khit papano kung paano din ko din itrato ang aking mga guro pero hindi nmn ako siguro ako aabot sa tipong mumurahin ko sila...lahat ng binibagay nila para sa akin challenge lng yun... :)
@Arvin U. de la Peña
parekoy...totoong maraming guro na nasangkot sa scandal pero hindi lahat ng guro ay ganun... pra sa akin ang TUNAY na guro ay hindi kailanman nasangkot sa mga eskandalong tinutukoy mo... may code of ethics ang mga guro...ang sinumang lumabag doon ay hindi na maituturing kailanman na isang guro...:)
maaaring pinulitika nga ang showtime pero hindi siguro sangkot dito ang ibang show. ng kapamilya...walang naghihilaaan doon pababa...kung meron sa ibang network siguro... :D
@Sikat ang Pinoy
siguro nga...pero wala tayong magagawa dahil malas lng ng Showtime na napili nila sa Osang... :)
@gege
yeah tma yan nga yun... :D
@Ely Biado
uyyy salamat sa pagbisita.. yeah super agree ako jan... apirr!
@chacha
wow chacha gustong gusto ko yan name mo...bulilit bulilit ang liit-liit... ahehehe..
yup so true!.... :)
@Amorgatory
ahahaha..fan ito ni vice ganda... :D
Hindi ko napanood ang episode na yan ng showtime.Buti nalang at di ko napanood yun dahil kung nagkataong nanonood ako nun siguradong hindi ko mapapatawad si Osang sa mga mapangahas niyang pahayag.Masyado lang sigurong na overwhelm si Osang kasi nakapag judge siya sa showtime kaya umepal siya,Ang masasabiko lang kay Osang,wala siyang maaaring maipagmalaki sa mga guro sapagkat kung hindi siya pumasok ng paaralan nung kanyang kabataan ay hindi niya malalamang Jose Protacio Rizal ang pangalan ng ating pamabansang bayani.At hindi niya malalamang ang apelyidong Rizal ay hindi hango sa apelyido ng kanyang mga magulang.Mas lalong wala siyang karapatang murahin ang mga magigiting nating guro dahil kung dahil sa mga ito hindi siya makakapag artista at makakapaghubad sa harap ng camera.Nakalimutan siguro niyang Bold star siya.Nais ko lang ipaalala kay osang kung ano ang kanyang trabaho para mahiya siya sa mga pinagsasabi niya.
TumugonBurahin